You are on page 1of 3

ASPEKTO NG PANDIWA

ASPEKTO - ay katangian ng pandiwa na nagsasaad ng panahon ng pagkaganap ng kilos ng pandiwa.

1. Aspektong Perpektibo nagpapahayag na ang kilos ay nasimulan at natapos na. Halimbawa: Anyong Pawatas magsaliksik manghakot maunawaan Aspektong Perpektibo nagsaliksik nanghakot naunawaan Anyong Pawatas awitin umuwi sabihan Aspektong Perpektibo inawit umuwi sinabihan

2. Aspektong Perpektibong Katatapos Anyong Pawatas tumula uminog makalibot maglakbay Aspektong Perpektibong Katatapos katutula kaiinog kalilibot kalalakbay

3. Aspektong Imperpektibo ang kilos ay nasimulan na at di pa natatapos o patuloy pang ginagawa. Anyong Pawatas magsliksik manghakot umunlad yumuko Aspektong Imperpektibo nagsasaliksik nanghahakot umuunlad yumuyuko Anyong Pawatas alatan inawit pagtawanan Aspektong Imperpektibo inaalatan inaawit pinagtatawanan

4. Aspektong Kontemplatibo ang kilos ay hindi pa nasisimulan. Anyong Pawatas magsaliksik maghakot umunlad yumuko alatan Aspektong Kontemplatibo magsasaliksik maghahakot uunlad yuyuko aalatan Anyong Pawatas sabihan pagtawanan awitan awitin Aspektong Kontemplatibo sasabihan pagatatawanan aawitan aawitin

PAGSASANAY 10 A
Panuto:Banghayin ang ss. na mga pandiwa ayon sa apat na aspekto nito. Sundin ang pormat sa ibaba.
1. kunin 2. magsulat 3. umigib 4. mangalap 5. bilhan Anyong Pawatas (Panlapi + S U ) 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. A Perpektibo A Perpektibong Katatapos 6. pag-aralan 7. sunduin 8. mag-ulat 9. tumawad 10.liitin A Imperpektibo A Kontemplatibo

PAGSASANAY 10 B
Panuto: Suriin ang aspekto ng mga pandiwang nasasalungguhitan sa teksto. Isulat ang mga pandiwa ayon sa hanay na dapat kalalagyan sundin and pormat sa ibaba. Ang Aking Inspirasyon Tumayo ang lahat at tayoy mananalangin. Ito ang laging bukambibig ng gurong nagsilbing pangalawang magulang sa aking buhay. Guro siya ng ikalawang taon sa aming paaralan. Lahat ng aking kamag-aral ay natutuwa tuwing sasapit ang ikawalo ng umaga sapagkat Filipino na. Sa tuwing magtuturo siya, ang lahat ay tahimik na nakikinig, walang dumadaldal. Ang buong klase ay nag-aabang ng bagong kaalaman na ibabahagi niya sa amin. Gustong-gusto ko ang araling itinuro niya tulad ng akdang pampanitikan. Dito ko natutuhan na ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang bansa. Buong puso at galak siyang nagtuturo at itoy walang halong pagkukunwari. Kaya marami akong natutuhan sa kanya. Naunawaan ko na sa ibat ibang panahon malaki ang naging papel ng manunulat sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino. Parang kailan lang, sampung taon na pala ang nakalilipas. Subalit sa pusot diwa ko ay parang kahapon lang. Isa ako sa nag-aaral sa kaniyang paaralan. Ngayon, ganap na akong isang guro ng Filipino na sumunod sa yapak ng isang gurong nagsilbing inspirasyon ng aking buhay. Minsan, pinuntahan ko ang paaralang aking pinagtapusan kung saan siya nagtuturo upang mabisita at personal na pasalamatan. Ngunit pagdating ko sa paaralan, ang guwardiya na nagbabantay ang aking napagtanungan. Ang tanong koy nariyan ba si Maam?. Ang sagot niya kaaalis lamang niya ng dumating ka. Hindi man kami nagtagpo sa oras na iyon, subalit sa puso ko natagpuan ko ang natatanging guro na nagsilbing tanglaw sa landas ko.
Aspektong Perpektibo 1. 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Aspektong Katatapos Aspektong Imperpektibo Aspektong Kontemplatibo

You might also like