You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A
Sangay ng Dasmarias
Purok ng Salawag
PAARALANG ELEMENTARYA NG SALAWAG

UNANG MARKAHAN
SCIENCE 3

Pangalan: __________________________________Baitang:________________
Guro: ______________________________________ Petsa:_________________
Knowledge
I. Tukuyin kung Tama o Mali ang pahayag. Isulat ang sagot sa
patlang.

______1. Ang solid ay may tiyak na kulay, hugis at tekstura.
______2. Ang mga solids ay may tiyak na katangian na
nagpapakita nang iba-ibang katangian o pagkakatulad
sa bawat isa.
______3. Ang mga hugis ng solid ay bilog, parihaba, at tatsulok.
______4. Ang kulay ng hinog na manga ay dilaw.
______5.Ang liquid ay nakakakuha ng espasyo o lugar sa
sisidlan o lalagyan.
______6. Lahat ng liquid ay mabilis dumaloy.
______7. Magkakapareho ang hugis ng liquid.
______8. Ang liquid ay may tiyak na kulay.
______9. Ang gas ay nakikita ng ating mga mata.
______10. Ang hangin ay gas.
II. Bilugan ang titik ng tamang sagot

11. Ano ang lasa ng ibat ibang liquid?
a. mabaho c. mabango
b. matigas d. matamis, maasim, mapait, walng lasa
12. Ano-ano ang mga katangian ng liquids ang naamoy mo?
a. matamis c. maalat
b. mapait d. mabaho at mabango
13. Ang amoy ng pabango ay___________.
a. mabaho c. maasim
b. maanghang d. mabango
14. Ano ang lasa ng toyo?
a. maalat b. maasim c. matamis d. mapait
15. Ang LPG ay halimbawa ng ___________.
a. Solid b. Liquid c. Gas d. wala sa nabanggit
16. Ano ang mangyayari sa lobo kapag ito ay hinipan?
a. liliit c. lalaki
b. puputok d. hindi mahipan
17. Ang hangin ay gas. Hindi ito nakikita n gating mga mata ngunit ito ay
ating nadarama dahil ang ___________ng gas ay magkakalayo.
a. gas c. molecules
b. liquid d. solid
18. Ano ang iyong naramdaman matapos mong hipan ang iyong kamay?
a. mainit c. may hangin na lumabas
b. may tubig d. lumamig ang buong kamay
19. Ano ang hugis ng hangin sa loob ng bilog na lobo?
a. bilog b. parihaba c. tatsulok d. parisukat
20. Anong simbolo ang ginagamit upang maipahayag ang sukat ng
temperature?
a.
0
C b. cm c. kg d. inches
21. Ang kumukulong sopas ay ___________.
a. malamig c. mainit
b. maligamgam d. nagyeyelo
22. Ang sorbetes (ice cream) ay________
a. mainit c. malamig
b. maligamgam d. nagyeyelo
23. Kapag ang tubig ay naiinitan ang temperature nito ay __________.
a. tumataas c. bumababa
b. mainit d. normal lamang ang temperature
24. Ang temperature ng malamig na tubig ay _________kaysa sa
maligamgam na tubig.
a. mas mababa b. mas mataas
b. pantay lamang d. pinakamataas
25. Nasa anong anyo ang naphthalene ball?
a. Solid b. Liquid c. Gas d. wala sa nabanggit

III. Pag-aralan ang larawan /simbolo na nasa ibaba. Iugnay ang
sagot ayon sa kanilang katangian o deskripsyon sa kanan. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang.

