You are on page 1of 1

Sayong Pantas na Pandinig; aking samot-dalangin

Aanhin ang brilyante kung itoy di mabanaag?


Pagkabulag ang kapara sa pook na maluwag
Maiipit ang buto ito man ay malilinsag
Kung araw di makita na syang tanging kalasag

Ano naman itong anino sa gitna ng dilim
Ang pagkakaibay pareho pagkat puro itim
Ito man ay hindi ko man lamang na maaatim
Katulad ng mga ginto sa pook na malalagim

Sa dawag at karimlan ako ngayoy nananahan
Lupaing sa pangarap di man lang mananasahan
Kasarinlay balintunay, ang panaghoy ay Nasan?!
Sa kawayan na matigas ang tanang katuwiran

Samot dalanging humangin; mabiyak ang kawayan!
Lumundo sa lupa, buhoy mapuno ng katwiran
Sayong pantas ang pandinig, naway iyong pagbigyan
Ang kahilingan nitong sa iyoy nananawagan

Siguro ang aming buhay ay sadyang may mga yugto
Sa panahong ito lamang; dalangiy wag mapugto
Ang pagbabago naway iyong gawing napipipinto
Yaring kagustuhay; sumunod ang panahong ginto


PETER PHILIP M. PEREZ

You might also like