You are on page 1of 3

Si Efren Geronimo Peaflorida, Jr. (ipinanganak noong 5 Marso 1981) ay isang guro at panlipunang manggagawa sa Pilipinas.

Siya ang nagtatag at tagapamuno ng Dynamic Teen Company, na naghahandog sa mga kabataang Pilipino ng alternatibo sa mga palaboy sa kalye sa pamamagitan ng edukasyon, sa paglalapit ng paaralan sa mga hindi kinakaugaliang lugar tulad ng sementeryo at mga tambakan ng basura.[1] Noong Marso 2009, itinampok si Peaflorida sa Bayani ng CNN bilang bahagi ng programa ng network sa pagpaparangal sa mga indibidwal na may kahanga-hangang kontribusyon sa pagtulong sa iba.[2] Noong 22 Nobyembre 2009, hinirang siyang Bayani ng Taon ng CNN para sa taong 2009.
Mga nilalaman
[itago]

1 Buhay kabataan 2 Dynamic Teen Company


o

2.1 CNN Hero

3 Mga sanggunian 4 Mga kawing panlabas

Buhay kabataan[baguhin]
Si Efren Geronimo Peaflorida, Jr.ay ipinanganak noong 1981 bilang pangalawang anak nina Efren Peaflorida Sr., isang traysikel drayber, at Lucila Geronimo, maybahay.[3] Nagsimula ang pamilya ng isang maliit na negosyong pansitan para makasapat sa kanilang pangangailangan.[3] Lumaki si Efren sa isang iskwater na malapit sa tambakan ng basura, naglalaro sa gitna ng mga basura at naliligo sa maruming tubig.[3] Malimit siyang inaapi ng kanyang mga kapitbahay.[3] Nagtapos si Peaflorida ng elementarya at sekondarya sa tulong ng iskolarsip at tulong pinansiyal, at nagkamit siya ng ilang mga parangal at gawad sa klase.[3] Taong 2000, nagtapos siya saSan Sebastian College - Recoletos na may degree sa Teknolohiyang Pangkompyuter na may mataas na karangalan.[3] Ipinagpatuloy niya ang kanyang ikalawang kurso sa Cavite State University, kung saan nagtapos siya bilang cum laude noong 2006 sa kursong Mataas na Edukasyon.[3].

Dynamic Teen Company[baguhin]


Nang siya'y 16 na taong gulang, itinatag ni Peaflorida ang grupo ng kabataan sa mataas na paaralan na may layuning ilayo ang atensiyon ng mga mag-aaral sa mga gang sa kalye,

at tungo sa pagbubuo ng lipunan at pagunlad pansarili.[3] Kasama ang ibang kamag-aral pinangalanan nila ang grupo bilang "Dynamic Team Company".

CNN Hero[baguhin]
Si Peaflorida ay iminungkahi para sa Bayani ng CNN ng Club 8586, ang grupo ng kabataan na sumagot sa pag-aaral niya ng elementarya at hayskul.[4] Matapos ang pagsaala sa mahigit 9,000 mga nominado mula sa humigit 100 mga bansa, napili ng Blue Ribbon Panel ng CNN si Peaflorida bilang isa sa 28 mga bayani ng 2009. Noong Oktubre 1, itinanghal si Peaflorida bilang isa sa mga sampung natitirang nominado. At noong Nobyembre 22, hinirang siyang Bayani ng Taon ng CNN para sa taong 2009. Kalakip ng parangal ang 100,000 dolyar na pera para ipagpatuloy ang kanyang gawain sa Dynamic Teen Company.[4]

Mga sanggunian[baguhin]

Naagaw na naman ang atensiyon ko sa balita ng isang kabayanihan. Buhay na kabayanihan ng isang simpleng tao na me napakalaking adhikain. Nakakainspired lang. Si Efren Penaflorida ang aking tinutukoy, ang Pilipinong bumabandila ngayon bilang isa sa Top Ten CNN Heroes. Mula sa ilang daang kalahok mula sa ibat-ibang bansa para sa kategoryang ito, nasala siya at pumasok sa mataas na posisyong ito upang pagbotohan at mapiling CNN Heroes. Sa kabila ng madungis na pulitika sa ating bansa, nakakatuwang me mga magsusulputang ganitong makapaglingkod lang sa kapwa. balita. Pagkakawang-gawa at selflessness para

Hindi ko pa kaya ang ganitong paghahandog ng sarili kaya pagsaludo na lang muna ang aking gagawin at kaunting adbokasya upang maiangat pa sa natatanging posisyon si Efren. Si Efren ay lumaki sa Cavite City, kung saan nakaranas siya ng pambubully ng mga gang members. Ngunit sa kabila nito ay pinilit pa din niyang makapagtapos ng pag-aaral. Labing anim na taon pa lamang siya ng itatag ang Dynamic Teen Company (DTC) bunga ng labis na pagsasaalang-alang sa mga out of school youth. Sa pamamagitan ng karitong kanilang itinutulak ay tinuturuan nila ang mga batang lansangan sa Cavite tuwing araw ng Sabado. Sa loob lamang ng isang dekada ay umabot na sa 10,000 ang kanilang miyembro at nakapagturo sa humigit-kumulang 1,500.

Ngayon hingi lang sana ako ng kaunting oras upang maiboto natin si Efren. Isang napakalaking karangalan ito para sa ating bansa at tiyak na makakapag inspire ng maraming tao. Natutuwa din ako sa pagiging humble niya kasi hinihikayat niya tayo na silipin din ang profile ng iba pang kalahok dahil inspiring daw talaga.