a. toxic b. poisonous c. flammable


______26. ______27.







______28. ______29.




______30.
Understanding
IV. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
31. Binilhan ka ng nanay mo ng lapis, notebook, pantasa, at pambura. Nais
mong malaman ang katangian ng solid ayon sa laki o sukat. Paano mo
malalaman ang laki o sukat ng mga ito?
a. Gagamit ako ng ruler.
a. Gagamit ako ng thermometer.
b. Susukatin ko na lamang ng kamay.
c. Titingnan ko sa libro ng Science ang sagot.
32. Pinakuha ng iyong guro ang mga gamit sa inyong bag, nais niyang uriin
ninyo ito ayon sa tekstura. Ano ang iyong gagawin?
a. Pagsama-samahin ang mga bagay na pangit.
b. Pagsama-samahin ang mga bagay na maganda.
c. Pagsama-samahin ang mga bagay na lagi mong ginagamit.
d. Pagsama-samahin ang mga bagay ng makinis, malambot, matigas,
at magaspang.
33. Bakit ang solids ay hindi nagbabago ang hugis?
a. Dahil ang molecules nito ay solid.
b. Dahil ang molecules ng solids ay magkakalayo.
c. Dahil ang molecules nito ay nagpapalipat-lipat.
d. Dahil ang molecules ng solids ay malapit sa isat isa.
34. Si Maria ay nagising ng hating-gabi. Ang kwarto niya ay madilim.
Tumayo siya at kinapa-kapa ang mga bagay na nasa kanyang silid-tulugan
upang hanapin ang kanyang cellphone. Mayroon siyang nahawakan na
matigas at magaspang. Ito ay maaaring __________
a. Solid b. Liquid c. Gas d. wala sa nabanggit
35. Bakit hindi natin nakikita ang hangin (gas)?
a. Dahil ang molecules ng gas ay magkakalayo.
b. Dahil ang molecules ng gas ay magkakadikit.
c. Dahil ang molecules ng gas ay malapit sa atin.
d. Dahil ang molecules ng gas ay hindi napapansin.
36. Bakit kaya kapag ang tissue ay inilagay sa pinakailalim ng baso ay
hindi nahuhulog kahit ito ay ilubog sa tubig ng pabaligtad?
a. Dahil magaan ang tissue.
b. Dahil ito ay nalalamigan.
c. Dahil mabigat ang baso kaysa tissue.
d. Nagkakaroon ito ng espasyo o lugar.
37. Kapag ininitan ang kandila ito ay matutunaw, kapag inalis ang init nito
ito ay titigas. Bakit kaya nangyayari ang mga pagbabagong nagaganap sa
kandila?
a. Dahil sa inilagay sa kutsara.
b. Dahil ito ay madaling tumigas.
c. Dahil ito ay madaling matunaw.
d. Dahil nagbabago ang temperature.
38. Anong mangyayari kapag ang piraso ng kandila sa kutsara ay ininitan?
a. Ito ay titigas.
b. Ito ay maglalaho.
c. Ito ay matutunaw.
d. Wala sa nabanggit.
39. Ano ang mangyayari kapag ang tubig ay ininit sa araw?
a. Ang tubig ay kukulo.
b. Ang antas ng tubig ay baba.
c. Ang antas ng tubig ay tataas.
d. Ang tubig ay maaring lumamig.
40. Ano ang dapat gawin sa mga kemikal na ginagamit natin sa bahay?
a. Ilagay kung saan mo gusto.
b. Pabayaan na pakalat-kalat sa bahay.
c. Hayaan na maabot ito ng bata at mapaglaruan.
d. Lagyan ng pangalan ang iba ibang kemikal at ilagay ang mga ito sa
lugar na hindi maabot ng mga bata.
41. Ano ang dapat natin gawin upang maiwasan ang pagkalason kung
titikman ang liquid?
a. amuyin c. linisin
b. huwag tikman d. ayusin
42. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawain upang maging ligtas sa
paggamit ng mga mapaminsalang bagay?
a. Maglaro ng posporo.
b. Ilagay ang mga bagay na maaring lumiyab malapit sa kalan.
c. Mag-spray ng pamatay kulisap ng wala man lang guwantes at gas
mask.
d. Palagiang tingnan ang tangke na ginagamit sa pagluluto.
Siguraduhing nakasara ito ng mahigpit.
43. Susundin mo ba ang mga gawaing pangkaligtasan sa paghawak at
paggamit ng mga nakapipinsalang bagay? Bakit?
a. Oo, dahil ito ay para sa aking kaligtasan.
b. Pwede siguro sumunod kung may kapalit na bagay.
c. Hindi, dahil wala ako pakialam kung anuman ang mangyayari.
d. Siguro pwede sumunod kung ito ay may karagdagang puntos sa
grade.
44. Ang margarine o butter sa kawali ay inilagay sa kalan ng ilang minuto.
Ano kaya ang mangyayari sa margarine o butter? Bakit?
a. Titigas ito dahil pinainitan.
b. Matutunaw ito dahil nainitan.
c. Maglalaho ito dahil pinainitan.
d. Masusunog ito dahil inilagay sa kalan.
45. Bakit kaya ang mothballs/ naphthalene balls ay naglalaho kapag
inilagay mo sa kabinet ng dalawang linggo?
a. Dahil mula solid ito ay nagiging gas.
b. Dahil mula gas ito ay nagiging solid.
c. Dahil mula liquid ito ay nagiging gas.
d. Dahil mula solid ito ay nagiging solid.







