You are on page 1of 37

KABANATA 1 Pag-aalala kay Celia baka nakalimot Sa mga unang saknong, itinatanong ni Balagtas kung nasaan na ang kanyang

Ceciliang dating minamahal. Ipinag-aalala niya rin kung baka nakalimot na si Selya sa kanilang pag-iibigan. Ang pagkalimot na ito, ayon kay Balagtas, ay ang ikinalubog ng kanyang kapalaran sa lubhang kalungkutan. Pero iginigiit naman ni Balagtas na hindi niya nakalimutan ang pagmamahalang iyon. Lumipas na ang mga araw na iyon, ang natira na lamang sa kanyang puso ay ang pag-ibig kay Selyang iniaako ni Balagtas na mananatili habang siya ay buhay pa. Kalagayan ni Balagtas Dahil inaakala ni Balagtas na nakalimot na si Selya, siya ngayon ay nangungulila, nangungulila sa pagmamahal, at nagdurusa. At para maibsan ito, inaaliw niya ang kanyang sarili sa pag-alala ng kanilang nakaraan, at sa pag-alala pa lamang niya sa mukha ni Selya, siya na ay nagiginhawaan. Kanyang inaalala ay ang larawan ni Celia kanyang iginuhit na ayon sa kanya, ang kanyang tanging naiiwang pampag-alala kay Selya, at nililigawan ito sa ilog na makati. Inaalala niya ang kanilang pinagpasiyalan noong sila ay magkasintahan pa, at nang si Selya ay nagkasakit. Ito ang ilog ng Beata at Hilom, at ang puno ng manggang hangad na pitasan ni Selya. Isa pa sa kanyang inaalala ang ang dagat na kanilang pinagliliguan dati, na, ayon kay Balagtas, kanilang inaagapan upang hindi abutan ng alat ng dagat. Hinahanap niya si Celia, ang kanilang pagmamahalan, lahat ito ay wala na sa kanya. Lahat ito ay lubha niyang ikinalulungkot. Sa bandang hulihan ng kabanata, ipinag-aalala naman ni Balagtas na baka nalulungkot ngayon si Selya, at para maibsan ito, dapat man lamang sana siyang alalahanin. Kaugnayan sa totoong buhay ni Balagtas Maiuugnay ang kabanatang ito sa buhay ni Balagtas. Ito ay dahil hango ito sa pagmamahalan nina Balagtas at Maria Asuncion Rivera, MAR o, ayon sa pagbansag sa kanya ni Balagtas, Selya. Sila ay nagtagpo sa Pandakan noong 1835, at silang dalawa ay naging malapit sa isa at isa. Ang pagmamahalang ito ay agad naudlot nang si MAR ay inagaw mula sa kanya ni Nanong Kapule, isang mayaman at makapangyarihang tao sa Pandakan. Ipinakulong siya ng mga magulang ni Kapule, at sa pagkawala niyang iyon, doon inagaw ni Kapule si MAR, at pinakasalan siya.

KABANATA 2 Ang kabanata ay payak. Sa unang bahagi nito, ang mambabasa ay higit na pinasasalamatan ni Francisco Balagtas, at ipinahahayag niyang kung papahalagahan ang awit ay totoong magiging nakakapakinabang ito. Habang sa sunod na bahagi, na hindi nangangahulugang ang aklat mang nagpapasaloob ng awit ay mumurahin at payak ang pabalat, ang nilalaman naman nito ay maiibigan ng mga pantas; sa ibang salita sinasabi ni Balagtas na kung nakakaalam ang mambabasa, malamang ay maiiibigan ito.

KABANATA 3

Lagom
Sa kabanatang ito, dalawang pangunahing bagay ang inilalarawan at ipinaiikutan. Ito ang lubhang nakakalungkot na gubat, na sa kasukalan ay hindi makatagos ang mga sinag ng araw, sa labas ng Epiro sa tabi ng Ilog Kosito, isang ilog na dumadaloy papuntang Hades, ang mundo ng mga patay sa mitolohiyang Griyego, at si Floranteng sa kabanata ay binansagang ang "nagagapos na kahabag-habag".

Gubat

Isang kulay-luksang (biyoleta) bulaklak Ang gubat ay inilalarawan bilang isang masukal, malamya at malungkot na kagubatan ng mga malalaking sipres at higera.

Isang tigre Inilalarawan naman ang mga puno at bunga nito bilang lubhang mapanganib; ang mga punong mayroong mga sangang matitinik ay pinalilibutan ng baging, at ang mga bunga nito ay binubuluhan. Lahat ito ay nagpapasakit sa kanino mang madikit sa mga ito. Ang mga bulaklak naman dito ay inilalarawan bilang kulay-luksa. Maraming hayop ang namumugad sa kagubatang ito. Sa mga hayop na ito, unang inilarawan ang ibong humuhuni nang nakakalunos lalo na sa mga masasayang tao. Sunod namang inilarawan ang mga lubhang mababangis na hayop. Ito ang mga ahas, tinawag na s'yerpe sa awit, basilisko,

binansagang "hari ng mga ahas", isang mabagsik na hayop na nagdudulot ng kamatayan sa sino mang masulyapan nito ayon sa mitolohiyang Europeo, hayena, isang wangis-asong hayop, at tigre, isang malaking pusa.

Binatang nakagapos
Sa gitna ng kagubatan, matatagpuan ang isang higera kung saan nakagapos ang isang binata. Ang binatang ito ay inilalarawan bilang may-ari ng lubhang karilagan at buhok na kulay ginto. Ang binatang ito ay si Florante.

Sa ikalawa sa huling saknong, itinuturo naman ni Balagtas kung paano higit na madaling magagamit at maiiintindihan ang awit sa pamamagitan ng mga talababaan. Ngunit higit sa lahat, sa lahat ng saknong, mariing iginigiit ni Balagtas na kailanman, huwag baguhin ang awit. Ito ay para hindi ito matulad sa iba-ibang salaysay at kuwentong-bayang sa katandaan at muling pagsasalaysay mula sa iba-ibang labi ay nagkaroon na ng iba-ibang bersyong taliwas sa nauna.

KABANATA 4

Florante

Isang geyser, isang uri ng mainit na bukal na malakas na nagbubuga ng tubig, maihahambing sa mga luha ni Florante

Ang bandila ng ikalawang Kaharian ng Albanya, ang pagbabalik ng naunang kaharian noong nagtapos ang pagnanakop sa Albanya ng Imperyong Otomano

Kalungkutan
Bilang binatang nakagapos sa puno ng Higera, si Florante ay kasalukuyang nasa ilalim ng masidhing kalungkutan; makikita ito sa kanyang lubhang pag-iyak na inihahambing sa isang bukal. Ang kalungkutang ito ay bunga ng mga kaliluhang sinapit niya, ng kanyang mga minamahal at Albanya; ang mga ito ay higit na malalim na ipapaliwanag sa mga sumusunod na kabanata.

Pag-aalinlangan sa Langit
Sa huling limang saknong, madaling makikita ang pag-aalinlangan ni Florante sa Diyos, na sa karamihan ng pagkakataon ay tinatawag niyang Langit. Tinatanong niya kung paano natitiis ng Diyos na makita siyang naghihirap, at hindi man lamang siya tulungan. Ipinagdadasal niyang kumilos at parusahan ng Diyos ang umagaw sa trono ng Albanya. Pero sa huli, ipinapahayag ni Floranteng ang lahat ng kasamaang-palad na ito ay isa lamang bahagi sa lihim na balak ng Diyos dahil ayon kay Florante, walang nangyayaring sa lupang hindi pinapahintulutan ng Diyos. Bagaman dito nag-aalala pa rin si Florante sa kanyang mahihingiang-tulong dahil ngayon, ayon sa kanya, hindi na siya pinapakinggan ng Diyos, at nagbibingi-bingihan na ito.

Albanya
Sa panahon ng pagkakagapos ni Florante, ang Albanya ay nasa ilalim ng napakalaking gulo simula nang umupo sa trono ang mang-aagaw na Konde Adolfo na pumatay sa totoong hari ng Albanya. Sa kahariang ito ang kasamaan at kaliluhan ang namamayani. Ang kabutihan ay natatahimik. Ang mga magagaling ay inililibing nang walang kabaong at ang mga mabubuti at nagsasabi ng totoo ay pinapapatay.

KABANATA 5

Lagom
Ang kabanatang ito ay umiikot sa kalungkutan ni Florante, ang muli niyang pag-aalinlangan sa Diyos, at, higit sa lahat, ang selos niya kay Laurang kanyang iniisip na tinanggap na ang pag-ibig ng Konde Adolfo, at minahal na ito.

Kalagayan ni Florante

Pagdilig sa isang taniman; maikukumalang-alang sa pagdilig ng mga luha ni Florante sa punong Higerang kinagagapusan. Si Florante ay kasalukuyang sumasailalim nanaman ng higit na hinagpis, at ngayon pagseselos. Ito ay dahil kanyang naalala si Laura, ang prinsesang kanyang katipan. Naalala niya ang pangaagaw na ginawa ng Konde Adolfo kay Laura, kasabay ng pang-aagaw niya ng trono ng Albanya. At dahil sa lubhang kalungkutang iyon, hinimatay bigla si Florante; kung saan nalungayngay ang kanyang ulo, at natuloy ang pag-iyak, na sa sobrang pag-iyak na ito, nadiligan ang punong Higerang kinagagapusan. Ang kalungkutan at pagpapakahirap ni Florante ay madaling makikita. Ayon nga sa sabi ng mayakda sa awit, hindi maantas ang "awang bubugso sa dibdib" ng sino mang makarinig ng panaghoy ni Florante. At sa lakas ng panaghoy na ito, sa buong kagubatan, maririnig ito. Sa huling bahagi, nagising na si Florante, at nagsimula na ang pagtatanong kay Laura kung bakit niya nililo ang "tapat na puso" ni Florante bagaman sumumpa siya sa Diyos na hindi niya lililuhin si Florante. Dito makikitang ipinalagay na talaga ni Floranteng nililo na siya ni Laura para kay Adolfo.

