You are on page 1of 4

KUNG MAY LAGNAT, ANO ANG DAPAT GAWIN

NAPAKAORDINARYO lamang ang magkalagnat, subalit alam mo na ba ang gagawin mo kung ikaw, ang iyong anak o kasambahay ay nilalagnat? Kung may nilalagnat, ang sumusunod ang nararapat gawin: Pag-inom ng tubig Hayaang uminom ng mara-ming tubig ang taong nilalagnat. Kailangan niya ng tubig, juice at sabaw upang mapalitan ang nawawalang tubig ng katawan dahil sa lagnat. Pahinga Hayaan ang may lagnat na magpahinga. Ang karamihan sa lagnat ay kayang lunasan sa bahay. Ang taong may lagnat ay karaniwang bumubuti ang kalagayan sa loob ng dalawa hanggang limang araw. Ang pahinga, kasama ng masustansyang pagkain, ay mahalaga para sa mabilis na paggaling. Panatilihin ang may lagnat sa silid na may nakabukas na bin-tana. Ngunit, iwasan ang direktang tama ng hangin sa maysakit. Tamang kasuotan Hayaan ang maysakit na magsuot ng damit na komportable siya. Kung naiinitan, pasuotin ng manipis na damit. Kung giniginaw, hayaan siyang nakakumot. Pagpunas Punasan ng maligam-gam na tubig ang buong katawan. Sundan ito kaagad ng pantu-yong bimpo. Ang pagpupunas ay nagbibigay ng ginhawa sa may lagnat. Punasan ang noo, mukha, kilikili, braso, kamay, dibdib, hita, binti at paa. Kung nanaisin, gumamit ng pinaglagaan ng dahon ng suha, sambong o iba pang mabangong dahon. Maaari ring hilutin ang ulo upang maginhawahan. Magpagamot Ang lagnat ay sintomas ng iba't ibang karamdaman. Ang kadalasang sanhi ng lagnat ay trang-kaso. Ito ay isang klase ng impeksyon dahil sa mik-robyong tinata-wag na influenza virus. Hindi kailangan ng antibiotic sa ganitong klase ng impeksyon. Ang lagnat ay masasabi ring depensa ng ating katawan. Kung may lagnat, mas nalala-banan ng katawan ang mikrobyong sanhi ng impeksiyon. Humingi ng tulong sa doctor kung: o Ang lagnat ay mahigit na sa tatlong araw; o Ang lagnat ay pabalik-balik; o May pamumula sa balat o rashes; o May pamumula sa paligid ng pigsa; o May paninilaw; o May pamumutla;

o Hindi makakain; o May pamamayat; o May kombulsyon o walang malay; o Matigas ang leeg; o Masakit ang tenga; o Masakit ang paglunok; o May ubo at mahirap ang paghinga; o Masakit ang tiyan; o May grabeng pagtatae; at o Masakit o mahirap umihi. Ang iba pang dahilan ng lagnat ay mga impeksiyon tulad ng hepatitis, ton-sillitis, tuberculosis, den-gue, dy-sentery bronchop-neumonia, malaria, impek-siyon sa bato, pigsa at meningitis. Siguraduhing kumpleto ang bakuna ng mga bata. At kung nilalagnat ang bata dahil nagpabakuna, huwag mata-kot. Ang mga bakuna ay maa-ari ring maging sanhi ng lagnat. MAY UBO AT SIPON SI BABY. ANONG GAGAWIN? Mga bagay na pwede mong gawin para siguraduhing ligtas ay iyong baby: Meron bang ubo ng ubo sa inyong pamilya? Dapat magpatingin sya sa doktor. Ang ubo na higit na sa ilang linggo ay posibleng TB, na syang nakakahawa rin sa mga bata. Kumpleto ba ang bakuna ng iyong baby? Siguraduhin ding regular syang nababakuhanan ayon sa mga rekomendasyon ng DOH. Ang ilan sa mga bakunang ito ay nakakatulong na makaiwas sa mga ibat ibang uri ng sakit na may ubo. Maaliwalas ba at malayang nakakadaloy ang hangin sa inyong bahay? Ang mga alikabok, polusyon, usok, at iba pang mga bagay ay nakakairita sa baga ng mga sanggol, at maaaring maging sanhi ng ubong hindi gumagaling. Kung nakatira kayo sa isang lugar na maraming tao, dalhin ang baby sa isang lugar na maluwag at kung saan siyay makakahinga ng malaya. Muli, iwasan ang pag-inom ng gamot kung itoy pangkaraniwang ubo lamang. Huwag sanayin si baby sa ibat ibang gamot, maliban na lang kung itoy nireseta at talagang rekomendado ng inyong doktor. Wala ka bang mapatingnan na doktor? Nariyan rin ang mga health center at mga barangay health worker na pwede ninyong lapitan. Kahit mga doktor ay naniniwala sa mga payo ng matatanda, tungkol sa ubot sipon: Uminom ng maraming tubig at pagpahingahin ang sanggol. Siguraduhin ring regular at wasto ang kanyang nutrisyon. Ang breastfeeding o pagpapasuso ay mainam para sa mga sanggol hanggang dalawang taon. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat pagmasdan sa baby, at ang mga ito ay sapat na dahilan para magpatingin: Ubong hindi pa nawawala na mahigit na sa isang linggo Ubo na may kasamaang lagnat (38 degrees pataas) May halak o huni na parang hika Mukhang nahihirapan nang huminga o hinihingal ang baby Nagiging kulay asul ang baby kapag inuubo Magpatingin sa inyong pediatrician o iba pang doktor upang matiyak ang kalalagayan ng inyong baby. KUNG MAY LAGNAT, ANO ANG DAPAT GAWIN

