You are on page 1of 9

Ang Sinaunang Syria ay nasakop ng mga Ehipto taong 1500 BC at pagkatapos, nasakop naman sila ng mga

Hebrew, Assyrian, Chaldean, Persian at ni Alexander the Great. Mula 64 BC hanggang sa 636 AD, ito'y
naging parte ng imperyong Romano. Ginawa itong isang sentro ng kalakalan ng mga Arabo ngunit ito'y
nasira ng husto sa panahon ng pananakop ng mga Mongol taong 1260. Napasakamay ng Ottoman Turks
ang bansa taong 1516. Naging isang probinsya ng Turkey ang Syria hanggang sa Unang Digmaang
Pandaigdig. Isang lihim na Anglo-French na kasunduan ang nagpalagay sa Syria sa ilalim ng France.
Taong 1930, itinalaga ng France ang Syria bilang isang bansang maaaring magsarili ngunit dapat paring
silang sumunod sa mga batas ng France. Taong 1939 ay sinuspende ng pinakamataas na komisyoner ng
France and konstitusyon ng Syria. Taong 1941, sinakop ng mga Briton at mga malayang Prances ang Syria
upang mawakasan ang pamumunong Vichy. Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanatiling isang baseng
pang - Allied Forcesang Syria. Taong 1958, itinatag ng Syria at Egypt ang United Arab Republic kung saang
namuno bilang pangulo si Gamal Abdel Nasser. Naging malaya muli ang Syria noong September 29, 1961
matapos ang isang rebulosyon. Taong 1967, habang nagaganap ang digmaang Arab-Israeli, sumanib ang
Syria sa Egypt para atakihin ang Israel. Taong 1982, matapos ang ilang digmaan laban sa Israel, nanatili
ang ilang Syrian sa Lebanon upang doon na mamuhay. Ang bansang Syria ay mas malaki ng kaunti sa
North Dakota at makikita sa silangang bahagi ng Dagat Mediterano. Napalilibutan ito ng Israel at Lebanon
sa kanluran, Turkey sa hilaga, Iraq sa silangan at Jordan sa timog. Sa silangang bahagi ng bansa ay
katatagpuan ang Disyerto ng Syria at sa timog ang Jebel Druze Range. Pinakamataas sa bundok sa bansa
ay ang Bundok Hermon na makikita sa hangganan ng Lebanon.




Ang ekonomiya ng bansang Syria ay binabase sa agrikultura, langis, industriya at mga serbisyong
inihahatid ng mga mamamayan. Dahil sa Syrian Civil War, bumaba ang ekonomiya ng bansa sa mga taong
2011 hanggang 2012.


Currency: Syrian pound (SYP)
GDP: $64.7 billion
GDP growth: -14% -20%
GDP per capita: $5,100
GDP by sector: Agriculture (16.9%), Industry (27.4%), Services (55.7%)
Inflation (CPI): 30%
Population below poverty line: 11.9%
Labour force: 5.642 million
Labour force by occupation: Agriculture (17%), Industry (16%), Services (67%) (2008 est.)
Unemployment: 12.3%

You might also like