You are on page 1of 20

PHILIPPINE EMIRATES PRIVATE SCHOOL Abu Dhabi, United Arab Emirates

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Grade 8


Petsa : Guro : Paksa : Pokus : September 15, 2013 Henry P. Nadong Heograpiya at Kabihasnang Asyano Mga Salik Pangheograpiya ng Asya

I.

Mga Layunin sa Pagkatuto (Learning Objectives): Sa loob ng 40 minuto, ang mga mag-aaral ay: 1. naipaliliwanag ang batayan ng pangheograpiyang paghahati-hati ng Asya; at 2. naipapaliwanag ang kahalagahan sa buhay ng mga Asyano ng iba pang salik pangheograpiya ng Asya

II.

Mga Karanasan sa Pagkatuto (Learning Experiences): A. Balik-Aral (Review): Anu-ano ang inyong nalaman o natatandaan sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas? B. Pagganyak (Motivation): Mystery Word Ang guro ay magpapaawit ng isang napapanahong awitin sa buong klase. Kasabay ng pag-awit ng mga mag-aaral ang pagpapasa ng isang kahon kung saan nakalagay ang pinaghiwa-hiwalay na letra ng salitang HEOGRAPIYA. Sa tuwing pagpapatigil ng guro ng pag-awit, ang mag-aaral na tinigilan ng kahon ay bubunot ng isang letra mula sa kahon. Aatasan ng guro ang mag-aaral na mag-isip ng mga lugar na matatagpuan sa Asya na nagsisimula sa letrang nabunot niya. Matapos mabunot ang lahat ng letrang laman ng kahon ay ipapabuo sa mga mag-aaral ang hiwa-hiwalay na letrang hawak ng mga mag-aaral na nakabunot. Aatasan ng guro ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang pang-unawa sa nabuong salita at ang mga lugar na ibinigay sa halimbawa.

1|Page

C.

Pagpapakilala (Presentation):

Mula sa mga sagot ng mga mag-aaral sa Pagganyak (Motivation) ay ipapakilala ng guro ang paksa sa pamamagitan ng pagpapakita ng mapa ng mundo. Hahayaan ng guro na ang mga mag-aaral ang magsabi kung ilan ang kontinente sa buong mundo pati na rin ang mga pangalan ng mga ito (Asya, Africa, North o Hilagang Amerika, Europa, Antarctica, Australia, at South o Timog Amerika). Kailangang mapansin ng mga magaaral na ang Asya ang pinakamalaki sa mga kontinenteng ito. D. Malayang Talakayan (Discussion): Mga Gabay na Tanong: a) b) c) d) e) saang salita hinango ang salitang heograpiya o geography; ano ang kahulugan ng salitang heograpiya o geography; ano ang mga naging batayan sa paghahati-hating heograpikal; bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya; at ano ang katangian ng Asya kung ihahambing sa iba pang kontinente ng daigdig

Numbered Heads Together Ito ay isang anyo ng tutorial group na makatutulong sa mga mag-aaral na muling talakayin o balik-aralan ang isang paksa sa maikling oras. 1. Papangkatin ng guro ang klase sa maliliit na pangkat at bibigyan ang bawat magaaral ng numero. 2. Ibibigay ng guro ang mga gabay na tanong na kailangang pag-usapan ng mga grupo. Mas maganda kung gagamitan ng projector ang pagpapakita ng mga gabay na tanong upang medaling makita ito ng mga mag-aaral. 3. Tatalakayin ng bawat pangkat ang mga tanong sa loob ng ilang minuto na ibibigay ng guro. 4. Kailangang alam ng bawat kasapi ng pangkat ang sagot sa mga tanong pagkatapos ng kanilang talakayan.

2|Page

E. Pagsusuri ng Pagkaunawa at Kaalaman (Evaluation) 1. Pagkatapos ng itinakdang panahon sa itaas ay patitigilin ng guro ang talakayan ng bawat pangkat at siya ay tatawag ng numero. 2. Ang mag-aaral sa bawat pangkat na may hawak ng tinawag na numero ay magtataas ng kamay at siyang sasagot sa tanong na ibibigay ng guro. Kung maibibigay ng mag-aaral ang tamang sagot sa tanong ay bibigyan ng puntos ang pangkat. Ang pangkat na magkakamit ng pinakamaraming puntos ang siyang tatanghaling nanalo.

3.