KABANATA 6

Pagsasalaysay ni Florante
Paniniwala
Sa unang dalawang saknong, payak lamang ang "O, Konde Adolfo, pagpapahiwatig. Isinalaysay ni Floranteng "ang paglililo'y inilapat mo man sa nasa kagandahan"; nangangahulugang naniniwala si akin ang hirap ng Floranteng sa lalong ganda higit na marami pa ang panlililong sansinukuban ang darating. Maihahambing sa paniniwala at niya kay Laurang kabangisan mo'y saksakan ng ganda dahil, muli kanyang pinapaniwalaan na pinasasalamatan, tinanggap niya na ang pag-ibig na handog ng Konde Adolfo, ang puso ni Laura'y hindi na siya mahal ni Laura, at kinalimutan na ang kanilang kung hindi inagaw." pagmamahalan noong nakaraan. Ang paniniwalang ito ay Florante, Florante at Laura lubhang nagpapahirap kay Florante, at itinuturing niyang pinakamasaklap sa lahat. Kagaya ng kanyang sinabi sa kanan, pasasalamatan niya pa si Konde Adolfo kundi niya lang daw "inagaw" si Laura, nagpapakita ng kabaitang likas kay Florante.

Sa mga huling saknong naman, makikita ang pagsuko ni Florante, at ang kanyang paniniwalang lahat ng dusa, sakit at kamatayan ay kanya nang dinama; ngunit sa totoong buhay malabo itong mangyari, at isa lamang na pagmamalabis upang maipakitang siya ay lubhang naghihirap. Kagaya nga ng sinabi niya "Ito'y siyang una sa lahat ng hirap", ipinapahiwatig na ang kanyang dusa ay ang nangunguna sa kanyang mga dinanas, o maaaring sa lahat ng dusa sa buong sansinukob, at "libingan laan ng masamang palad.", ipinapahiwatig namang naniniwala siyang dahil sa dusang kanyang dinaranas, maaaring ang kinagagapusan niyang hegira na ang kanyang maging libingan.

Isang kasuotang pandigma, kagaya ng kay Florante

Nakaraan nina Florante at Laura

Diyamante, isa sa mga ipinanghihiyas ni Laura

Rubi, maihahambing sa kapulahan ng mga labi ni Laura Simula sa ikatlong saknong, sinimulan na ni Florante ang pagsasalaysay niya sa dating nakaraan nila ni Laura, lalo na kapagka siya ay inuutusang makibaka ng ama ni Laurang ang Haring Linceo. Inihahanda ni Laura ang pakikipaglaban ni Florante, sa pagtatahi ng kanyang plumahe, gamit ang kanyang daliring parang baklad, na sa awit ay tinatawag na korales, pagsisiyasat ng kanyang baluti at koletong sa mga kalawang upang hindi marumhan ang damit na kundi, hindi papayagang madampi ang mga ito sa kanyang balat, at kung matibay at makintab ang mga ito upang dumulas ang mga tagang sasayad sa mga ito, at madaling makita si Florante kapag pabalik na mula sa digmaan, at pagpapahiyas ng kanyang turbante ng mga perlas, topasyo, rubi, diyamante at letrang L. Bagaman inihanda ni Laura ang mga gagamitin ni Florante, nag-aalala pa rin siya nang lubos. Lumuluha siya dahil sa takot na masugatan si Florante. Kahit nakakabalik si Florante mula sa mga digmaan, takot pa rin si Laura. Una niyang ginagawa ay ang pagsisiyasat sa katawan ni Florante upang makita ang mga gurlis sa kanyang balat, at malinis ito gamit ang patak ng kanyang mga luha. Kapag malungkot naman si Florante, nag-aalala pa rin si Laura. Tinatanong niya kung ano ang problema, at habang hindi pa ito sinasagot idinarampi niya ang rubi niyang labi sa pisngi ni Florante. At upang malibsan ang lungkot ni Florante, idinadala niya siya sa halamanan upang

makakuha ng bulaklak na ikakasaya ni Florante, at maisabit ito sa kanyang liig. Kung hindi man gumana ang mga pagpapasayang ito ni Laura kay Florante, luluha na lamang si Laura.

Pag-ulila kay Laura


Sa kalagitnaan ng kabanata, sinimulan na ni Florante ang pagtawag sa paglapit ni Laura upang muling magawa ang mga pag-aaruga niya bago siya naigapos, at noong pinakamausbong pa ang kanilang pagmamahalan. Ito ay dahil naniniwala siyang si Laura lamang ang makakalunas ng kanyang sakit. Hinihiling niyang siyasatin ni Laura ang kanyang katawan at damit sa mga kalawang, hugasan ang dugong pumapalibot sa kanyang mga kamay, paa at liig dahil sa pagkakagapos, kalagin ang pagkakagapos niya, at titigan ang kanyang nananakit na katawan upang "mapigil ang takbong mabilis" ng paglapit ng hangganan ng kanyang buhay. Ngunit sa huli, tumigil na ang mga panaghoy ni Florante dahil sa mga paniniwalang nasasaad sa unang bahagi ng seksyong ito.

Dito naghimutok nang kasindaksindak na umalingawngaw sa loob ng gubat;

Kalagayan ni Florante

Florante, Florante at Laura

Matapos ang pagsasalaysay ni Florante tungkol sa mga panibugho at pag-ulila niya kay Laura, nagtapos naman ang kabanata nang ginawa niya ang nakasaad sa kaliwa. At dahil doon, naubos ang kanyang lakas na nagpahimatay sa kanya.

KABANATA 7

Panimula

Isang estatuwa, maihahambing sa di-paggalaw ni Aladin Ilang saglit pagkatapos ng mga panaghoy ni Florante tungkol sa kanyang masaklap na nakaraan, na isinaad sa mga huling kabanata, mayroong isang bagong tauhang dumating sa kagubatan. Siya si Aladin, isang Morong Persyano.

Mga ginawa ni Aladin


Noon nakarating na si Aladin sa kagubatan, bigla siyang tumigil at nagtanaw-tanaw, parang ng sa pagpapahinga, nagtapon ng kanyang mga kagamitang pandigma, at nagdaop ng mga kamay upang isipin ang kanyang sawing buhay habang nakatingala sa kalangitan nang di-gumagalaw, kagaya ng isang estatuwa, at walang tigil ang pagbuntung-hininga. Nang nangalay na si Aladin sa kanyang posisyon, umupo na siya sa isang kahoy, at napaluha, muli, dahil sa kanyang sawing buhay. Makailang posisyon ang kanyang naisagawa matapos iyon, lahat sumisigaw ng kanyang mga panaghoy ng hinagpis para dahil at para kay Flerida, ang kanyang minamahal, habang lumuluha. Ngunit sa huli, kanyang inihayag na hindi niya papahintulutan itong matuloy. Matapos ang lahat ng iyon, nagsimula na ang mahabang pagsasalaysay ni Aladin ng kanyang mga isinasaisip na parang sinagot ng mga panaghoy ni Floranteng nakagapos sa kabilang bahagi ng gubat.

Aladin

Persya
Naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolo ng PPA sa Unicode. Maaaring makakita ng mga kahon, tandang pananong, o iba pang mga simbolo kung walang suporta.

Patungkol
Punong artikulo: Florante at Laura/Mga tauhan at tagpuan#Aladin Si Aladin [ala'din] ay isang mandirigmang Morong Persyanong napadpad sa gubat dulot ng pagpapalayas ng kanyang amang Sultan Ali-Adab sa kanya mula sa Persya. Ang pagpapalayas na ito ay bunga ng kanyang pagmamahal kay Flerida.

Pagpapahayag

Sa ikawalong saknong, nagsimula na ang mga pagpapahayag ni Aladin. Ibinanggit niyang kundi ang ama niyang Sultan Ali-Adab ang umagaw kay Flerida, marahil, pinatay niya na ito gamit ang kanyang sibat sa ilalim ng lubha niyang galit, na kanyang inihambing sa matinding galit ng mga diyos at diyosa ng mitolohiyang Griyego at Romano si Marte, Romanong diyos ng digmaan, at ang mga Puryas, mga Griyegong diyosang namamalagi sa impiyerno. Isinisisi niya ang panlililong itong ginawa mismo ng kanyang sariling ama sa pag-ibig na, ayon kay Aladin, hahamakin at ipagmamasamaan ang lahat, pati ang mga dakila, upang masunod lamang.

KABANATA 8

Buod
Kagaya ng sinabi sa huling pagpapaliwanag, matapos "Sino'ng magsalaysay ni Aladin tungkol sa kanyang nakaraan bago siya nananaghoy sa pumunta sa gubat, mistulang sinagot ito ng mga panaghoy ni ganitong ilang?" Florante sa kabilang bahagi ng gubat. Ang mga panaghoy na Aladin, Florante at Laura itong narinig ni Aladin, na nagpapahiwatig na hindi lamang siya ang tanging tao sa gubat na iyon, ay ikinagulat niya. Dahil doon, hinangad niyang hanapin kung sino ang pinagmulan niyon, ngunit hindi niya nakita ang pinagmulan ng mga panaghoy. Matapos ang ilang sandali, narinig niya na --125.212.119.51 09:28, 11 Hulyo 2009 (UTC)--125.212.119.51 09:28, 11 Hulyo 2009 (UTC)naman ito. Lalo niyang ikinagulat ito. Sa huli, tinanong niya kung sino nga ang nananaghoy, at nagsalaysayan silang dalawa; ang parehong pagsasalaysay ng dalawa ay umiikot sa kani-kanilang mga ama.

