You are on page 1of 2

Sino ang tunay na bata?

Saan ba natin masusukat yaring tagumpay?


Sa pagpapagal ba na di man lang lumalatay?
Pasyang sa panahong ukol ay syang mararatay
Pagkat di pinag-isipan sa paraang lantay

Sino ba ang mas bata? Ito ay aking tanong
Sya bang sa pag-iisip ay laging nagtatanong?
O syang naglalagablab bunga ng mga panggatong
Ang silbi ay kapara ng butas na mga gulong.

Halina at pagisipan aking mga katoto
Di ba at ang nais lang natin ay ang matuto
Sa pamumuhay; kalakip ang kanyang konteksto
Upang di masilat ng pangwasak na palaso

Pagiisip na salat; lait ay yong iwasan
Upang huwag ka ng lalong pa na mapintasan
Ikaw na tinatawag; hinog sa karanasan
Bait moy naglakat hubad ka sa katuwiran

Dapat ka bang gayahin? Oh ikaw na matanda
Huwag lamang humangin isip moy napapata
Nababago ng lubos ang iyong inihanda
Ibay nadadamay at silay napipinsala.

Madunong na bata; ikay pinagtitiisan
Naiintindihang lubos ang yong kalikasan
Di maitatangging sa utak ay kahinaan
Sa kanya ay sapat para ikay pabayaan

You might also like