4.

F.

Pagpapahalaga (Valuing): Anu-anong natutungkol sa heograpiya ang nabanggit sa ating Pambansang Awit? (Perlas ng Silangan, Lupang Hinirang, dagat, bundok, lupa ng araw, luwalhati, at pagsinta) Ang pagkalingat pag-aalaga ba ng heograpiya at sa lahat ng nakapaloob ditoy pagpapakita ng pagmamahal at paggalang hindi lamang sa lumikha nito kundi pati na rin sa sarili mong bansa?

G. Paglalagom (Wrap Up): Mahalagang mapag-aralan ang heograpiya ng Asya upang maunawaan ang mga likas na pangyayari sa ating kapaligiran at kung paano natin ito mapangangalagaan tungo sa maayos na pagpapaunlad.

III.

Takdang-Aralin (Assignment): Hahatiin sa limang pangkat ang klase at bibigyan ng misyon na magsaliksik at alamin kung saang rehiyon sa Asya nabibilang ang mga sumusunod na bansa. 1. Unang Pangkat a) Pilipinas (Timog Silangang Asya / Southeast Asia) b) Japan (Silangang Asya / East Asia) c) Mongolia (Hilagang Asya / North Asia) 2. Ikalawang Pangkat d) India (Timog Asya / South Asia) e) Saudi Arabia (Kanlurang Asia (West Asia) f) Taiwan (Silangang Asya (East Asia) 3. Ikatlong Pangkat a) Sri Lanka (Timog Asya / South Asia) b) Iraq (Kanlurang Asya / West Asia) c) Thailand (Timog Silangang Asya / Southeast Asia)

3|Page

4. Ikaapat na Pangkat d) Singapore (Timog Silangang Asya / Southeast Asia) e) Korea (Silangang Asya / East Asia) f) Kazakhstan (Hilagang Asya / North Asia) 5. Ikalimang Pangkat g) Maldives (Timog Asya / South Asia) h) Georgia (Hilagang Asya / North Asia) i) United Arab Emirates (Kanlurang Asya / West Asia)

References: 1. Samson, M.C., et.al. (2010). Kayamanan (Kasaysayan ng Asya; Binagong Edisyon). Manila: Rex Printing Company, Inc. 2. www.mapsofworld.com

4|Page

PHILIPPINE EMIRATES PRIVATE SCHOOL Abu Dhabi, United Arab Emirates


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Grade 8

Petsa : Guro : Paksa : Pokus :

September 16, 2013 Henry P. Nadong Mga Katangiang Pisikal ng mga Rehiyon sa Asya Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

I.

Mga Layunin sa Pagkatuto (Learning Objectives): Sa loob ng 40 minuto, ang mga mag-aaral ay: 1. nailalarawan at napag-iiba ang mga katangiang pisikal ng Asya at ng mga rehiyon nito; 2. natutukoy ang mga anyong lupa at anyong tubig sa Asya; at 3. nakapagmumungkahi ng mga konkretong paraan sa pangangalaga ng mga yamang ito.

II.

Mga Karanasan sa Pagkatuto (Learning Experiences): A. Balik-Aral (Review): Ano ang heograpiya? Ano ang naging batayan ng paghahati-hating heograpikal? Ilang kontinente mayroon ang buong daigdig? Ano ang pinakamalaking kontinente? B. Pagganyak (Motivation):

5|Page

Batay sa resulta ng takdang aralin ay malalaman ng mga mag-aaral na binubuo ng limang rehiyon ang Asya Hilagang Asya (North Asia), Timog Asya (South Asia), Silangang Asya (East Asia), Kanlurang Asya (West Asia), at Timog Silangang Asya (Southeast Asia). C. Pagpapakilala (Presentation): Sa pamamagitan ng projector ay magpapakita ang guro ng mga larawang mula sa limang rehiyon ng Asya sa aspeto ng anyong lupa at anyong tubig. Aatasan ng guro ang mga bata na isulat ang kanilang napuna o obserbasyon sa mga nakitang larawan at subukang sagutin kung saang bansa makikita ang mga ito.

Pilipinas (TSA)

Mongolia (SA)

India (TA)

Japan (SA)

Saudi Arabi (KA)

6|Page

D.

