You are on page 1of 3

Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino: A.

Makatarungang Pagpapairal ng mga batas Ang makatarungang pagpapairal ng batas ay nangangahulugan ng pantay na pagsunod sa itinakda ng batas. Ito ay isang katiyakang ang batas ay makatwiran at makatarungan. Ito ay paraan din upang maunawaan ng pamahalaan ang di tumpak na pagkumpiska, pag-agaw at pag-ilit ng mga ari-aian nang walang paglilitis. B. Pantay - pantay na proteksyon sa batas Ang lahat ng taong naninirahan sa bansa ay may karapatan sa pantay-pantay na proteksyon sa batas. Nangangahulugan ito na hindi dapat gumawa ang pamahalaan ng dimakatwirang pagtatangi o pagtingin sa mga taong nabibilang sa magkakatulad o iba't ibang pangkat. C. Karapatan sa buhay, kalayaan at pagmamay - ari Ang buhay ay hindi nangangahulugan ng pisikal na katauhan lamang. Kasama rito ang proteksyon ng lahat ng bahagi ng katawan at ng mga hindi pa isinilang. Gayundin ang pagpapalalag sa batang nasa sinapupunan. May mga limitasyon din ang kalayaan sa demkrasya. Hind ka maaaring gumalaw ng naaayon lamang sa ityong kagustuhan. Sa paggamit ng karapatang ito, dapat isaalangalang ang kapakanan ng pambayangkalusuga, kaayusan, kaligtasan at pangkalahatang kagalingan. Ang karapatan sa pagmamay-ari pinanagutan ng konstitusyon. Karapatan ng taong magmay-ari, mag angkin, mamahala, gumamit at isaayos ang mga mahalagang bagay tulad ng lupa, gusali, sasakyan at iba pang bagay na makabuluhan. D. Kaligtasan ng mga tao, tirahan, papeles at iba pang bagay Hindi maaring dakpin ang tao kung walang warrant of arrest. Ang di makatwirang paghalughog o pagsamsam sa pamamahay, papeles at mga bagay - bagay ng walang search warrant ay di dapat isagawa. E. Pagiging Lihim ng Komunikasyon at Korespondensiya Walang sinumang tao ang may karapatan magbukas ng liham ng iba maliban sa utos ng hukuman o kapag hinihingi ang kaligtasang pambayan. F. Kalayaan sa pananalita, pamamahayag, asambleya at petisyon Ang pagpapahayag ng iniisip, nilalayon at mga puna tungkol sa mga palakad ng mga pinunong bayan ay mga instrumento ng pambayang saloobin. G.Kalayaan sa pananampalataya Intinakda ng saligang batas ang pagkakaroon ng kalayaan sa pananampalataya. Ang mga gawain sa pananampalatay na nakakasakit o nakasisira sa katahimikan ng bayan ay hindi pinahihintulutan. H.Kalayan sa paninirahan Ang pagtira saan mang naisin ng hindi lumalabag sa batas ay karapatan ng bawat isa. Ang pagtatayo ng mga bahay sa mga lansangan, liwasan, lupang pambayan at sa pribadong lupa ng walang pahintulot ng mayari ay ipinagbabawal.

MGA KARAPATAN 1.makapag aral 2.ipagtanggol ang sarili 3.makapagsalita 4.mag-mayari 5.bumuo ng sariling pamilya 6.sundin ang sariling kagustuhan 7.mag tago ng sikreto kung kinakailangan

