You are on page 1of 1

Mga sistemang pang-ekonomiya[baguhin]

Pyudalismo[baguhin]
Isang tradisyunal o makalumang pamamaraan ng pamumuno na
ginagamitan ng kalikasan, tulad ng lupa. Nangyari sa panahon ng
mga digmaan. Kapag ang isang ordinaryong tao na walang
kapangyarihan sa digmaan, tatakbo o hihingi sya ng proteksiyon
sa may kapangyarihan o may mataas na tungkulin kapalit ng
proteksiyong ito, magtatrabaho siya bilangmagsasaka ng lupa at
tagabantay sa panganib ng amo nito.
Merkantilismo[baguhin]
Ito ang namayaning kaisipan pang-ekonomiya na gumagabay sa
mga patakaran ng maraming bansa sa daigdig noong unang
panahon. Isinusulong nito ang kaisipan na ang kapangyarihan ng
isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak dahil sa
panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon ng
kapangyarihan ng isang pinuno sa dami ng ginto at pilak.
Pasismo[baguhin]
Isang tradisyunal o makalumang pamamaraan ng pamumuno na
pinamumunuan na isang diktador, na may absolutong
kapangyarihan. Ang kanyang pamumuno sa kanyang
nasasakupan ay may disiplina, sa madaling salita istrikto ang
kanyang pamumuno, tulad ni Adolf Hitler.
Sosyalismo[baguhin]
Sa sistemang sosyalismo, ang mga pangunahing gawain o
industriya at ang gamit sa produksiyon ay pag-aari ng
pamahalaan. Pinahihintulutan din naman ng sistemang ito ang
pribadong sektor na mag-ari ng negosyo at magkaroon ng pag-
aaring pribado.
Komunismo[baguhin]
Sa pamumunong ito ang estado ang nagmamay-ari at
kumokontrol sa yaman ng bansa at produksiyon
Kolonyalismo[baguhin]
Sistema ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa mundo kung
saan direktang sinasakop ng malakas na bansa ang mga
mahihinang bansa upang gamitin at mapakinabangan ang mga
ito.

You might also like