Malayang Talakayan (Discussion): Jigsaw 1. Ang pangkat jigsaw ay binubuo ng anim na miyembro na bibigyan ng academic material o paksa ng guro. 2. Ang bawat academic material ay hahatiin sa anim na seksyon at ang bawat miyembro ng pangkat ay magtatrabaho sa isang seksyon. 3. Ang mga miyembro ng ibat ibang pangkat na itinalaga sa magkakatulad na seksyon ay magsasama-sama. Ito ay tinatawag na expert group. 4. Tatalakaying mabuti ng bawat expert group ang kanilang seksyon. 5. Pagkatapos ng talakayan ay babalik ang mga miyembro ng expert group sa orihinal nilang pangkat at tatalakayin ang buong academic material na ibinigay sa pangkat. Sa ganitong paraan ay mahihikayat ang mga miyembro ng pangkat na making at magpakita ng suporta sa gawaing ibinigay sa lahat ng miyembro nito. Mahaharap ang mga mag-aaral sa tunay na sitwasyon na makabubuti sa pagkatuto. Ang academic material na ibibigay ay ang tungkol sa mga anyong lupa at anyong tubig ng Asya at kung saan-saang mga bansa matatagpuan ang mga ito. a) Expert Group 1 mga bundok at bulkan (mountains & volcanoes), mga ilog (rivers) b) Expert Group 2 mga talampas (plateus), mga lawa (lakes) c) Expert Group 3 mga kapatagan at lambak (plains & valleys), mga golpo (gulfs) d) Expert Group 4 mga tangway (peninsulas), mga kipot (straits) e) Expert Group 5 mga pulo at kapuluan (islands & archipelagos), mga dagat (seas) f) Expert Group 6 mga disyerto (deserts), mga karagatan (oceans)

E.

Paglalagom (Wrap Up): Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig. Dito matatagpuan ang halos lahat ng uri ng anyong lupa at anyong tubig. Dapat nating ipagmalaki bilang mga tagaAsya na sa Asya din matatagpuan ang mga natatanging anyong lupa at anyong tubig na kilala sa buong daigdig gaya:

7|Page

a) b) c) d) e) F.

Mt. Everest (ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig) Yangtze River (pinakamahabang ilog sa Asya) Tibetan Plateau (pinakamataas na talampas sa daigdig) Caspian Sea (pinakamalawak na lawa/lake sa buong daigdig) Lake Baikal (pinakamalawak na tubig tabang sa daigdig)

Pagsusuri ng Pagkaunawa at Kaalaman (Evaluation) Mga Gabay na Katanungan 1. Ilang rehiyon mayroon ang Asya? (Lima) 2. Anu-ano ang mga rehiyon na ito? (Timog Asya, Silangang Asya, Hilagang Asya, Kanlurang Asya, at Timog Silangang Asya) 3. Anu-ano ang mga anyong lupa na matatagpuan sa ibat ibang rehiyon ng Asya? (bundok, bulkan, talampas, kapatagan, lambak, tangway, pulo, kapuluan, at disyerto) 4. Anu-ano ang mga anyong tubig tinataglay ng Asya (ilog, lawa, golpo, kipot, dagat, at karagatan) 5. Magbigay ng halimbawa ng anyong lupa na matatagpuan sa Asya. 6. Magbigay ng halimbawa ng anyong tubig na matatagpuan sa Asya.

G. Pagpapahalaga (Valuing): Mahalaga para sa mga tao, lalong-lalo na sa ating mga Pilipino at sa inyong mga kabataan ang salitang pakikisama. Sa puntong ito, paano mo maipapakita ang iyong pakikisama sa mga Pilipino at sa mga kapwa mo Asyano upang mapanatili ang yamang tinataglay ng iyong bansa?

III.

Takdang-Aralin (Assignment): Magsaliksik Tayo! (Lets Research) Hahatiin ng guro ang mag-aaral sa limang grupo. Magpapalabunutan ang mga grupo kung ano ang rehiyon sa Asya na kanilang sasaliksikin. Bahala na ang lider ng grupo sa pagbibigay ng gagawin ng kanang mga kasapi sa grupo. Pagkatapos ng pananaliksik ay pupunan ng grupo ang data retrieval chart na ibibigay sa kanila. Ang produkto ng kanilang pananaliksik ay tatalakayin muna ng grupo at pagkatapos ay sa buong klase. DATA RETRIVAL CHART

