You are on page 1of 20

Lupang Tinubuan Ni Narciso G. Reyes Ang tren ay tumulak sa gitna ng Sali-salimuot na mga ingay.

Sigawan ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune, mama, Tribune, Taliba? Ubos nap o. Liwayway, bagong labas. Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalimutan, Sindo, ang baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, magingat ka! Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal Na Araw na kami uuwi. Ang pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulta ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. H-s-s-s-Tsug. Tsug. Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at silay napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga. Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, Salamat at tayoy nakatulak na rin. Kay in it doon sa istasyon. Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan. Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis nat tugma-tugma, tila pintig ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiay Juana, Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siyay nabubuhay pa. Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagamat hindi niya nakita kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang kanyang butihing ate ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik. Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa Kallagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit, isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at ditto, nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit. Walang maganda rito kundi ang langit, ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib. Hindi po naman, ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid. Kay rami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at Asyas. Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito, halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga

nangasapuno ng hagdan hanggang sa nagasaloob ay pawang kamag-anak ni Danding. Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko, ang naisaloob niya. Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon. Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Balana ang nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa pagkamaramdamin ng kanyang pamangkin, at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon sai Danding, na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala. Isang manipis na dingding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At sa bukas na lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga puting kurtina salo ng pinagbuhol na lasong itim, ay walang tigil ang pagyayaut-yaot dito ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan, nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot. Hindi mo nababati ang Nana Marya mo, ang marahang paalala ng kanyang Tita Juana. At ang pinsan mong si Bining, ang pabulong pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang album sa mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao. Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid sa may likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at namandala ana ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa init ng araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid. Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ang unang nagsalita. Kaparis ka ng iyong ama, ang wika niya. Bakit po? Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa. May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa. Ganyan din siya kung magsalita, bata pay magulang na ang isip. Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?

Nasaksihan! Napahalakhak si Lolo Tasyo. Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama. Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng bukid. Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala koy hindi siya titigil sa kaiiyak. Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang likuran. Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula-isang maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong kapilyuhan ang ama mo. Napangiti si Danding. Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng pagkakaluwas niya sa Maynila? Oo, natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga nangyari. Nahuli sila sa tabi ng isang mandala ng palay. Nahuli po? Oo sa liwanag ng aandap-andap na bituin. Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga alaala nito. Ano ang pinanood mo sa bukid? ang usisang biro ng isa sa mga bagong tuklas niyang pinsan. Ang araw, ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang naninibago at hindi halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong sa bahay. Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at batbat sakit na pagkakawalay nila, na kamatayan lamang ang lubusang magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na bakurang ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang labi ng Katipunan, ng mga pag-asa, pag-ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga pagkabigo na siyang pumana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling maging ang pinakamaliit na halaman. Handa na ang hukay. Wala na ang nalalabi kundi ang paghulog at pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli ang takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang itoy minsan pang masulyapan ng mga naulila. Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga piping pananangis na higit na makadurog-puso kaysa maingay na pag-iyak. Pinagtiim ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng kanyang pagtitimpi ay naramdaman niyang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikap ang dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay. Ibig niyang mapag-isa kayat nang makita niyang may taong naiwan sa bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at nagsisimula nang lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si Danding sa tabi ng pulutong ng mga kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang mukha at leeg. Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat niya ang kanyang mga paa, itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin. Kay lamig at kay bango ng hanging iyon. Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay ang pagod niyang katawan. Sa kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan ng ama niya, ay napanatag ang kanyang puso. Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at kay bango ng nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at siyay napangiti nang lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita. Tumawa nang marahan si Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya sa lupa. Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siyay nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na minsay nadilig na mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak ng kanyang ama. Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio. Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni Danding ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan, kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak, kasalo sa kanilang mga lihim at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan. Muli siyang napangiti. Sa dako ng baybay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi na, kagat na ang dilim sa lahat ng dako. Walang buwan at may kadiliman ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo ng mga kawayang nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at ang ilang aandap-andap ng bituing saksi ng unang pag-ibig nito.