Duke Briseo
Punong artikulo: Florante at Laura/Mga tauhan at tagpuan#Duke Briseo

Patungkol
Ang Duke Briseo ['duke br'sjo] ay ang ama ni Florante, at pansariling tanungan ng hari ng Albanya. Para kay Florante, walang kaparis ang kanyang amang Duke Briseo, nagpapahiwatig ng malalim na pagmamahal niya alang-alang sa Duke.

Pagkamatay

"At alin ang hirap na 'di ikakapit sa iyo ng Konde Adolfong malupit? Ikaw ang

Natapos ang buhay ni Duke Briseo dahil sa kasamaan at salamin sa Reyno ng pagpapasakit na inihahatid ni Konde Adolfo. Pinatay ang bait, pagbubuntunan Duke Briseo ng mga tauhan ng Konde Adolfo; mabilis na ka ng malaking pinugot ang kanyang ulo, na sa bilis ay hindi pa siya galit." nakapagdadasal, pinugutan na siya, naghiwalay-hiwalay ang Florante, Florante at Laura kanyang lamang loob at buto sa isa at isa, marahil isang pagmamalabis lamang upang ilarawan ang pagpapasakit na ginawa sa Duke, at ipinagtapunan ang kung ano ang natira sa kanya at mga pinugot mula sa kanya nang wala, nagpapahiwatig na hindi man lamang inilibing ang Duke. Mas bibigyanlinaw ang pagkamatay ng Duke Briseo sa pagsasalaysay ni Laura. Ang pagkamatay ni Duke Briseo ay lubhang ikinalungkot ni Florante. Sa pagsasalaysay niya, parang nakikita at naririnig niya ang kanyang ama, at ang mga sigaw ng pagpapasakit ng kanyang ama. At ayon kay Florante, higit na nanaisin pa ng kanyang amang mamatay si Florante sa digmaan kaysa mahulog sa mga malulupit na kamay ni Adolfong higit pa sa halimaw. Dahil sa pagkamatay na ito at ang iba pang mga masasaklap na bagay na nangyari kay Florante, kagaya ng pagkakagapos niya ngayon sa puno ng Hegira, lalo pang naniniwala ngayong malapit na ang kanyang kamatayan.

Sultan Ali-Adab
Naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolo ng PPA sa Unicode. Maaaring makakita ng mga kahon, tandang pananong, o iba pang mga simbolo kung walang suporta.

Punong artikulo: Sultan Ali-Adab Ang Sultan Ali-Adab [sul'tan 'aliadab] ang ama ni Aladin. Inilalarawan ang Sultan, bilang isang malupit na ama. Ito ay dahil ang dahilan kaya nasa gubat si Aladin ay bunga ng pagpapalayas niya mula sa Persyang iniutos ng kanyang ama. Ang dahilan naman sa pagpapalayas na ito, at ang pangungusap niya sa dalawang huling saknong ay ang pang-aagaw ng kanyang ama kay Flerida, ang kanyang katipan. Mas bibigyanlinaw ito sa mga huling kabanata.

KABANATA 9

Buod

Dalawang leong namamahinga, at isang natutulog. Kakatapos lamang magsalita ni Aladin, mayroong dumating na dalawang mga leong hinahangos sa paglakad sa kinalalagyan ni Florante. Tinungo si Florante ng dalawang leon upang kainin, ngunit tumigil nang matagal na panahon ang mga ito sa kanyang harapan. Naawa ang mga leon sa kalagayan ni Florante kaya sila tumigil. Sa katotohanan, hindi lamang ang mga leon ang naawa kay Florante kundi pati rin si Francisco Balagtas mismo, ang may-akda ng awit. Pagkatapos ng pagpapahayag ng kaawaan kay Florante ni Balagtas, nagsimula nang magsalita si Florante. Nangusap siya sa Albanya, ang kanyang inang bayan. Inilarawan niya ang kasalukuyang kalagayan nitong lubhang masaklap. Inilarawan naman ni Florante ang kanyang pagmamahal sa bayan niyang Albanya, at ang mga naipaglingkod niya roon. At dahil sa paglilingkod niyang ito, itinatanong niya sa Albanya kung bakit siya hinayaang magkaganito, at ipinalagay na lamang niyang ito ang kabayaran sa kanya ng Albanya bagaman pinaglingkuran niya ito at ipinagtanggol. Sa huli niyang mga pahayag, pinaratangan niyang si Laura ay isang taksil, nakipagmahalan kay "Adolfong malupit", at nangalimot na sa kanya.

Awa ni Balagtas

'di ko na masabi't luha ko'y nanatak, nauumid yaring dilang nangungusap; puso ko'y nanlambot sa malaking habag, sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.

Francisco Balagtas, Florante at

Bukod sa mga leon, nagpakita rin ng lubhang pagkaawa si Balagtas, ang may-akda ng Florante at Laura. Sa una niyang pahayag, kinatakhan niya ang kasalukuyang iniisip ni Florante ngayong nasasaharap niya ang maaaring pumatay sa kanya. Sa mga sumusunod namang pahayag, ipinakita na niya ang kanyang pagkaawa, kagaya ng sa mga leon. Naluluha at nahahabag siya, at nanlalambot din ang puso niya.
Laura

Albanya

Pagdurula ng isang nakikipaglabang sundalong Romano

Kasalukuyang kalagayan
Muli, kagaya ng mga sinabi ni Florante, at ipinaliwanag sa mga huling kabanata, inilalarawan ni Florante ang Albanya bilang isang kahariang pinamamayanan ng kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan. At dahil sa mga kasaklapang iyon, lubhang nanghihinayang si Florante sa Albanya.

Mga pahayag ni Florante sa Albanya


Sa ikalawang pahayag ni Florante, ihinihiling niyang huwag sanang mapilantikan ang Albanya ng mga kalaban nito, at maipagtanggol nito ang sarili gamit ang espadang kagaya ng binitbit ni Florante upang ipagtanggol ang Albanya. Para kay Florante, pinabayaan na siya ng Albanya, kinasusuklaman ng Albanya ang sinupaan niyang tungkuling magtanggol, at hinayaan pa nitong patayin siya ng mga hayop kahit iginugugol niya sa Albanya ang mga iniyak niyang dugo, at kung itanggol niya ang Albanya sa mga mananakop nito, nauubos pa ang tulo ng kanyang dugo, nagpapahiwatig ng marahas na digmaang kanyang dinaraan upang maipagtanggol lamang ang Albanya. Sa huli itinuturing ni Floranteng kamatayan ang bayad sa kanya ng Albanya. Lahat ito ay dahil naniniwala si Floranteng kung mahal niya siya ng Albanya, hindi dapat siya nandirito ngayon sa ganitong masaklap na kalagayan.

Bagaman dito pinasasalamatan pa rin ni Florante ang Albanya, malamang sa dahilang hangad na ring mamatay ni Florante dahil sa sobrang pagpapasakit at kalungkutan.

Paglalarawan ni Florante kay Laura

"Bayang walang loob, sintang alibugha, Adolfong malupit, Laurang magdaraya, magdiwang na ngayo't manulos sa tuwa at masusunod na sa akin ang nasa."

Sa mga huling pitong saknong, binansagan naman ni Florante si Laurang isang mandaraya nang makailang ulit, tahasan at di-tahasan, at si Adolfo naman bilang malupit. Inihayag niyang dapat nang magsaya sina Adolfo at Laura sa kanyang pagkamatay na, ayon kay Florante, matagal na nilang ninanasa, at malapit na ang kanyang kamatayan, kagaya nang ilang ulit niya nang ipinahayag sa ibang mga kabanata. Ang kamatayang ito, ayon kay Florante, ay hindi man lamang pagluluksaan nang kahit munti ni Laura, nagpapahiwatig ng di-pagmamahal.

Sa huli, pinaluha niya ang kanyang sarili ng mga luhang ngdugo at ng kanyang kaluluwa upang matumbasan ng mga ito ang sakit ng pagkalimot sa kanya ni Laura, at ibiniling huwag iyakan ang kanyang buhay kundi ang pagmamahalang tapos na, malamang, kay Laura ngunit maaari rin sa kanyang sarili.

Florante, Florante at Laura

KABANATA 10 Habang nanaghoy si Florante, nahahabag si Aladin, at sa huli, hindi na niya natiis si Florante. At dahil doon, sunod niyang ginawa ang agarang paghahanap kay Florante gamit ang boses niyang nananaghoy upang matunton siya, at ang kanyang patalim naman upang alisin ang mga harang ng kagubatan sa kanyang landas kagaya ng mga sanga at dahon. Hindi siya tumigil hanggang hindi niya natutunton ang pinagmumulan ng mga panaghoy. Nang ginawa niya ang lahat ng ito, lumulubog na ang araw; nagpapahiwatig na hapon na. Nang malapit nang narating ni Aladin ang kinagagapusan ni Florante, siya ay napaluha sa lumiligid na hirap kay Florante. Ang hirap na ito ay maaaring ang mga leong mayroong kakayahang patayin si Florante, at/o ang mismong gubat. Pagkatapos nito, siya ay napaatras, at nagbangis naman ang mga leon. Sumunod dito naghandang maglabanan ang tatlo: si Aladin at ang dalawang leon. Unang ipinangalisag ng leon ang ng kanyang balahibo, at pinatindig ang buntot, na nagpabangis ng anyo ng leon. Sunod namang itinaas ng leon ang kanyang kamay upang dakmain si Aladin, na inihambing kay Marte, ang Romanong diyos ng pakikipagdigma, ngunit siya ay nakailag. Inusig naman ni Aladin ng mga taga ang mga leon, na inihambing kay Apolo, isang diyos ng mitolohiyang Griyego at Romano, sa pananagupa niya sa Piton, isang dragon sa mitolohiyang Griyego. Sa huli, pinatay ni Aladin ang dalawang leon gamit ang kanyang sibat at kalasag.