Katangiang Pisikal ng Hilagang Asya


Mga Bansa Kinaroroonan Hugis Sukat Anyo Klima Vegetation Cover

8|Page

Katangiang Pisikal ng Timog Asya


Mga Bansa Kinaroroonan Hugis Sukat Anyo Klima Vegetation Cover

Katangiang Pisikal ng Silangang Asya


Mga Bansa Kinaroroonan Hugis Sukat Anyo Klima Vegetation Cover

Katangiang Pisikal ng Kanlurang Asya


Mga Bansa Kinaroroonan Hugis Sukat Anyo Klima Vegetation Cover

Katangiang Pisikal ng Timog Silangang Asya


Mga Bansa Kinaroroonan Hugis Sukat Anyo Klima Vegetation Cover

9|Page

Mga Gabay na Tanong 1) Paano hinati ang mga rehiyon sa Asya? 2) Anu-ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng mga katangiang pisikal ng bawat rehiyon? 3) Paano nakakaapekto ang lokasyon, lawak, katangiang pisikal, klima, anyong lupa, at anyong tubig sa pamumuhay ng mga Asyano? 4) May kaugnayan ba ang heograpiya at kultura sa kasaysayan ng mga bansa sa Asya?

References: 1. Samson, M.C., et.al. (2010). Kayamanan (Kasaysayan ng Asya; Binagong Edisyon). Manila: Rex Printing Company, Inc. 2. www.mapsofworld.com

10 | P a g e

PHILIPPINE EMIRATES PRIVATE SCHOOL Abu Dhabi, United Arab Emirates

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Grade 8

Petsa : Guro : Paksa : Pokus :

September 17, 2013 Henry P. Nadong Mga Katangiang Pisikal ng mga Rehiyon sa Asya Implikasyon at Epekto ng mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

I.

Mga Layunin sa Pagkatuto (Learning Objectives): Sa loob ng 40 minuto, ang mga mag-aaral ay: 1. nakapaghihinuha ng kahalagahan, implikasyon at epekto ng mga anyong lupa at anyong tubig sa buhay ng mga Asyano; 2. nakapagpapahayag ng mga suliraning kinakaharap ng mga anyong lupa at anyong tubig sa kasalukuyan; 3. nabibigyang-katwiran ang mga epekto ng pagkasira ng mga anyong lupa at anyong tubig sa buhay ng tao; at 4. nakapagbibigay ng mga konkretong hakbang pagpapahalaga sa mga anyong lupa at anyong tubig na makapagpapahayag ng

II.

Mga Karanasan sa Pagkatuto (Learning Experiences): A. Balik-Aral (Review): Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang pinakamalaking kontinente sa daigdig? 2. Ilang rehiyon mayroon ang Asia? 3. Batay sa nakita ninyong mapa, ano ang pinakamalaking bansa sa buong Asya? B. Pagganyak (Motivation): Magpapakita ang guro ng mga larawan ng magaganda at pangit na tanawin. Aatasan ng guro na obserbahang mabuti ng mga mag-aaral ang kanilang makikita. Dapat manggaling sa mga mag-aaral ang konklusyon na dahil sa pagwawalang-bahala ng tao kung kayat nasisira ang kagandahang ibinibigay ng kalikasan. Aatasan ng guro na isulat ng mga mag-aaral ang kanilang mga puna at naramdaman habang pinapanood ang mga larawan.

11 | P a g e

12 | P a g e

C.

Pagpapakilala (Presentation): Mula sa mga sagot, puna, at naramdaman ng mga mag-aaral sa mga larawang nakita, sandaling tatalakayin ng guro ang mga kinakaharap na suliranin ng mga anyong lupa at anyong tubig sa Asya.

D.

Malayang Talakayan (Discussion): Mock Meeting 1. Hahatiin ang grupo na may apat hanggang limang kasapi. 2. Ipapalagay ng mga mag-aaral ang sarili bilang mga environmentalists, forest rangers, o mga kasapi ng isang pangkapaligirang konseho. 3. Magkakaroon ng kunwang pagpupulong na tulad ng pagpupulong ng mga organisasyong pambansa, panrehiyon, o pandaigdig. 4. Ang pagpupulong ay natutungkol sa paggawa ng isang mungkahi o position paper upang bigyang kalutasan ang mga suliraning pangkapaligiran. 5. Ang mungkahi o position paper ay nahahati sa tatlong bahagi: A. Paglalahad ng mga suliraning kinakaharap ng mga anyong lupa at anyong tubig sa Asya ayon sa pananaliksik; B. Mga dahilan ng mga suliraning binanggit ayon sa pananaliksik; at C. Mga konkretong solusyon at hakbang na kailangang isakatuparan upang malunasan ang mga suliraning inilahad. 6. Babasahin ng bawat pangkat ang kanilang mga position papers.

