You are on page 1of 1

MABUHAY ANG CALOOCAN

Caloocan dakilang bayan


duyan ka ng katipunan
ang alab ng himagsikan
sa puso mo ay nabuhay
Caloocan mutyang bayan
lungsod naming minamahal
tagumpay mo at kaunlaran
lagi naming idarasal
Caloocan dakilang bayan
duyan ka ng katipunan
ang alab ng himagsikan
sa puso mo ay nabuhay
Caloocan sintang bayan
sayo'y, aming iaalay
sipag, tiyaga at pagmamahal
Caloocan ay mabuhay.



















BAGUMBONG ISULONG
BAGUMBONG SA
HABANG PANAHON
Dahilan ang pangarap
sa mata ng kabataan
pag-asa sila ng kinabukasan
Nasa kamay kislap
ng bagong umaga
pusong dakila
sinag ng pagpapala
'sang lakas, isang hamon
sa iyo BAGUMBONG

KORO:

Haligi ka ng pag-asa
kadungan ng karunungan
lakas ka ng paghamon
ika'y sumulong
sa habang panahon
Haligi ka ng pag-asa
kadungang may sigla
lakas ka ng paghamon
tayo'y sumulong
sa habang panahon
taglay ng dunong ng gabay
talinong puno ng pagsisikhay
ningas ng gintong aral
sa BAGUMBONG ang dangal
(Haligi ka ng pag-asa
kadungan ng karunungan
lakas ka ng paghamon
ika'y sumulong
sa habang panahon)2x
Haligi ka ng pag-asa
kadungang may sigla
lakas ka ng paghamon
BAGUMBONG ika'y sumulong
sa habang panahon

You might also like