Matapos niyang patayin ang dalawang leon, pinuntahan niya naman si Florante upang patirin ang lubhang matibay na lubid na gumagapos sa kanya gamit ang kanyang espada. Nang napatid niya na ang lubid na gumagapos kay Florante, nawalang-malay si Florante kaya kinalong ni Aladin, at nahabag. Si Aladin ay takang-taka kay Florante ngunit siya ay napayapa na noong nagisin na siya.

KABANATA 11

Buod
Sa simula ng kabanatang ito, nagising si Florante sa pagkakaiglip habang nakalungayngay; ito ay dahil hinimatay si Florante matapos siyang iligtas ni Aladin sa huling kabanata. Sunod namang nangyari ang paghihimutok at pananaghoy ni Floranteng humihingi ng tulong mula kay Laura, at ang muling pagkawalang-malay niya, na ikinabahala naman ni Aladin, at naghintay hanggang mapayapa si Floranteng kanyang kandong. Nang mabalikang-malay na si Florante, namalayan niyang siya ay nasasakamay ng isang Moro, isang bagay na madaling nakikilatis sa kaibhan ng pananamit-Moro lalo na noong sinaunang panahon, ikinabahala niya ito at nagpumilit alisin ang kanyang nanghihinang katawan palayo kay Aladin ngunit agad namang ipinayapa ni Aladin si Florante, at ipinahayag na siya ang sumaklolo sa kanya mula sa mapait na kapalaran. At dahil dito, nagpasalamat si Florante kay Aladin, at sinabing kundi siya iniligtas ay malamang "nalibing na" "sa tiyan ng leon".

Alitang Kristiyano-Muslim
Kagaya ng sinabi sa naunang seksyon, pilit inilalayo ni Florante, isang Kristiyanong Albanes, ang kanyang nanghihinang katawan noong una niyang paglingap mula kay Aladin, isang Persiyanong Muslim; ito ay dahil karaniwang itinuturing sa mga pagsasalaysay ang mga Kristiyano at Muslim bilang magkakaaway, bunga ng matinding alitan sa pagitan ng dalawang relihiyon simula pa noong naitatag ang Islam.

KABANATA 12 Tapos nang mag-usap sina Aladin at Florante, at lumubog na ang araw; tandaang ang araw ay lumulubog pa lamang noong siya ay iniligtas ni Aladin kanina sa Kabanata 10. Idinala at ipinahiga ni Aladin si Florante sa una niyang pinuntahan noong napadpad siya sa gubat, isang malapad at malinis na bato. Matapos niyon, pinakain niya ng baon niya si Florante; ito ay ginawa niya sa pang-aaliw kay Floranteng kumain dahil siya ay tumatangging kumain noong una.

Nang natapos na ang lahat ng ito, dahil gabi na at pagod si Florante, natulog na si Florante sa sinapupunan ni Aladin; ngunit hindi natulog si Aladin sa buong magdamag upang makatiyak na walang mga hayop na mananalanta sa kanila. Si Florante naman, kapag nagigising, ay naghihimutok. Malapit na ang pagsikat ng araw, at kahit isang himutok ay walang nagmula kay Aladin. Si Florante naman ay nabalikan na ng lakas, na ipinagpasalamatan niya sa Diyos noong sumikat na ang araw. Ang pagbabalik-lakas na ito ay lubhang ikinatuwa ni Aladin, na sa tuwa ay inakap niya si Florante, at napaluha sa galak. Nagpasalamat naman nang lubos si Floranteng ngayon ay masaya na; na sa sobrang pasasalamat, maging si Francisco Balagtas, ang may-akda ng awit, ay hindi makapagsaysay. Ngunit agad nagtapos ang saya ni Florante nang naalala niya ang ikinarurusa niyang pagsinta kay Laura. Sa pag-aalala, itinanong ni Aladin ang problema ni Floranteng, ayon sa kanya, ay kung mayroong daan ay bibigyanlunas.

KABANATA 13

Lagom
Sa huling saknong ng Kabanata 12, ang kabanata bago rito, itinanong ni Aladin kay Florante ang pinagmumulan ng kanyang kalungkutan nang malutas ito kung may daan man. Itinugunan naman ni Florante ang katanungang ito ni Aladin sa pagsasabing hindi lamang ang pinagmumulan ng kanyang lungkot ang kanyang sasabihin kundi ang kanyang buong buhay mula pagkabata hanggang ngayon. Naganap ang pagsasalaysay na ito sa tapat ng isang punong kanilang itinigilan.

"Sa isang Dukado ng Albanyang S'yudad, doon ko nakita ang unang liwanag; yaring katauha'y utang kong tinanggap sa Duke Briseo"

Florante, Florante at Laura

Salaysay ni Florante

Isang buwitre

Sa unang banda ng kanyang pagsasalaysay sa kanyang buhay, itinanong niya kung bakit pa siya ipinanganak sa Albanya, at hindi sa Krotona nang sana ay maiba man lamang ang kanyang tadhana, at hindi siya lubhang nagdurusa katulad ng ngayon. Ayon sa pagsasalaysay ni Florante kay Aladin, ipinanganak si Florante sa isang Dukado ng Kaharian ng Albanya kung saan namumuno ang kanyang amang duke, si Briseo, asawa ng Prinsesa Floresca, anak ng hari ng Krotona, at ina ni Florante. Bukod sa pagiging isang duke, Si Briseo ay isa ring pribadong tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Inilalarawan ni Florante ang kanyang ama bilang mapagmahal at mapag-aruga, at pumapalayaw sa kanya ng "Floranteng bulaklak kong bugtong", na naging bansag niya sa buong pagkabata.

Pinili nang hindi isaysay ni Florante ang ibang pang mga nangyari sa kanyang kabataan dahil alang-alang sa kanya ay hindi ito masyadong mahalaga; maliban dito ang pagsalakay sa kanya ng mga mababangis at malalaking ibon: ang buwitre, arkon, na pinana ng pinsan niyang si Menalipo, at isang di-ipinangalanang ibon. Nang siya ay siyam na taong gulang na, karaniwan niyang itinutuon ang kanyang oras sa paglalaro sa mga burol, at pangangaso ng mga hayop gamit ang kanyang pana at busog.

KABANATA 14 Sa pagsasalaysay ni Florante, inilalaan niya ang karamihan ng kanyang oras sa paglalaro at pangangaso kasama ng kanyang mga lingkod noong bata pa siya. Ngunit ang kasayahang itong tanging alam niya ay pinatid ng kanyang ama, ang Duke Briseo, sa hangaring mapabuti ang kanyang buhay. Ipinadala siya sa Atenas upang mamulat ang kanyang isipan sa wastong pakikisalamuha sa kapwa sa kabila ng pagtutol at pagluha ng kanyang mahal na ina. Ang lahat ng ito ay dahil batid ng Duke Briseong sa magulang ibinubunton ang sisi kapag ang anak ay hindi naging mabuti sa kanyang paglaki tulad ng pagpapalaki sa layaw, at ang mga kasamang ibubunga nito.

KABANATA 15

Pag-aaral ni Florante

Pagdating
Naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolo ng PPA sa Unicode. Maaaring makakita ng mga kahon, tandang pananong, o iba pang mga simbolo kung walang suporta.

Sa pagsasalaysay ni Florante, hindi siya makakain, sa pagpapahulugang walang ganang kumain, nang halos isang buwan noong nakarating na siya sa Atenas; siya rin ay hindi makapigil-luha. Lahat ito ay dahil sa kalungkutan, at sa pag-ulila sa kanyang ma magulang na malayung-malayo mula sa kanya. At dahil doon, ipinapayapa naman siya, kahit hindi mabisa, ng kanyang gurong si Antenor upang mawalanlumbay si Florante. Sa pagdating niya sa Atenas, nakita niya ang kanyang mga kamag-aral, kasama roon si Adolfo.

Mga iniaral

Astrolabyong Persyano, isang kagamitan ng mga astrologo upang maitukoy, at maihula ang kinalalagyan ng araw, buwan, at ng mga planeta at bituin.

Ang pangunahing mga iniaral ni Florante ay, sa pagkakabanggit niya sa ika-11 saknong, pilosopiya, astrolohiya at matematika.
Astrolohiya Punong aklat: Astrolohiya

Ang astrolohiya [as'trolohja], huwag ikalito sa astronomiya, sa ilang mga sistema, tradisyon o paniniwala na ang kaalaman ng maliwanag na posisyon ng mga bagay sa kalangitan ay pinanghahawakang makabuluhan sa pag-unawa, pagkahulugan, at pag-ayos ng kaalaman tungkol sa mga gawaing pantao at mga pangyayari sa daigdig.
Matematika Punong aklat: Matematika

Ang matematika [ma'tematika] ay karaniwang nangangahulugang pag-aaral ng mga modelo ng kayarian, pagbabago, at espasyo. Ang matematika ay maaring makita bilang payak na pagpapalawig ng wikang ibinigbikas at sinusulat, kasama ang pinakatumpak na kahulugan ng talasalitaan at balarila, alang-alang sa layunin ng pagsasalarawan at pagtuklas ng mga ugnayang pisikal at pangkaisipan.
Pilosopiya Punong aklat: Pilosopiya

"Natarok ang lalim ng pilosopiya, aking natutuhan ang astrolohiya, natantong malinis ang katakataka at mayamang dunong ng matematika."

Ang pilosopiya [p'losopja] ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Nakatuon ang mga pangkaisipang-modelo ng pilosopiya sa mga pangunahing konsepto tulad ng pag-iral, kabutihan, kaalaman, katotohanan, at kagandahan; kadalasang itinatalakay ng mga pilosopo ang mga mabigat na katanungan sa mga kalikasan ng mga ganitong konsepto mga katanungang mahihirapang talakayin sa mga espesyal na mga agham.

