You are on page 1of 5

Napakong pangako ni Sheenah Ferolino

Bagay itong hindi kagusto-gusto Mga taong wagas kung mang-uto Paaasahin sa mabulaklak na mga pangako Tapos yun pala lahat mawawala at mapapako Papaniwalain ka, Sasabihin ikaw at ikaw lang Magugulat ka na lang, Hayon at nakikipaglandian na pala sa iba Sasabihin babalikan ka daw nila Ikaw naman itong si tanga namuti na ang mga mata Naghintay ka sa kanya Malalaman mo,may iba na pala Mga wagas magpaasa Mga wagas kung magsalita Hanep sa mga pangakong binibitawan nila At sa huli iiwan ka lang nilang nakanganga Pero sabi nila hayaan mo nalang sila On the way na daw si karma Hina-hunting na sila isa-isa Sya na daw ang bahalang humusga

Distansya ni Sheenah Ferolino


Hindi man laging nagkikita Hindi man laging magkasama Hindi na yon mahalaga pa Dahil sa puso ay mananatili ka Milya man ang layo, Kailan may di padadaig ang puso Hindi magiging sukatan ang distansya, Para masabing mahal kita Hindi ganon kadali Ngunit pag-ibig ay hindi mababali Tahakin man ang hirap, Buong puso at damdaming haharap..

Maghihintay pa din sayo Ikaw lamang ang gusto Malayo ka man sa akin Pusot damdamin ko ay iyo ng inangkin

Sakit sa damdamin ni Sheenah Ferolino


Bakit ba hindi mawala sa isipan? Naging bahagi ng nakaraan, Ngunit maraming taon na ang nagdaan, bakit laman pa rin ng pusot isipan ? Nagmamahal ng di nalalaman Dahil sa takot na masaktan Kahit sanay sa kasawian, Pagdating sayoy di makayanan Pagmamahal na di nagbago kailan pa man, Tula ang tanging naisip na daan, Sanay maging tulay at daan, Upang ipahayag ang nararamdaman Makakaya nga bang mapag-bigyan? Kung hihingi ng kapatawaran, At makakaya pa bang balikan, Kung iba na ang laman ng pusot isipan? Sanay magawang patawarin, Kung nooy di nagawan g mahalin, Iba ang naging dikta ng damdamin.. Na ngayong sakit ang naiwan sa akin.

Pagkakaibigan ni Sheenah Ferolino


Kay saya ng pagkakaibigan Samahay di matatawaran hanggang may nararamdaman tingiy higit na sa kaibigan . Pilit nililihim ang pagtingin Takot na mawala ang samahan natin Ngunit puso'y di na kayang tiisin pagmamahal ay nais nang sambitin . Nang ipaalam ang tunay na nararamdaman, Nangangamba sa iyong tugunan Parang guguho ang mundong ginagalawan Nagbago na ang pagkakaibigan.. Ang sakit sa damdamin Nagsi-sisi, Nanghihinayang, Sanay di sinabi ang pagtingin nang sa gayon ay magkaibigan pa rin . mula noon nagiba na Nasira at naglaho na Nang dahil sa nararamdaman, Nagbago na ang ating pagkakaibigan .

Oras ni Sheenah Ferolino


Bagay na hindi binibigyan ng pansin Bagay na madalas ay nakakalimutan natin Bagay na kadalasang pinagwawalang bahala Ganyan ang nagiging trato sa kanya Di naiisip na bawat segundong lumilipas, Mga minutong lumalampas, Nasasayang ang panahong nandyan sya Kahit alam na itoy din na mababalikan pa Hiniling itong bumagal Atat na atat na ito ay lumipas Hindi malaman ang gusto ng karamihan Puro mga pansariling kagustuhan Madalas na sinisisi ng karamihan, Sapagkat itoy hindi na maaaring balikan Dapat bang sya ang sisihin sa kasalanan? Binalewala sya sa panahong nagdaan Maaga pay,bigyan ito ng halaga, hindi ito maghihintay hanggang umaga Magugulat ka na lang at makikita, Huli na ang lahat,wala na sya

You might also like