You are on page 1of 15

Mga Magagandang Tanawin

sa ibat ibang Lungsod sa NCR


Mabibilang sa daliri ang mga
likas na tanawin sa Rehiyon ng
NCR. Ganunpaman, sagana ito
sa mga gusali, bantayog,
simbahan at iba pang
istrukturang pangkultura.
Ang Monumento ni Bonifacio
na itinayo noong 1933 ay isa
sa mga obra ni Guillermo
Tolentino. Simbolo ito ng
rebolusyon noong Agosto 3,
1896.
Ang nasa kaliwa ay larawan ng Katedral ng San Rogue noong
panahon ng pananakop ng Amerikano. Ang nasa itaas ay ang
mukha ng altar ng San Roque.
Ang simbahan ng Parokya ni San
Jose (St. Josephs Parish) ay itinayo
noong ika-19 na siglo sa pangunguna
ni Fr. Diego Cera na siya ring
nagpagawa ng Bamboo Organ noong
1824. Kinikilalang Pambansang
Kayamanang Pangkultura ang
Bamboo Organ.
Ang La Mesa
Watershed
Ecopark ay pook
pasyalan ng mga
tagalungsod.
Iniutos ang
pagsasaayos nito
noong 1929.
Pangunahing
dahilan ang
mapagkukuhaan
ng tubig Ang
ecopark ay
binuksan sa
publiko upang
tumulong sa
pagpapanatili ng
dam.
Marami ring mga kilalang bantayog sa Lungsod ng Quezon: ang Dambana ni Manuel Quezon
sa gitna ng Quezon City Memorial Circle na dinisenyo ni Federic Ilustre noong 1950s; ang
Shrine of Mary, Queen of Peace na mas kilala sa tawag na EDSA Shrine ay itinayo pagkatapos
ng EDSA revolution; at ang People Power Monument sa kanto ng White Plains at EDSA bilang
alaala ng mapayapang rebolusyon sa EDSA.
Ang Museo ng Makati ay
itinayo noong 1918 at isang
tradisyunal na bahay na
bato. Dito makikita ang
lahat ng mga bagay at
sulatin sa may kinalaman sa
kasaysayan ng Makati.
Ang Nuestra Senora de Gracia na mas kilala bilang
Simbahan ng Guadalupe ay may disenyong baroque na
ibig sabihin ay detalyado at grandiyosong disenyo. 1630
nang matapos ang simbahan, mahigit 300 taon nang
nakalilipas.
Ang Asilo de
Huerfanos ay bahay
ampunan na itinatag
noong 1887.
Makasaysayan ang
gusaling ito dahil
noong panahon ng
rebolusyon, dito
nanatili sina Hen.
Emilio Aguinaldo kung
saan una nilang
inilimbag ang La
Independencia.
Sa Malabon may pinakamaraming mga
makasaysayang bahay na bato sa
naging tahanan ng mga kataong may
mahalagang kontribusyon sa
kasaysayan ng Pilipinas, gaya ng bahay
na bato ng mga Luna. Dito rin
makikita ang bahay ng mga
Raymundo, pinakamatandang bahay sa
Malabon. Kapansin-pansin ang
Hapsburg Eagle, agilang may dalawang
ulo. na nakaukit sa pasukan.
Belen Museum Doll Museum
Shoe Museum
Sa Marikina makikita ang
ibat ibang museo na
sumasalamin sa kultura ng
lungsod.
Kilalang pook pasyalan din
ang Marikina Riverbanks na
sentro ng karamihan ng
pagdiriwang sa Marikina.
Maraming mga pook pasyalan
sa Maynila. Nariyan ang
kilalang Rizal Park o Luneta,
ang Fort Santiago sa loob ng
Intramuros, at ang Manila
Zoo. Dito makikita ang
lumang simbahan ng Basilica
Minore de San Sebastian. Ito
lamang ang simbahan sa
Pilipinas na may disenyong
gotika, impluwensya ng
kulturang Aleman.
Ang kanyon na ito ay ginamit
noong panahon ng pananakop ng
hapon. Matatagpuan ito sa
Memorial Hill sa loob ng New
Bilibid Prison
Ito naman ang bungad sa Japanese
Garden Cemetery kung saan
nakalibing si Hen. Tomoyuki
Yamashita.
Ang Jamboree Lake ay ang siyang pinakamaliit na natural na
lawa sa Muntinlupa.
Pahingahan at pook pasyalan ng mga lokal na residente ng
Navotas ang Centennial Park. Gaya ng parke sa Luneta, ito ay
nakatanaw sa baybayin ng Manila Bay.
Ang Simbahan ng San
Andres ay ang
pinakamatandang
simbahan sa
Paranaque na itinayo
noong 1580
Ang Redemptorist
Church naman sa
Baclaran ay isa sa
pinakamalaking
simbahan sa
Paranaque na
paboritong dayuhin
ng mga deboto.
Sa loob pa lang CCP Complex ay marami nang mga istrukturang
makatawag-pansin gaya ng Film Center at ng Coconut Palace.
An Resorts World naman ay
isa sa mga pinakabago at
modernong atraksyon ng
Pasay City Nandito rin ang
Mall of Asia.
Ang Cuartel Del Guardia Civil
ay bahay na itinayo ng
pamilya Santiago noong 1881.
Naging piitan ito ng mga
Katipunero noong panahon ng
digmaan.
Bahay na Tisa, pag-aari ng
pamilya Tech, tinawag itong
Freedom House dahil
ginagamit itong tagpuan
noong panahon ng Martial
Law.
Ang Immaculate
Concepcion Cathedral
ang unang Marian
Church na itinayo
noong 1575
Ang Pateros Plaza De Borja
Mahalaga sa kasaysayan ang
Dambana ng Pinaglabanan
kung saan ipinapakita ang
naunang pakikipalagan sa
mga dayuhan.
Kilala rin naman ang
Pinaglabanan Church bilang
St. John the Baptist Church.
Sa San Juan din
makikita ang sentro
ng
pananampalatayang
Iglesia ni Cristo.

You might also like