Tata Selo 1. Tagpuan: San Roque, Poblacion, Sakahan, Tanggapan ng Alkalde, Tanggapan ng Pulis(Istaked) 2. Tauhan: (Pangunahing Tauhan) Tata Selo Kabesang Tamo- mayamang may-ari ng Sakahan at Sinanlaan ni Tata Selo sa Sakahang dati niyang pagmamay-ari Saling- anak ni Tata Selo Alkalde,Pulis, Mga ilang magsasaka at mamamayan, isang bata 3. Buod: Ang panitikan ay salamin ng buhay. Itoy isang representasyon ng mga karanasan sa buhay ng tao sa tulong ng mga salita. Sa kuwentong ito, alamin kung anong mga pangyayari sa mga tao sa lipunan ang malinaw na pinapaksa ng may akda. 4. Simbolismo: Isang matibay na bagay na makakapagbigay ng malalim na simbolismo sa istorya ay ang "tagak". Dahil sa pagsusuring ito, umikot ang at nagbigay sabik sa istorya ang pagtaga ni Tata Selo sa kay Kabesang Tamo. Ang tagak din ay nagbigay suspense sa tila isang masipag at mapagmahal sa pamilya na si Tata Selo. 5. Layunin ng Awtor: Ang maaring maging layunin ng awtor dito ay ang paglalathala ng isang karanasan na sumasalamin sa buhay ng isang tao.. Isang karanasan na base sa totoong buhay ngunit sa kaso ng Tata Selo ay mas pinaniig pa ang akda upang mas lalong maging epektibo at madamdamin sa mambabasa. Tata Selo Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay nap no na ang bakuran ng bahay-pamahalaan. Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isay naghahangad makalapit sa istaked. Totoo ba, Tata Selo? Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya. Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao.

Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo, umiling na wika ng kanyang kahangga, talagang hindi ko mapaniwalaan. Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, dikalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na alikabok. Bakit niya babawiin ang aking saka? tanong ni Tata Selo. Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi bat kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan? Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan. Hindi mo na sana tinaga si kabesa, anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo. Binabawi po niya ang aking saka, sumbong ni Tata Selo. Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka? Kumumpas ang binatang mayaman. Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras. Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas. Ako poy hindi ninyo nauunawaan, nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, Kung maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, Besa. Totoo pong akoy matanda na, ngunit ako po namay malakas pa. Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po nyong putok sa aking noo, tingnan po nyo. Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraay tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis. Pano po bang nangyari, Tata Selo? Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik. Pinutahan niya ako sa aking saka, amang, paliwanag ni Tata Selo. Doon ba sa may sangka. Pinaalis sa aking saka, ang wikay tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta? Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.

Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata. Patay po ba? Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat. Pano pa niyan si Saling? muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. Pano po niyan si Saling? Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang nooy di pa nag-aalisang tao. Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked. Patay po ba? Saan po ang taga? Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe. Saan po tinamaan? Sa bibig. Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa kanang punong tainga. Lagas ang ngipin. Lintik na matanda! Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw na ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked. Mabibilanggo ka niyan, anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan. Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.\ Pano nga bang nangyari? kunot-noo at galit na tanong ng alkalde. Matagal bago nakasagot si Tata Selo. Binabawi po niya ang aking saka, Presidente, wika ni Tata Selo. Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo. Alam ko na iyan, kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde. Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Ako po naman, Presidente, ay malakas pa, wika ni Tata Selo. Kaya ko pa pong magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po. Saan mo tinaga ang kabesa? Matagal bago nakasagot si Tata Selo.

Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil. Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako poy talagang malakas pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako poy lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka. Bakit po naman, Besa? tanong ko po. Ang wikay umalis na lang daw po ako. Bakit po naman, Besa? tanong ko po uli, malakas pa po naman ako, a. Nilapitan po niya ako nang tinungkod. Tinaga mo na non, anang nakamatyag na hepe. Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin may mga eskribiyente pang nakapasok doon ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa. Ang inyong anak, na kina Kasesa raw? usisa ng alkalde. Hindi sumagot si Tata Selo. Tinatanong ka, anang hepe. Lumunok si Tata Selo. Umuwi na po si Saling, Presidente. Kailan? Kamakalawa po ng umaga. Di bat kinatatulong siya ron? Tatlong buwan na po. Bakit siya umuwi? Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya. May sakit po siya? Nang sumapit ang alas-dose inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo ay umalis ang alkalde upang manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis. Napatay mo pala ang kabesa, anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at din pa tumitinag sa upuan. Binabawi po niya ang aking saka, katwiran ni Tata Selo. Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo. Tinungkod po niya ako nang tinungkod, nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo. Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe. Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod... Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis. Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e, sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe. Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang papel na naiwan nang

nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng uwang iyoy dapat nang nag -uulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas. Dadalhin ka siguro sa kabesera, anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. Doon ka siguro ikukulong. Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niyay may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon. Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo, patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde. Patayon na rin ninyo ako, Presidente. Paos at bahagya nang marinig ang rehas ngunit pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito. May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isay nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itinatanghal. Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at itoy ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente. Nagyakap ang mag-ama pagkakita. Hindi ka na sana naparito, Saling wika ni Tata Selo na napaluhod. May sakit ka Saling, may sakit ka!? Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis. Umuwi ka na, Saling, hiling ni Tata Selo. Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag ka nang magsasabi... Kinabog kagabi, wika ng isang magbubukid. Binalutan ng basang sako, hindi nga halata. Ang anak, dumating daw? Naki-mayor. Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagakaraang siyay maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapay ilang sandali ring iyoy tila

huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya. Tata Selo...Tata Selo... Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa kanya. Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon. Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya. Nandon, amang, si Saling sa Presidente, wika ni Tata Selo. Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo. Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang batay saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraay takot na bantulot na sumunod... Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Seloy wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na matay tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayoy hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila... 6. Kakintalan: Sa mga mambabasa ng nito, nag-iwan ito ng tila "deductive approach" dahil na rin sa tila trahedyang nasapit ng bida (Tata Selo) sa istorya. Naging malungkot ang "impact" na naiwan ng istorya sa mga mambabasa nito. 7.. Pagsusuri: Base sa aking sariling pag-unawa ng akdang Tata Selo ay masasabi kong malungkot na agad, sa simula ang istorya. Malapit ito sa katotohanan na masasabi ko namang malaki ang tiyansa na nanggaling nga mismo ito sa karanasan ng isang tao. Ngunit, upang mas lalong mapaniig ang damdamin ng mambabasa ay mas ginawa pa ni Rogelio Sikat na mas "ekspresiv" ang mga eksena.. May malaki ring kontribusyon ang uri ng lipunan sa kanyang akda.

Isang Dipang Langit Amado V. Hernandez Ako'y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko'y piitin, katawang marupok, aniya'y pagsuko, damdami'y supil na't mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi't walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki'y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo'y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding;

sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo; kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon bilangguang mandi'y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko'y dito mapipigtal. Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso: piita'y bahagi ng pakikilamas, mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao't Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya'y may bayang gaganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay... layang sasalubong ako sa paglaya!

Mga Aso sa Lagarian Ang maaring maihahambing na aso sa kwento ay mga trabahador sa kwento. Para silang mga aso dahil may isa silang amo na tinatrato ang mga kanyang manggagawa na parang bilanggo. Masasama ang mga working conditions ng mga manggagawa sa kwento, tulad sa halimbawa ni Tata Ando at ang oras ng trabaho nila na nasa gabi. Tulad ng mga aso, hindi binibigyan pansin ang karapatan at tinatrato lamang sila na hayop. Binabasura at binabali wala ng amo ang mga maliliit na aso. Hindi sila binibigyan ng sapat na sweldo. Isang Punongkahoy Jose Corazon de Jesus Kung tatanawin ko sa malayong pool, Ako'y tila isang nakadipang kurus; Sa napakatagal na pagkakaluhod, Parang hinagkan ang paa ng Diyos! Organong sa loob ng simbahan Ay nananalangin sa kapighatian

Habang ang kandila ng sariling buhay Magdamag na tanod sa aking libingan. Sa aking paanan ay may isang batis, maghapo't magdamag na nagtutumangis; Sa mga sanga ko ay nangakasabit, Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. Sa kinislap-kislap ng mga batis na iyan Asa mo ri'y agos ng luhang nunukal; At saka ang buwang tila nagdarasal Ako'y binabati ng ngiting malamlam!....

TITSER ni Liwayway A. Arceo

I . PANIMULA Ang bawat bagay ay may kani-kaniyang kagandahan nakabase nga lamang sa mata ng huhusga. Marahil ang maging guro sa mata ng iba ay isa lamang hamak na propesyon, subalit may mga tao pa rin na mataas ang tingin dito. Ang Titser ay isang nobela na akda ni Liwayway A. Arceo. Ito ang kauna-unahang nobela ng awtor. Kapwa guro ang mga pangunahing tauhan sa nobela, ang mag-asawang Amelita at Mauro. Silay nanindigan at sa pagtutuwang nila ay ginising ang kanilang nayon upang bumalikwas at harapin ang pagpapaunlad sa kanilang pamayanan. Naipakita nila ang kadakilaan ng ipinapalagay ng hamak na propesyon, ang pagiging guro. Ipinakita ng nobela ang agam-agam na kinakaharap ng bawat guro. Ano ba ang dapat piliin, ang makapaglingkod sa pamayanan kapalit ng isang kahig, isang tukang pamumuhay, o ang makatikim ng karangyaan kapalit ng pagtalikod sa propesyong nais na tahakin? Ang karakter ni Aling Rosa ang nagsilbing tagapag-tibay sa agam-agam na ito. Siya ang nagpamukha kay Amelita at Mauro ng magiging kapalit ng pagiging ideal ng mag-asawa: ang paghihikahos sa aspetong pinansyal, ang pagiging "Sampu, sampera."

