You are on page 1of 2

Vicente, Ian Paolo T. July 05, 2013 III-23 BSE Major in Social Science Prof. Ma.

Lorella Arabit Pagkapantay-pantay ng mga kasarian: Isang pagsusuri mula sa estadistika, mga artikulo at pelikula Walang terminolohiya sa pilipino na nakalaan para sa salitang Gender Inequality, ngunit hindi ibig sabihin nito ay walang koseptong ganito sa Pilipinas. Ang ating bansa kahit maraming problemang kinahaharap ay hindi nakaligtas sa uri ng diskriminasyon na ito. Ito ay nag-uugat mula sa pagtingin ng isang indibidwal sa pagkakaiba ng mga nilalang ayon sa kanilang kasarian. Ang sistemang pangkasarian ay madalas dischotomous o mayroong paghihiwalay na nagaganap. Ang hindi pagkakatulad ng mga tao ay isang normal na parte ng ating buhay. Ang natural na pagkakaiba sa kasarian ay isang biological na sanhi. Mayroon tayong mga ginagampanan na obligasyon sa lipunan at sa isang relasyon. Ito ay isang pananaliksik sa isyung Gender Inequality. Ang problemang ito ay isang malinaw na diskriminasyon na nag-ugat sa hindi pagkakapareho ng mga tao, mula sa kakayahan, responsibilidad at kagustuhan. Ang ibig sabhin nito ay naibigay na ng maraming mananaliksik. Ang aking layunin ay bigyang kahulugan ito sa perspektibo ng isang Pilipino at bilang isang magaaral sa Pamantasang Normal ng Pilipinas at sa hinaharap ay nagnanais maging guro. Ang aking pananaliksik na gagawin ay maguumpisa sa pag-aanalisa ng pelikulang Baler na ipinalabas noong 2008. Ito ay binibigyang papuri bilang most gender-sensitive film (Primary Research). Matapos ay aking susundan ito ng mga pag-aanalisa ng mga statistics na mag mumula sa website ng NSCB (NSCB.gov.ph/sexystats), ito ay pinamagatan na Pagkakapantay ng Babae at Lalaki sa Pilipinas Ano ang totoo? (Primary Sources). Sasaliksikin ko din ang ibang pag-aaral at mga artikulo tungkol sa gender inequality sa Pilipinas. (Secondary Research and Sources) Sa aking unang pag-aanalisa aking natuklasan ang mga teorya na aking magagamit sa aking gagawing pagsasaliksik. Una, ang conflict theory binibigyang diin dito ang pagkakaiba ng mga tao na parte ng isang lipunan. Pangalawa, ang structural functionalism ay isang teoryang nagpapahalaga

sa solidarity and stability. At panghuli, ang feminist theory na mayroon layunin na tignan at suriin ang pinag-ugatan ng gender inequality.

You might also like