You are on page 1of 2

ABSTRAK

Kharene R. Albos , Melissa P. Agnes , Daisyree P. Abad , Glenda A. Abayan , Romar Glen A. Almacer ; Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang MGA KASALUKUYANG BALAKID NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO SA SEKUNDARYA, sa taong panuruan 2011-2012 na ibinatay sa mga kasagutan ng mga kalahok. Ang pananaliksik na ito na binuo, sinuri at isinagawa gamit ang talatanungan ay nakatuon sa pagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon, istatistika at konkretong datos ukol sa mga kasalukuyang balakid na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa Sekundarya. Upang maisakatuparan ang pananaliksik, gumamit ng sarbey-kwestyuner ang mga mananaliksik na ipinasagot. Sinagutan ang mga talatanungan sa pamamagitan ng Oo kung sang-ayon ang mga respondente sa mga katanungan at Hindi, kung hindi sang-ayon sa mga tanong. At ang sarbey-kwestyuner na ito ay siyang naging daan upang lubusang malaman ang kasalukuyang balakid na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino sa sekundarya. Isinagawa ang pananaliksik ayon sa disenyong pamamaraang diskriptiv-analitik, na pinasagutan sa isang daang (100) respondente particular na sa mataas na paaralan ng Calbiga, Sagkahan, Agapito, Leyte, at Muertegui sa taong panuruan 2011-2012. Sa bawat paaralan ay may dalawampung (20) respondent, lima (5) sa bawat taon. Batay sa resulta ng pananaliksik nalaman ang mga kasalukuyang salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa sekundarya. Batay sa naging resulta ng pagsusuring ito, nakabuo ang pananaliksik ng isang konklusyon na ang mga pangunahing salik na nakakaapekto sa pagkatuto sa asignaturang Filipino sa kasalukuyan ay angmga guro, saloobin, mg mga mag-aaral hinggil sa asignaturang Filipino, mga makabagong teknolohiya, estado at pinag-aralan ng guro,

pamamaraan at kagamitang ginagamit sa pagtuturo, pasilidad sa isang paaralan, kapwa mag-aaral at iba pa. Buong pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga guro, gobyerno, mga ahensyang pang-edukasyon, sa mga magulang at lalung-lalo na sa mga mag-aaral na dapat bigyang halaga ang edukasyon. Ang mga balakid na ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagkakaroon o pagpapatupad ng mga programa, batas, at mas epektibong pamamaraan sa pagtuturo na makapagsusulong sa kalidad ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil nagbibigay ito ng impormasyon at kaalaman hinggil sa mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa sekundarya. Sa isandaang (100) respondante, halos lahat ang nagsabing malaki ang papel na ginagampanan ng guro sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Siyamnaput siyam na porsyento (99%) ang nagsabing Oo at isang porsyento (1%) lang ang hindi. Hiningi rin ng mga mananaliksik ang opinion ng mga respondent kung epktibo ba ang pagtuturo at mas maimplu

You might also like