Florante, Florante at Laura

Adolfo at Florante
Adolfo
Punong artikulo: Florante at Laura/Mga tauhan at tagpuan#Konde Adolfo

"Mahinhin ang asal na hindi magaso at kung lumakad pa'y palaging patungo, mabining mangusap at walang

katalo, lapastangin Si Adolfo [a'dolfo] ay, kagaya ng kanyang amang si Sileno, ma'y hindi nabubuyo." isang konde ng Albanyang nakatatanda kay Florante nang dalawang taong gulang. Bilang isang mag-aaral sa Antenas, si Adolfo ay kilala bilang pinakamatalino at pinakamabuti sa Florante, Florante at Laura lahat, isang kapurihang pilit naagaw ni Florante pagkatapos ng anim na taon ng kanyang pag-aaral. Sa pagsasalaysay ni Florante, siya ay nagmamay-ari ng mahinhing asal, hindi magagalit lapastanganin man, at nagpapakita ng pagpapakumbaba. Bagaman lahat ng ito, ayon kay Florante, isa siyang napakamalihim na tao. Ang mga paglalarawang ito ay lubhang taliwas sa mga susunod na paglalarawan sa kanya, at sa buong pagkakakilanlan niya sa awit, isang bagay na higit na bibigyanlinaw sa mga susunod na kabanata.

Ugnayan sa isa at isa

"Dito na nahubdan ang kababayan ko ng hiram na bait na binalatkayo; kahinhinang-asal na pakitantao, nakilalang hindi bukal kay Adolfo."

Florante, Florante at Laura

Hindi malapit sa isa at isa sina Adolfo at Florante; ito ay batid nilang dalawa at ng buong paaralan. Ayon kay Florante, hindi niya malasap ang kabutihang asal na ipinapakita ni Adolfo nang kagaya ng mula sa kanyang mga magulang, ang bukal na kabutihan. At dahil doon pilit silang nag-iiwasan sa isa at isa. Pagkatapos ng anim na taon ng pag-aaral ni Florante sa Atenas, gaya ng sinabi sa naunang seksyon, nalagpasan ni Florante ang galing ni Adolfo, at dito rin nakita ng lahat na hindi bukal ang kabutihan ni Adolfo, at siya ay nagbabalatkayo lamang upang mapuri.

KABANATA 16

Lagom
Bilang karugtong ng pagsasalaysay ni Florante, itinutuloy dito ang unang sinabi sa naunang kabanatang lumalabas na ang totoong ugali, na taliwas sa kanyang unang mga ipinapakita, ni Adolfo. Lalo pa itong napalala sa mga sunod niyang ginawa kay Florante sa sa isang dula.

Buod
Dula

Isang araw, inilabas nina Florante at ng kanyang mga kamagaral, kasama si Adolfo, ang isang dula tungkol sa epikong buhay ni Edipo, isang bayani ng mitolohiyang Griyego. Sa dula, gumanap si Florante bilang Eteokles, si Adolfo bilang Polinise, isang di-ipinangalanang kamag-aral ni Florante bilang Adrasto, at si Menandro bilang Yokasta, isang pagganap na taliwas sa kasarian ni Menandro dahil si Yokasta ay isang babae ngunit ito ay karaniwan noong unang panahon dahil sa malawakang mababang pagtingin sa kababaihan kaya hindi sila pinapayagang gumanap sa mga dula, at hindi nagpapahiwatig na bakla si Menandro.

"Papel ni Eteokles ang naging tungkol ko at si Polinise nama'y kay Adolfo; isang kaesk'wela'y siyang nag-Adrasto at ang nagYokasta'y bunying si Menandro."

Florante, Florante at Laura

"Nanlisik ang mata't ang ipinagsaysay ay hindi ang ditsong nasa orihinal, kundi ang winika'y "Ikaw na umagaw ng kapurihan ko'y dapat kang mamatay!"

Florante, Florante at Laura

Nang isinasagawa na nila ang dula, imbis na sabihin ni Adolfo ang itinakda sa kanyang ditso, isinabi ni Adolfo ang nasasaad sa kaliwa. Sunod niya namang sinugod si Florante, at isinabi muli ang nasasaad sa kaliwa. Kaya naman napahiga si Florante habang iniilagan ang mga tagang malalakas ni Adolfo gamit ang kanyang patalim na una nang hinanda. Sa pagmamadali, agad tinulungan ni Menandro si Florante sa isang di-inilarawang paraan, at sunod namang namagitan si Antenor. Lahat ito ay dahil sa lubha niyang pagkagalit kay Florante dahil lahat ng kanyang kapurihan ay napunta na kay Florante. Dahil sa lahat ng iyon, ipinaalis si Adolfo nang araw ding iyon mula sa Atenas pabalik ng Albanya.

Sulat sa pagkamatay ng ina


Matapos ang isang taon, nakatanggap si Florante ng isang sulat mula sa kanyang amang, si Briseo, nagsasabing namatay na ang kanyang ina, si Floresca, sa isang di-binanggit na dahilan. Nagpalungkot nang lubha kay Florante ang pangyayari, halos dalawang oras siyang hindi nakaimik, at hindi niya mapapigil ang pagluha. Lahat naman itong pagluluksa ay sinubukang alisin ni Antenor ngunit ang kanyang pag-aliw ay wala ring nagawa. Lubha talagang malungkot si Florante.

"May dalawang oras na 'di nakamalay ng pagkatao ko't ng kinalalagyan; dangan sa kalinga ng kasamang tanan ay 'di mo na ako nakasalitaan."

Buhay ni Edipo
Punong artikulo: Mitolohiyang Griyego\Mga bayani\Edipo

Florante, Florante at Laura

Si Edipo habang inaalagaan ng pastol.

Gaya ng mga unang isinabi, nagdula sina Florante at ang kanyang mga kamag-aral; ang dulang iyon ay ang buhay ni Edipo.

Kasanggulan
Si Edipo [e'dipo] ay, bilang isang bayani ng mitolohiyang Griyego, isang anak ng Haring Layo at ng Reyna Yokasta ng Tebas. Nang siya ay ipinanganak, sumangguni si Layo, ang kanyang ama, sa isang orakulong mula sa Delpos, Gresya. Ayon sa orakulo, papatayin ni Edipo ang kanyang ama, at papakasalan ang kanyang ina. Sa takot at sa sang-ayunan sa pagitan nina Layo at Yokasta, ipinag-utos nila sa isa sa kanilang mga aliping dalhin ang sanggol na si Edipo sa kagubatan ng Siteron, at ipagpakuin sa isa at isa ang kanyang mga paa upang hindi makaalis, at sa huli mamatay. Pagkatapos maisagawa ang mga utos na iyon, mayroong nakakitang pastol kay Edipo, at sa awa, siya ay inalagaan, at ibinigay sa kanyang among si Polibos, ang hari ng Korinto, na itinuring naman si Edipo bilang sarili niyang anak.

Pag-alis sa Korinto
Matapos ang ilang taon, sumangguni si Edipo sa isang orakulo. Ang isinabi ng kanyang sinangguniang orakulo ay kapareho ng sa isinabi ng sinanggunian ng ama niya noong siya ay

sanggol pa lamang. Sa paniniwalang baka magawa niya ang mga iyon sa kanyang mga pinapaniwalaang magulang, sina Polibos at ang kanyang asawa, umalis siya ng Korinto, pumuntang Tebas, na lingid sa kanyang kaalaman, ang pinamamayanan ng kanyang mga totoong magulang, at nangakong hindi na babalik doon upang maiwasan ang pangyayaring isinabi ng orakulo.

Pagdating sa Tebas
Pagpatay sa kanyang ama

Si Edipo habang itinatanong ng Espinghe.

Nang siya ay dumating na sa Tebas, napatigil siya sa isang salikop ng daan dahil mayroong isang taong ayaw siyang paraanin, na hindi niya muli alam na siya ang kanyang totoong ama. Sa galit niya, pinatay niya ang lalaki; isang pagpapatotoo sa naunang hula ng mga orukalong papatayin niya ang kanyang ama.
Espinghe

Sunod niya namang nakatagpo ang Espinghe, na kasalukuyang nanggugulo ng Tebas, at itinanong siya nito ng isang bugtong kagaya ng pagtatanong niya sa bawat manlalakbay na dumarating sa Tebas. Ang bugtong na itinanong kay Edipo ay "Anong naglalakad sa apat na paa tuwing umaga, dalawa tuwing hapon, at tatlo tuwing gabi?". Ang isinagot niya ay "tao"; siya ay tama. Kaya naman sa galit, nagpakamatay ang espinghe, at dahil wala nang manggugulo sa Tebas, natuwa ang mga tao, at iniupo siya sa trono bilang hari, at ipinakasal sa kanya ang balo, ang kanyang ina, ng namatay na hari, ang ipinatay niyang ama. At nagpatotoo lahat ng ito sa mga hula ng mga orakulo nang hindi niya man lamang alam.

