You are on page 1of 37

Agyu

(Epiko ng Ilianon)

Ang mga bayaning sina Banlak, Agyu, at Kuyasu ay nakatira sa bayan ng
Ayuman. Sa tradisyong Ilianon silay magkakapatid na anak ni Pamulaw. Si
Agyu ay may apat na kapatid na babae, ngunit sina Yambungon at
Ikawangon lamang ang binanggit sa epiko. Isang araw nagpadala si Agyu
sa datung Moro ng siyam na komu-buu-buong pagkit sa pamamagitan nina
Kuyasu at Banlak. Nagalit ang datung Moro dahil kakaunti ang pagkit
pambayad, kayat kanyang ibinalibag ang pagkit kay Kuyasu na tumama sa
may ulser. Gumanti si Kuyasu at kanyang sinibat ang datu na tinamaan sa
dibdib. Nahulaan ni Agyu na magkakagiyera dahil napatay ang
datu. Nagtungo sila sa Ilian at ipinasiya ni Agyu na magtayo ng kuta sa
bundok ng Ilian. Ang mga mandirigmang Morong nagdaan sa Ilog Palangi
ay dumating at nakita ang kutang ginawa ng mga Ilianon. Nakipaglaban
sina Agyu sa mga Moro at halos naubos ang mga kaaway.

Pagkatapos ng tagumpay, ipinasya ni Agyu na lumipat sa bayan. Pinili niya
ang bundok ng Pinamatun. Hanggang narating nila ang bayang Tigyandang
at dito sila sinalakay. Lumaban ang mga tauhan ni Agyu sa pampangin ng
look ng Linayagon. Nang silay naubusan ng tauhan, ang batang anak ni
Agyu na si Tanagyaw ay nagprisintang sasagupa sa mga kaaway. Napatay
niyang lahat ang kalaban nang ikaapat na araw. Narating ni Tanagyaw ang
bayang Bablayon. Nanghihilakbot ang mga tao rito at nang malaman niyang
lulusubin sila ng mga kaaway o mananakop nanlaban at napatay ni
Tanagyaw ang mga mananakop. Dahil dito ay ipinakasal ng datu ang
kanyang anak kay Tanagyaw.

Di nagluwat ang bayan ni Agyu ay nanganib din sa mga mananakop na
galing sa ibayong dagat. Ang mga lalaki, bata at matanda ay sinabihang
lumaban ngunit silay natalo. Hinulaan ng propeta ang malagim nilang
wakas ngunit sinalungat at pinarusahan siya ni Tanagyaw. Nagbihis siya ng
sampung suson makasiyam ang kapal at dinampot ang kanyang sibat at
kalasag na hindi nasisira. Nilabanan niya ang mga mananakop sa
dalampasigan. Naghambalong ang mga patay, patung-patong, na parang
bundok at burol.

Itinalaga ni Agyu ang bayan sa kanyang matagumpay na anak na nanirahan
doon kasama ang kanyang kaakit-akit na asawa.

Alim
(Epiko ng mga Ifugao)

Ang epikong Alim ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng isang panahong ang
lupain ay saganang-sagana. Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa
isda. Ang mga kagubatan ay maraming mga hayop na madaling
hulihin. Walang suliranin ang mga tao tungkol sa pagkain. Pag ibig nilang
kumain, wala silang gagawin kundi pumutol ng biyas na kawayan at
naroroon na ang bigas na isasaing. Ang biyas ng kawayan ay siya ring
pagsasaingan. Noon, ang daigdig ay patag na patag maliban sa dalawang
bundok : ang Bundok ng Amuyaw at ang Bundok ng Kalawitan.

Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan. Natuyo ang mga
ilog. Namatay ang mga tao. Humukay ang ilang natitirang tao ng ilog. Ang
tubig ay bumalong. Natuwa ang mga tao at sila ay nagdiwang. Subalit
bumuhos ang malakas na ulan, umapaw ang mga ilog. Tumaas nang
tumaas ang tubig. Nagsipagtakbo ang mga tao sa dalawang bundok subalit
inabot din sila ng baha. Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa
magkapatid na sina Bugan at Wigan.

Nang bumaba na ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan sa bundok ng
Kalawitan. Nakita ito ni Wigan sa kanyang kinaroroonan sa bundok ng
Amuyaw. Pumunta si Wigan kay Bugan. Nalaman nilang silang dalawa
lamang magkapatid ang natirang tao sa daigdig. Nagtayo ng bahay si Wigan
na tinirahan nila ni Bugan. Pagkaraan ng ilang panahon, si Bugan ay
nagdalantao. Dahil sa malaking kahihiyan tinangka ni Bugan na
magpakamatay.

Pinigil siya ng isang matanda. Ito'y bathala ng mga Ifugao, si
Makanungan. Ikinasal ni Makanungan si Wigan at si Bugan. Nagkaroon sila
ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae. Nang dumating sila sa
hustong gulang, ang apat na lalaki ay ikinasal sa apat na babae. Ang
bunsong lalaki na si Igon ang natirang walang asawa. Namuhay silang
masagana.

Paglipas ng ilang panahon, nakaranas sila ng tagtuyot. Wala silang
ani. Naalala ni Wigan at ni Bugan si Makanungan. Sila'y nanawagan dito at
hinandugan nila ng alay na daga. Patuloy pa rin ang tagtuyot. Naisipan
nilang si Igon ang patayin at siyang ihandog sa Bathala. Natapos ang
pagsasalat at tuyot.

Subalit nagalit si Makanungan sa ginawa nilang pagpatay at paghahandog
ng buhay ni Igon. Isinumpa niya ang mga anak nina Wigan at
Bugan. Sinabi niyang maghihiwa-hiwalay ang magkakapatid - sa timog, sa
hilaga, sa kanluran, sa silangan. Kapag sila'y nagkita-kita, sila'y mag-aaway
at magpapatayan. Kaya't ang mga tribong ito ng mga tao sa kabundukan,
magpahangga ngayon ay naglalaban at nagpapatayan.

Bantugan
(Epikong Mindanao)

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng
Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming
dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay
naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang
sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa
prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y
naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian
ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid
niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si
Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang
sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro
ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na
mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring
Madali.

Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit
upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali,
dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na
dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni
Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian
pati na si Haring Madali.

Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay
si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga
kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga
kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya
ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay
nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas,
nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa
ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng
Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang
inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga
prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa
Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong
galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.


Bidasari
(Epikong Mindanao)

Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang
Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y
pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.

Ang salaysay ng Bidasari ay ganito:

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang
ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay
ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang
garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga
yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao.

Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at
sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao
noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi
ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa
bangka sa ilog.

May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang
mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi
sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang
sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang
gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang
magulang.

Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa
lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang
umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa
sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng : mahal na
mahal ka sa akin. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng
sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako
malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin? Ang
naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw
ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang
maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan
niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang
malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda
kaysa kay Lila Sari.

Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing
dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni
Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan.

Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi
niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw
ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi
maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya
ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.

Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa
tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling
nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si
Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at
doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang
isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang
pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang
babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si
Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik
ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan
nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si
Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya
si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na
ang naging reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni
Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa
sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang
isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana
ng Kembayat.

Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati
at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni
Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid
na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang
magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang
dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat
ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura
na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.


Darangan
(Epikong Maranao)

Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may
dalawang anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang
nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si
Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian na higit sa kanyang
nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang
guro sa kanilang ama na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino. Mabilis
siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang
lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong
labanan.

Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang
makita siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na
nakapatay sa ilang taong-bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong-bayan
sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos.

Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang
patay na buwaya.

Paano nakaya ng isang tao na ganito kabata na patayin ang
buwaya? Sinasapian siguro siya ng mga diyos! sabi naman ng isa.

Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw! sabi ng
pinuno ng bayan.

Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging
pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang
mga sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang
kaharian. Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga
sundalo ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kaharian
na nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa
kaharian dahil natamo nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit kaharian.

Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na
si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta ang
mga nasa ranggo. Nais nila na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong
hari. Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabi na si Prinsipe
Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.

Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas, kaya niya tayong
protektahan laban sa mga kaaway! sabi ng isang matanda sa pamilihan.

Sang-ayon ako sa iyo, sagot ng matandang lalaki.

Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid
ang karapatdapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang
panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay para sa kanyang
kapatid.

Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-
aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa
niya sundalo at mga ministro sa kaharian. Alam niya kung paano ang
pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya
upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan!

Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng
isang bitak sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si
Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas, siya rin ay
napakakisig. Maraming magagandang babae sa kaharian ang nahuhumaling
sa kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe
Madali ay sumuko sa kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit,
nagpahayag ang hari ng kautusan.

Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking
kapatid na si Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa
kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha.

Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya
ang sarili na parang mayroong nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa
kanya, kahit ang mga kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang
minahal. Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong
maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya
ang prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung
saan siya nanirahan habambuhay.

Ang Darangan ng mga Muslim ay mga salaysay na patula hinggil sa
kabayanihan ng mga nasa Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga at di
sukat mapaniwalang kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang
Muslim. Ang Darangan ay hindi iisang epiko marami ngunit tatatlo
lamang ang napasalin pa sa Ingles at itoy utang sa pagsasaliksik ni G. Frank
Lauback. Ang mga Darangan ay nasusulat sa wikang Maranaw. Ang lalong
popular sa lahat ay ang Bantugan, na paulit-ulit na binibigkas sa dating
pagkakakatha sa palibot ng Lawa ng Lanaw. May ilang mga Muslim ngayon
na nakapag-uulit sa kabuuan ng Bantugan.


Hudhud:
Ang Kuwento ni Aliguyon
(Epiko ng mga Ifugao)

Ang lahat ng tao ay magkakapatid sa kabila ng pagkakaiba sa wika, sa ugali,
at sa pananampalataya.

Sa mga hinagdang taniman sa bulubundukin naninirahan si Aliguyon, isang
mandirigmang Ipugaw na mabilis at magaling sa paghawak ng sibat. Anak
siya ni Antalan, isa ring mandirigma. Maagang natuto ng pakikipaglaban si
Aliguyon sa tulong ng kanyang ama. Ang unang larangan ng digma ni
Aliguyon ay ang matitigas na lupa sa tabi ng kanilang tahanan. Ang unang
sandata niya ay ang trumpo at ang mga unang kalaban niya sa larong ito ay
ang mga bata rin sa kanilang pook. Kapag pinawalan ni Aliguyon ang
kanyang trumpo, matining na matining na iikot ito sa lupa o kapag inilaban
niya ito sa ibang trumpo, tiyak na babagsak na biyak ang laruan ng kanyang
kalaban.

Tinuruan din siya ng kanyang ama ng ibat-ibang karunungan: umawit ng
buhay ng matapang na mandirigma, manalangin sa Bathala ng mga
mandirigmang ito at matutuhan ang mga makapangyarihang salita sa inusal
ng mga pari noong unang panahon.

Ikinintal ni Amtalan sa isip at damdamin ng anak ang katapangan at
kagitingan ng loob. Talagang inihanda ng ama si Aliguyon upang
maipaghiganti siya ng anak sa matagal na niyang kaaway, kay Pangaiwan
ng kabilang nayon. Nang handang-handa na si Aliguyon, nagsama siya ng
iba pang mandirigma ng kanilang nayon at hinanap nila ang kalaban ni
Antalan. Subalit hindi si Pangaiwan ang natagpuan kundi si Dinoyagan, ang
anak na lalaki nito. Mahusay din siyang mandirigma, tulad ni Aliguyon,
inihanda rin siya ng kanyang ama sa pakikipaglaban upang maipaghiganti
siya ng anak sa kalaban niyang si Antalan.

Kaya anak sa anak ang nagtagpo. Kapwa sila matatapang, kapwa
magagaling sa pakikipaglaban lalo na sa paghawak ng sibat.

Itataas ni Aliguyon ang kanyang sibat. Nangingintab ito lalo na kung
tinatamaan ng sikat ng araw. Paiikutin ang sibat sa itaas saka mabilis ang
kamay ng binatang kalaban. Aabangan ng matipunong kanan ang sibat na
balak itimo sa kanyang dibdib.

Tila kidlat na paroot-parito ang sibat. Maririnig na lamang ang haging nito
at nagmistulang awit sa hangin.

Nanonood ang mga dalagang taga-nayon at sinusundan ng mga mata ang
humahanging sibat. Saksakin mo siya, Dinoyagan!

Sasawayin sila ng binata, Kasinggaling ko siya sa labanang ito.

Araw-araw ay nagpatuloy ang kanilang laban hanggang sa itoy inabot ng
linggo, ng buwan. Kung saan-saan sila nakarating. Nagpalipat-lipat ng
pook, palundag-lundag, patalun-talon sa mga taniman.

Namumunga na ang mga palay na nagsisimula pa lamang sumibol nang
simulan nila ang labanan. Inabot ng taon hanggang sa silay lubusang
huminto ng pakuluan ng sibat. Walang nasugatan sa kanila. Walang natalo.

Naglapit ang dalawang mandirigma. Nagyakap at nagkamayan, tanda ng
pagkakaibigan at pagkakapatiran. Dakila si Aliguyon. Dakila si
Dinoyagan. Ipinangako nilang sa oras ding iyon na lilimutin na ang alitan ng
kanilang ama. Nagdiwang ang lahat.

Lalong nagkalapit ang damdamin ng dalawang mandirigma nang
mapangasawa si Aliguyon si Bugan, ang kapatid ni Dinoyagan at nang
maging kabiyak ng dibdib ni Dinoyagan ang kapatid ni Aliguyon. Nanirahan
sila sa kani-kanilang nayon. Doon sila namuhay nang maligaya. Doon
lumaki ang kani-kanilang mga supling.

Kung may pista o anumang pagdiriwang sa kanilang nayon, buong
kasiyahanng pinanonood ng mga taga-nayon ang dalawa lalo na kung silay
sumasayaw. Kung mahusay sila sa pakikidigma ay mahusay din sila sa
pagsasayaw. Lumulundag sila at pumailanlang na parang maririkit na agila.

Sa kani-kanilang nayon, tinuruan nina Aliguyon at Dinoyagan ang mga tao
tungkol sa marangal na pamumuhay, karangalan, at katapangan ng mga
mandirigma, at pagmamahal at pagmamalasakit sa Inang Bayan. Kahit na
silay pumanaw, binuhay ng mga Ipugaw ang kanilang kadakilaan. Inaawit
ang kanilang katapangan. Hindi mawawala sa puso at kasaysayan ng mga
Ipugaw ang kagitingan ng dalawang mandirigma. Nagpasalin-salin sa mga
lahi ng Ipugaw, ng mga Pilipino ang dakilang pamana ng mga dakilang
mandirigma.


Humadapnon
(Epikong Panay)

Ang mag-asawang Musod Burubalaw at Anggoy Ginbitinan ay may mga anak
na lalaki. Isa sa kanilang mga anak ay itinuturing na bayani ng mga Sulod
Pagandra ng Panay Sentral. Ito ay ang kanilang panganay na si
Humadapnon.