8.mag-angkin ng ari-arian 9.makipag-ugnayan sa ibang bansa 10.pantay pantaMGA KARAPATAN NG MAG-AARAL Ang mga mag-aaral, bilang mamamayan, ay may ilang karapatan ayon sa saligang batas. Ang paaralan ay hindi maaaring labagin ang mga karapatang iyon. Ang mga paaralan ay maaari, gayunpaman, na magtakda ng ilang makatarungang limitasyon sa mga karapatang iyon ng sa gayon ay makamit ang obligasyon ng Seattle Public Schools na makapagturo. Ang mga mag-aaral ay may karapatan sa KALAYAAN SA PAGSASALITA at maaaring sabihin ang kanilang mga pansariling palagay. Ang kalayaang ito ay hindi pinapayagan ang mga personal na pag-atake, pagmumura, pananakot, o pakialaman ang karapatan ng ibang tao na maipahayag ang sarili. Ang mga mag-aaral ay may KARAPATAN NA MAGTIPON ng mapayapa. Ang anumang pagtitipon na nakakasagabal sa pagpapatakbo ng paaralan o silid-aralan ay hindi nararapat at ipinagbabawal. Ang mga mag-aaral ay may KARAPATAN NA MAGPETISYON sa mga kinauukulang tagapamahala kung sa kanilang palagay ay hindi makatarungan ang pagtrato sa kanila. Ang mga mag-aaral ay may karapatan sa KALAYAAN SA PAGPAPAHAYAG at maaaring magpahayag ng kanilang pansariling kuro-kuro ng pasulat. Kailangan pangatawanan nila ang nilalalaman ng kanilang inilathala sa pagkilanlan ng kanilang sarili bilang maykatha o patnugot ng publikasyon. Hindi sila pinapayagan na magsagawa ng personal na mga pagtuligsa o maglathala ng nakasisirang puri o malaswang materyales. Ang mga mag-aaral ay may karapatan sa KALAYAAN MULA SA HINDI MAKATARUNGAN NA PAGSALIKSIK AT PAGSAMSAM habang nasa paaralan. Para sa kaligtasan ng lahat, gayunpaman, ang mga sumusunod na alituntunin ay isasagawa: - Ang pagsasaliksik sa lahat ng pag-aari ng paaralan, kasama na ang mga laker at mesita, ay maaaring isagawa ng walang pasabi. - Ang mga aytem gaya ng sandatang pumuputok, iba pang armas, mga paputok,

o anumang bagay na maaaring maging sanhi ng pananakot sa kaligtasan o katiwasayan, o makagulo sa pamaraan ng pag-aaral ay maaaring kunin at tanggalin mula sa mag-aaral. - Sa pangkalahatan, ang mga pagsasaliksik sa mga mag-aaral (maliban kung pinaghubad2 ) o anumang pag-aari ay maaaring isagawa kuny na pag pakilala sa mga tao

BAGONG UMAGA Purihin ang Diyos sa pagpasok natin sa Ika-labintatlong Linggo saKaraniwang Panahon ng ating liturhiya. Pasalamatan natin Siya sa isang linggong nagdaan, lalong-lalo na sa mga biyaya at pagpapalang tinanggap natin sa papatapos ng buwan ng Hunyo. Buksan na natin ang pusot isip sa aral ng Mabuting Balita ayon kay San Lukas kabanata Siyam talata Limamput isa hanggang Animnaput Dalawa. GOSPEL Mga kapatid, may mga taong naghahangad ng kapangyarihan. Ito ang dahilan kung bakit maraming tumatakbo para ibat ibang posisyon sa Pamahalaan tuwing eleksiyon, dahil sa kanilang paghahangad na magkaroon ng kapangyarihan. Samantala, ang kapangyarihan, maaaring maging mapanganib sa kawalan ng responsibilidad at tunay na pagkalinga sa tao. Kung pansariling interes ang nagtulak sa tao para maghangad ng kapangyarihan, tunay na mapanganib ito sa taong kanyang paglilingkuran. At ang kapangyarihang ginagamit sa gitna ng marubdob na emosyon, maaaring magdala sa karahasan at paghihiganti. Tulad nang narinig natin sa Ebanghelyo, dahil sa karanasan nang di pagtanggap sa nayon ng Samaritano, karahasan ang agad-agad na reaksyon nina Juan at Jaime. Nanaig sa kanila ang galit kung kayat silay pinagsabihan ni Jesus na lumipat ng lugar para maiwasan ang gulo. Mga kapatid, tayo rin, may pinanghahawakang kapangyarihan sa ibat ibang paraan. Sa paghahangad natin nang kapangyarihan tulad ng hiniling ng ina ng dalawang alagad na ito, nababatid ba natin kung saan tayo maaaring dalhin nito? Matanto sana natin, na anumang kapangyarihang pinanghahawakan natin sa kasalukuyan, kaloob nang Diyos. Siya nawa ang maging huwaran natin sa wastong paggamit ng ating kapangyarihan.

You might also like