You are on page 1of 1

Emmanuel Villa Agustin IV-Einstein

Guro: Ang Buhay na Bayani Tayo ay may mga bayani sa ating bayan, Para sa kalayaan sila ay lumaban, Sila Rizal, Bonifacio, Luna at Katipunan Lumaban sila hanggang kamatayan. Sa panahon ngayon marami na ang bayani, Nasa ibatt ibang panig ng ating daigdig, Ngunit isa lamang ang sa puso koy natatangi, Mga guro na ating ipinagmamalaki. Kayo ay laging kaalalay, Nagbibigay kulay sa aking buhay, Siya ring karamay sa kabiguan at lumbay Ikaw na nga guro,susi sa aming tagumpay. Aming mga guro, kami ay masaya, Dahil sa piling niyo ay hindi mawawala, Mga guro na turing naming ay parang Ina, At gayun din naman sa guro na parang Ama. Masdan mo ng mabuti ang mga guro natin, Lahat ng bagay na imposible ay gagawin, Dumaan man sa pagsbubok at sikapin, Na maturuan ang mga batang may hangarin, Ang aking guro ay bayani na buhay, Pati ang kanyang buhay ay kanyang iaalay, Para sa mga kabataan bilang gabay, At taas noo sa tungkulin habang buhay.

You might also like