Isang paglalarawan ng salot na kumitil ng mga buhay Salot

Matapos ang ilang taon, nagkaroon na ng apat na anak, kasama roon sina Eteokles at Polinise, sina Edipo at Yokasta, at mayroong salot na dumating sa Tebas. Ayon sa isang orakulo, mayroong salot sa bayan ng Tebas dahil mayroong isang taong hindi pa napaparusahan sa pagpatay sa hari. Sa pananangguni niya sa isang propeta, isinabi nitong siya ang pumatay sa hari, at gumawa siya ng mga krimeng higit na mabigat pa roon. Dahil ngayon alam niya nang ipinatay niya ang kanyang ama, at ipinakasalan niya ang kanyang ina, napakalungkot niya, at sa lungkot itinusukan niya ang kanyang mga mata ng isang papat, na bumulag sa kanya.
Katapusan

Kasama ng kanyang anak na si Antigona, umalis si Edipo ng Tebas upang mawala na rin ang salot doon. Habang ang kanyang mga anak namang sina Eteokles at Polinise ay nagkasundong maghati sa paghahari ng Tebas; bawat isa sa kanila ay makakakuha ng salit-salitang isang taon upang maghari. Ngunit noong dumating ang panahon ng pagtatapos ng paghahari ni Eteokles, ayaw niya pa rin ito ibigay sa kapatid niyang si Polinise. Dahil doon nagpatayan silang dalawa, at namuno ang kapatid ni Yokastang si Kreonte sa kaharian. KABANATA 18 Sa pagsasalaysay ni Florante, matapos nilang magkita ng kanyang amang si Briseo sa huling kabanata, nagpunta naman sila sa palasyo ng Haring Linceong upang dalhin ang sulat mula sa hari ng Krotonang biyanan ni Briseo. Sa sulat na iyon, humihingi ng tulong ang Krotona sa Albanya dahil ito ay kasalukuyang sakop ng isang hukbong Persyano sa ilalim ng pamumuno ng Heneral Osmalic, isang magaling na mandirigma ayon sa mga sabi-sabi, at sa galing niya ay pumapangalawa raw siya kay Alading hinahangaan naman ni Florante. Lingid sa kaalaman ni Florante, ang kanyang pinagsasalaysayan ay si Aladin mismo. Ito ay dahil hindi pa nakakapagpakilala si Aladin. Dahil naman sa pagpupuring iyon, napangiti si Aladin, at,

sa pagpapakumbaba, ipinag-alinlangan ang katotohanan ng mga balitang ayon sa kanya ay karaniwang di-totoo at mayroon nang dagdag. Nang nagkita-kita na silang tatlo, sina Briseo, Florante at Linceo, isinabi ni Linceo kay Briseong matagal niya nang ipinapangarap na maging haligi si Briseo ng kanyang setro at kaharian; sa ibang salita, ihinihiling ni Linceong maging tagapagmana niya si Briseo ng kapangyarihan.

Isang pangkasalukuyang hukbo ng mga mandirigma, maihahambing sa ipinamunuan ni Florante Sunod namang itinanong ni Linceo kung sino ang kasama ni Briseo. Sumagot naman si Briseo sa pagsasabing siya ang bugtong niyang anak, si Florante, at inihandog din ni Briseo si Florante kay Linceong maging isa sa mga alagad niya. Sa pagkamangha ni Linceo, iniyakap niya si Florante, at agad niya ring ginawang isang heneral ng kanyang hukbong dadalo sa Krotonang isinakop ng mga Moro si Florante. Sa huli, bilang pagpipilit sa pagsang-ayon ni Florante, hinamon niya si Florante patotohanang hindi ang sarili niya ang ipinapangarap niyang mandirigmang matapang na maglalathala sa sansinukuban ng kanyang kapurihan at kapangyarihan, at dapat lamang na lumaban siya sa Krotona dahil lolo niya ang hari niyon. Dahil sa lahat ng iyon, umoo si Florante, hindi sa pagbigkas kundi sa pagyakap ng mga binti ni Linceo ngunit siya ay ipinigilan niya, at muli siyang niyakap.

KABANATA 19

Buod
Naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolo ng PPA sa Unicode. Maaaring makakita ng mga kahon, tandang pananong, o iba pang mga simbolo kung walang suporta.

Sa pagsasalaysay ni Florante, nag-upuan silang tatlo nina Briseo, ang kanyang ama, at Linceo, hari ng Albanya, upang pag-usapan ang mga gagawin sa magaganap na digmaan upang palayain ang Krotonang isinakop ng mga Moro. Nang isasalaysay na ni Florante ang kanyang mga karanasan sa Atenas noong nag-aral siya roon, nakita niya si Laura, ang anak ng Haring Linceo; lubha niyang ikinagigiliwan si Laura sa kanyang ganda, at dahil doon ay agad siyang napaibig sa

kanya, maging ang pag-ibig niyang alang-alang sa kanyang inang si Floresca lamang ay inihahandog niya na rin kay Laura. Totoong gulung-gulo ang isip ni Florante sa kabanatang ito.

Laura

Isang hinamugang rosas Punong artikulo: Florante at Laura/Mga tauhan at tagpuan#Laura

Si Laura ['lara] ang anak ng Haring Linceo ng Albanya, at ang minamahal ni Floranteng naglalarawan sa kanya bilang isang napakagandang babae.

Ganda
Paglalarawan ni Florante

Inilalarawan ni Florante ang ganda ni Laura bilang kaagaw ng Benus, ang pinakamaningning na bituing makikita sa daigdig bago sumilang ang araw, at pagkatapos lumubog nito, sa pagiging pinakamaningning, ang kanyang buhok bilang isang lumulugay sa kanyang mga batok, na maihahambing daw sa perlas, ang kanyang mukha bilang isang lumilawanag nang kagaya ng kay Pebo, ang kanyang katawan bilang timbang na timbang, at sa lahat-lahat, bilang isang kakawinahingang-hamog lamang na bulaklak.

Dulot kay Florante

Dahil lubhang nagagandahan si Florante kay Laura, bigla siyang napaibig sa kanya, at nagugulo ang isip niya.

Biglang pag-ibig ni Florante


Kagaya ng unang nasabi, lubhang napaigbig nang bigla si Florante kay Laura. Ngunit sa kasamaang palad, kinabukasan ng araw na iyong nakita niya si Laura, paalis na siya upang digmain ang Krotona mula sa mga Moro. Itinatanong niya sa Diyos kung bakit pa siya ipinahintulutang makita si Laura kundi naman siya nararapat mahalin ni Laura. Noong una, isinisisi niya sa kanyang isip si Linceo bilang dahilan ng pagkakakita niya kay Laura dahil sa pagpipilit niyang tumulong si Florante sa digmaan, na sa huli nagdulot ng pinapaniwalaan niyang pagtataksil sa kanya ni Laura para kay Adolfo. Ngunit sunod niya namang itong isinalungat nang mistulang nakikipagtalo siya sa kanyang sarili sa kanyang isipan. Sinalungat niya ang una niyang ibinanggit sa pagsasabing si Laura ay hindi isang taksil. Ngunit ito ay muli niya nanamang isinalungat sa pagsasabing kung totoo ang ikalawang pahayag ay bakit hindi siya matulungan ni Laura noong siya ay nakagapos pa sa puno ng hegira. Sa huli, kanyang ipinangangaral ang nasa kanan. Ito ay maihahambing sa nangyari sa kanya; siya ay isang kapuripuriang tagapagtanggol ng Albanya itinalaga mismo ng hari nitong si Linceo, at, sa huli, naigapos sa isang puno ng hegira.

"(Bakit itinulot, Langit na mataas na mapanood ko kung 'di ako dapat? O Haring Linceo, kundi mo pinilit na sa salitaan nati'y makipanig, ng buhay ko disi'y hindi nagkasakit ngayong pagliluhan ng anak mong ibig! Hindi katoto ko't si laura'y 'di taksil ... Kagandaha'y bakit 'di makapagkalag ng pagkakapatid sa maglilong lakad? ... Kung ano ang taas ng pagkadakila, siya ring lagapak naman kung marapa.)"

Florante, Florante at Laura

KABANATA 20

Lagom

"Tatlong araw noong piniging ng hari sa palasyo real na sa yama'y bunyi ay 'di nakausap ang punong pighati

Sa pagsasalaysay ni Florante, tatlong araw na ang nakakalipas at inaasahang simula noong huling kabanata. At magpahanggang ngayon ay iluluwalhati." hindi niya pa rin nakakausap si Laura. Malinaw na makikita Florante, Florante at Laura sa kabanatang itong hindi pa rin lumilisan si Florante upang makidigma sa Krotona, isang bagay na sumasalungat sa una niyang isinabi sa huling kabanatang paalis na siya sa kinabukasan. Sa ibang banda, maaaring hindi sumasalungat si Florante sa kanyang unang isinabi kung balak niyang ipahiwatig noong unang malapit na ang kanyang pag-alis sa hinaharap. Sa kabanatang ito, kanyang nang ipapahayag ang pag-ibig kay Laura, at kanya na ring sasagupain ang mga sumakop ng Krotona.

Buod

"Ipinahahayag ko nang wikang mairog, nang buntung-hininga, luha at himutok, ang matinding sintang ikinalulunod magpahangga ngayon ng buhay kong kapos."

Albanya
Sa unang bahagi ng kabanata, paalis na si Florante at ang kanyang hukbo papuntang Krotona; at sa kabutihang palad, sandali niyang nakapanayam si Laura. Ipinahayag niya kay Laura sa wikang mairog, buntunghininga, luha at himutok na kanyang ikinapupuno ng isip si Laura dahil sa kanyang pag-ibig sa kanya. Sa pahayag na ito, umoo si Laura sa pagluha. Matapos noon umalis na si Florante papuntang Krotona.

Florante, Florante at Laura

Krotona

Isang tabak Sa Krotona, nakipaglaban si Florante sa mga Morong sumakop nitong napapamunuan ng Heneral Osmalic. Pagkatapos ng marugong-marugong pagpapatayang inabutan ni Florante, kanyang nakita si Osmalic. Kagaya ng huling isinalaysay ni Florante, si Osmalic ay isang magaling na mandirigma; ito ay naipakita sa agaran niyang pagkitil sa pitong hanay ng mga sundalong nasaharap ni Florante gamit ang kanyang tabak.

Matapos niyang gawin iyon, kanyang ihinamon si Floranteng makipaglaban sa kanya. Ang labanang ito ay nagtagal nang limang oras, at nagtapos nang si Florante ang panalo, at patay naman si Osmalic. Itinapos naman sa pamumuno Menandro, na sa hukbo ni Florante ay isang opisyal, ang kalabang hukbo.

