You are on page 1of 1

MGA AKDA NI DR. JOSE RIZAL 1.

Awit ni Maria Clara Ang Awit ni Maria Clara ay parte ng nobelang Noli Me Tangere. Isinulat ito para sa tauhan na si Maria Clara. Sa tulang ito, kitang kita ang pagmamahal ni Rizal sa bayan at ang kanyang paghahangad na kung siyay mamamatay, itoy para sa kanyang bayan. 2. Amor Patria (El Amor Patrio) (Pagmamahal sa Bayan) Ito ay isang sanaysayang kauna-unahang akdang sinulat ni Rizal sa banyagang lupa. Sinulat niya ito noong siyay nasa Barcelona at ipinadala sa editor ng Dyaryong Tagalog. Naglalaman ang sanaysay na ito ng napakaraming pahayag ng pagmamahal sa bayan at mga dahilan kung bakit nararamdaman ito ng mga taokahit anong lahi pa. Sinabi niya doon na hindi dapat ikagulat kung ang isang tao man ay may labis na pagmamahal sa bayan dahil naroon ang mga alaala ng kamusmusan, matatamis na nakaraan at simula ng buhay. 3. Mga Anotasyon sa Sucesos Delas Islas Filipinas (Mga Pangyayari sa Islang Pilipinas) Ang librong Sucesos Delas Islas Filipinas ay isinulat ni Antonio de Morga tungkol sa kasayasayan ng Pilipinas at binigyang linaw ni Jose Rizal noong 1890. Naglalaman ito ng maraming pagtatama at paliwanag sa mga gawain na parte ng kultura ng mga Pilipino na itinatakwil ng mga Espanyol at mga gawain ng mga Espanyol na wariy mabubuti ngunit sa totoo ay nakakapang-api sa mga Pilipino. Sinuri din ni Rizal ang gobyerno at pamamahala ditoang mga hidden agenda na hindi madaling mapapansin ng isang hindi mapanuring mambabasa. 4. Indolence of the Filipino Isa uling sanaysay ni Dr. Jose Rizal tungkol sa katamaran ng mga Pilipino. Isinulat ito upang bigyang liwanag at pagsusuri ang katamaran ng mga Pilipino. Dito ipinaliwanag ni Rizal na ang dahilan ng pagiging tamad ng mga Pilipino ay kanilang pagkakasangkot sa giyera ng mga Espanyol at ang turo ng mga prayle na kapag mahirap ay madaling mapupunta sa langit. Binigyang-diin pa niya na ang kulang at mali-maling edukasyon ang dahilan upang isipin ng mga Pilipino na sila ay mababang lahi kumpara sa iba at hindi na naghangad na umangat pa.

You might also like