E.

Paglalagom (Wrap Up): Mahalaga ang mga anyong lupa at anyong tubig sa buhay, hindi lamang ng mga Asyano kundi ng bawat tao dahil dito sila kumukuha ng ikabubuhay at kabuhayan. Ngunit sa kabila ng mga biyayang ibinibigay ng mga anyong lupa at tubig, patuloy ang pagwawalang-bahala ng mga tao.

13 | P a g e

F.

Pagsusuri ng Pagkaunawa at Kaalaman (Evaluation) Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang kahalagahan ng mga anyong lupa at anyong tubig sa buhay ng mga tao? 2. Ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga anyong lupa at anyong tubig sa kasalukuyan? 3. Ano ang sa pagkaunawa ninyo ay dahilan ng mga suliranin ng mga anyong lupa at anyong tubig sa kasalukuyan? 4. Batay sa inyong sariling karanasan, sa mga napapanood o nababasa, ano ang kadalasang epekto sa kabuhayan at buhay ng mga tao ng pagkasira ng mga anyong lupa at anyong tubig? 5. Bilang mga mag-aaral, ano ang maaaring maging unang hakbang tungo sa pagbabago ng sarili at pananaw tungkol sa anyong lupa at anyong tubig?

G. Pagpapahalaga (Valuing): Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa at anyong tubig sa buhay ng bawat tao sa mundo. Bilang pasasalamat sa Maylikha, tungkulin ng bawat isa sa atin na pangalagaan ito. Higit kaninuman, kayong mga susunod na henerasyon ang magmamana ng aming iiwanan pangit man o maganda. III. Takdang-Aralin (Assignment): Pagpapakalap ng mga impormasyon, mga larawan, at pagpapadala ng mga kakailanganing kagamitan sa Mga Gawain sa Pagkatuto at Pagpapatibay ng Kaalaman at Pang-unawa (Learning & Reenforcement Activities) sa susunod na araw.

References: 1. Samson, M.C., et.al. (2010). Kayamanan (Kasaysayan ng Asya; Binagong Edisyon). Manila: Rex Printing Company, Inc. 2. www.mapsofworld.com

14 | P a g e

PHILIPPINE EMIRATES PRIVATE SCHOOL Abu Dhabi, United Arab Emirates

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Grade 8

Petsa : Guro : Paksa : Pokus :

September 18, 2013 Henry P. Nadong Mga Katangiang Pisikal ng mga Rehiyon sa Asya Mga Suliraning Kinakaharap ng mga Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya Mga Konkretong Hakbang Upang Malutas ang mga Suliraning Kinakaharap ng mga Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Kasalukuyang Panahon

I.

Mga Layunin sa Pagkatuto (Learning Objectives): Sa loob ng 40 minuto, ang mga mag-aaral ay: 1. nakapagpapaliwanag ng mga suliraning kinakaharap ng mga anyong lupa at anyong tubig sa Asya sa kasalukuyang panahon; 2. nakapagsusuri ng mga dahilan ng mga suliraning kinakaharap ng anyong lupa at anyong tubig sa Asya; 3. nakapagmumungkahi ng mga konkretong hakbang upang mabigyang-solusyon ang mga suliranin ng mga anyong lupa at anyong tubig; at 4. naninindigan sa pansariling pangako bilang hakbang sa pagbabago ng sarili at ng lipunan.

II.

Mga Karanasan sa Pagkatuto (Learning Experiences): A. Balik-Aral (Review): Mga Gabay na Tanong: 1. Anu-ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga anyong lupa at anyong tubig? 2. Anu-ano ang mga dahilan ng mga suliraning ito?; 3. Anu-ano ang mga nakita o naranasan ninyong epekto ng mga suliraning ito? B. Mga Gawain ng Pagkatuto (Differentiated Learning Activities) Pagbuo ng Collage (Beginners) Ang mga mag-aaral sa grupong ito ay magpi-print o gugupit ng mga larawan ng mga bansang kumakatawan sa bawat rehiyon sa Asya. Kailangang maipakita sa mga larawan ang mga anyong lupa at anyong tubig ng mga bansang napili. Kailangan lagyan din ng label rehiyong kinabibilangan ng bansa, sukat, klima, katangiang pisikal, at mga anyong lupa at tubig. Kailangang maipakita rin sa collage na ito ang nangyayaring mga suliranin ng anyong lupa at anyong tubig sa