II . BUOD Isang pag-ibig ang sumibol kay Amelita ng makilala niya si Mauro, ang kanyang guro.Ang siyang dahilan kung kayat ang kanyang kinuhang kurso ay ang maging guro. Ang maging titser ay lubhang tinutulan ng kanyang ina na si Aling Rosa. Sapagkat ang nais ni Aling Rosa ay maging kagaya ni Amelita ang kanyang mga kapatid na may titulo ," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan ng kanilang bayan. Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro. Sa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro. Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya. Matagal na panahon man ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.

Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali. At siyay humingi ng tawad kay Amelita at Mauro. III . REAKSYON Ang pagiging guro ay isang dakilang propesyon . Marami nga ang nagsasabing ang propesyong itoy alipin ng bayan. Sa nobelang ito, Titser, nakapulot ako ng maraming kaalaman. Una sa lahat , na pagtanto ko na ang pinili ko palang kurso ay hindi basta-basta. Hindi pa ako sigurado sa pinasok ko. Nang mabasa ko ang nobelang ito ay lalo pa ata akong naguluhan. Nagkaroon ako ng agam-agam na maging guro, dahil tumambad sa akin ang katotohanan na hindi magiging madali ang aking buhay sa propesyon na ito. Kunsabagay , hindi naman siguro ako hahayaan ng Maykapal na mapunta sa lugar na hindi ko dapat kalagyan. Ikalawa, natutunan ko sa nobelang ito na hindi dapat tayo panghinaan ng loob sa anumang bagay, maging sa pag-ibig. Higit sa lahat, ang pinakamahalagang bagay na natutunan ko dito ay ang paninindigan. Napagtanto ko na ang taong may paninindigan ay mas may kabuluhan. Ang manindigan ay hindi madaling gawain, lalo na sa lipunang ating ginagalawan, lipunang salapi ang siyang nagpapagalaw. Sa pagbasa ko ng nobelang ito dalawang kaisipan ang sa akin ay naiwan, isang negatibo at isang positibo. Unahin natin ang positibo, ang maganda sa natutunan ko ay nagkaroon na ako ng ideya sa buhay na papasukin ko. Kung sakali man, hindi na ako mangangapa. At ang negatibo, ito ay nagbigay sa akin ng agam-agam dahil sa isipin na kaya ko bang gampanan ng maayos at matapat ang aking magiging tungkulin. Sa ngayon, nagkaroon ako ng takot na suungin ang hinaharap. Subalit anuman ang mangyari sisikapin kong maglingkod nang matapat at may paninindigan sa aking magiging tungkulin. KONGKLUSYON Hindi lamang sa salapi umiikot ang buhay. Bagamat ito ay isa sa ating mga pangangailangan upang mabuhay. May mas mahalaga pa sa salapi, ito ay ang pananalig sa Maykapal, pamilya at mga kaibigan. Sadyang may mga pagkakataong tayoy sinusubok kung hanggang saan ba natin kayang sambahin ang kayamanan, kung ipagpapalit ba natin ito sa pagmamahal. Kagaya nga ng nangyari kay Aling Rosa, sa bandang huli napagtanto rin niya na ang tunay na kayamanan sa mundo ay hindi ang salapi. Si Mauro at Amelita ay magandang halimbawa sa mga guro upang magising ang kanilang mga kaisipan , na gisingin ang kanilang nayon upang bumalikwas at harapin ang pagpapaunlad sa kanilang pamayanan.

Mga Tauhan ng Dekada '70 Amanda - ina sa limang lalaki na pangunahing tauhan sa kwento at asawa ni Julian. Pinakita ang katatagan ng loob sa lahat ng pangyayaring nasaksihan at naranasan sa ilalim ng rehimeng Marcos. Julian - asawa ni Amanda na kaagapay nito sa pagpapalaki sa mga anak. Naging mabuting ama sa kwento, kaantabay sa pagdedesisyon, pangangalaga at pagprotekta sa kanilang mga anak... Jules - panganay na anak nina Amanda at Julian. Pinagpasyahang tumulong sa mga rebeldeng NPA upang tuligsain at iwaksi ang rehimeng Marcos. Isagani - ikalawang anak ng mag-asawa na naging sailor at itinuring na cream of the crop ng pamilya. Nagkaroon ng simpleng pagkakamaling mabuntis ang kasintahang si Evelyn. Emmanuel - pangatlong anak ng mag-asawang Bartolome. Piniling maging manunulat ngunit hindi sinangayunan ng ama sa kadahilanang maliit lamang ang sweldo. Jason - pang-apat na anak na maituturing na isang tipikal na teenager. Napatay ng mga pulis ng rehimeng Marcos. Benjamin - bunsong anak ng mag-asawang Bartolome. Isang batang nasa kalagitnaan ng kanyang pagbibinata. Mara - babaeng nakilala ni Jules bago ito mabilanggo. Nabuntis at pinakasalan niya ito habang nakakulong. Evelyn - ang kasintahan ni Isagani na nabuntis. Kalaunan sila ay pinakasal dahil magkakaroon na sila ng anak. Balangkas I .Tagpuan: Sa highway Sa isang bahay sa Maynila Sa kulungan II. Banghay: Natural ang mga pangyayari na naganap sa kwento. Ipinakita ang pag torture kay Jules na ginagawa ng mga sundalo. May pagkaka-ugnayugnay ang mga pangyayari sa kwento. Naugnay ang lahat ng pangyayari sa panahon ng Martial Law. Malinaw ang mga ipinakitang pangyayari dito. Ipinakita ang nanyayari noong panahon ng Martial Law o batas military. III. Tema: Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na humarap sa mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng buong puso sa pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na naghahanap ng isang karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi! Na gusting maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino. IV. Istilo: Gumamit si Lualhati Bautista ng pagkakaroon ng mga epekto sa mga paniniwalang kanika-nilalang tinahak. Inilarawan ang isang pamilyang tumahak ng kanikanilang kagustuhan at ang mga naging epekto nito sa kanila. Reaksyon sa Pelikula: Ang Dekada 70 ay isang mahusay na adaptasyon sa pelikula ng nobela nitong may parehong titulo. Napanatili ang kaluluwa ng nobela sa pelikula sa kabila ng limitasyon ng pelikula bilang isang audio-visual na medium. Marahil, nakatulong ng malaki ang pagkakaroon ng iisang manunulat lamang. Naging maayos ang takbo ng pelikula na tulad sa nobela nitong nahati sa mga taon ng dekada 70. Mahusay ang pagkakaganap ng mga

