You are on page 1of 9

MGA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT Pagsulat ng reaksyong/panunuring papel Pagbibigay ng kuru-kuro sa anumang napanood o nabasa.

Bahagi ng Reaksyong Papel Introduksyon impormasyon tungkol sa awtor, pamagat at publikasyon buod o pangkalahatang pananaw paksang pangungusap ng reaksyong papel Katawan Mga talata na naglalaman sa mga masasabi mo batay sa paksa ang isang talata ay naglalaman ng isang ideya. Iwasang pagsama-samahin ang mga ibat ibang ideya. Kongklusyon Maaaring pag-uulit sa pangkalahatang paksa ng papel, pangkalahatang reaksyon mo sa paksa o prediksyon sa maaaring epekto ng iyong paksa. Mungkahi para sa ikabubuti ng akdang binasa o pinanood.

PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL Ayon kay Badayos (2000) ang konseptong papel ay isang paglalagom ng kabuuang ideya o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin o tukuyin (p.221). Ito ay nagsisiilbing proposal ng mananaliksik tungkol sa kanyang susulating papel. Bahagi ng Konseptong Papel Rasyonal nagsasaad ng pinagmulan ng ideya o kung bakit napili ang isang particular na paksa at gayon din ang kahalagahan at kabuluhan ng napiling paksa. Halimbawa: Ugat ng mga Dumaraming Kabataang Manggagawa (child labor) sa lipunan at kung ano ang Magagawa ng Pamahalaan Tungkol Dito. Sa takbo ng mga pangyayari sa lipunan, hindi maaaring hindi makita ng ating mga mata kahit pilitin man nating ipikit ito, ang dumaraming bilang ng mga paslit na nagiging mga manggagawa kahit na sa gawaing hindi nababagay sa kanila. Kahirapan ang itinuturong dahilan sa ganitong kalagayan at ang tanging sinusulingan, ang pamahalaan (Garcia et al., 2008). Layunin kinapapalooban ng pakay o dahilan ng pag-aaral na nais matamo sa pagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa napiling paksa. Kasama rin dito ang mga maaaring mabigyan ng tulong ng isinagawang pag-aaral. Halimbawa: Ang isasagawang pag-aaral ay naghahangad na: Malaman ang mga dahilan ng pagkakaroon ng mga batang manggagawa sa lipunan. Malaman ang mga hakbang ng pamahalaan upang masugpo ang ganitong suliranin. Inaasahang ang resulta ng pag-aaral ay makatutulong sa: Mga opisyales ng pamahalaan sa pagbabalangkas ng batas at paglikha ng mga proyektong laan sa mga batang mamamayang ito; Mga nasa NGO sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga batang manggagawang ito na makapagbibigay-inspirasyon sa kanilang mga proyekto; at Mga magulang upang magkaroon sila ng malinaw na mga hakbang para sa kinabukasan ng mga paslit na manggagawang ito.

Metodolohiya tumutukoy sa paraan o mga hakbang na susundin sa pangangalap ng mga datos na kailangan sa isasagawang pananaliksik na isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey, pagbibigay ng talatanungan, pag-iinterbyu, pag-oobserba at iba pang pamamaraan. Inilalahad din dito ang paraan ng pagsusuri ng mga datos. Halimbawa: Ang isasagawang pag-aaral ay gagamit ng palarawang uri (descriptive) ng pananaliksik, sapagkat sumasaklaw ito sa kasalukuyang kalagayan ng mga batang manggagawa sa lipunan. Gagamitan ito ng sarbey, interbyu, interprestasyon at obserbasyon upang matiyak ang katumpakan ng mga nakalap na mga datos. Isasama sa pag-aaral ang limampung batang manggagawa na may edad na sampu pataas sa palengke ng Lungsod ng Baguio.

Inaasahang bunga resulta ng pananaliksik, ang dami ng mga pahinang bumubuo nito, bibliograpiya at mga apendiks.

BALANGKAS pinipili ang mga pangunahing isipan at iba pang panulong na mga kaisipan pinagbubukud-bukod at pinapangkat-pangkat ang mga ito kukunin ang pangunahing isipan at sa ilalim nitoy katulong na kaisipan masasabing kalansay o iskeleton ng buong teksto

Maaaring isulat na: patalata pa-pangungusap pa-paksa maaaring salita o maikling parirala Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Balangkas Unang uriin ang mga datos batay sa kaugnayan at kahalagahan sa pangunahing ideya. Gawing ispesipiko ang mga pangunahing ideya. Panatilihin ang konsistensi sa paggamit ng maliit/malalaking titik, bilang Romano, Arabiko at pagbabantas. Pagsama-samahin ang mga kaisipang maglalahad at magkakaugnay. Huwag malito sa pangunahin at pansuportang detalye upang hindi ito maipagpalit sa isat isa. Iwasang gumawa ng mahahabang balangkas.