NAPAKAORDINARYO lamang ang magkalagnat, subalit alam mo na ba ang gagawin mo kung ikaw, ang iyong anak o kasambahay ay nilalagnat? Kung may nilalagnat, ang sumusunod ang nararapat gawin: Pag-inom ng tubig Hayaang uminom ng mara-ming tubig ang taong nilalagnat. Kailangan niya ng tubig, juice at sabaw upang mapalitan ang nawawalang tubig ng katawan dahil sa lagnat. Pahinga Hayaan ang may lagnat na magpahinga. Ang karamihan sa lagnat ay kayang lunasan sa bahay. Ang taong may lagnat ay karaniwang bumubuti ang kalagayan sa loob ng dalawa hanggang limang araw. Ang pahinga, kasama ng masustansyang pagkain, ay mahalaga para sa mabilis na paggaling. Panatilihin ang may lagnat sa silid na may nakabukas na bin-tana. Ngunit, iwasan ang direktang tama ng hangin sa maysakit. Tamang kasuotan Hayaan ang maysakit na magsuot ng damit na komportable siya. Kung naiinitan, pasuotin ng manipis na damit. Kung giniginaw, hayaan siyang nakakumot. Pagpunas Punasan ng maligam-gam na tubig ang buong katawan. Sundan ito kaagad ng pantu-yong bimpo. Ang pagpupunas ay nagbibigay ng ginhawa sa may lagnat. Punasan ang noo, mukha, kilikili, braso, kamay, dibdib, hita, binti at paa. Kung nanaisin, gumamit ng pinaglagaan ng dahon ng suha, sambong o iba pang mabangong dahon. Maaari ring hilutin ang ulo upang maginhawahan. Magpagamot Ang lagnat ay sintomas ng iba't ibang karamdaman. Ang kadalasang sanhi ng lagnat ay trang-kaso. Ito ay isang klase ng impeksyon dahil sa mik-robyong tinata-wag na influenza virus. Hindi kailangan ng antibiotic sa ganitong klase ng impeksyon. Ang lagnat ay masasabi ring depensa ng ating katawan. Kung may lagnat, mas nalala-banan ng katawan ang mikrobyong sanhi ng impeksiyon. Humingi ng tulong sa doctor kung: o Ang lagnat ay mahigit na sa tatlong araw; o Ang lagnat ay pabalik-balik; o May pamumula sa balat o rashes; o May pamumula sa paligid ng pigsa; o May paninilaw; o May pamumutla; o Hindi makakain; o May pamamayat; o May kombulsyon o walang malay;

o Matigas ang leeg; o Masakit ang tenga; o Masakit ang paglunok; o May ubo at mahirap ang paghinga; o Masakit ang tiyan; o May grabeng pagtatae; at o Masakit o mahirap umihi. Ang iba pang dahilan ng lagnat ay mga impeksiyon tulad ng hepatitis, ton-sillitis, tuberculosis, den-gue, dy-sentery bronchop-neumonia, malaria, impek-siyon sa bato, pigsa at meningitis. Siguraduhing kumpleto ang bakuna ng mga bata. At kung nilalagnat ang bata dahil nagpabakuna, huwag mata-kot. Ang mga bakuna ay maa-ari ring maging sanhi ng lagnat. MAY UBO AT SIPON SI BABY. ANONG GAGAWIN? Mga bagay na pwede mong gawin para siguraduhing ligtas ay iyong baby: Meron bang ubo ng ubo sa inyong pamilya? Dapat magpatingin sya sa doktor. Ang ubo na higit na sa ilang linggo ay posibleng TB, na syang nakakahawa rin sa mga bata. Kumpleto ba ang bakuna ng iyong baby? Siguraduhin ding regular syang nababakuhanan ayon sa mga rekomendasyon ng DOH. Ang ilan sa mga bakunang ito ay nakakatulong na makaiwas sa mga ibat ibang uri ng sakit na may ubo. Maaliwalas ba at malayang nakakadaloy ang hangin sa inyong bahay? Ang mga alikabok, polusyon, usok, at iba pang mga bagay ay nakakairita sa baga ng mga sanggol, at maaaring maging sanhi ng ubong hindi gumagaling. Kung nakatira kayo sa isang lugar na maraming tao, dalhin ang baby sa isang lugar na maluwag at kung saan siyay makakahinga ng malaya. Muli, iwasan ang pag-inom ng gamot kung itoy pangkaraniwang ubo lamang. Huwag sanayin si baby sa ibat ibang gamot, maliban na lang kung itoy nireseta at talagang rekomendado ng inyong doktor. Wala ka bang mapatingnan na doktor? Nariyan rin ang mga health center at mga barangay health worker na pwede ninyong lapitan. Kahit mga doktor ay naniniwala sa mga payo ng matatanda, tungkol sa ubot sipon: Uminom ng maraming tubig at pagpahingahin ang sanggol. Siguraduhin ring regular at wasto ang kanyang nutrisyon. Ang breastfeeding o pagpapasuso ay mainam para sa mga sanggol hanggang dalawang taon. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat pagmasdan sa baby, at ang mga ito ay sapat na dahilan para magpatingin: Ubong hindi pa nawawala na mahigit na sa isang linggo Ubo na may kasamaang lagnat (38 degrees pataas) May halak o huni na parang hika Mukhang nahihirapan nang huminga o hinihingal ang baby Nagiging kulay asul ang baby kapag inuubo Magpatingin sa inyong pediatrician o iba pang doktor upang matiyak ang kalalagayan ng inyong baby.

You might also like