15 | P a g e

Asya pati na rin ang epekto ng kapabayaan ng mga tao sa pangangalaga ng mga ito. Ang collage na ito ay magiging bahagi ng isang mini-exhibit na isasagawa ng mga mag-aaral. Storyboard (Average) Ang mga mag-aaral sa grupong ito ay gagawa ng isang nakaguhit na paglalarawan ng kanilang pagkakaunawa sa implikasyon at epekto ng heograpiya ganundin ang mga anyong lupa at anyong tubig sa buhay ng mga Asyano. Kailangang malinaw na maipakita sa gagawin ang kahalagahan ng heograpiya at mga anyong lupa at tubig sa buhay o pamumuhay ng mga Asyano. Ang produkto ng gawaing ito ay mapapabilang din sa isang mini-exhibit na isasagawa ng mga mag-aaral. Manifesto (Fast) Ang mga mag-aaral sa grupong ito ay gagawa ng isang manifesto na magsasabi ng paninindigan at paniniwala ng mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng heograpiya at ang anyong lupa at tubig, ang mga dahilan at suliraning kinakaharap ng mga anyong lupa at anyong tubig sa kasalukuyan, mga kadalasang epekto ng mga suliraning binanggit, at ang mga konkretong hakbang na dapat isakatuparan at isagawa upang matiyak ang pangangalaga at pagprotekta sa mga anyong lupa at anyong tubig. Maaari ring lakipan ng isang dasal ang nasabing manifesto na isasama sa mini-exhibit na isasagawa ng buong klase. C. Pagsusuri ng Pagkaunawa at Kaalaman (Evaluation) Mga Gabay na Tanong: 1. Bakit mahalaga ang anyong lupa at anyong tubig sa buhay ng bawat tao? 2. Ano ang mga dahilan ng pagkasira ng mga anyong lupa at anyong tubig? 3. Ayon sa inyong sariling obserbasyon at karanasan, ano ang madalas na bunga o epekto ng paninira ng anyong lupa at anyong tubig? 4. Sino dapat ang lumutas ng mga suliraning ito? Bakit? D. Paglalagom (Wrap Up): Hindi na maitatanggi ang kahalagahan ng anyong lupa at anyong tubig sa buhay ng bawat tao. Hindi na rin natin maikakaila na habang tumatagal ay lalong lumalala ang masamang epekto ng ating pagpapabaya sa mga yamang hindi lamang nagbibigay ng biyaya sa atin kundi inaasahan din natin para mabuhay. E. Pagpapahalaga (Valuing): May kasabihang Bago mo pansinin ang dumi sa bakuran ng iba ay matuto ka munang maglinis ng sarili mong bakuran. Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang linisin ang sarili mong bakuran bilang pakikiisa sa pandaigdigang kilusan para sa pangangalaga ng kapaligiran at ng kalikasan?

16 | P a g e

III.

Takdang-Aralin (Assignment): Pangangalap ng mga karagdagan pang impormasyon, larawan, o video clips para sa isinasagawang mga gawain.

References: 1. Samson, M.C., et.al. (2010). Kayamanan (Kasaysayan ng Asya; Binagong Edisyon). Manila: Rex Printing Company, Inc. 2. www.mapsofworld.com

17 | P a g e

PHILIPPINE EMIRATES PRIVATE SCHOOL Abu Dhabi, United Arab Emirates

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Grade 8


Petsa : Guro : Paksa : Pokus : September 19, 2013 Henry P. Nadong Heograpiya at Kabihasnang Asyano Paglulunsad ng Isang Mini-Exhibit ng Resulta ng Gawain sa Pagkatuto

I.