pangunahing tauhan (maliban kay Carlos Agassi) na nakapagbigay hininga sa mga tauhang nooy nababasa lamang. Naibalik ng pelikula ang larawan ng dekada 70 sa mga eksena nitong nagpapakita ng mga demonstrasyon, protesta at rallies na tunay na nangyari noong panahon na iyon. Ang musika at tunog ay madalas na akma at nagpapaigting sa emosyong nais ipahatid ng pelikula. Naging mahina lamang ang disenyong pamproduksiyon ng pelikula na hindi naging masusi sa make-up, at kasuotan ng mga tauhan sa pawang hindi parating umaangkop sa panahon. AngDekada 70 ay isang pelikulang puno ng kahulugan, lalim at pagtatanong sa tunay na kahulugan at kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Bagamat maliwanag na ang manunulat na si Lualhati Bautista ay nagmumula sa feministang pananaw, hindi naging radikal ang kanyang pagtrato sa isyu ng kababaihan. Sa halip mas pinaigting pa ng pelikula ang kahalagan ng papel na ginagampanan ng isang ina sa pamilya. Mamumulat ang mga magulang na makakapanood ng Dekada 70 sa tunay na papel na kanilang ginagamapanan sa mga anak. Sa kabilang banday mas mauunawaan ng mga anak ang kanilang mga magulang na nagsusumikap na maging gabay sa anumang kanilang naisin sa buhay. Sinasabi ng pelikula na walang perpektong magulang o anak sa anumang panahon, ngunit mananatiling matatag ang isang pamilyang may tunay na pagmamahal at pagmamalasakit hindi lamang sa kanilang sarili kundi maging sa ibang tao at sa bayan. Mensahe o Aral: Para sa akin, ang mga aral na mapupulot natin ditto sa pelikulang ito ay ang pagmamahal para sa bayan. Makikita natin na ang pagmamahal ni Jules para sa bayan upang makamit ang kalayaan na nararapat sa sambayanan. Hindi dapat ito nililimitahan o kinokontrol ng pamahalaan na ang gusto lang ay kapanyarihan. Tama lang ang ginawa ni Jules dahil ganun din ang ginawa ng ating mga bayani ng ipagtanggol nila ang ating bayan sa mga mananakop. Makikita din natin sa pelikula ang pagkakaroon ng isang matatag ng pamilya. Kahit na si Amanda ay isang palaban na ina at nais niyang mas makilala pa ang kanyang sarili, hindi iyon nakasira sa kanyang pamilya kahit na iba ang idinidikta ng kanyang asawa at ng lipunan noong mga panahon na iyon. Ipinakita sa pelikula na ito ang kahalagahan ng isang ina sa pamilya lalong lalo na sa mga pagkakataong katulad ng na sa pelikula. Lagi nating tatandaan na hinding-hindi ka papabayaan ng iyong ina lalong lalo na tuwing kailangan na kailangan mo siya. Ang mga tauhan sa Dekada 70 ay pawang nakapagbigay ng kanilang totong emosyon. Si Amanda na isang inang mapagmahal na may gustong patunayan. Si Julian na boses ng tahanan, mataas ang pride at ayaw pagtrabahuhin si Amanda at di mapigil ang kagustuhan ng kanyang mga anak.. Si Jules na may paninindigan at lakas ng loob na lumaban para sa bayan. Si Isagani na isang mapusok na kabataan. Si Emmanuel na panig kay Jules na lumalaban sa pamamagitan ng pagsulat. Si Jason na isang mabuting anak na pinatay ng mga kalaban ni Jules. Si Bingo isang mapagmahal na bunsong anak. Ang Dekada 70 ni Lualhati Bautista ay tumutukoy sa kwento ng isang pamilya na nahuli sa kalagitnaan ng kaguluhan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga anak ng pamilyang ito na tumahak ng ibat-ibang landas. At ang magulang na humarap sa suliranin at di sumuko sa mga problemang dumaan.Tunay na sa isang pamilya masasabing WALANG IWANAN Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na humarap sa mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng buong puso sa pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na naghahanap ng isang karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi! Na gusting maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino. Ang Dekada 70 ay isang palabas na tunay na makabayan. Sinasalamin nito ang mga taong tumatahak sa kanilang mga landas na may gusting patunayan. Ang mga tao sa likod nito ay may kakayahang makapagpalabas ng isang buhay na larawan ng isang pamilyang dumanas ng mga problema.

