You are on page 1of 2

ABSTRACT

Kharene R. Albos , Melissa P. Agnes , Daisyree P. Abad , Glenda A. Abayan , Romar Glen A. Almacer ; Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang MGA KASALUKUYANG BALAKID NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO SA SEKUNDARYA, sa taong 2011-2012 na ibinatay sa mga kasagutan ng mga kalahok. Ang pananaliksik na ito na binuo, sinuri at isinagawa gamit ang talatanungan ay nakatuon sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon, istatistika at konkretong datos ukol sa mga kasalukuyang balakid na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino sa Sekundarya. Upang maisakatuparan ang pananaliksik, gumamit ng mga sarbey- kwestyuner ang mga

mananaliksik na ipinasagot. Sinagutn ang mga talatanungan sa pamamagitan na Oo kung sang-ayon ang mga respondante sa mga katungan at Hindi, kung hindi sang-ayon sa mga tanong. At ang sarbeykwestyuner na ito ay siyang naging daan upang lubusang malaman ang kasalukuyang balakid na nakakaapekto sa pagkatuto nh mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino sa sekundarya. Isinagawa ang pananaliksik ayon sa disenyong diskriptiv-analitik, na pinasagutan sa isang daang (100) respondante particular sa mataas na paaralan ng Calbiga, Sagkahan, Agapito, Leyte, at Muertigui sa taong panuruan 2011-2112. Sa bawat paaralan ay may dalawampung (20) respondante , lima(5) sa bawat taon. Batay sa resulta ng pananaliksik nalaman ang mga kasalukuyang salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa sekundarya. Batay sa naging resulta ng pagsusuring ito, nakabuo ang mga mananaliksik ng isang konkuusyon na ang mga pangunahing salik na nakakaapekto sa asignaturang Filipino sa kasalukuyan ay ang mga guro, saloobin ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino, mga makabagong teknolohiya, estado at pinagaralan ng guro, pamamaraan at kagamitang ginagamit sa pagtuturo, pasilidad sa isang paaralan, kapwa mag-aaral at iba pa. Buong pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga guro, gobyerno, mga ahensyang pangdukasyon. Ang mga balakid na ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagkakaroon o pagpapatupad ng mga programa, batas, at mas epektibong pamamaraan sa pagtuturo na makapagsusulong sa kalidad ng edukasyon sa bansa. Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil nagbibigay ito ng impormasyon at kaalaman hinggil sa mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa sekundarya. Sa isang daang (100) respondantes, halos lahat ang nagsabing malaki ang ginagampanan ng guro sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino.

You might also like