You are on page 1of 3

BATANG MAGALANG Ang batang magalang Kinatutuwaan Ng mga magulang At maging sinuman Ang po at opo Laging nasa puso

Lalo nat kausap ng mga kaanak. PAGSUNOD SA UTOS Sa mga iniutos Sumunod nang maayos Mukhay pasayahin Paglakad ay ayusin. ANG PO AT OPO Ang bilin sa akin Ng amat ina ko Maging magalang Mamumupo ako Sa lahat ng oras Sa lahat ng dako Pag kinakausap Ng matandang tao.

Saan man lumakad Kilala ng lahat. PAGGISING SA UMAGA Sa umaga paggising Kumot ay tiklupin Higaan ay ayusin Unan ay gayon din. PAGKATAPOS MAGLARO Pagkatapos maglaro Lagi sanang isapuso Laruan ay itatago Upang lagi itong buo. ANG MGA GULAY AT PRUTAS Sa ating bakuran Mga prutas at gulay ay matatagpuan May santol, atis, kaimito at mangga Balimbing, bayabas, saging at papaya. Talong, okra, sitaw, kalabasa Kamatis, petsay, upo at mustasa Sa ating katawan ay nagpapasigla.

ANG BATANG MATAPAT Ang batang matapat Kaibigan ng lahat

MGA TUGMA Ako si sipilyo Kaibigan ninyo Pinatitibay ko Mga ngipin ninyo. Ako si suklay Kaibigang tunay Buhok pinagaganda Gamitin ako tuwina. Ako si paruparo Lumilipad-lipad Dumadapo ako Sa mga bulaklak. Mahal ko si kuya At lagi kong kasama Pag kapiling siya Ako ay masaya. MGA TULA MAG-ANAK Ang nanay natin ay mahalin Ang tatay natin ay gayundin Utos nila ay ating sundin Kapatid ay huwag aawayin. Mahal ko si ama Gayundin si ina Kung wala sila Anong lungkot pala MASAYANG PAMILYA Sa lahat ng oras Kami ay masaya Laging nagtutulungan Sa hirap at ginhawa. Laging magkasundo si Inay at Itay Kamiy maligaya sa loob ng bahay. Si toothpaste naman ako Katulong ni sipilyo Pinapuputi ko Mga ngipin ninyo. Puti ang sampaguita Dilaw ang tsampaka Pula ang gumamela Lahat ay magaganda. Tingnan mo, tingnan mo Ang pulis trapiko Nakasisiyang malasin Senyas niya ay sundin. Ang bunsong si Neneng Tuwa naming lahat Kapag humahalakhak Kamiy nagagalak.

DITO NA SI INA Isa, dalawa, dito na si ina Tatlo, apat, may basket na hawak Lima, anim, ating salubungin Pito, walo, sa kusina tayo Siyam, sampu, tumulong magluto. MGA TUGMA TUNGKOL SA ALAGANG HAYOP Alaga kong manok Nagbibigay ng itlog Kaya ako ay mabilog At saka malusog.

Ang kahol ng aso Sa may bakuran ninyo Ang batang magulo Ay hindi matututo.

Ang batang matigas ang ulo Laging simula ng gulo.

Ang unga ng kalabaw Doon sa lubluban Ang batang magalang Tuwa ng magulang.

Ang kokak ng palaka Doon sa may sapa Matitipid na bata Sa peray sagana.

Ang mee ng kambing Sa may puno ng saging Ang batang maagang magising Masipag at matulungin.

Ang tilaok ng manok Sa sangang nakabaluktot Ang batang paladabog Dapat ay sa bundok.

Ang bulong ng bubuyog Sa butas ng punong niyog Ang batang maagang matulog Lalaki at lulusog.

Ako ay may aso Ito ay si Dodo Dali-dali takbo At hahabol ito.

Ang ee-ek ng babaoy Sa kulungan ni Amboy Ang batang laging lumalaboy Tulad ng walang silbing kahoy.

Kaibigang baka Alaga ni ama Nagbibigay ng gatas Kaya ako ay malakas.

Ang ngiyaw ng pusa Sa may kusina Magulang ay natutuwa Sa mabait na bata.

Ang halinghing ng kabayo Sa loobang madamo

You might also like