Sa mga kasuotan at mga gamit dahil ito ay naganap noong mga 1970 naipakita ang mga kasuotan at mga gamit na talagang pang 1970. Maganda ang kwento at nagsasabi sa atin na kailangan nating ipaglaban ang ating mga karapatan bilang isang mamamayan sa isang malinis na paraan. Makikita na upang makalaya tayo sa pagkaalipin may mga taong nagsisikap na mapaalis ang mga taong mapang-api gaya ni Jules at ng kaibigan niya na hinangad ang kabutihan ng isang bansa at di lamang sa pansarili. Nakalulungkot nga lang at namatay si Jason na kapatid ni Jules dahil sa paglaban nito sa pamahalaan. Nakaantig damdamin ang mga pinagdaanan ni Amanda bilang isang ina dahil masakit para sa kanya ang mawalan ng anak at maghirap ang mga ito. Sa kabuuan ng kwento, masasasabing maganda ito sapagkat naipakita at nagbigay ng aral ito sa mga manonood. Bagamat kalunos-lunos ang nangyari sa pamilyang ito ay nakapagsimula silang muli at nagiging makabayan na. Masasabi nating sa kasalukuyan ay maaaring mangyari ito dahil sa gulo ng ating pamahalaan. Kaya maging mapagmasid tayo sa lahat ng oras at gawing mapayapa ang inyong gagawin. Isa lang ang tanong sa kwentong ito Paano mo palalakihin ang iyong mga anak sa panahon ng katiyakan. buod: A Ang mga salitang itoy tila mga lagusan na naghahatid sa mga aktibista, mamamahayag, pulitiko at iba pang naging bahagi ng mga ralit demonstrasyon sa mga alaala ng isang di-malilimutang panahon sa ating kasaysayanang dekadang 1970. Ang nobelang Dekada 70 (Carmelo & Bauermann; 228 pahina) ng premyadong manunulat na si Lualhati Bautista ay natatanging akda sa wikang Filipino hindi lang dahil sa pagkamit nito ng unang gantimpala sa Palanca Memorial Awards for Literature noong 1983 kundi dahil sa mapangahas na inilarawan nito ang isang lipunang nooy nasa bingit ng pagbabago sa gitna ng papalalang krisis pang-ekonomiya at pampulitikang ligalig bago naganap ang tinaguriang EDSA People Power Revolt ng 1986. Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome (tagapagsalaysay ng nobela) ang mga sakit, ligaya, problema, at adhikain niya bilang babae. Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New Peoples Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pay nagmamasid na sa mga nangyayari. Sa Dekada 70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, ibat ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar. Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawat mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabatat pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan,

wika nga ni Amanda. Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, Well honey, its a mans world. Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumaoy piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsay iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran: Ang inyong anak ay hindi nyo anak, Silay mga anak na lalakit babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagamat pinalaki nyo,silay walang pananagutan sa inyo Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa! At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o donTutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api? Sa di-inaasahang pagkakataoy nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya. Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pangintelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, sa pagkakalayo ay may paglalapit din. Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada 70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada. Unang naipakilala sa kin ang Dekada 70 noong Oktubre 1996 ni G. Christopher Amat, guro sa Komunikasyon sa College of Arts and Sciences ng University of Perpetual Help System-Laguna (UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang pagbabasa ng aklat hanggang sa itoy matapos ko sa loob lamang ng dalawang linggo. Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan. Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon. Sa mga panahong gaya ng dekada 70na dekada ng pagkamulat at pakikibakanatutunan natin ang aral na ang bawat isay bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon, ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang lumay sadyang napapalitan ng bago. Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos.

