You are on page 1of 7

RIZAL: Isang Dula

Sinulat ni Ma. Jacqueline Dalope Suarez Ang Dula:

Matutunghayan sa tanghalan ang isang aktor na bihis-Rizal. Nagsusulat siya at mapapatigil nang mapansin na tila may nanonood sa kanya. Sisipatin niya ang mga manonood. Masisiyahan sa makikita ngunit dagli din itong maaalis. RIZAL: Ah, mga kabataan. Kay daming kabataan. Ang mga pag-asa ng aking Inang Bayan. (Kakausapin ang mga manonood. Tatayo.) Kilala ba ninyo ako? (Malulungkot dahil wala sa kanyang pumapansin) Hindi nyo ako kilala? (Titigil. Matatawa. Isang mapait na pagtawa.) Ako? Ang sabi mo ay kamukha ng rebulto na nasa Luneta? (May maaalala) Ang Luneta ay ang Bagumbayan ng aking panahon. Alam nyo bang liban sa akin ay maraming Pilipino ang doon ay nahatulang mamatay? Oo. hindi lang ako ang martir. Marami kami. (Malulungkot. Maglalakad-lakad) Sino ang mag-aakalang babantayan ako ng inyong mga guwardiya sibil dalawamput apat na oras sa isang araw? (Iiling. Mapait na ngingiti. Babalik sa kanyang pagsusulat.) (Papasok si SISA sa entablado. Gulo ang buhok. Gula-gulanit ang duguang damit. Maputik ang mga paa. Sa tunog ng baril ay madadapa si Sisa. Papasok ang mga GUWARDIYA SIBIL na humahabol sa kanya.) G. SIBIL 1: Tigil! Tumigil ka! SISA: (Mapapahagulhol) Maawa kayo! Iwanan na ninyo ako dito. Hayaan na ninyo akong mamatay dito. G. SIBIL 2: (Pilit itatayo si Sisa) Sulong! Sumama ka nang maayos! Kung hindi ay igagapos kita! SISA: (Mapapaiyak) Payagan na lang ninyo akong mauna nang bahagya G. SIBIL 2: Sige. Maaari kang mauna ng ilang hakbang. (Itutulak)

G. SIBIL 1:
1|Page

Sulong! Huwag kang pahinto-hinto! (Tatayo si Rizal habang sinusundan ng tingin ang papaalis na si Sisa.) RIZAL: Kawawang Sisa. Katulad niya ang aking kawawang bayan. Siya ay inabuso at pinagsamantalahan ang kahinaan. Ilan pa ba ang katulad niya? Nililibak dahil sa kanyang anyo subalit di nakikita ang kadakilaan ng kanyang puso. (Babalik sa kanyang mesa. Aalisin ang coat at mapapansin ang isang liham.) Liham buhat kay Leonor. (Sabik na bubuksan ang liham. Babasahin. Unti-unting mapapawi ang kasiyahan. Ahh Aking Leonor anot kay pusok mo? (Manlulumo at itatapos ang lahat ng nasa mesa. Malulugmok sa mesa.) (Lalabas sa tanghalan si MARIA CLARA. May maririnig siyang kaluskos. Mahihintakutan. Susulpot si IBARRA. MARIA CLARA: Crisostomo! IBARRA: Oo. Ako nga. Isang kaaway. Isang taong may dahilang masuklam sa iyo. Bagamat binigo mo ako ay nandirito ako upang magpaalam. Pinatatawad na kita. Naway lumigaya ka. Paalam. (Tatalikod. Pipigilan siya ni Maria Clara.) MARIA CLARA: Pakinggan mo ako bago hatulan. IBARRA: May magagawa pa ba ang iyong paliwanag gayong buo na ang iyong pasyang magpakasal sa iba? MARIA CLARA: Kung alam mo lamang ang lihim ng aking pagkatao. Pinagbawalan nila akong ibigin ka buhat nang kalabanin mo ang tunay kong ama. IBARRA: Ang ibig mong sabihin ay. MARIA CLARA: Oo. Si Padre Damaso ang tunay kong ama. IBARRA: At ipakakasal ka niya sa dayuhang si Linares? MARIA CLARA:
2|Page

Gagawin ko iyon bilang pagtanaw ng utang na loob. Ngunit IBARRA: Ngunit ano? MARIA CLARA: Hindi ko malilimutan ang sumpang katapatan sa iyo. IBARRA: (Pilit binabasa ang mata ng kasintahan) Ano ang iniisip mong gawin? MARIA CLARA: Hindi ko alam. Ngunit minsan lang akong umibig. (May maririnig na bulungan. Mapapalingon sa paligid.) At ikaw.? IBARRA: (Titingin sa likuran) Mukhang nasundan nila ako. mahigpit ni Maria Clara)