Mga isinasaisip ni Florante

"Nguni'y kung ang oo'y 'di man binitiwan, naliwanagan din sintang nadirimlan; at sa pagpanaw ko ay pinabaunan ng may hiyang perlas na sa mata'y nukal. ... At kung 'di sa luhang pabaon sa akin, namatay na muna ako."

Isinasaisip ni Floranteng noong ipinagtapat niya ang kanyang pag-ibig kay Laura, ang puso ni Laura ay nahambal, at alangalang sa kanya, agad siyang aayawan ni Laura kundi lang siya likas na mabait. Ngunit magiging maayos pa rin daw ang pakiramdam niya kahi ang inaasam niyang oo ay hindi bitiwan ni Laura dahil sa huli naliwanagan niya pa rin si Laura ng kanyang totoong damdamin. Mabuti para kay Florante, umoo si Laura sa pagluha. Ang pag-oong ito ang ipinasasalamatan ni Florante sa kanyang pagdating nang buhay sa Krotona.

Nang siya ay paalis na kanyang dinaramdam ang lubhang sakit ng paglisan ng kanyang mahal na si Laura.

Florante, Florante at Laura

KABANATA 21 Sa pagsasalaysay ni Florante, kakatapos lamang ng panalo nila laban sa mga Morong sumakop ng Krotona. At dahil sa pagkapanalong iyon, siya ay lubhang pinasasalamatan ng mga mamamayan ng Krotona, na sa malapit nang umabot sa pagsamba sa kanya; makikita ito sa hangad nang taong mahagkan ang damit niya. Lahat ng kasayahang ito ay nagtapos din kaagad kay Florante nang kanya muling naalala ang pagkamatay ng kanyang ina nang kasama niya ang hari ng Krotonang ama ni Floresca, ang kanyang ina.

KABANATA 22 Sa pagsasalaysay ni Florante, dumaan na ang limang buwan simula nang binawi nila ang Krotona kaya naman ipinagpilit niyang umuwi. Batay sa mga isinalaysay ni Florante, masasabing mabagal ang pag-usad nila, at kaya nga hangad niya nang liparin ang Albanya dahil sa sobrang pagmamadali upang makita muli si Laura. Ngunit noong nakita niya ang muog ng Albanya, mayroon siyang naramdamang hirap sa puso niya. Nang sila ay malapit na sa muog, nalaman na ni Florante ang dahilan ng salagimsim niya; ang muog ay nagwawagayway na ngayon ng watawat ng mga Moro, ang bituin at gasuklay (); ito ay ibinanggit sa awit sa Kastila nitong ngalan. Nangangahulugan itong ang Albanya ay sinakop ng mga Moro, na ayon kay

Florante, pinapamunuan ni Aladin, ang hindi niya nalalamang pinagsasalaysayan niya pala; ngunit ito ay mapapabulaanan din ni Aladin mismo kapag ipinakilala niya na ang sarili niya, at isinalaysay ang buhay sa Kabanata 24.

Bandila ng Kaharian ng Albanya

Bituin at gasuklay na watawat Dahil sa nakita niyang iyon, agad pinatigil ni Florante ang kanyang hukbo "sa paa ng isang bundok na mabangin". Sa tinigilan nilang iyon, natanaw nila ang hukbong Moro, at ang isang babaeng pupugutan; ikinatakot naman iyon ni Florante dahil baka si Laura iyon. Sa galit, bigla nilang inilusob ang mga Moro, at nang tapos na nilang mapatay ang lahat, nilapitan niya ang nakagapos na pupugutan, at inalis ang takip nito sa ulo. Nagulat si Florante matapos nito dahil ang babaeng nakagapos ay si Laura. Si Laura, ayon kay Florante, ay pupugutan dahil sa pagpalag niya sa panghahalay ng isang di-ipinapangalanang emir, ang pinuno ng mga Morong mananakop. Pinakawalan niya si Laura. Matapos ang lahat ng iyon, napansin nilang nakabilanggo ang kaginoohan, kasama roon ang Haring Linceo, ang Duke Briseo, ama ni Florante, at pati na rin ang Konde Adolfo. Kaya naman piuntahan nila ang bilangguang iyon, at ipinakawalan ang kaginuohan. Lubhang katuwaan ang nasa mga ipinalaya ni Florante at ng kanyang hukbo, maliban dito si Adolfo, ang tanging nagluluksa dahil sa kapurihang natanggap ni Florante lalo na nang siya ay binansagan ng haring "Tanggulan ng S'yudad", at ipinagdiwang siya sa palasyo, at, ang pinakamasakit para kay Adolfo, nang ipahayag ni Laurang mahal niya talaga si Florante, nagpapakahulugan ng kanilang pagpapakasal, at, sa hinaharap, ang pagiging hari ni Florante, at tagapagmay-ari ng korona at ng kapangyarihan nito sa kaharian.

KABANATA 23 Matapos ang ilang buwan nang nabawi na nina Florante ang Albanya mula sa mga Moro, may mga nagbabanta nanamang manakop sa Albanya at mga karatig-bansa nito. Ang bantang ito ay

ang mga Turkong Moro. Ikinababahala ito ni Laura nang lubha sa pag-aalalang maaaring umalis nanaman si Florante upang managupa ng mga nananakop, at sa huli mamatay. Bagaman ikinakatakot ni Laura, inatasan si Florante ng haring bilang heneral kaya tungkulin at kailangan niya talagang kalabanin ang mga mananakop. Muli sa digmaang ito kasama niya si Menandro, ang kanyang matalik na kaibigan sa pakikibaka. Sa katapusan ng kanilang maraming pakikibaka, 17 hari ang nagbigay-galang kay Florante bilang pasasalamat. Isang araw, kakatapos pa lamang ng kanilang pagkapanalo sa Etolya, nakatanggap si Florante ng isang sulat na mula raw sa Haring Linceo; ngunit malalaman niya rin sa bandang huli ng kabanata, at sa pagsasalaysay ni Laurang ito ay hindi totoo. Sa sulat na iyon, iniuutos ang kanyang pag-uwi nang mag-isa habang ang kanyang hukbo ay ipapaubaya kay Menandro. Sa paniniwala ni Florante, kanyang isinunod ang nasasaad sa liham. Dumating siya sa Albanya nang kagabihan, at sa pagdating niyang iyon mabilis na mabilis siyang kinubkob ng 30,000 mandirigmang sa bilis ay hindi man lamang nakapalag si Florante; marahil isa lamang itong pagmamalabis. Matapos niyon, siya ay nakagapos na piniit nang 18 araw sa isang kulungan, at sa hindi isinalaysay na paraan, nalamang mga tauhan ni Adolfo ang dumakip sa kanya, at sa ilalim ng utos ni Adolfo, ipinapatay ang Haring Linceo at ang Duke Briseo, Florante, Florante at Laura ang ama ni Florante. Ayon kay Florante, ginawa ito ni Adolfo dahil sa kanyang nasang yumaman, maging tanyag na hari, at mamatay si Florante.

"Ang nasang yumama't haring mapatanyag at uhaw sa aking dugo ang yumakag sa puso ng Konde sa gawang magsukab"

Ngayon, si Adolfo na ang hari at may-kapangyarihan; higit na bibigyanlinaw ito sa mga sunod na kabanata. Ito naman ay inilalarawan ni Florante bilang isang masamang naghahangadyamang haring mariing hampas ng Langit sa bayan ng Albanya. Dito rin sinimulan nang paniwalaan ni Floranteng siya ay ipinagpalit ni Laura para kay Adolfo. Sa huli, hinahangad na lamang ni Floranteng mamatay bago siya dinala nang isang gabi sa isang gubat, at iginapos.

"(Sapagkat ang haring may hangad sa yaman ay mariing hampas ng Langit sa bayan.)"

Florante, Florante at Laura

KABANATA 24

Buod

Sa unang salaysay ni Aladin habang namimighati sa mga dinaanang pasakit ukol kay Flerida, ipinakilala niya muna ang sarili bilang si Prinsipe Aladin ng Persya, anak ng Sultan AliAdab. Matapos niyon, nilibot nina Aladin at Florante ang gubat habang itinutuloy ang pagsasalaysay tungkol naman sa kanyang buhay. Ayon kay Aladin, hindi malalagpasan ng hirap na dinaanan niya habang ipinaglalaban si Flerida mula sa kanyang ama kahit ang mga digmaan niyang kinabaka bilang isang mandirigma. Matapos noon, isinalaysay niya naman ang kanyang pagkabilanggo at kasabay na bitay sa pagpugot sa Persya pagkagaling niya sa Albanya nang pinamunuan niya ang pananakop ng mga Moro rito. Ang kaparusahang ito ay dahil daw sa pag-iwan niya sa kanyang hukbo nang hindi pa iniuutos ng kanyang ama, at pagkatalo; makikita sa Kabanata 18 iniwan niya ito sa kanyang Heneral Osmalic, at sa susunod na kabanatang ito ay isang panakip-butas lamang sa isang pansariling hinahangad ng kanyang amang si Ali-Adab. Kinabukasan ng kanyang pagkakakulong, siya ay iniligtas ng isang heneral dahil sa pagpapatawad sa kanya ng kanyang ama; ngunit ito pa nga ay ikinalulungkot ni Aladin, at higit na hinihiling niya pang mamatay kundi niya makakasama si Flerida. Kasama sa kapatawarang iyon ang kanyang paglisan ng Persya, at hindi na manumbalik dito kundi siya ay bibitayin. Sa huli, kanyang isinalaysay na siya ay anim na taong nang naglilibot sa kagubatan bago niya iniligtas si Florante bago napatigil sa pagsasalita nang kanilang napakinggan ang pagsasalitaang bukod pa sa kanila sa loob ng gubat.