Luha ng Buwaya ni Armando V Hernandez Ang Sampilong ay isang probinsyang puno ng malawak na lupain na pag aari ngng mga Grande. Ang pangunahing hanapbuhay dito ay ang pagsasaka. May mangilan-ngilan ding lupaing pag aari ang iba tulad nina Mang Pablo, Ba Inte, Nana Oris , at Maestro Bandong ngunit di gaaanong kalakihan. Sa loob ng isang taon ay isang beses lang nakapag aani kaya't kung araw ng anihan, ang lahat ay naroroon ngunit kapansin-pansin ang hirap na dinaranas ng mga magsasaka sa lupain ni Donya Leona. Si maestro Bandong ay tumutulong na lang sa pagsasaka kina Mang Pablo kung bakasyon dahil ang kanilang lupa ay pinasasaka na lang sa ibang taga-nayon. Matapos ang anihan ay nakiusap ang mga magsasaka kay Donya Leona na kaunti lang muna ang kaltasin sa kanilang ani dahil gipit sila sa panahonh iyon. Isa na rito si Hulyan na nangangailangan ng pambili ng gamot ng kanyang asawa. Tulad ng inaasahan ay hindi pumayag ang Donya. Kinaumagahan, ipinatawag ng Donya ang lahat ng utusan, mga manggagawa, at ang kanikanilang pamilya upang makatulong sa paghahanda sa pagdiriwang para sa pagdating ng kanyang anak na si Ninet, nagtapos ng parmasya sa Maynila. Si Dislaw naman ay inutusan ng Donya na imbitahan lahat ng mayayaman at makapangyarihan sa kanilang lugar tulad nina Pari Pascual, Alkalde Bartolo, Hepe , Gobernador, mga guro, Mang Pablo, Ba Inte, at Maestro Bandong. Bago tumaghali ay dumating na ang magkapatid kasama ang kanikanilang kasintahan, si Marybee kay jun at si Dan kay Ninet. Habang ang mga bisita'y masayang nagkakainan, ang mga taga iskwater naman ay nakatanghod sa labasan. Isa na rito si Andres. Si Andres ay galing sa lungsod at nagtungo sa Sampilong kasama ang asawa sapagkat dito nagmula ang kanyang ina. Dalawang kasama niya ang kumuha ng ulo ng litson at inihagis sa kanya. Naisip niya ang pangako sa asawa na sa gabing iyon ay makakatikim na ng litson. namantaan naman ni Dislaw si Andres kaya't ipinahabol sa pulis. Nakulong si Andresngunit pinakawalan din. Lumipas ang ilang araw. Lumala ang karamdaman ng asawa ni Hulayan at binawian ito ng buhay. Nagtulong-tulong ang mga magkakanayon upang matustusan ang pagpapalibing kay Sepa. Napagkasunduan din nila na bumuo ng unyon. Hindi ito sinang-ayunan ni Dislaw ngunit ipinasya ng lahat na ituloy ito. Si Tasyo ang napili nilang pangulo at si Ba Inte ang tagapayo. Si Andres naman ang mamumuno sa paglilinis ng lugar nila na kung tawagin ay Tambakan at si Maestro Bandong ang mahahanap ng mga materyales para samga produktong pambahay na siyang magdadagdag ng pagkakakitaan ng mga magkakanayon. Nagdaos pa sila ng pagpupulong at pinagbuti ang paglilinis ng Tambakan na naging Bagong Nayon. Nalaman ng mga Grande ang tungkol sa Bagong Nayon at unyon. Ipinatawag Ni Donya Leona si Hepe at sinabi ang lupaing nasasakupan ng Bagong Nayon ay ipinama sakanila ni Pari Pascual na kanilang ama. Samantala, pinapunta ni Ba Inte si Andres sa kanyang bahay. Si Ba Inte ang pinakamatanda sa nayon at siyang nakakikilala sa mga tagaroon. Nalaman nga ni Andres mula kay Ba Inte na ang kanyang inang si Marta at taga-Sampilong at siya ay apo ni Kabesang Resongna nagmamay-ari ng malaking lupain na inaari ngayon ng mga Grande. Walang naghabol sa lupain nang mamatay si Kabesang Resong kaya't gumawa ng kasulatan ang ama ni Donya Leona na ang lupain ay ibinigay sa dalawang anak niya. Nagulat si Andres nang tawagin siyang eredero ni Ba Inte. Ibinalita niya ito kay Maestro Bandong na noon any nagdadalamhati sa pagkamatay ni Maestro Putin. Sinabi ni Maestro Bandong na tutulungan niya sa Andres upang malinawan ang lahat kaugnay ang kanyang pagiging erederoni Kabesang Resong. Si Maestro Bandong ang pumalit ang pumalit bilang prinsipal ng paaralan ngunit hindi pa naghtagal ay sinuspindi siya dahil sa paratang na nakarating sa superintende. May nagreklamo sa kanya tungkol sa patatayo ng unyon, pakikipag-ugnayan sa mga iskwater na naninirahan sa lupa ng may lupa, at pagtatag ng kooperatiba,

