You are on page 1of 4

Galleon Trade and Tobacco Monopoly

Galleon Trading Ang manila Acapulco trade o mas kilala sa tawag na Kalakalang Galyon ay isang monopoly ng gobyerno na nagtagal ng 2 at kalahating siglo. Ang Galleon mula manila hangang mexico ay nagdadala ng mga Chinese silk at porselana, mga produkto ng pilipinas. Pag bumalik naman ito mula sa mexico ang dala naman nya ay Mexican silver brandy at sardinas.

Ang mga espanyol ay nakakuha ng kalamangan mula sa kalakalang galyon kumpara sa mga Filipino. Maraming opisyal ng gobyerno at mga pari ay nakilahok at naging mayaman. Ngunit ang pangunguwarta at katiwalian at mga anomalya ay nakatuon sa Obras Pias (Pious Works) isang kawanggawang institution financial na sinusuportahan ng kalakalang Galleon. Si Gobernador Heneral Manuel Bustamante at ipinapatay ng prayle ng madiskubre ang anomaly sa nasabing institution. Ang Kalakalang galleon ang tanging nagging daan para magkaroon ng komunikasyon sa bansang kanluranin ay nagging mabagal. Ito ay inaabot halos isang taon para sa pagpunta at pagdating ng galyon mula Manila papuntang Acapulco at vice versa.

Kahit na ang kalakalang galyon ay nagging kapakipakinabang sa mga espanyol, and pilipinas ay pinigilan sa pagfiging isa sa malalaking commercial center sa Asya sapagkat ang kalakalan ay limitado lamang sa mexico at pilipinas lamang. Napabayaan din ang pag unlad ng economiya sa mga probinsya sapagkat ang mga opisyal ng espanya ay malimit pumunta sa maynila para makisali sa kalakalan. Ang kalakalang galyon ay nabuwag noong 1815.

Tobacco Monopoly Ang mga pangunahing lugar tulad ng Cagayan valley, Nueva Ecija, Marinduque at Isabela ang itinalaga ng mga opisyal na espanyon na magtanim at magparami ng tabako. At ang resulta nito ang mga pangunahing pananim tulad ng bigas mais mani at iba pang mga pananim ay napabayaan sa mga nasabing lugar. Ang mga mag sasakang Pilipino ng tabako ay malimit bayaran g promissory notes para sa kanilang produkto at ang pinakamalala pa ay ang mga opisyal na bumibili ng kanilang produkto ay inilalagay na mababang uri ng tabako ang ibinebenta ng mga pilipinong magsasaka at binabayaran ito sa mababang halaga. Ang mga comprador nman ay ibinebenta sa gobyerno ng mas mataas ang halaga sapagkat ang kalidad ng kanilang ibinebenta daw ay mataas na klase ng tabako. Si gobernador Heneral Jose Basco Y Vargas ang nag tatag ng Monopolyo s tabako noong 1781. Ito ay nabuwag noong 1881. Ang ibang estado naman ay nag momonopolya ng alak, suka, opium at pulbura ay naitatag ngunit ang monopolyo sa tabako ang napatunayan na pinaka

The Royal Company of the Philippines


Ang real compania de Filipinas ay naitatag noong marso 10, 1785 ni gobernador Heneral Basco. Ang paglikha ng mga naturang kumpanya ay inspirasyon sa pamamagitan ng ang tagumpay ng iba pang mga Kumpanyang europeyo tulad ng British and Dutch sa asia. Ang kumpanyang ito ay nag eencourage sa direktang pakikipagkalakalan ng mga bansa sa asia at ng espanya. Ang mga mangangalakal mula sa galyon ay hinahadlangan ang pagkakatatag ng kumpanya sapagkat ito ay isang banta sa kanilang profitable speculation. Ngunit dahil sa di magandang pag papatakbo ng kumpanya at dahil sa kurapsyon ng mga official ng kumpanya ito ay nalugi ng malaki at nabuwag noong 1834, sa parehong taon din na yoon ang pilipinas ay binuksan sa pandaigdigang kalakalan.

