You are on page 1of 14

MORPOLOHIYA

Ang morpolohiya ay pag-aaral ng


pagsasama-sama ng mga tunog upang
makabuo ng salita.
Inilalarawan sa morpolohiya ang
pagkakaroon ng makabuluhang
kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng pinagsama-samang mga
tunog.
Ang morpema ay itinuturing na
pinakamaliit na yunit ng salita na
nagtataglay ng kahulugan. Itoy mauuri
sa:
(1)panlapi gaya ng ma- , ka-, pang-,
ipang-, atbp.
(2) salitang-ugat gaya ng araw, ulap,
sining, atb.; at
(3) ponema gaya ng a sa konsehala,
gobernadora, atb.
Dahil sa impluwensya ng
kaligiran ng isang
morpema ay nagbabagu-
bago ang anyo nito.
Itoy tinatawag na
pagbabagong
morpoponemiko.
Ang asimilasyon ay tumutukoy
sa pagbabagong anyo ng
morpema dahil sa
impluwensiya ng mga katabing
tunog nito. Kinabibilangan ito
ng mga panlaping nagtatapos
sa -ng katulad ng -sing na
maaaring maging sin- o sim-.
Gayundin ang pang- na
maaaring maging pan- o pam-
dahil sa impluwensiya ng
kasunod na katinig.
D, L, S, R, T = pan, sin
Hal.
pang + sipit = pangsipit = pansipit
pang + lunas = panglunas = panlunas
sing + dali = singdali = sindali
sing + lakas = singlakas = sinlakas
B, P = sim, pam
Hal.
pang + bayan = pangbayan = pambayan
pang + pahid = pangpahid = pamahid
sing + bango = singbango = simbango
Sing + pulido = singpulido = simpulido

Patinig (a, e, i, o, u) at Katinig
(k, g, h, m, n, w, y) = sing, pang
Hal.
pang + gabi = panggabi
sing + ayos = sing-ayos
pang + katawan = pangkatawan
sing + husay = singhusay


d, l, r, s, t



b, p
patinig (a, e,
i, o, u)
katinig (k, g,
m, n, w, y)
pan
sin


pam
sim

pang
sing

PARSIYAL O DI-GANAP
-tanging ang pagbabago ay sa pinal na
panlaping -ng lamang kapag ikinakabit
sa mga salita
Hal.
sing + dali = sindali
pang + lasa = panlasa
pang + paligo = pampaligo
sing + bagsik = simbagsik



GANAP
-nangyayari kapag matapos na
maging /n/ at /m/ ng panlapi
dahil pakikibagay sa kasunod na
tunog ay nawawala pa ang
sumusunod na unang titik ng
salitang-ugat at nananatili na
lamang ang tunog na /n/ at /m/
Hal.
pam + pitas = pampitas = pamitas
mang + pitas = mangpitas = mamitas
pang + bilang = pangbilang = pambilang
= pamilang

You might also like