Process

V. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
46. Paboritong subject ni John ang Science. Binigyan siya ng tatlong uri ng
bagay. Nais niya malaman kung anong klase bagay ang mga ito. Ano sa
palagay mo ang una niyang gagawin?
a. Maghahanap ng sagot ng internet.
b. Hahanapin ang sagot sa Science book.
c. Tatanungin ang guro kung ano klaseng bagay ang mga ito.
d. Papangalanan at ilalarawan ang bawat isa at iuuri ito base sa
kanyang naobserbahan.
47. Gumawa kayo ng iyong guro ng experiment. Nais niyong malaman
kung ano ang mangyayari kapag ang tubig ay nainitan ng araw. Ano-ano
kaya ang mga maoobserbahan niyo sa tubig?
a. Mula solid ay naging liquid dahil nainitan.
b. Mula gas ay naging liquid dahil sa sinag ng araw.
c. Mula liquid ay naging solid dahil sa evaporation.
d. Mula liquid nagbago ito ng gas dahil sa ang ibang tubig ay nag-
evaporate kaya bumababa ang antas nito kapag naiinitan.
48. Pinapunta kayo ng iyong guro sa hardin upang manguha ng mga
solids. Paano ninyo papangkatin ang mga bagay na inyong mapupulot?
a. Ihiwalay ang pula sa dilaw.
b. Pagsama-samahin ang mga matigas na bagay.
c. Pagsama-samahin ang mga malambot na bagay.
d. Uuriin ang mga bagay ayon sa katangian at tekstura, ilalarawan ito
ayon sa kulay, at kikilalanin ito ayon sa hugis.
49. May aralin kayo sa Science tungkol sa kung paano dumadaloy ang
liquid. Paano mo mapapatunayan na ang liquids ay dumadaloy?
a. Kumuha ng mga liquids tapos tingnan lamang.
b. Pagsama-samahin ang mga liquids para malaman kung dumaloy.
c. Kumuha ng mga liquids at itapon ng sabay-sabay para makita ang
resulta.
d. Kukuha ako ng mga liquids tulad ng shampoo, juice, suka, at toyo at
ilalagay ko ito sa kutsara. Pagkatapos pagkukumparahin ang mga
ito sa ayon sa bilis ng daloy.
50. Ano ang iyong gagawin para patunayan na ang liquids ay nakakakuha
ng hugis sa kanyang lalagyan o sisidlan?
a. Iinumin ko ang mga liquids.
b. Kukuha ng mga liquids at titigan ang mga ito kung ano ang
mangyayari.
c. Ibubuhos ang mga liquids sa lupa at aalamin kung ano ang
mangyayari.
d. Kukuha ako ng halimbawa ng mga liquids tapos ibubuhos ko ito sa
ibat ibang lalagyan para malaman ang hugis ng mga ito.

You might also like