(Tangkang tatalikod ngunit yayakapin nang

MARIA CLARA: (Itutulak palayo si Ibarra pagkatapos mayakap) Umalis ka na! Madali! Paalam! (Sandaling tititigan siya ni Ibara at pagkatapos ay patakbong lilisanin ang tanghalan.) RIZAL: (Makikita ang nagkalat niyang gamit. Dadamputin ang mga ito. Mapapasulyap sa mga manonood) Ah Nariyan pa pala kayo. Alam nyo bang pareho kami ng kapalaran ni Ibarra. Kapwa kami pinagpalit ng aming mga minamahal sa dayuhan. Kapwa kami inalipusta gayong kapakanan ng bayan ang siya naming nais. (Papagitna sa entablado) Ako daw ay espiya ng Alemanya. Ahente ni Bismarch, protestante, mason, aswang, may kaluluwang nasa impyerno na ang espiritu gayong sila din ang mga unang tao na pumuri sa akin ngunit sa gitna ng guloy sila palang unang pupukol ng bato sa akin. (May mga ingay na maririnig sa paligid. Babalikan ni Rizal ang pagpulot sa kanyang mga papeles. Papasok si Ibarra kasunod ang mga MAMAMAYAN, mga taong nanlilibak sa kanya, sumisigaw na siya ang dapat sisihin.) MGA MAMAMAYAN: Siya ang may sala! Isa kang duwag! Sumpain ang kayamanang inimpok ng iyong mga kaanak na nagdulot ng kamalasan sa bayang ito! Sanay bitayin ka na! Erehe! Erehe! (Pagbababatuhin ng mga Mamamayan si Ibarra hanggang sa tuluyan nilang lisanin ang entablado.) RIZAL: (Matapos ligpitin ang kanyang mga kalat)
3|Page

Pinagbintangan si Ibarra ng isang tangkang rebolusyon. Isang rebolusyong hindi niya kailanman sinang-ayunan. Ngunit dahil sa dami ng kanyang mga kaaway ay nagamit siya. Ginamit siya kapwa ng mga prayle at mga tulisang di-umano ay inagawan ng kanyang pamilya ng lupa. (Maglalakad papunta sa gitna) Oo. Pareho kami ng kapalaran ni Ibarra. Ngunit ako din si Isagani. Si Basilio. Si Padre Florentino. Si Pilosopo Tasyo. At ang ubod ng sama na ikalawang katauhan ni Ibarra. Si Simon. Lahat sila'y si Rizal. Nakakulong sa aking pusot isipan. (Papasok sina Isagani, Basilio, Padre Florentino, Pilosopo Tasyo, at ang huli ay si Simon. Papaikutan nila si Rizal.) Ginugulo nila ako. Hinahatak sa ibat ibang direksyon. (Tatalikod siya at mapapaharap kay Simon. Mahihintakutan kay Simon. Makakalabas sa bilog.) Pinatay na kita! SIMON: (Dahan-dahang lalapit kay Rizal) Katulad ka nga ni Ibarra. Pareho kayong duwag! Duwag! RIZAL: Hindi ako duwag! Akin lamang nababatid na hindi rebolusyon ang susi sa pagkakaroon ng ganap na kalayaan! SIMON: (Nanlilisik ang mga mata) Kung gayon ay ano?! (Makikita ang mesa ni Rizal.) Pinag-alab mo ang damdamin ng mga Pilipino sa pamamagitan ng iyong mga akda subalit tutol ka sa rebolusyon?! RIZAL: Hindi pa handa ang bayan para dito! SIMON: At kailan sila magiging handa?! Kapag ikaw ay patay na at isa nang bayani?! RIZAL: Hindi ganoon ang aking nais. SIMON: (Dadamputin ang pluma.) sumiklab ang rebolusyon. Kung gayon ay pahihintulutan mong

RIZAL: Ang nais mo lang ay maghiganti. (Sasaklolo sina Isagani at mga kasamahan. Kakaladkarin nila palabas si Simon.) SIMON: (Nanlilisik ang mga mata) Duwag! Duwag! DUWAG!!!! RIZAL:
4|Page

Ahhhh..!!!! (Mapapalupasay.) tatayo at patakbong aalis.)

Ang nais mo lang ay maghiganti.