Nang siyay magbinata, iginayak niya ang kanyang sarili sa
paglalakbay. Nais niyay matagpuan ang babaeng kanyang
pakakasalan. Ang babaeng nagngangalang Nagmalitong Yawa, nag-iisang
anak nina Labaw at Viva Matanayon ng Ilog Hulanod ang siyang nagpatibok
sa puso ni Humadapnon. Kumuha muna siya ng maliit na patalim at
sinugatan nito ang maliit na daliri. Matapos iyon, siya ay naglakbay at
nangyaring si Buyung Dumalaplap ang naging kapatid niya sa dugo.

Habang siyay naglalayag sakay ng kanyang ginintuang bangka, isang hindi
inaasahang lakas ang dumating. Natangay ang kanyang ginintuang
bangka. Salamat na lamang at may dumating siyang kaibigang hindi
nakikita kaya nakaiwas siya sa pagkakaipit sa dalawang malalaking bato.

Matapos ang trahedyang itoy muling nagpatuloy sa paglalakbay si
Humadapnon hanggang sa makarating siya sa dagat na ang tubig ay hindi
gumagalaw, malagkit, maputik at maitim. Matagal pa sana siyang aalis sa
lugar na iyon ngunit muli na naman siyang tinulungan ng kanyang kaibigang
di niya nakikita, na nagngangalang Saragudon.

Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, narating nila ang lupain ng
Taraban. Ang lahat ng mga namumuno sa lugar na ito ay pawang babae na
naggagandahan. Sina Simalubay Hanginum, Simahuboli Hubunan at
Sinaghating Bulawan. Sa kagandahan ng magkapatid ay naakit si
Humadapnon. Isa rin ito sa dahilan kung bakit nananatili pa sila sa lugar na
ito sa kabila ng pinagbantaan siya ng kapatid sa dugo na si
Dumalaplap. Nabilanggo siya rito ng halos pitong taon. Sa kabutihang-
palad, may nagligtas muli sa kanya. Ito ay si Nagmalitong-Yawa na
matapos siyang makawala ay bigla itong nawala.

Muli niyang ipinagpatuloy ang paghahanap kay Nagmalitong
Yawa. Napadaan siya sa isang madilim na lupain na kinakitaan ng mga
kaluluwa ng kanyang mga ninunong yumao na. Ang lupaing itoy
nagtataglay ng sampung ilog. Lulan ng kanyang bangka, mula sa
bulubunduking ito, nagkaroon sila ng paglalaban at agad naman niyang
nagapi ang mga ito. Mula sa ilog na ito ay nadako siya sa ilalim ng lupa at
ditoy nakasagupa niya ang isang hayop na may walong ulo. At nagapi niya
ang hayop. Sa maraming taon niyang paglalakbay, narating niya ang Ilog
ng Holawod. At dito niya nakita si Nagmalitong Yawa. Ito ay kanyang
pinakasalan. Sa gitna ng pagdiriwang may dumating na isang grupo mula
sa kalawakan. Mabilis na kinuha si Nagmalitong Yawa at ito ay
napatay. Buong tapang na nakipagsagupa si Humadapnon sa pinuno ng
grupo. Sapagkat kapwa may angking lakas ay umabot sa pitong taon ang
kanilang sagupaan. Ipinaalam ni Launsina kay Humadapnon na kulang sa
pag-iisip ang nakalaban ni Humadapnon sa Namurata sa himpapawid upang
bigyan ng buhay si Nagmalitong Yawa.

Nang muling mabuhay si Nagmalitong Yawa ay saka nila napag-alaman na
ang kalahating katawan nito ay napangasawa ni Amurutha at ang kalahati
ay napangasawa ni Humadapnon. Mula nang magkaliwanagan ay nanaog
sina Humadapnon at Nagmalitong Yawa sa naging pinuno ng mga tao sa
Sulod ng Panay.


Ibalon
(Epikong Bicolano)

Ayon sa salaysay ni Pari Jose Castao, batay sa narinig niyang kuwento ng
isang manlalakbay na mang-aawit na si Cadugnong, ang epikong Ibalon ay
tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina
Baltog, Handiong, at Bantong. Ibalon ang matandang pangalan ng Bikol.

Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang
malaking baboy-ramo. Siya'y nanggaling pa sa lupain ng
Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya
ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga
tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at
mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala
ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban. Tinulungan
siya ng kanyang kaibigang si Handiong.

Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin
ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na
mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito
maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na
may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba
pang mga masasamang hayop sa Ibalon.

Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang
mga tao ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay
tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming
bagay.

Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang
paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.

Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong
ay gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang
kasangkapan sa bahay.

Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw
na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si
Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang
maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad
na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay
Handiong upang siyang pumatay kay Rabut.

Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong
pinatay habang natutulog.

Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano,
masama man si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa
sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang
napakalaking baha.

Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas
lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang
kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang
mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.

Matandang kasaysayan ng Ibalon:

Ang panahong nasasaklaw ng matandang kasaysayan ng Kabikulan ay
nagsimula noong sinauna hanggang sa pagdating ng mga Kastila sa
pangunguna ni Juan Salcedo noong 1573. Ibalon o Ibalnon ang naging
tawag ng mga Kastila sa pook na ito at sa pangalang ito naunang nakilala
ang lupain ng mga sinaunang bikolano. Ang naging batayan nito ay
ang ibal o ibay na siyang kauna-unahang pangalan ng tangway ng
Bikol. Ang ibal ay salitang pinaikli na ang Ibalyo (Bikol) o Ibaylo (Bisaya) na
nangangahulugang maging tawiran mula sa Bisaya patungo sa kabilang
ibayo sa dakong timog Luzon.

Katangian ng Epikong Ibalon:

Ito ay binubuo ng animnapung saknong na may apat na taludtod ang bawat
saknong. Ang sukat ay labindalawang pantig ang bawat taludtod. Ito ay
isinalin ni Fr. Jose Castao sa Kastila. Ang kayarian ng epikong Ibalon ay
nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay ang kahilingan ni Iling
kay Kadugnung na awitin nito ng huli ang mga pangyayaring nagpapakilala
sa kabayanihan ng bayaning si Handyong. Ito ang nilalaman ng unang
bahagi na may anim na saknong.

Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Kadugnung na naglalaman at
naglalahad ng mga pangyayaring naganap noong matagal na panahon.

ILING isang ibon na laganap sa Kabikulan at kung inaalagaan ay maaaring
turuang bumigkas ng ilang salita.

KADUGNUNG mang-aawit at matalinong makata at sa kahilingan ni Iling
ay inawit niya ang epiko. Siya ang nagsalaysay ng epiko kay Fr. Jose
Castao.
(Batay sa pagsasaliksik ni Ester E. Tuy)

Indarapatra at Sulayman
(Epikong Mindanao)

Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang
malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop
sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga
nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli.

Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang
matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain
ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si
Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng halawan
sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, Sa pamamagitan ng halamang
ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang
ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay.

Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang
nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating
ang halimaw na si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman
at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng
kanyang kris.

Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw
na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang
hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng
punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni
Sulayman ng kanyang espada.

Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang
tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa
taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat
dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng
ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at
namatay ang Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakpak ng ibon si
Sulayman na siya niyang ikinamatay.

Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging
pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at
alam niyang namatay si Sulayman.

Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at
nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid
niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay
Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya ang patay na
ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang
bangkay ni Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang
pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang
banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si
Sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na
pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.

Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa
Bundok Gurayu. Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang
kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong
sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.

Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang magandang dalaga na
kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang
matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay
Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na
pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang
mga pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at
dambuhalang ibon. Sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang
pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay
Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni
Indarapatra sa batisan.


Labaw Donggon
(Epikong Bisaya)

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay
napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng
maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon
upang pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita niya ang buong
bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang
magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito
at hindi nagtagal ay nagpakasal.

At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang
Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na
kay Buyung Saragnayan na katulad niya na may kapangyarihan din.

Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung
Saragnayan sa kanya.

Handa akong kalabanin ka, sagot ni Labaw kay Saragnayan.

Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan
ngunit hindi mapatay ni Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang
kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw.

Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni
Saragnayan. Samantala ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at
Anggoy Doronoon ay nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang
ang kanyang anak na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na Buyung
Baranugun. Gustong makita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at
nagpasya na hanapin siya. Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung Barunugun
ay nalaman nlla na bihag siya ni Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay
nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na napakatanda na at ang
kanyang katawan ay nababalutan na ng mahabang buhok.

Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni
Saragnayan bago ninyo siya labanan! sabi ni Labaw sa kanyang dalawang
anak.

Opo ama, sagot ni Baranugun. Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay
Abyang Alunsini upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan.

Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay
itinatago at pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at
si Asu Mangga ay nagtungo sa kabundukan upang patayin ang baboy
ramo. Kinain nila ang puso nito na siyang buhay ni Saragnayan.

Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang
nangyari. Nagpaalam na siya kay Nagmalitong Yawa. Handa na siyang
upang kalabanin ang dalawang anak ni Labaw. Si Baranugun lamang ang
humarap sa kanya sa isang madugong laban. Napatay siya ni Baranugun sa
isang mano-manong laban. Pagkatapos ng labanan ay hinanap nila ang
kanilang ama. Nakita nila na siya ay nakasilid sa lambat ni
Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni Saragnayan. Pinatay silang
lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa lambat.

Nang makita ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay
napaiyak sila sa pighati. Nalaman nilang hindi na makarinig si Labaw, hindi
na rin nito nagamit ang pag-iisip. Pinaliguan nila ito, binihisan at
pinakain. Inalagaan nila ito ng mabuti. Samantala, si Buyung Humadapnon
at Buyung Dumalapdap, mga bayaw ni Anggoy Ginbitinan ay ikinasal kina
Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at Lubaylubyok Hanginon
Mahuyukhuyukon. Ang dalawang babae ay ang magagandang kapatid ni
Nagmalitong Yawa.

Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang asawa
na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.

Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki! sabi ni Labaw Donggon.

Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng asawa at
dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan
nito. Humiga si Labaw sa sahig at pumatong ang dalawang babae sa kanya,
naibalik ang kanyang lakas at sigla ng isip. Masayang-masaya si Labaw at
ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.


Lam-ang
(Epikong Ilokano)

Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may
mag-asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan.

Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng
Igorot ang nayon at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng
galit, nilusob naman ni Don Juan ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga
tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon. Ang naging
balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot.

Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at
siya na ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng
kanyang magiging ninong.

Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama,
sumumpa siyang ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa
lamang, ay malakas, matipuno at malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang
payagan ng kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay
nagpilit din si Lam-ang na makaalis.

Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang
tandang, ang tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang
talisman mula sa punong saging. Sa tulong ng kanyang talisman ay madali
niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan. Sa laki ng pagod ni
Lam-ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay
sa kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng
kanyang ama. Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook
ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang, isang
haliging kawayan.

Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang
upang huwag siyang matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng
ubos lakas si Lam-ang at nayanig ang mga kabundukan. Ang tinig niyang
naghahamon ay narinig ng marami kaya't dumating ang maraming Igorot at
pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang nasugatan
si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman
ang kumilos. Hinugot niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang
tumatabas ng puno ng saging, na pinagpapatay niya ang mga nakalaban.

Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng
mga dalaga ng tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay
ang mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa
pampang.

Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian
upang manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama
ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso.

Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si
Sumarang. Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay
sinalipadpad sa ikapitong bundok.

Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-
ang. Tumahol ang mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang
bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang
bahay. Napansin si Lam-ang.

Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-
ang si Ines. Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung
magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan
nina Ines.

Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang
mga magulang ni Ines.

Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa
simbahan. Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga
tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang
rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya, na siya ay
makakain ng pating na berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin
sakaling mangyayari ito.

Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni
Ines ang bilin ni Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-
ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng mahiwagang
tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso.

Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon
si Lam-ang na parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.

Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at
tandang. At namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.

Maragtas
(Epikong Bisayas)

Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang
at mararangal na datu. Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula
Borneo patungo sa pulo ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamamalaking
isinalaysay ng mga taga-Panay.

Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-
dugtong, ganito ang mga pangyayari:

Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan
na si Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng
nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang
mga asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya.

Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at
angkinin ng masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni
Sultan Makatunao. Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay
Sultan Makatunao. Nag-usap-usap silang palihim. Naisipan sin nilang
humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan
ng maraming bansa at marami siyang alam kung tungkol sa
paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya si
Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang
gawin. Ayaw ni Sumakwel sa balak na paglaban.

Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni
Makatunao. Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na
paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis
nilang sampung datu sa Borneo. Hindi nila magagapi si
Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at marami ang
mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang ganoon. Iiwan nila ang
kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na
maaaring pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila'y mararangal na
datu na mapagmahal sa kalayaan.

Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa
Borneo. Palihim silang naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang
tawag ay biniday o barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain na
kakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang
kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang
itatanim sa daratnan nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at
ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa gagawin
nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang
itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain.

Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng
dagat ang sampung datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong
pamilya pati mga katulong. Sa sampung matatapang na datu, anim ang
may asawa at apat ang binata. Si Sumakwel ay bagong kasal kay
Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong na kapatid ni
Sumakwel. Ang mag-asawang si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu
Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang si Datu Padihinog
at Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si Pinampangan. Ang
apat na binatang datu ay sina Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay.

Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang
loob nila na pumalaot sa dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu
Puti at ni Sumakwel sa paglalayag. Nakita nang minsan ni Sumakwel ang
isang pulo makalagpas ang pulo ng Palawan. Alam niya na ang naninirahan
dito ay mga Ati, na pawang mababait at namumuhay nang tahimik. Alam
din niya kung gaano kayaman ang pulo.

Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi
nilang paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang
pangalan nito ay Aninipay.

Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay
katutubo sa pulong iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang
ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na marunong ng wikain ng
katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung
saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga
Bisaya mula sa Borneo ay nais makipagkaibigan.

Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang
lahat sa pulo ay masaya, masagana at matahimik na namumuhay. Walang
magnanakaw. Ang lahat ay masipag na gumagawa. Kilala rin sila sa
pagiging matapat at matulungin sa kapwa.

Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni
Marikudo at ng mga Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking
sapad na bato sa baybay dagat. Ito ang kapulungan ng mga Ati. Ito ang
Embidayan. Dito tinanggap ni Marikudo ang mga panauhin. Nakita niya na
mabait at magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti ang
kanilang layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais nilang bilhin ang
lupain. Sinabi ni Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang kanyang mga
tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan nilang makipanirahan
ang mga dumating na Bisaya.

Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si
Marikudo ng maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga
Bisaya. Dumating mula sa Look ng Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng
sampung barangay. Nakaupo na sa Embidayan si Marikudo kasama ang
kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si
Maniwantiwan. Nakita ng mga Ati ang maraming handog ng mga
Bisaya. Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng mga Bisaya ng itak, kampit at
insenso. Ang mga babaeng Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo at
suklay. Ang lahat ay nasiyahan. Nagpakita ng maramihang pagsayaw ang
mga Ati. Tumugtog ang Bisaya sa kanilang solibaw, plota, at tambol habang
ang mga lalaki naman ay nagsayaw pandigma, ang sinurog.

Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang
gintong salakot at gintong batya mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya
ito kay Marikudo. Nakita ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang
kuwintas ni Pinampangan. Ito'y kuwintas na lantay na ginto. Ibig ni
Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan ang
bilihan, kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay ni
Pinampangan ang kuwintas niya kay Maniwantiwan.

Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na
kung lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o
buwan ng pagtatanim) ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng
buwan ng bagyo-bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani).

Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin
nila ang kanilang mga bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa
bundok.

Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama
ang kanyang asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga
tauhan at katulong ay tumira sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti
sina Datu Paiborong at asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang
anak na si Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu
Paiborong na kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga buto at binhi na iiwan
ni Datu Puti at Datu Sumakwel. Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at
Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila ay sa Malandog naman
maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay Sumakwel. Kanyang pinagbilinan
si Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga Bisaya. Nag-aalala si Datu
Puti tungkol sa kalagayan ng iba pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng
pamumuno ng malupit na si Makatunao.

Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay
Datu Puti ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina
Datu Domingsel at Datu Balensuela. Narating nila ang pulo ng
Luzon. Dumaong ang tatlong barangay sa Look ng Balayan. Ipinasya ng
dalawang datu na dito na sa Taal manirahan kasama ang mga "Taga-
ilog". Isang araw lamang at umalis na sina Datu Puti at Pinampangan upang
bumalik sa Borneo.

Si Biuag at Malana
(Ang Epiko ng Cagayan)

Ano ang alamat ng dalawang bundok na matatagpuan sa tabing ilog na
Matalag?

Ang kuwentong ito ay tanyag sa mga Ibanag. Ito ay may kaugnayan sa
dalawang matitikas na binata may daang taon na ang
nakakaraan. Sa Nangalauatan, isang nayon sa Rizal ang dako na
pinaglabanan nina Biuag at Malana, doon makikita hanggang sa ngayon ang
dalawang bundok kung saan naghamok ang dalawa dahil sa nadaramang
pagmamahal ng isang magandang dilag.

Si Biuag ay katutubo ng Enrile, ang pinakatimog na bahagi ng
Cagayan. Noong siyay isinilang, isang di pangkaraniwang dalaga ang
dumalaw, at sa pagkakabatid ng ina, ito ay isang diyosa. Ang ina ay
nanikluhod at nagmakaawang pagkalooban ng mahabang buhay ang
kaniyang anak.

Hindi umimik ang diyosa, at sa halip, itinali ang tatlong maliliit na bato sa
leeg ng bata. Diumano ang isa nito ay magiging sanggalang niya sa
masasama. Minsan siya ay nahulog ngunit hindi man lamang ito
nasasaktan. Nang siyay lumaki sinubukan niyang lumangoy sa ilog na
tinitirahan ng mga buwaya, subalit walang nangyari sa kanya.

Ang dalawang bato ay bagbigay sa kanya ng kakaibang lakas at
bilis. Nagagawa niyang maging mas mabilis pa sa hangin. Nang siya ay
maglalabing-dalawang taong gulang, kamangha-manghang naihahagis niya
ang buong kalabaw sa kanilang burol. May kakayahan siyang bunutin ang
isang punungkahoy sa tulong lamang ng kanyang mga kamay, na wari moy
damo lamang. Dahil sa taglay na kapangyarihan nito, siya ay dinayo ng
mga tao at sinamba.

Kahit na makapangyarihan si Biuag, siya ay hindi maligaya. Natutuhan
niyang mahalin ang isang dalagang tubong Tuao, isang bayan sa
Cagayan. Kung sino ang dalaga ay wala ni isa man ang
nakakaalam. Maging ang kanyang pinagmulan ay hindi nila
malaman. Gustuhin man ni Biuag na limutin ang dalaga ay hindi
makakasama ang dilag habangbuhay.

Noon din ay may isang balita ng Malaueg, Rizal, na may isang binata rin
katulad ng pagkatao ni Biuag. Siya ay si Malana. Nong siyay labing-walong
taong gulang, nagkaroon ng bagyo sa Malaueg, at itoy nagdulot ng gutom
sa mga tao. Ang tanging inaasahang lugar na pagkukunan ng pagkain ay
ang Sto. Nio na malayung-malayo sa kanila. At kinakailangan pang
tumawid ng ilog na tinitirhan ng maraming buwaya.

Bunga nito, si Malana ay gumawa ng paraan. Naglakbay siya hanggang
marating ang Sto. Nio, at sa kanyang paglalakbay ay ipinagdasal ng mga
tao ang kanyang tagumpay.

Nang siyay makabalik, marami siyang dalang bigas, nagbunyi ang mga tao
alam nilang hindi sila magugutom. Matapos niyang maipamahagi ang mga
bigas ay nagpasiya na itong umuwi.

Pagdating sa kanilang bahay ay isang pana ang nakita ni Malana. Ang
buong pag-aakala niya ay ang kanyang Ama ang gumawa dito. Dinampot
niya ito at ibinato sa hangin, subalit ito ay bumalik sa kanya. Namangha
siya dahil sa dulo nito ay may dalawang batong tulad ng kay Biuag.

Nakarating sa kaalaman ni Biuag ang pagsamba ng mga tao kay
Malana. Ipinagwalang-bahala ito ni Biuag dahil ang nasa isipan niyay ang
napakagandang dalaga.

Isang araw dinalaw niya ang dalaga. Nakiusap itong hingin ang kanyang
kamay upang pakasalan siya. Ngunit binigo niya si Biuag at sinabi niyang si
Malana ang kanyang tanging minamahal.

Nagpanting ang tainga ni Biuag sa narinig. Hindi niya ito
tatanggapin. Nagsabi siyang hindi karapat-dapat si Malana para sa kanya,
dako ng kinaroroonan ni Malana. Dinampot ni Malana ang pana. Tanda ng
pagsang-ayon sa hamon ni Biuag.

Sumapit ang takdang araw ng kanilang labanan. Ang mga bundok ay
napaligiran ng mga taong nais sumaksi sa paghahamok na iyon ng
dalawa. Sa may di-kalayuan ay ang taga-Malaueg ang dumating. Sa
unahan ay ang matikas at matipunong si Malana. Nang makita si Biuag,
siyany nanggalaiti sa matinding galit. Naunang nagsalita si Malana, Alam ko
na kung bakit mo ako hinahamon, sabi ni Malana. Ibig mong agawin ang
minamahal ko. Ipinagbabawal ng Diyos ang pag-agaw na kahit ano na hindi
mo pag-aari. Subalit tinatanggap ko ang hamon mo. Kung nanaisin ng
dalagang minamahal ko ay aking ipaglalaban ang pagmamahal ko.

Si Biuag ay sinamahan ng mga taga-Enrile. Siyay nakatayo sa kabilang
bundok tangan ang panat isang punong niyog na binunot. Dinig na dinig
niya ang malakas na sigaw ng taga-Malaueg para kay Malana. Sa isip niyay
gusto niyang patayin lahat ang mga tao ni Malana.

Si Malana naman ay nasa kabilang bundok. Sa kanilang kinalalagyan sa
tuktok ng mga kapwa napansin nila ang pagdating ng isang bangkang
tumatawid sa pagitang ng dalawang bundok na lulan ang dalagang pinag-
aawayan. Nalungkot ang dalaga sa mga nagaganap. Subalit sa tingin ng
dalawang magtutuos ay sadyang napakaganda ng dalaga.

Nang mapatapat ang dalaga sa kanila, biglang sumigaw si Biuag Malana, ang
babaing kapwa natin minamahal ay nasa harap natin. Kung sadyang
malakas ka ay humanda ka sa aking regalo na nagbuhat pa sa Enrile, dala
ko para sa iyo.

Walang sabi-sabing inihagis ni Biuag ang punong niyog kay Malana. Mabilis
ang pagsalo ni Malana, at hindi sa kalabaw inihagis ang punong niyog kundi
sa dako ng nayong Il-Luro sa bayan ng Rizal.