Economic Stagnation
Ang mga historyador at manunulat tulad nina father Pedro Chirino at Antonio de Morga ay nagsasbai na ang pilipinas noong panahon bago dumating ang mga espanyol ay maunlad ang industriya ng pakikipagkalakalan at natutustusang mabuti ang agrikultura. Ngunit sa pagdating ng mga espanyol at sa pagpapatupad nila ng mahihigpit na batas tulad ng sapilitang pag gawa at ang mga tribute ang kalakalang galyon at mga monopoly , ang ekonomiya ng pilipinay ay di umunlad. At dahil sa mga polisiya na ito ang mga pilipini at nawalan ng gana at cooperasyon sa ahit anong pang ekonomiyang pagsasakit sa mga kolonya Ang pagkaubos ng populasyon ng mga Pilipino resulta ng digmaan laban sa mga Portuguese, ang mga pirating muslim at Dutch ay nakapag ambag din sa stagnation na ito. Ang mga bukirin at mganayon/Barangay kun saan meron mga conscription sa mga kalalakihan dahil sa Polo ay inabandona. Ang walang kasiguraduhang pamumuhay ng mga katutubo, ginawa nila ay pamumuhay sa pang araw araw na batayan. Ang sistema ng pag bubuwis ay nakadagdag din sa pang ekonomiyang karamdaman. Ang matinding pang aabuso ng mga encomienderos sa koleksyon ng buwis ay lagging nag bubunga ng negatibong epekto sa produktibong saloobin ng mga indio. Bakit ka mag tatrabaho kung ang bunga ng iyong pagtatrabaho ay makikinabang lang ay ang mga panginoong may lupa?

19th century economic Development

Ang pag unlad sa europa noong ika 19 na sigloay may malaking epekto sa bansa. Ang abolisyon ng kalakalang galyon noong 1815 at ang kalayaan ng mexico ng matapos ang ilang taon, ay nag udyok sa espanya para pag aralan muli ang polisiyang ekonomiko nito sa Pilipinas. Dahil ditto pnayagan ng mga otoridad na espanyol ang mga banyaga na manirahan sa kanilang kolonya. Noong 1834, binuksan ng

espanya ang pilipinas sa pandaigdigang merkado, mga bagong syudad at daungan ang binuksan. Ang mga banyaga ay pinahintulutan na makilahok sa pagnenegosyo at sa agrikultura. Nagtayo sila ng mga banko at institutiong pinansyal. Ang mga Briton at mga amerikano ay pinaunlad ang makinaryang agricultural at nag pakilala ng panibagong paraan ng pag sasaka. Ang pagkakabuwag ng mga pagbabwal sa mga banyaga ay nagbigay ng balance at daynamikong sa ekonomiya ng pilipinas noong ika 19 siglo. Ang paglago ng ekonomiya ay nagbigay ng panibagong liberal na polisiya sa ekonomiya ng mga espanyol ay nagangailangan din ng pagsasaayos ng transportasyon at komunikasyon, kaya gumawa ng mga kalsada at tulay ay ginawa. Inter island shippings ay mas pinaganda/ Ang telegraph at angs erbisyo ng telepono ay pinaganda sa maynila at sa mga karatig na probinsya. Ang pag unlad sa ekonomiya ay nagbunga ng mga Pilipino na nasa middle class seksyon na di nagtagal naging pangunahing sector sa pag tutulad ng kampanya sa reporma.