(Biglang

(Mamamayani ang saglit na katahimikan. Ilang sandali pay biglang maririnig ang mga malalakas na pagsabog na susundan ng hiyawan at iyakan ng mga tao. Papasok si Rizal.) RIZAL: Hanggang ngayon ay punto pa rin ng pagtatalo ang di ko pagpapahintulot na matuloy ang rebolusyon. Madami sa akin ang kumukutya at nagsasabing ako daw ay duwag (Gagayahin ang eksena sa Bagumbayan nang siya ay mamatay. Maglalakad nang marahan.) Kaduwagan bang masasabi na harapin ko ang aking kamatayan noong ika-30 ng Disyembre 1896? (Waring may maaalala. Malulungkot.) Ang katapangan ba ay nasa paghawak ng armas? Ang makitang dumadanak ang dugo ng mga taong walang malay, walang kalaban-laban sapagkat ang bayan ay hindi pa handa? Kaduwagan ba ang talikuran ko ang aking pamilya, ang aking propesyon, ang aking pag-ibig, at isang maningning sanang kinabukasan? Kaduwagan ba ang mas isipin ang kapakanan ng nakararami kaysa sa sarili kong buhay at kaligtasan? (Lalapit sa kanyang mesa at dadamputin ang kanyang pluma.) Ito, ito ang tanging sandatang hawak ko. (Pupunta sa gitna.) Ito ang sandatang hindi ninais kailanman ang pumaslang bagkus ay ang bumuhay pa ng mga rebolusyonaryo! Lumikha ng mga Bonifacio! Magpasigla at magpasiklab ng rebolusyong Pilipino! Ngayon sino ang duwag? LENI: (Tatayo mula sa grupo ng mga manonood) Marami pa pong duwag sa kasalukuyan, Dr. Rizal. RIZAL: At sino ka naman, Binibini? LENI: Ako po si Leni. Isang kabataan sa kasalukuyang panahon. (Aakyat sa entablado.) Hindi lang sa panahon ninyo nagaganap ang paglibak at pagyurak sa ating bayan. Nagaganap pa rin ito maging sa kasalukuyang panahon mahigit isang daang taon buhat ng kayo ay pumanaw. At ang masakit hindi na mga dayuhan ang kalaban nito kundi ang mga Pilipino na mismo. RIZAL: Ang ibig mong sabihin pinagpakasakitan?

ay

nasayang

lamang

ang

lahat

ng

aking

LENI:
5|Page

Masakit mang aminin ngunit iyon po ang totoo. Maging ang gobyerno ay sangkot dito. Ilegal na pagtotroso ay pinahihintulutan nila. Ang talamak na bentahan ng mga droga ay palala nang palala! Ang harapang pandarambong sa mga Pilipino ng mga pulitikong pinagkatiwalaan at inihalal ay pangkaraniwan na sa araw-araw. (Ituturo ang mga manonood.) At sino sa inyo ang nakalimot na sa mga delubyong naganap sa ating bayan na kumitil ng maraming buhay at sumira sa ating mga kabuhayan?! (Ipapakita ang mga slides ng ibat ibang kalamidad sa Pilipinas flash flood sa Ormoc, etc.) RIZAL: (Manlulumo sa makikita) Lahat ba ng ito ay likha ng mga tao sa makabagong panahon? LENI: Opo. (Sa mga manonood.) At sino sa inyo ang magsasabing wala siyang kasalanan?! Kung mayroon man tumayo. (Titigil sandali. Igagala ang tingin sa mga manonood.) Wala, di ba? Dahil tayong lahat ang dapat sisihin! Tayoy mga kriminal! Mga makabagong kriminal ng lipunan! Mga kriminal! Tagawasak ng kalikasan! Maging ang ating pagsasawalang-kibo sa mga pang-aapi sa atin ng mga upisyal ng gobyerno ay isa ring malaking kasalanan! (Titingin kay Rizal) Tila wala na sa panahon namin ngayon ang tapat na kagaya mo. (Haharap sa mga manonood.) Hindi na natin matatakpan ng pagsisisi ang lahat. Hindi na maibabalik ang nawala dahil (titingin kay Rizal) mismong ikaw ikaw na bayani ng bayan ay nakalimutan na! (Lalakad na si Leni at bababa mula sa entablado. Pipigilan siya ni Rizal.) RIZAL: Sandali! Bumalik ka! (Hindi na papansinin ni Leni si Rizal. Diretso na itong lalakad palabas ng pinagtatanghalan. Haharap sa manonood.) Hindi ako isang rebulto lamang tulad ng inyong nakikita sa mga liwasang bayan. Hindi ako isang ulo lamang na makikita sa inyong mga barya. Hindi ako namatay para gawin ninyong bayani kundi upang maging inyong inspirasyon at maipaunawa sa inyo na ang kasaysayan ang guro ng inyong panahon. Subalit ano ang ginagawa ninyo sa ating bayan at sa kanyang kalikasan? Hindi pa ba kayo natututo? Ang aking kabayanihan ay hindi ganap hanggat di ninyo napupulot ang mga aral ng kahapon. Paulit-ulit ninyo akong pinapatay. IBARRA: (Voice Over) Mamamatay akong di na nakita ang maluwalhating bukang-liwayway sa aking Inang Bayan. Kayong makakakita sa pagbubukang-liwayway, batiin ninyo siya, at huwag ninyong kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi. Nagawa ko na ang lahat para sa bayan, panahon na ngayon para kayo naman ang kumilos at manindigan. RIZAL:
6|Page

Ngayon handa na akong muling mamatay. (Papasok ang dalawang Guwardiya Sibil. Igagapos si Rizal at iiskortan. Dadalhin si Rizal papunta sa gitna. Sandaling aalis ang dalawang guwardiya.) Ako si Rizal. Doktor, iskultor, manunulat, isang Pilipino. Kayo? Kailan kayo magpapaka-Pilipino? VOICE OVER: Preparar! Afunten! FUEGO! (Sabay-sabay na putok ng mga baril ang maririnig. Babagsak si Rizal. Isang mahabang tili ang maririnig. Kasabay nito ang dahandahang pagdidilim sa entablado.)

WAKAS

7|Page

You might also like