Mga Layunin sa Pagkatuto (Learning Objectives): Sa loob ng 40 minuto, ang mga mag-aaral ay: 1. natatalakay ang ibat ibang mga suliraning kinakaharap ng heograpiya, anyong lupa, at anyong tubig sa Asya sa kasalukuyang panahon; 2. nakapagpapahayag ng damdamin tungkol sa nalalamang mga dahilan at suliraning kinakaharap ng heograpiya, anyong lupa, at anyong tubig sa kasalukuyan; 3. nakapagpapaliwanag at nakapagbibigay-halimbawa ng mga epekto sa pagkasira ng anyong lupa at anyong tubig sa kasalukuyan; 4. nakapaninindigan sa mga hakbang na dapat isagawa upang malunasan ang mga suliraning kinakaharap ng mga anyon lupa at anyong tubig sa Asya.

II.

Mga Karanasan sa Pagkatuto (Learning Experiences): A. Balik-Aral (Review): Mga Gabay na Tanong: 1. Sa inyong palagay, sino ang dapat sisihin sa mga suliraning kinakaharap ng mga anyong lupa at anyong tubig sa kasalukuyan? 2. Ano ang maaaring kahinatnan kung hindi titigil at hindi malulunasan ang mga suliraning kinakaharap ng mga anyong lupa at anyong tubig? 3. Ano ang mga maaari ninyong gawin bilang mga mag-aaral upang ipakita ang pagpapahalaga sa mga yamang ibinigay sa atin ng Maylikha? B. Mga Gawain sa Pagkatuto (Differentiated Learning Activities) 1. Pagpapatuloy at pagtatapos ng gawain nang nakaraang araw; 2. Paglulunsad ng mini-exhibit na nagpapakita ng resulta ng gawain; at 3. Gallery Walk

18 | P a g e

C. Pagsusuri ng Kaalaman at Pang-unawa (Evaluation): 1. Pagpapasulat ng mga obserbasyon sa ginawang Gallery Walk; 2. Pagbibigay-puna sa mga exhibit; at 3. Pagsasatinig ng mga naramdaman at mga hinuha na natutungkol sa nakitang exhibit. D. Pagpapahalaga (Valuing): Mga Gabay na Tanong: 1. Sa ating pag-aaral, ano ang inyong mga naramdaman sa mga bagong kaalamang inyong natuklasan? 2. Ano ang naging pakiramdam mo sa iyong sarili tungkol sa heograpiya, sa anyong lupa at anyong tubig? 3. May pagbabago bang nangyari sa iyong pananaw at kaisipan tungkol sa paksang napag-aralan? 4. Sapat na ba o may kulang pa sa inyong ginagawa bilang pagtupad sa dapat gawin? E. Paglalagom (Wrap Up): Kung titingnan sa pananaw ng siyensya, ang daigdig o mundong ginagalawan natin ang pinakamaganda sa lahat ng mga planetang alam natin. Masasabing isang himala na sa dami ng planeta sa buong kalawakan ay bukod-tanging sa mundo lang na ito may matatagpuang buhay. Kung ganoon, tungkulin ng bawat isa sa atin na tiyaking sapat ang ginagawa nating pangangalaga sa nag-iisang maaari nating tirhan.

III.

Takdang Aralin (Assignment): Differentiated Assessment Beginner Ang kasapi ng grupong ito ay gagawa ng isang komiks na maaaring iginuhit o ginupit na larawan na nagpapakita ng isang kuwento tungkol sa kahalagahan ng heograpiya, anyong lupa, at anyong tubig sa buhay ng isang pamilya. Kailangang malinaw na maipahayag ang kahalagahan ng heograpiya, anyong lupa, at anyong tubig ayon sa pagkakaunawa ng magaaral. Average Ang grupong ito ay gagawa ng isang travel brochure na nag-aanyaya sa mga Kanluranin na dumalaw sa Asya. Kailangang maipakita sa brochure ang kakaibang mga tanawin at mga dahilan kung bakit karapatdapat puntahan ng mga turista ang Asya. Kailangang mailagay sa brochure ang mga karagdagan pang impormasyon na kailangang malaman ng mga turistang pupunta dito gaya ng lawak, laki, mga rehiyon, klima, etc.

19 | P a g e

Fast Ang mga mag-aaral sa grupong ito ay gagawa Editorial na magsasaad ng kanilang papanaw, puna, at damdamin sa mga obserbasyong natutungkol sa heograpiya, anyong lupa, at anyong tubig sa Asya pati na rin ang mga suliraning kinakaharap ng mga ito sa kasalukuyan at ang mga hakbang na kailangang maisagawa upang malutas kundi man tuluyang masugpo at matigil ang mga suliraning ito.

20 | P a g e

You might also like