na hindi gawain umano ng isang prinsipal. Si G. Henry Danyo ang pumalit na prinsipal ng paaralang-bayan ng Sampilong. Lalong napalapit sa puso ni Pina ang binatang Maestro dahil alam niyang ang mga paratangay walang katotohanan. Kina Dislaw tumira si G. Danyo at isinama niya ito nang minsang dumalaw skay Pina. Nagalit at umalais na tila nagbabanta si Dislaw nang sabihin ng dalaga wala siyang maaasahan sa panliligaw. Nagkaroon ng pagtatalo sina Dislaw at Mang Pablo, ama ni Pina, tungkol sa paglalagay ng bakuran sa paaralan gayong napagkasunduang uunahin ang pagbili ng mga aklat para magamit ng mga mag-aaral. Naging mainit ang pag-uusap nila kaya inatake at isinugod sa ospital si Mang Pablo. Isang umagaay magkasamang nagtungo sina Aling Sabel at Dinong sa ospital upang dalawin si Mang Pablo. Naiwang nag-iisa si Pina nagkataong dumating dumating si Dislaw. Pinaalis siya ni Pina ngunit tumuloy pa rin si Dislaw at isinagawa ang masama niyang hangarin kay Pina. Dumating si Maestro Bandong at nagtaka ng makitang bukas ang bahay at magulo ang sala. Nakarinig siya ng impit na sigaw mula sa silid at sumogod siya rito. Nagdilim ang kanyang paningin nang makitang nakapaibabaw si Dislaw kay Pinana nagpupumilit kumawala. Nagpambuno ang dalawa at naigupo ni Bandong si Dislaw. Pinaiinom ni Bandong si Pina ng tutukan siya ng baril ni Dislaw. Mabilis na inihahis ni Bandong ang baso kay Dislaw at muli silang nagpambuno. Halos mamatay na si Dislaw sa pagkakasakal ni Bandong nang dumating ang tiyuhin ni Pina na siyang umawat dito. Kahiya-hiya ayon kay Donya Leona ang nangyari kaya't pinaluwas sa Maynila si Dislaw at Pinatuloy kina Ninet at Jun. Napawalang-sala si Bandong sa paratang sa kanya at ibinalik bilang prinsipal ngunit naipasya niyang magsaka na lamang. Sa tulong naman ng kaibigang abogado ni Maestro Bandong ay unti-unting lumilinaw ang tungkol sa kung sino ang talagang may-ari ng malaking lupain ng Sampilong. Nagsampa sila ng kaso. Una, para mabawi ni Andres ang mga lupain ng kanyang Lolo Resong; ikalawa, para sa karapatan ng mga manggagawa; at pangatlo, para sa tangkang panghahalay ni Dislaw kay Pina. Palihim na hinakot ng mga trak ang laman ng kamalig ng mga Grande sa pamamagitan ng tulong ni Kosme. Pagkatapos ay sinunog ni Kosme ang kiamalig. Malaki ang bayad na tinanggap ni Kosme dahil sa ginawa niyang ito. At sina Tasyo, Andres, at iba pang magsasaka ang ipinahuli ni Donya Leona kaugnay ng pagkasunog ng kamalig. Gayunman, si Iska, kasintahan ni Kosme, ay nagtungo sa bahay nina Sedes at dahil sa sama ng loob kay kosme na umalis kasama ang kalaguyong si cely, ipinagtapat niya ang nalalaman tungkol sa pagkasunong ng kamalig. Isinama ni Sedes si Iska kina Bandong at sila ay nagtungo sa presinto. Pinakawalan ang mga magsasaka. Sa Maynila ay hinuli naman si Kosme at agad namang nagtapat na ang mga Grande ang may pakana ng lahat. Si Dislaw naman naman na pinagkatiwalaan ng malaking halagang napagbilhan ng lahat ng laman ng kamalig ay parang bulang naglaho. Nagwagi ang mga taga-Sampilong sa mga kasong isinampa nila at ibinalik kay andres ang lupain ng Lolo Resong niya. Ang mag-asawang Grande ay lumuwas na rin sa Maynila at hindi na muling nagpakita pa sa nayon. Si Bandong naman ay napapayag ding mamumo ng isang taon sa paaralan at napagkasunduan ng mga taga-Sampilong na kakandidato siya bilang Alkalde. Naipasya rin niya na magpakasal na sila ni Pina.

You might also like