Propagation of Roman Catholicism


Mga Augustinian na prayle ay sumama sa legaspi expedition sa pilipinas noong 1565. Madaming Filipino ang ni convert nila sa pagiging kristyano ngunit di nagtagal bumalik din ang mga Pilipino sa kanilang paniniwalang pagano. Ang hari ng espanya ay nag desisyon nag awing katoliko ang religiyon nga buong bansa. Matapos mamatay si legaspi madaming religious orders ay ipinadala sa kolonya para tumulong sa pagpapalaganap ng paniniwalang katoliko. Noong 1577 ang mga pransiskano ay dumating at pinalaganap ang relihiyon sa mga lugar sa paligid ng laguna de bay (Laguna, Rizal, Batangas at Quezon). Ang kanilang misyon ay nakaabot sa Camarines at ssa ibang lugar sa Bicol. Ang mga Heswita namna na dumating noong 1581 ay pinalaganap ang paniniwala at pananalig na katoliko sa manila, cebu, leyte,samar, bohol at Mindanao. Ang mga dominicano naman ay dumating noong 1587 at pinalaganap nila ang relihiyon sa Cagayan valley at pangasinan. Naging epektibo ang pagpapalaganap ng kristyanismo makalipas ang 20 taon itinatag ni legaspi ang kolonya sa cebu, mahigit sa quarter of million Pilipino ang na convert sa paniniwalang kristyano.

The Reduccion
Ang mga naunang misyonaryo ay matagumpay na naipatupad ang reduccion, ito ay isang proseso ng pasipikasyon sa pamamagitan ng konbersyon. Ito ay isang sistema na kung saan ay pinagsasama sama ang mga na convert sa isang lugar na tnatawag na cabecera, o isang settlements kung saan sila ay ginugrupo bilang barangay. . Sa loob ng cabecera, isang simbahan at kumbento ang itinayo na naging sentro ng buhay sa komunidad. May mga secondary settlements naman na tinatawag na sitio or village, nakalagay sa lugar na medyo malayo sa cabesera ay tinatawag na vista, kung saan ang mga misyonaryo ay nagtayo ng maliliit na

kapilya, kung saan ang pari na galling sa cabeccera ay malimit bumibisita upang mag misa. Ang visita ay naging isang dependent na settlement at pwede sya maging isang cabeccera. Ang mga remontatdos ay ang mga katutubong tumakas papunta sa kabundukan (remontar, para matakasan ang reduccion). Ang laban ng mga remontados ay nag bunga sa pag exist ng mga kalat na pamayanan sa bulubunduking lugar sa Luzon hangang sa katapusan ng pamumuno ng espanya. Sa pamamagitan ng sistema ng cabeccera-dependent visita, ang mga prayle ay nakakita ng kapangyarihan sa sistemang kolonyan, sila ang nag papakilala ng gobyerno sa mga katutubo at sila ay nagiong representante nito.

The Union of the Church and State


Ang mga sinaunang spanich monarchs ay malaki ang naiambag sa pagpapalaganap ng kirstyanismo. Sa pamamagitang ng pagsakop ng Granada, isang Moorish kingdom sa espanya noong 1492, Si haring Ferdinand ng espanya ay nakatangap ng pabuya mula sa pope ng patronato real (royal patronage) sa lahat ng simbahan na naitayo sa nasakop na teritoryo. Ang patronato na ito ay nag expand sa lahat ng kolonya, sa simula ng conbersyon ng mga katutubo sa mga teritoryong ito sa katoliong paniniwala ay kapareho ng Granada para sa simbahan. Mga trabahong misyonaryo, sa makatuwid sa mga kolonya ay pumailalim sa pangangasiwa ng maharlika. Parte ng kasunduang ito sa pagitan ng simbahan at ng estado ay ang tradisyon ng sinaunang espanyol at mga Portuguese na na namumuno na sumanguni sa papa hindi lamang sa mga aktibidades kundi sa resolusyon ng kanilang mga alitan. Ang parehong pag kakaisa ng simbahan at ng estado sa espanya ay ipinakilala din sa pilipinas, kaya, lahat ng opisyal ng kolonya ay tagapagtangol ng pananalig at lahat ng prayle ay naging ahente ng monarkiya ng espanya. Dahil sa ganitong set up, na enjoy ng mga prayle ang malakas na impluwensya sa mga kolonya. Sila ang namamahala sa local na eleksyon, kumokontrol sa sistema ng edukasyon, at gumanap bulang cencus enumerator at sensor sa lahat ng libro at ibat ibang publicasyon.

You might also like