Halimbawa ng Balangkas Mga Uri ng Dula Balangkas sa Paksa Uri ng dula ayon sa pagtatanghal Pantanghalan Moro-moro Sarsuwela Mga Karaniwang dula Pampelikula Pantelebisyon Panradyo Ayon sa nilalaman Komedya

Trahedya Saynete Melodrama

Uri ayon sa dami ng yugto Iisahing yugto Dalawahing yugto Tatatluhing yugto

Balangkas sa Pangungusap Ang dula ay karaniwang uriin ayon sa pook na pinagtatanghalan. Pinakamatanda at pinakakaraniwang uri ang dulang pantanghalan. Ang moro-moro ay matandang uri ng dulang tanghalan. Napatanyag ding dulang pantanghalan ang sarsuwela. Mga dulang pantanghalan din ang mga drama nating karaniwan. Isa pang uri ng dula ayon sa pinagtatanghalang pook ang dulang pampelikula. Ang dulang pantelebisyon ay nasa ilalim din ng ganitong uri ng dula. Ang ikaapat na uri ng ganitong dula ay ang dulang panradyo. Mauuri rin ang dula ayon sa nilalaman. Isang uri nito ang dulang komedya. Ang trahedya ay dula rin sa pag-uuring ito. Ang saynete ay nasa ganitong uri ring ng pag-uuri ng dula. Ang melodrama ay uri rin ng dula ayon sa nilalaman. Mauuri rin ang dula ayon sa taglay nitong yugto. Ang pinakamaikli nitong uri ay ang dulang may iisahing yugto. May dula ring dadalawahing yugto. Ang isang dulang itinatanghal ng mga dalawang oras ay yaong dulang tatatluhin o aapating yugto.

Balangkas na Patalata Ang dula ay mauuri ayon sa pook na pinagtatanghalan na gaya ng pantanghalan, pampelikula, pantelebisyon at panradyo. Isa pang pag-uuri ng dula ay ayon sa nilalaman na gaya ng komedya, trahedya, melodrama at saynete. Maaari ring uriin ang dula ayon sa haba ng pagkakasulat nito tulad ng iisahing yugto, dadalawahing yugto at tatatluhing yugto.

PAGTATALA NG IMPORMASYON/ PANGANGALAP NG MGA DATOS Ang mga tala ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagbabasa, pananaliksik, pag-oobserba, pagiinterbyu, pagtatanong, eksperimentasyon, pakikinig sa mga lektyur at iba pang kaparaanan. Ginagamit ang mga tala na ito sa pag-aaral, pagririserts at pagdukal ng kaalaman. Iminumungkahi sa mananaliksik na gagamit ang indeks na pagsusulatan ng mga nakalap na mga datos upang mas mabilis ang pagsangguni sa mga ito sa oras ng pagsulat. Mahalagang tandaan ng nagsasagawa ng pangangalap ng datos na isulat ang mga sumusunod: Pamagat ng siniping ideya Ideyang bibigyang paliwanag Pangalan ng awtor Pamagat ng aklat, dyornal o babasahin kung saan sinipi ang ideya

Pahina kung saan natagpuan ang siniping ideya

Ang tala ng impormasyon ay maaaring isulat sa alinman sa mga sumusunod na anyo: Orihinal/Sipi kapag kinuha ang mga salita mismo ng akda at ito ay dapat na isulat na nakapaloob sa panipi. Pamagat: Maikling Katha Sang: Matute, E. G. (1981). Pilipino sa bagong panahon. Manila: National Bookstore. Ang iba naman sa mga dula, tulad ng dramang romantiko, sarsuwela at mga lehitimong dulang sinulat ng mga Pilipino rin, ay higit na kakikitaan ng pagka-Pilipino, at nakatugon din naman sila kahit paunti-unti sa pagkamulat ng Sambayanan. (p. 55)

Hawig (paraphrase) kapag binigyan ng interpretasyon ang itinalang impormasyon sa sariling pananalita.

Pamagat: Maikling Katha Sang: Matute, E. G. (1981). Pilipino sa bagong panahon. Manila: National Bookstore.

Ang iba naman sa mga dula gaya ng dulang romantiko, sarsuwela at mga tunay na dulang kinatha ng mga manunulat na Pilipino ay lalong nagpahayag ng pagkamakabayan ng mga Pilipino sapagkat ipinakita kahit na sa maliit na paraan ang pamayanan ng mga Pilipino at nakasagot sa maliit na paraan sa pagbibigay ng kaalaman at karunungan sa mga mamamayan.

Presi kapag nilagom sa sariling pananalita ang impormasyon.

Pamagat: Maikling Katha Sang: Matute, E. G. (1981). Pilipino sa bagong panahon. Manila: National Bookstore.

