You are on page 1of 1

Mga Elemento ng Nobela

Tagpuan Tumutukoy ito sa lugar at panahon kung saan at kailan nangyari ang nobela. Maaaring kasama rin dito ang mga kondisyon ng kapaligiran at lipunan. Tauhan Tumutukoy ang tauhan sa isang tao na lumalabas , umaakto, nagsasalita, nagsasalysay, o tinutukoy sa isang akdang pampanitikan. Ito ang pinakamahalagang element ng nobela dahil sa pamamagitan nila isinasalaysay ng may akda ang nobela. Banghay Tumutukoy ito sa pagkakasunud sunod ng mga pangyayari sa nobela. Binubuo ito ng simula, gitna, at wakas. Maaari ring hatiin iot sa limang mahahalagang bahagi: introduksyon o eksposisyon, papataas ng aksyon, kasukdulan, kakalasn o pababang aksyon, at kawakasan o kongklusyon. Tunggalian Tumutukoy ang tunggalian sa isang suliranin na kung saan ay may mangyayaring away o kaguluhan. May apat na uri ng tunggalian: tao lanban sa tao, tao laban sa mag sirkumstansya, tao laban sa lipunan, at tao laban sa sarili. Punto ng pananaw Ito ang anggulo kung saan isinasalaysay ang nobela. Unang persona ang pananaw kung ang nobela ay isinasalaysay ng isa sa mga tauhan at ginangamit ang panghalip na ako, ko, at kami. Ikatlong persona ang pananaw kapag isinasalaysay ng nareytor ang aksyon gamit ang mga panghalip sa ikatlong persona, tulad ng siya at sila. Inosenteng mata ang pananaw kapag isinasalaysay ang nobela sa pamamagitan ng mga mata ng isang bata. Stream of consciousness ang pananaw kapag isinasalaysay ang nobela na parang nasa loob ng ulo ng isa sa mga tauhan ang mambabasa kaya nalalaman nila ang lahat ng kanyang iniisip at reaksyon. Omniscent ang pananaw kapag gumagalaw ang may akda sa ibat ibang tauhan at pangyayari, nasasabi niya ang lahat ng kanilang iniisip, pakiramdam at motibasyon; at nakakapagbibigay siya ng kahit anong impormasyon kung saan at kalian niya gusto. Tema Ito ang kaisipang nagkokontrol sa nobela. Ito rin ang pangunahing kaisipang guston ipahayag na may akda.

You might also like