You are on page 1of 1

MGA MISTERYO NG SANTO ROSARYO

Ang mga Misteryo sa Tuwa (Joyful Mysteries) (dinarasal tuwing Lunes at Sabado) 1. Ang pagbati ng Arkanghel San Gabriel kay Santa Maria 2. Ang pagdalaw ni Santa Maria kay Santa Isabel na kanyang pinsan 3. Ang panganganak kay Hesus sa yungib sa Belen 4. Ang paghahain kay Hesus sa templo 5. Ang pagkawala at pagkakita kay Hesus sa templo Ang mga Misteryo sa Hapis (Sorrowful Mysteries) (dinarasal tuwing Martes at Biyernes) 1. Ang pananalangin ni Hesus sa halamanan ng Getsemani 2. Ang paghampas kay Hesus sa haliging bato
Leo nar do A bu ti n,J r

3. Ang pagpuputong ng koronang tinik 4. Ang pagpapasan ng krus 5. Ang pagpapako at pagkamatay ni Hesus sa krus Ang mga Misteryo ng Liwanag (Luminous Mysteries) (dinarasal tuwing Huwebes) 1) Ang pagbibinyag kay Hesus sa ilog Jordan 2) Ang pagpapahayag ni Hesus ng kanyang sarili sa kasalan sa Cana 3) Ang pagpapahayag ni Hesus ng Kaharian ng Diyos, sa pagtawag patungo sa pagbabago 4) Ang pagbabagong-anyo ni Hesus sa bundok ng Tabor 5) Ang pagtatatag ni Hesus ng Banal na Eukaristiya, bilang pagpapahayag na Sakramental ng Misteryong Paskwal Ang mga Misteryo sa Luwalhati (Glorious Mysteries) (dinarasal tuwing Miyerkoles at Linggo) 1. Ang pagkabuhay ng mag-uli ni Hesus 2. Ang pag-akyat sa langit ni Hesus 3. Ang pagpanaog ng Espiritu Santo 4. Ang pag-akyat sa langit ng Mahal ng Birhen 5. Ang pagkokorona sa Mahal na Birhen

You might also like