Ang dulang romantiko ng mga Pilipino at iba pang dulang naisulat ng mga dramaturgo natin ay naghayag din ng pagpapahalaga sa bansa kahit na paanoy nakapagdagdag ng kaalaman sa mga tao.

PAGSULAT NG SANGGUNIAN Libro Aquino, G. V. (2010). Teaching models, strategies and skills: A guide to efficient-effective teaching. Manila: Rex. Matute, E. G. (2011). Pilipino sa bagong panahon. (ika-2 ed.). Manila: National Bookstore. Reyes, S. R. & Bautista M. D. (2006). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Pasig City: Anvil Publishing. Tumangan, A. C. et al. (2007). Pagbasa at pagsulat. Manila: Goodwill Trading. Corpuz, B. B., Rimas, A. T., Galangco, N. S. & Bautista, A.G. (2002). Student teachers manual for observation and participation. Quezon City: Katha. Popham, W. J. (2008). Classroom assessment: What teachers need to know. (2 ed). MA, USA: Allyn & Bacon. Tesis at Disertasyon Balmeo, M.L. (2003). The departmental examination of the College of Engineering and Architecture and the College of Information and Computing Sciences. Unpublished Masters Thesis. Baguio City: Saint Louis University. Diaz, L. (1999). Isang pagsusuri at pagpapahalaga sa mga piling awitin ni Joey Ayala. DiNalathalang masteral na tesis. Baguio City: Baguio Colleges Foundation.
nd

Mga Artikulo sa Peryodikal (magasin at dyornal) Flores, F. C. (2007, Oktubre 16). Simulain sa pagsulat ng ulat-pananaliksik. Panitik, 23 (7), pp.10-14. Bernt, T. J. (1981a). Age changes and changes over time in prosocial intentions and behavior between friends. Developmental Psychology, 17, 408-416. Dela Cruz, S. A. (2006, Enero). Ang buhay-pag-ibig ni Marimar. Liwayway, 21, 45-50. Paalala: Para sa artikulo mula sa magasin, ilagay ang buwan at araw. Para sa artikulo mula sa jornal, hindi na kinakailangang ilagay ang buwan at araw. Ilagay lamang ang taon ng pagkalathala.

Artikulo sa pahayagan

Catigbak, M. (2008, Marso 24). Hamon sa mga magsisipagtapos sa kolehiyo. Balita, pp. A-1, B-6. Internet Artikulo sa internet periodical Dela Cuz, P. (2007). Ingles laban sa Filipino. Hatinig, 52(2). Binuksan noong Nobyembre 11, 2013, mula sa www.main lib.upd.edu.ph/phl/details.php?id=0816289950. Kenneth, I. A. (2000). A Buddhist response to the nature of human rights. Journal of Buddhist Ethics, 8 (4). Retrieved Nov. 13, 2013 from http:/ / www.cac.psu.edu/jbe/twocont.html

Web page Lynch, T. (20012). DS9 trials and tribble-ations review. Retrieved Nov. 11, 2013, from http://www.bradley.edu/campusorg/psiphi/DS9/ep/503r.html . Draper, S. W. (w.p.) Should teachers be expert in the subject matter? Retrieved Nov. 11, 2013 from http://www.psy.gla.ac.uk. Encyclopedia Article Sturgeon, T. (1995). Science fiction. In The encyclopedia Americana (Vol. 24, pp. 390-392). Danbury, CT: Grolier. Kung walang awtor ang sanggunian, simulan sa pamagat. Experimental psychology. (2012). New York: Holt.

APA Format: TV or Radio Enriquez, M. (Produser). (2013, Nobyembre 11). 24 Oras [Balitang pantelebisyon]. Quezon City: GMA Network Paalala sa Pagsulat ng Sanggunian Doublespace lahat ng linya. Ayusin ang sanggunian ng paalpabeto ayon sa awtor, I-Indent ang ikalawa at ang mga sumusunod na linya ng 5 - 7 espasyo o kayay pulgada. Gamitin lamang ang inisyal ng unang (at panggitna) pangalan ng awtor. Kapag walang awtor magsimula sa pamagat. Article titles and book titles: capitalize only the first word of the title and subtitle. (Capitalize all significant words of periodical titles.)

Dokumentasyon Isang sistemang ginagamit sa pagbanggit ng mga sangguniang pinaghiraman/ pinaghanguan ng impormasyon.

Tatlong Kategorya ng Dokumentasyon Footnotes mga impormasyong nakasulat sa ibaba ng pahina, kasama ang bibliograpi sa katapusan ng dokumento. Endnotes makikita sa hulihang bahagi ng dokumento na may kasamang listahan ng lahat ng mga sangguniang inayos paalpabeto. Parenthetical references/citation nasa katawan ng mga pahina, sumusunod kaagad sa mga hiram na impormasyon. Ang isusulat ay apelyido ng awtor at taon ng pagkalimbag ng aklat na ikukulong sa panaklong. Itoy may kasamang bibliograpi sa katapusan ng dokumento.

