You are on page 1of 1

1935 Saligang Batas (Ang Komonwelt at ang Ikatlong Republika)

Ang Saligang Batas 1935 ay ginawa para sa istraktura ng Konstitusyon ng Estados Unidos.Pero marami
pa rin dito ang itinadhana para sa mga mithiin at mga saloobin ng mga Pilipino.Mayroon din mga
probisyon na angkop na nais ng Amerika dahil ang unang nagpatibay dito ang Presidente ng Amerika
noong panahong iyon.
Isinulat ang Saligang Batas 1935 noong 1934, at pagsasaad ng Komonwelt ng Pilipinas (1935-1946) at
ginamit sa Ikatlong Repulika ng Pilipinas (1946-1972).
Itinadhana ang orihinal na Saligang Batas 1935 para sa isang Kongreso na may isang Kapulungan ng
mga Kinatawan. Sinusugan ito noong 1940 upang magkaroon ng parehong Senado at Kapulungan ng
mga Kinatawan. Sa saligang batas na ito, may hangganan ang Pangulo sa terminong apat na taon at
maaari lamang maupo sa dalawang termino.
Isang Pagpupulong ng Saligang Batas ang ginanap noong 1971 upang baguhin ang Saligang Batas ng
1935. Nabahiran ang pagpupulong ng mga pagsuhol at korupsyon. Marahil ang pinakakontrobersyal ang
isyu ng pagtanggal sa hangganan ng termino ng isang pangulo dahil sa gayon maaaring tumakbo si
Ferdinand Marcos sa ikatlong termino. Sa anumang usapin, sinuspinde ng pagpapahayag ng batas
militar ang Saligang Batas 1935.

Mga Batas na Itinadhana
Tatlong Sangay ng Pamahalaan:
1. Executive-Ang kapangyarihang tagapagganap.
2. Legislative-Ang kapangyarihang gumawa ng batas.
3. Judicial-Ang kapangyarihang panghukuman.

Iba pang batas na nakapaloob sa Saligang Batas 1935:
<1.>Konsepto ng paghihiwalay ng estado at ng simbahan.
<2.>Pagtutol ng Pilipinas sa mga digmaan at mga violent na gawain.
<3.>Pagsunod sa alituntunin ng Bill of Rights.

You might also like