You are on page 1of 1

Mary Ann M.

Suizo KABANATA III PAMAMARAANG GINAMIT

Oktubre 4, 2013

Ang Laro Sa Baga ni Edgardo Reyes ay ginamitan ng KWALITATIBONG PANANALIKSIK. Sa iba pang naisulat ng naturang awtor ay implikasyon ng gawi at kultura ng mga Pilipino sa ibat ibang aspeto. Katulad ng Sa Kagubatan Ng Lunsod at Sa Mga Kuko Ng Liwanag gayundin ang pagkatha ng awtor ay nakabase sa kanyang mga nakikita at naging karanasan sa buhay. Pumapatungkol ang istorya base sa pamagat nito na kung saan ang pangunahing tauhan na si Ding ay naglalaro sa baga.Ang pakikipagtalik niya sa mga naging karelasyong babae at ang pagdrodroga ay siyang lumalapit sa kanya sa kapahamakan. Dahil sa mga naging karakter sa nobela, nabibigyan ng kaisipan at mensahe ang mga mambabasa sa naging istorya. Sa kanilang mga gawi, paniniwala at intensyon ay napagtatanto natin ang pagkakakilanlan ng bawat isa. Kaya ito ay nasa KWALITATIBONG PANANALIKSIK, ito ay paraan ng pananaliksik na nagsusuri at sumasagot sa hindi lang saan, kailan at sino pati na din kung bakit at paano nangyari ang bawat sitwasyon. Ang mga talambuhay, paniniwala, kultura, ekspresyon, moralidad at imahinasyon ng tao ay napag-aaralan sa KWALITATIBONG PANANALIKSIK na siyang kaiba sa kwantitatibong pananaliksik dahil ang huli ay nakabatay sa bilang at varyabols sa pangangalap ng impormasyon at deyta.Sa una ay ang pangangalap ng impormasyon at deyta batay sa mga taong nasa kalikasang anyo ng lugar na siya namang sinusuri ng mananaliksik mula sa pagbibigay ng kahulugan ng tao sa kanila. Ang pagpili at pagrekord sa mga gawi ng tao ay nakabatay sa obserbasyon na kadalasang ginagamit ng mga taong dalubhasa sa agham ng isip.

You might also like