Pagsulat ng Parenthetical Citation citation para sa Hawig Sa isang pag-aaral noong 2010, hindi sinang-ayunan ni Deborah Mayo ang sayantifikong validiti ng mga eksperimentong gumamit ng mga hayop. Hindi sinang-ayunan ni Mayo (2010) ang sayantifikong validiti ng mga eksperimentong gumamit ng mga hayop. Sa isang naunang pag-aaral (Mayo, 2010) hindi sinang-ayunan ang sayantifikong validiti ng mga eksperimentong gumamit ng mga hayop. Hindi sinang-ayunan ang sayantifikong validiti ng mga eksperimentong gumamit ng mga hayop batay sa isang naunang pag-aaral. (Mayo, 2010)

Citation para sa Tuwirang Sipi

Hindi nakakalimutan ng mga Pilipino ang unang sona ng dating Pangulong Estrada dahil sa pahayag niyang huwag ninyo akong subukan (Austero, 2010, p.53). Batay sa mga nangyayari sa kasalukuyan, may nakapagsasabi pa kayang the Filipinos are worth dying for (Tumangan, 2011, p. 102) na tulad ni Ninoy Aquino?

citation para sa tuwirang sipi na mahigit sa 40 na salita Ipinaliwanag ni Beard (2012) ang mga maaaring idulot ng makasariling pag-iisip ng isang bata: He attributes life and feeling, in the first place, to all objects, though later only to those which move, he believes that natural objects are man-made and that they can be influenced by his wishes or by actions at a distance. (pp.24-25) Hindi lamang ang Pilipinas ang nakararanas ng matinding tagtuyot kundi pati ang Brazil. Ganito ang sinasabi ng isang magazin: Noong 1877, sa pinakamatinding tagtuyot sa bansa, mga 500,000 sa kanila ang namatay sa gutom. Nang panahong iyon ang emperador ng Brazil, si Dom Pedro II, ay nangako na hahanap ng solusyon sa tagtuyot kahit na ipagbili pa niya ang lahat ng hiyas ng kanyang korona upang magawa ito. Noong tagtuyot ng nakalipas na taon, tinatayang maaapektuhan nito ang sindami ng sampung milyong tao na naninirahan sa 1,209 na mga lunsod sa hilagang-silangan ng Brazil. (Gumising, 2012 Setyembre 22, p. 13) citation mula sa 2 awtor Ayon kina Abad at Castaeda (1995) tinataya ni Gonzales na sa taong 2000, 97.1 % ng populasyon ng bansa ang nakapagsasalita ng Filipino. Ayon sa isang pag-aaral (Franklin & Hayes, 2001) ang ating iniinom na tubig ay hindi lamang puno ng mga pestisidyo kundi sa ngayoy mukhang puno rin ito ng mga gamot.

3 awtor (unang banggit) Batay sa pag-aaral nina Heinrich, Smith at Blaine (2012) dalawampung porsiyento sa doses ng antibayotik na ipinaiinom sa mga hayop ay inilalabas kasama ng ihi. Sa mga sumusunod na pagbanggit Ang mga gamot ay isa sa ilang pangkat ng mga kemikal sa tubig na hindi nasusubaybayan ng mga tagapangalaga ng kapaligiran ( Heinrich et al., 2012). Mula sa sulat, e-mail, telepono, panayam (personal na komunikasyon) Ayon kay Major Bautista (personal na pakikipanayam, Pebrero 7, 2008) mas maganda ang pagdiriwang ng Panagbenga ngayong taon dahil mas maraming makikilahok sa mga patimpalak mula pa sa ibang lalawigan ng bansa. Iba pang sanggunian Ayon sa Encyclopedia Encarta (1995) ang teknolohiya ay mahalaga sa pamumuhay ng mga tao ngunit ito ay nagkakaroon ng mga masama at delikadong epekto kapag ito ay inabuso. Kapag walang awtor, paikliin ang pamagat at ikulong sa panaklong bilang pamalit

sa pangalan ng awtor. Sa isang pag-aaral napag-alamang isa sa mga kahinaan ng mga mag-aaral ay ang paggawa ng sulating pananaliksik (Pagsulat ng Sanggunian, 2001). Kapag walang petsa, gamitin ang w.p (para sa walang petsa) Sa isang pag-aaral napag-alamang isa sa mga kahinaan ng mga mag-aaral ay ang paggawa ng sulating pananaliksik (Pagsulat ng Sanggunian, w. p.).

Gemma Manait Perey

You might also like