You are on page 1of 4

GENERAL ANTONIO LUNA

"People who feel are not slaves"

Antonio N. Luna (1866-1899) Ipinanganak si Antonio Luna noong Oktubre 29, 1866 sa Urbiztondo, Binondo, Maynila. Sia ay isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga Espanyol sa Spain. Sumanib siya sa Kilusang Propaganda at nag-ambag ng kanyang mga akda sa La Solidaridad. Ang karamihan ng kanyang mga akda ay naglalaman ng pagtuligsa sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaang Espanyol. Ang iba naman ay may paksang natungkol sa kaugalian ng mga Pilipino. Pinamatnugutan niya ang pahayagang La Independencia, ang pahayagan ng mga manghihimagsik at ng unang Republika ng Pilipinas. Nakilala siya sa sagisag-panulat na Taga-ilog. Nag-aral siya ng kaalamang panghukbo at nagpakadalubhasa sa paghawak ng mga sandata. Hinirang siyang heneral ni Emilio Aguinaldo nang sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano. Noong ika-5 ng Hunyo, 1899 sa gulang na 33 ay pinaslang siya sa Cabanatuan, Nueva Ecija, dahil umano sa kanyang kahusayan ngunit mahigpit na disiplina sa mga sundalo at mga sibilyan na lumalabag sa mga batas. Kilala rin siya sa katapangan at dagliang pag-iinit ng ulo, kung kayat marami ang nagagalit sa kanya.

Ilan sa kanyang akda ay ang sumusnod: 1. Noche Buena. Naglalarawan ng tunay na buhay ng mga Pilipino. 2. Por Madrid. Tumutuligsa sa mga Espanyol na nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Spain. 3. Se Divierten (Naglilibang Sila). Isang pagpuna sa sayaw ng mga Espanyol na halos di maraanang sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw. 4. Impresiones. Itoy isang paglalarawan ng isang mag-aaral na naulila sa amang kawal. 5. La Casa de Huespedes. Naglalarawan ng isang pangaserahan na ang kaseray naghahanap ng mangangasera hindi upang kumita, kundi upang humanap ng mapapangasawa ang kanyang anak.
6.

La Tertulia Filipino. Naglalahad ng kaugaliang Pilipino na ipinapalagay niyang lalong mabuti kaysa sa kaugaliang Espanyol.

MALIKHAING AKDA

You might also like