Pinaniniwalaan na dito nagsisimula ang maraming niyugan sa lugar na iyon.

Lalong nagngitngit sa galit si Biuag. Hinugot ang sibat at gustong ipukol kay
Malana na inaasahang sa puso nito tatamaan. Subalit sa kasamaang-palad,
itoy nagmintis. Hindi sa puso ni Malana kundi sa ilog tumama ang sibat.

Humanda ka, matikas na Biuag, sigaw ni Malana. Wala nang lahat ang
armas mo. Pagkakataon ko naman ngayon.

Ngunit bago matapos ni Malana ang pagsasalitay biglang lumukso sa ilog sa
ibaba si Biuag. Biglang nagkaroon ng malalaking alon na humampas sa
malalaking bato at ito ang yumugyog sa bundok na kinatatayuan ni
Malana. Nang magpakitang muli si Biuag ay tangan-tangan niya ang
pinakamalaking buwaya na siyang ikinamangha ng mga taong sumaksi sa
labanang iyon.

Pinilit niyang ibuka ang bunganga ng buwaya at hinamon si Malana na
lumukso sa ilog.

Tinanggap ni Malana ang hamong iyon ni Biuag. Sa kanyang paglukso mula
sa tuktok ng bundok ay sinalubong sa himpapawid ng dalaga si
Malana. Itoy ginawa niya upang hindi mapahamak si Malana. Tiningnan ng
dalaga si Biuag at sinabing : Pinatunayan mong isa kang duwag dahil
nagpatulong ka sa isang buwaya. Nais kong ipaalam sa iyo, ako ang anak
ng diyosang nagkaloob sa iyo ng mga kapangyarihan. Hindi ka karapat-
dapat sa mga bigay sa iyo ng aking diyosang Ina.

Sa tulong ng kanyang mahiwagang patpat, ang lahat ng mga taong naroon
ay kanyang binasbasan, maging si Malana, pumaimbulong sila sa kalangitan
kung saan naroon ang kaharian ng hangin at siya ang mahal sa Reyna. Sa
tindi naman ng pagkapahiya, nilunod ni Biuag ang kanyang sarili sa ilog. At
siya ay hindi na nasilayan mula noon. Pinaniniwalaan ng mga tagaroon na
ang kaluluwa ni Biuag ay namamahay sa dalawang kakatwang bundok ng Il-
Luru.


Tulalang
(Epiko ng Manobo)

Ito ang epiko ng mga Manobo na nagsasalaysay tungkol sa buhay ni
Tulalang. Siya ang panganay na anak ng isang mag-asawang mahirap.

Isang araw ay nasa gubat si Tulalang at nangunguha ng ubod ng rattan na
kanilang pagkain. Nakakita siya ng isang matanda na naaawa pala sa
kanilang magkakapatid. Lumapit sa kaniya ang matanda at ang wika:Huwag
kang mag-alala sa inyong pagkain, Tulalang. Simula ngayon ay hindi na
kayo magugutom. Anuman ang naisin ninyo ay mapapasainyo. Simula
noon, ang magkakapatid ay nanagana sa pagkain.

Sa kabila ng kanilang kasaganaan ay nanatili pa rin silang
masisipag. Umunlad ang kanilang kabuhayan at ito ay nabantog sa buong
kapuluan. Maraming mga tao sa ibat ibang tribu ang nagtungo sa kanilang
tahanan upang pumailalim sa kanilang kapangyarihan.

Pagkalipas ng maraming taon, ipinasya ng magkakapatid na manirahan
sa torohan o palasyo. Ang palasyo ay napakalawak at ang trono ay
napapalamutian ng mga ginto, pilak at iba pang mamahaling bato. Walang
tigil ang mga alipin sa pagtugtog ng magagandang musika, kaya ang mga
naninirahan sa paligid ng palasyo ay naaaliw rin.

Si Tulalang ay isang binatang matangkad, payat, may maitim na mga ngipin
at mahabang buhok. Siya ay may sinturong isang damak lamang ngunit
naipupulupot niya ng pitong ulit sa kanyang baywang. Puting-puti ang
kanyang damit na may mahabang manggas at ang pantalon niya ay
hanggang tuhod lamang. Ang kanyang mga daliri ay nagkikislapan sa mga
gintong singsing. May balaraw sa baywang at may pulang turban sa ulo na
ginagamit sa paligid. Siya ay laging nakayapak lamang.

Ang magkakapatid ay may kani-kaniyang silid sa palasyo maliban sa kaisa-
isang kapatid na babae na inilagay sa pinakamalalim na bahagi ng pitong
patong na basket na nakabitin sa loob ng silid ni Tulalang. Siya ay hiyas ng
magkakapatid na dapat ingatan. Ngunit ang dalaga ay may kapangyarihang
mag-anyong ibat-ibang hugis na naisin niya. Siya ay gadaliri lamang
habang nasa loob ng basket. Siya ay nananatili sa loob ng basket kung wala
siyang ginagawa.

Ang kapatid nilang babae ay nagtatanim ng mahiwagang rosas tuwing
umaga at bago tumanghali ay namumulaklak ito. Kapag nalanta agad ang
mga bulaklak na rosas ay nagbabalang may darating na kaaway sa kanilang
kaharian. Isang araw ay biglang nalanta ang bulaklak na rosas. Dumating
si Agio at sinalakay ang Kulaman, ang kanilang kaharian. Hindi man lamang
nabahala o natakot si Tulalang at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Isa sa kanyang mga singsing
ang nagsalita at pinayuhang labanan ang kaaway. Inalis niya sa daliri ang
singsing at inutusan ito na labanan ang mga kaaway. Sa isang iglap ay
naging sundalo ang singsing. Lumaban ito at maraming napatay na mga
kaaway, Nakita ito ni Agio at ibinunyag niya na ang sundalo ay isa lamang
singsing. Kaagad nilang pinaghahampas ng sibat ang sundalo kaya huminto
ito at naging singsing na muli.

Muling hinamon ng mayabang na heneral si Tulalang. Inutusan ni Tulalang
ang kanyang balaraw na makipaglaban. Ito ay naging sundalo at muli na
namang pumuksa ng mga kaaway. Ibinunyag na naman ni Agio na ang
sundalo ay isang balaraw lamang. Hinawakan niya sa leeg ang balaraw na
naging sundalo, at ito ay bumalik sa dating anyo, ang leeg ang naging
hawakan ng balaraw.

Sa pangatlong hamon ay si Tulalang na ang lumaban. Marami siyang
napatay na mga tauhan ni Agio. Nang siya ay napagod ay umakyat siya sa
palasyo at nagpahinga. Hinalinhan naman siya ng kapatid niyang si
Mangampitan. Sa kanyang kamay naman namatay ang kalahati ng mga
kalabang natitira. Siya ay napagod din at nagpahinga sa palasyo kaya siya
ay hinalinhan naman ng pinakabunso sa magkakapatid, si
Minalisin. Nangamatay ng lahat ang mga kalaban maliban kay
Agio. Naglaban naman sina Agio at Minalisin. Tinamaan ng sibat si
Agio. Nagbalik sa dating anyo si Agio na kanina ay nag-anyong pulubi bago
maglabanan. Siya ay naging isang makisig na binata. Nagpatuloy sila sa
paglalaban hanggang sa mapagod. Nakita pala sila ng kapatid na babae ni
Tulalang sa mahiwagang langis na nagpatulog sa kanila. Nalaman nila
pagkagising na sila palang dalawa ay magpinsan.

Kung araw ay natutulog si Tulalang sa ilalim ng isang punungkahoy. Isang
uwak na nakadapo sa sanga ang dumumi sa kanyang mukha. Nagising siya
at ipinagbigay-alam sa kanya ng uwak na may darating na isang
napakalaking higanteng kumakain na tao. Sinabi rin sa kanya kung paano
ito matatagpuan.