"Ako ang Aladin sa Persyang Siyudad, anak ng balitang Sultang Ali-Adab. ... Sa madlang gerang dinaanan, 'di ako naghirap ng pakikilaban para nang bakahin ang pusong matibay ni Fleridang irog na tinatangisan. ... At nang magbiktorya sa Albanyang S'yudad, pagdating sa Persya ay binilanggo agad. At ang ibinuhat na kasalanan ko, 'di pa utos niya'y iniwan ang hukbo; at nang mabalitang reyno'y nabawi mo, noo'y hinatulang pugutan ng ulo. Tadhanang mahigpit ay nalis pagdaka, huwag mabukasan sa Reyno ng Persiya. ... Sinunod ko't utos ng hari ko't ama."

Aladin, Florante at Laura

Flerida

Isang estatuwa ni Diana Punong artikulo: Florante at Laura/Mga tauhan at tagpuan#Flerida Si Flerida ['flrida] ay ang minamahal ni Aladin. Sa kabanatang ito, siya ay inilalarawan ni Aladin sa dalawang paraan.

Diana
Punong artikulo: Mitolohiyang Romano/Mga diyosa/Diana Si Diana [di'jana] ang diyosa ng pangangaso, at sinasamba sa kanyang pista tuwing Agosto 13. Siya ay lubhang iganagalang ng mga mabababang uri.

Huri
Sa Islam, ang mga Huri [hu'r] ay mga babae ng kagandahan na karaniwang inilalarawan bilang mahihinhin, birhen, magaganda ang mata, kagaya ng perlas, mabibilog at malalaki ang dedeng hindi lumalaylay, kasama ng mga kasinggulang, walang regla at anak, bata panghabang-buhay, dalisay, maganda, maputi, at iba pa.

KABANATA 25

Lagom

Napatigil dito't sila'y may namatyag,

Kakatigil lamang magsalaysay ni Aladin ng kanyang buhay kay Florante sa huling kabanata nang makarinig sila ng mga nag-uusap na bukod pa sa kanila. Isinasalaysay sa kabanatang ito ang napakinggan nina Aladin at Floranteng pag-uusap nina Flerida at Laura, at sa huli ang lubhang sayang di-malaralarawan ng pagkikita-kita nilang apat na nagmamahalan.

nagsasalitaan sa loob ng gubat. Napakinggan nila'y ganitong saysay:


Francisco Balagtas, Florante at Laura

Buhay ni Flerida
Sa unang pagsasalaysay ni Flerida kanyang isinabi kay Laurang kakaalam niya lamang na pupugutan si Aladin, ang kanyang mahal, pagkatapos ng kanyang pagkabilanggo. Sa takot ng pagkamatay ni Aladin, nagmakaawa siya sa ama nitong si Ali-Adab, na siya ring sultang ng Persya, ang bansang ginaganapan ng pagsasalaysay, ama ni Aladin, at ang mismong humatol sa kamatayan ni Aladin. Sumang-ayon naman si Ali-Adab ngunit nang may-pasubali; ang pasubaling ito ay ang tatanggapin niya ang pagsinta ni Ali-Adab. Ito ay dahil bukod kay Aladin, minamahal din ni Ali-Adab si Flerida; higit na bibigyanlinaw ito sa susunod na kabanata.

Karamihan ng mga gubat ay masusukal; ito ay nagpapahirap sa paghahanap. Sa huli, kahit kanyang kinasusuklaman nang lalong lahat, kanyang itinanggap ang alok ni AliAdab, na nagpakawala naman kay Aladin, at nagligtas ng kanyang buhay sa kamatayan. Ngunit bukod pa sa kanilang pinagkasunduan nina Flerida, itinakda rin ni Ali-Adab pagpapatapon ni Aladin mula sa Persya, at ang pagbabawal sa pagbalik niya magpakailanman kundi siya ay ipapapatay; ito ay upang mapigil si Aladin sa pang-aagaw kay Flerida. Isinunod ni Aladin ang takda, na ikinalungkot naman ni Flerida dahil nangangahulugan itong hindi na sila magkikita nang muli. Sa araw ng kasal, na ikinasasaya ng buong Persya, at itinuturing ni Fleridang kamatayan, nina Ali-Adab at Flerida, si Flerida ay nagdamit-mandirigma, at umalis ng palasyo sa gamit ng bintana. Ito ay upang hindi niya mapakasalan si Ali-Adab, at mahanap si Aladin kung nasaan man siya napaparoon. Ang paghahanap na ito para kay Aladin ay nagtagal nang ilang taon. Maging ang mga bundok at gubat ay kanyang siniyasat hanggang makarating siya sa gubat na itong nasasalabas ng Epirong kanyang ipinagsasalaysayan ngayon.

KABANATA 26

Lagom

Yaong gubat na malungkot, sa apat ay naging paraiso'y lugod. ... dininig ng tatlo kay Laurang buhay.

Francisco Balagtas, Florante at Laura

Sa kabanatang ito, isinasalaysay ni Laura kina Aladin, Flerida at Florante ang mga nangyari noong umalis si Florante upang bawiin ang Etolya mula sa mga Turkong mananakop; sa pagsasalaysay na ito, ibinibigyanlinaw ang pagkamatay ng Haring Linceo at Duke Briseo, at ang pagkamit ng Konde Adolfo ng lubos na kapangyarihan. Ito ay habang si Flerida ay nagsalaysay din ng tungkol naman sa kung paano niya iniligtas si Laura mula sa kahalayan ni Adolfo.

Mga pagsasalaysay
Paglakas ni Adolfo

Pangmatagalang nakakasira ng mga bahagi ng katawan ang pagkagutom kaya karaniwan itong inaayawan Ayon kay Laura, noong kakaalis pa lamang ni Florante sa Albanya papuntang Etolya upang bawiin ito sa mga Turkong mananakop, mayroong isang sabi-sabing napakabilis na kumakalat. Sa sabi-sabing itong karaniwang ipinapalagay na ipinakalat ni Adolfo o ng kanyang mga lingkod sa ilalim ng kanyang utos, isinasabing iniutos daw ng Haring Linceong harangan ang imbakan ng kakanin at trigo, ang pangunahing pagkain ng karamihan ng mga kalinangan, upang gutumin ang mga mamamayan ng Albanya. Sa paniniwala at galit ng taumbayan, sila ay nagwelgang mamatay ang Haring Linceo. Ginamit ni Adolfo ang paniniwalang ito upang agawin ang kapangyarihan, at bilang bagong hari ng Albanya, iniutos niya ang pagpugot ng Haring Linceo,

at ng kaginoohan, kasama na roon ang Duke Briseo; ngayon nalaman na rin ni Florante ang buong salaysay ng pagkamatay ng kanyang ama. Pagkatapos ng lahat ng iyon, ipinilit ni Adolfong ibigin siya ni Laura kundi siya ay mamamatay. Humingi ng limang buwang taning si Laura upang makapagpasya, ito ay upang patagalin ang kanyang pagsagot, at upang mahintay pa ang pagbalik ni Florante dahil sa kanyang sulat na gagawing humihiling ng pagbalik ni Florante. Kundi man makabalik si Florante, higit na pipiliin niya pa raw na magpakamatay. Matapos ang isang buwan, nakatanggap si Florante ng isang sulat na kanyang isinunod, hindi ang mula kay Laura kundi ang pamatibong na sulat ng Konde Adolfong humihiling ng kanyang pagbalik nang mag-isa, at lubhang ikinalungkot ito ni Laura. Dahil hindi si Florante ang nakatanggap ng sulat, natanggap ito ni Menandro at ng kanyang hukbo.

Isang lalakeng namamana

Pagbagsak ni Adolfo
Nang palapit na ang pagpapakamatay ni Laura, dumating naman si Menandro at ang kanyang hukbo, at kinubkob ang Albanya mula kay Adolfo. Hindi ito kayang malabanan ng Konde Adolfo, kaya, kasama ng kanyang mga lingkod, umalis siya ng Albanya nang kasama si Laura gamit ang kabayo. Idinala ni Adolfo si Laura sa gubat na ipinagsasalaysayan niya ngayon, at dito siya ay pinagtangkaang halayin ni Adolfo. Dito sa panahong ito, dumating at nagsimula nang magsalaysay si Fleridang lumigtas kay Laura sa pagpana kay Adolfo upang mapigilan siya sa kanyang balak gawin.

KABANATA 27 Ang kabanatang ito ay isang lagom ng mga nangyari matapos magkita-kita ang apat na nagiibigang sina Aladin at Flerida, at sina Florante at Laura sa gubat. Nasasaad sa kabanatang itong habang nagsasalita si Flerida roon sa huling kabanata, biglang dumating ang isang hukbong naghahanap kay Adolfong, malamang upang bilangguin o parusahan, mula sa Etolya; ang hukbong ito ay pinamumunuan ni Menandro, kaya naman ang pagdating nito ay lubhang ikinasaya ni Florante dahil si Menandro ang kanyang matalik na

kaibigan, at ang parehong hukbong kumubkob sa Albanya, at nagpatalsik kay Adolfo mula sa trono. Isinigaw ng hukbong ito ang kanilang paggalang sa mga bagong pinuno ng Kaharian ng Albanyang sina Florante at Laura. Matapos niyon, bumalik sila sa kaharian, at doon ipinagdiwang ang pagbibinyag nina Aladin at Flerida sa Kristiyanismo, at ang kanilang pagpapakasal, pati na rin ang kina Florante at Laura. Tumagal ang panahon, at namatay na rin ang Sultan Ali-Adab, ang ama ni Aladin, kaya umuwi na siya at si Flerida pabalik ng Persya upang maging bagong pinuno nito. Sa pamumuno ni Florante bilang bagong hari ng Albanya, naging mapayapa ang kaharian hanggang sa kanyang kamatayan.

You might also like