You are on page 1of 1

Uri ng Maikling Kwento

Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap
upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri
ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan.
Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kuwento ng katatawanan.



TRAHEDYA-sa trahikong kwent, hind nakaiiwas ang tao sa kapahamakan at pagbagsak,kahit pa magpakita sya ng
katatagan ng loob at tapang.

KOMEDYA-sa uring ito, dumaraan ang mga tauhan sa mga nakakatawa,kawili-wili, okakatwang sitwasyon at
kumplikasyon. at masayang wakas.

SATIRA-sartiriko ang kwento kung ginagawa miyong kalibak-libak ang tauhan.

ROMANSA-sa romantikong kwento,may maliwanag na pagkakaiba ang 'mabubuti' at 'masasamang' tao na sangkot sa
mga pakikipagsapalaran at sa mga pangyayaring di kapani-paniwala.

REALISMO-kabaligtaran ng romansa ang realistang naratib. sinasalamin nito ang tunay na buhay . hindi ang buhay na
gustong mangyari o hinihiling mangyari. sa kwentong ito umuiikot, ang banghay sa mga pangyayaring hinaharap ng mga
tao araw-araw. ang mga pangunahing tauhan ay pangkaraniwan lamang. hindi sila kailangang maganda,gwapo,talentado,
o mayaman.

You might also like