Agad-agad ay nagtungo siya sa kagubatan at dito ay nakakita siya ng isang
kubong may nainirahang matandang babae. Sinabi sa kanya ng matanda
ang tungkol sa higante at sa magandang dilag na bihag nito.

Tinungo niya agad ang tahanan ng higante na sinabi sa kanya ng matandang
babae. Ang bahay ng higante ay napakataas kaya maraming punong saging
na tumubo sa ilalim nito. Natutulog ang higante at nakakulong ang dalaga
sa hawla nang siyay dumating. Nagising ang higante. Sino ang
nariyan? ang sigaw ng higante. Nakaamoy ako ng baboy, tamang-tama sa
aking pananghalian. Hindi ako baboy, ang sagot ni Tulalang. Ako ay taong
kagaya mo. Kinuha ng higante ang panggarote at ang dalawa ay
naglaban. Nagawang putulin ni Tulalang ang dalawang kamay, dalawang
paa at ulo ng higante.

Inilabas ni Tulalang ang babae mula sa hawla. Napag-alaman ng binata na
ang pangalan ng magandang babae ay Macaranga at ang pook na
pinanggalingan niya ay Macarangga rin ang pangalan. Naakit siya sa dalaga
kaya niyaya niya itong pakasal. Tumanggi ang dalaga. Dahil pagod, si
Tulalang ay nakatulog. Nalimutan tuloy niya ang iniluluhog na pag-ibig sa
dalaga. Nang magising siya ay wala na ang dalaga, ngunit isang suklay ang
sadyang iniwan nito at nakuha naman ng binata. Kaagad siyang nanaog sa
tahanan ng higante at sumakay sa kanyang musala. Nagtanong siya sa
pitong babaeng nanahi na natagpuan niya. Tinungo niya ang itinuro ng mga
ito. Napag-alaman niya na si Macaranga ay nagtungo sa Kulog. Tinungo
niya kaagad ang Kulog, ngunit ang babae raw ay nagtungo sa Kidlat. Ngunit
ito raw ay nasa langit nang puntahan niya. Nagtungo siya sa langit at dito
ay nakita niyang naliligo sa ilog ang dalaga. Binanggit niyang muli ang
kanyang pag-ibig ngunit hiniling ng dalaga na bayaan muna raw siyang
makauwi sa kalangitan.

Nakauwi ang dalaga sa kanyang palasyo at napag-alaman niya na ang ama
pala niyang hari ay namatay na. Sa gayon, ang kanilang kaharian ay
nangangailangan ng hari. Pumayag siyang pakasal kay Tulalang. Umuwi
muna si Tulalang sa kanilang kaharian bago pakasal. Pagdating sa kaharian
ay napag-alaman niya na sinalakay na muli ang Kulaman upang kunin ang
kanyang kapatid na babae. Iniligtas muna niya ang kanyang kapatid
hanggang sa makalimutan niya ang pangako kay Macaranga.

Minsang wala si Tulalang sa kaharian ay muling sumalakay ang mga
kaaway. Ang hari ng mga Bagyo ang pinuno ng mga kaaway. Siya ang
pinakamalakas na kaaway ni Tulalang sapagkat hindi siya nakikita. Nagapi
ng kaaway ang dalawang kapatid na lalaki ni Tulalang, at ang babae naman
ay dinala sa kaharian nito. Nang tumangging pakasal ang babae sa hari ng
mga Bagyo ay nilaslas ang kamay niya.

Nang malaman ito ni Tulalang ay madali siyang sumakay sa musala at
tinungo ang kuweba ng hari ng mga Bagyo. Nag-anyo siyang sibat at
pumasok sa kuweba ngunit ang hangin ay wala na roon. Gumawa siya ng
paraan upang makapasok sa kaharian. Nagbalatkayo naman siyang isang
bata at sa isang paraan ay nakapasok sa palasyo at naging alila. Siya ay
nadistino sa kusina. Minsan ay nakasalubong niya ang kanyang kapatid na
babae.

Isang gabi ay itinakas niya ang kanyang kapatid. Naghinala ang hari na ang
batang alipin ay si Tulalang, kaya ipinasya niyang lusubing muli ang
Kulaman. Bago umalis ang hari ng mga Bagyo at ang mga tauhan nito ay
hiniling muna ng hari na huminga sila sa isang bote at takpang mahigpit at
ibitin sa loob ng palasyo.

Nang maglaban na ang dalawang pangkat ay napansin ni Tulalang na kapag
may napapatay silang kaaway ay napapalitan kaagad ng dalawa mula sa
dugo nito. Lalong dumarami ang kaaway habang marami silang
napapatay. Tinungo niya kaagad ang kaharian ng mga Bagyo. Gumawa
siyang muli ng paraan upang makuha ang boteng pinag-iwanan ng kaluluwa
ng hari at mga kawal nito.

Kinabukasan, sa harap ng mga kaaway ay tumayo siya sa beranda ng
palasyo at binalaan ang hari at mga kawal nito. Kung hindi kayo susuko ay
babasagin ko ang boteng ito upang mangamatay ang inyong
kaluluwa. Napilitang sumuko ang Hari at mga kawal nito at napaalipin kay
Tulalang.

Isang araw, ipinabatid ni Tulalang sa kanyang nasasakupan na
ang sarimbar na galing sa langit ay darating na upang silang lahat ay
kunin. Hiniling niya sa mga tao na manalangin sa loob ng apat na buwan
upang pagdating sa langit ay magiging Katolosan o Kaluluwa, (immortal
beings) maging ang apat na magkakapatid.

Pagkatapos ng apat na buwang panalangin, ay biglang may humihip na
malakas na hangin. Nagdala ito ng balita kay Tulalang na isang malaking
baboy ramo ang manggagaling sa Silangan upang silain ang mga tao sa
Kulaman at isang higante ang haharang sa sarimbar pagbabalik sa
langit. Dahil sa taglay na lakas ni Tulalang ay napatay niya ang baboy ramo
at higante.

Katanghaliang tapat ay bumaba na ang sarimbar sa nakasabit sa kadenang
ginto. Ito ay hugis bangka ngunit yari sa bato. Isa-isang sumakay ang mga
tao upang iakyat sa langit. Isa pang higante ang nagtangkang pumutol ng
kadena ng sarimbar ngunit napatay rin siya ni Tulalang. Ang mga kapatid ni
Tulalang at ang mga mamamayan ay naging maligaya sa kalangitan at
nagtamo ng buhay na walang hanggan.

Tuwaang
(Epiko ng mga Bagobo)

Ang Tuwaang, epiko ng mga Bagobo, ay isang mahabang tula na
nagsasalaysay ng mga kabayanihan ni Tuwaang. Si Tuwaang ay siyang
puno ng Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at kakisigan. Isang araw
tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang dilag na nagmula sa
kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang humingi
ng tulong. Tinawagan ni Batooy si Tuwaang. Nagpaalam si Tuwaang sa
kapatid niyang babae na kinagigiliwan iyong tawaging Bai, ibig niyang
tulungan ang nasabing dalaga. Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang
gagawin ni Tuwaang ay lubhang mapanganib, hindi rin napigil si Tuwaang sa
gagawin niyang pagsaklolo. Sumakay si Tuwaang sa kidlat. Ang karaniwan
niyang sasakyan ay hangin. Ngunit sa pagkakataong ito'y humingi siya ng
pasintabi sa hangin na hindi ito ang gamiting sasakyan sapagkat siya'y
nagmamadali.

Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng Binata ng Pangavukad. Dinulutan si
Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng itso sa panauhin ay
kaugalian ng mga Muslim. Pumunta si Tuwaang at ang Binata ng
Pangavukad sa lupain ni Batooy. Pagdating nila roon, dahil sa kagandahang
lalaki ni Tuwaang ay halos hinimatay ang mga tao sa laki ng paghanga sa
binata ng Kuaman. Pumanhik si Tuwaang at sa laki ng pagod dahil sa
paglalakbay ay nakatulog siya sa pagkakaupo sa tabi ng dalagang may
lambong ng kadiliman, ang dalaga ng Buhong. Nang magising si Tuwaang,
dinulutan ang dalawa ng itso at sila'y ngumanga. Mula pa ng dumating sa
lupain ni Batooy ay walang nais kausapin ang dalagang may lambong ng
kadiliman. Hinintay niya si Tuwaang upang dito sabihin ang kanyang
malaking suliranin. Nagkagusto ang binata ng Pangumanon sa
dalaga. Malaki naman ang pag-ayaw ng dalaga, subalit nais kunin ng Binata
ng Pangumanon ang dalaga sa dahas. Kaya napilitan siyang humingi ng
saklolo kay Tuwaang at kay Batooy.

Hindi pa gaanong natatagalan ang pag-uusap ni Tuwaang at ng dalaga ng
Buhong ay dumating naman ang Binata ng Pangumanon. Walang taros na
pinagtataga ng Binata ng Pangumanon ang tauhan ni Batooy. Para lamang
tumatabas ng puno sa isang tubuhan at sa ilang saglit nakabulagta nang
lahat ang mga kawal at tauhan ni Batooy.

Nanaog si Tuwaang at nagharap ang dalawang malakas at
makapangyarihang lalaki. Ginamit ni Tuwaang ang kanyang kampilan. Sa
lakas ng pagtatagaan ay naputol ito. Itinapon ni Tuwaang ang puluhan nito
at kaagad na tumulong ang punong malivutu. Gayon din ang nangyari sa
binata ng Pangumanon. Ginamit naman ni Tuwaang ang iba pang sandata
niyang palihuma, gayon din ang balaraw hanggang nabali rin sa puluhan ang
mga ito. At sabay na nagtapon ng baling puluhan ang dalawa at ito'y naging
punong maunlapay. Nang magkaubusan na sila ng mga armas,
sinunggaban ng Binata ng Pangumanon si Tuwaang at ibig durugin sa
kanyang binti. Hindi nasaktan si Tuwaang. Sinunggaban naman ni Tuwaang
ang Binata ng Pangumanon at tinangkang ihampas sa malaking bato. Nang
sasayad na ang katawan, ang bato ay naging alabok. Tinawagan ng Binata
ng Pangumanon ang kanyang patung. Ito'y isang dangkal na bakal na
ipinulupot kay Tuwaang. Ang patung ay bumuga ng apoy. Inunat ni
Tuwaang ang kamay at namatay ang apoy. Tinawagan naman ni Tuwaang
ang kanyang patung at nagliyab ang binata ng Pangumanon at namatay.

Ngumanga si Tuwaang at ibinuga ang tabug ng nganga sa mga tauhan ni
Batooy at sila'y nabuhay na lahat. Iniuwi ni Tuwaang ang dalaga sa
Kuaman. Pagdating nila sa Kuaman ay may ligalig na
nagaganap. Pagkatapos na magapi ni Tuwaang ang kalaban, minabuti
niyang doon na sila sa bayan ng Katu-san manirahang lahat. Inilulan ni
Tuwaang sa sinalimba, isang ginituang sasakyang lumilipad ang lahat niyang
tauhan. Pinasan ni Tuwaang sa magkabila niyang balikat ang dalagang
Buhong at ang kapatid na si Bai at pumunta rin sila sa Katu-san, ang lupaing
walang kamatayan.


Ullalim
(Epiko ng Kalinga)

Ang kwento ay nagsimula sa nakatakdang kasal nina Ya-u at Dulaw nang
makapulot ng nganga o ua (na tawag ng taga-Kalinga). Ang magkasintahan
ay naanyayahan sa isang pistahan sa Madogyaya. Nang sila ay nasa
Madogyaya, naakit ang pansin ni Dulliyaw kay Dulaw hanggang si Dulaw ay
magkagusto sa kanya. Sa pagplano na ligawan ni Dulaw si Dulliyaw ay
naisip nitong painumin ng alak si Ya-u hanggang sa malasing. Habang si Ya-
u ay natutulog sa ibang bahay ay saka niligawan ni Dulaw si
Dulliyaw. Pinakain nito ang babae ng nganga at sinabi niya sa babae na sa
pamamagitan ng pagtanggap niya ng nganga ang ibig sabihin ay tinanggap
na niya ang pag-ibig na kanyang iniaalay. Bago siya umalis ay sinabi niya
sa babae na siya ay babalik kinabukasan. Naiwan na nag-iisip ang dalaga.

Kinabukasan sa kalagitnaan ng gabi ay dumating si Dulaw sa bahay nina
Dulliyaw. Habang silay kumakain ng nganga, sinabi nito sa babae na siya
ay nagpunta roon upang isama ang dalaga sa kanilang bahay. Nagulat si
Dulliyaw sa winika ng lalaki. Iyon lamang at nagkagulo na ang mga tao sa
nayon. Sa pagtakas nila ay nakasalubong sila ng isang lalaki na may dala-
dalang palakol at balak silang patayin. Bago sila maabutan ng lalaki ay
nakaakyat na si Dulaw sa isang puno upang tumakas. Samantala wala
namang mangahas na siya ay lusubin kaya naipasiya ni Ya-u na tawagin ang
mga sundalong Espaol ng Sakbawan.

At noon nga si Guwela na kumander ng Garison ay umakyat sa kaitaasan ng
Kalinga na kasama ang mga sundalo. Iniutos niya na dakpin si Dulaw na
nakaupo pa rin sa puno. Napag-alaman niya na marami ang tutol sa ginawa
niya kaya wala na siyang lakas na lumaban nang siya ay lagyan ng
posas. Sa utos pa rin ni Guwela siya ay dinakip at nakulong sa Sakbawan.

Makalipas ang tatlong taon na pagkakabilanggo, naging payat na
siya. Humingi si Dulliyaw ng nganga kay Dulaw. Kinuha ni Dulaw ang
huling nganga sa bahay at itoy pinagpirapiraso. Bago niya ito maibigay kay
Dulliyaw bigla na lamang itong nawala.

Samantala, sa pook na Magobya naliligo si Duranaw. Sa paliligo niya sa ilog
ay nakapulot siya ng nganga. Kinain niya ito nang walang alinlangan.

Matapos nguyain ang nganga ay bigla na lamang itong nagbuntis hanggang
sa siya ay magsilang ng isang malusog na lalaki at pinangalanan niya itong
Banna. Tatlong taon ang lumipas. Si Banna ay mahilig makipaglaro sa mga
Agta, subalit siyay madalas na tinutukso ng kanyang mga kalaro. Sinasabi
na kung siya raw ang tunay na Banna ang ibig sabihin ay siya ang anak ni
Dulaw na nakulong sa Sakbawan. Sinumbong niya ito sa kanyang ina ngunit
pinabulaanan ito ng kanyang ina.

Sa isang iglap, si Banna ay naging malakas at naghangad ng
paghihiganti. Isang mahiwagang pangyayari ang nagdala kay Banna pati ng
kanyang mga kasama sa Sakbawan. At doon ay kanyang pinatay si
Dulliyaw. Sinabi ng isang kasama ni Banna kay Dulaw na si Banna ay
kanyang anak, iyon lang at sila ay dali-daling sumakay sa isang bangka at
sa isang iglap ay nakarating sila sa pook ng Magobya. Mula noon ay nauso
na ang kasalan sa kanilang pook.

You might also like