You are on page 1of 13

PANIMULA

Bakit ka nagbabasa ng akdang pampanitikan?


Malimit itong itanong sa atin subalit napapaisip pa din tayo sa kung ano ang maaari
nating isagot. Nariyan ng sabihin na, nagbabasa ako ng panitikan upang malibang ako
pansamantala, mayroon namang nagsasabing kaya sila nagbabasa ng panitikan ay upang
makakuha ng impormasyon at may maisagot sa tanong ng guro. Subalit higit na nakakalungkot
kapag ang sagot na iyong maririnig ay, kaya ako nagbabasa ng akdang pampanitikan ay dahil
ipinapabasa ito sa amin ng aming guro. Nakakalungkot isipin na kung hindi pa sa guro
manggagaling ang aksyon ay walang gagawin ang mga mag- aaral. Nakapanlulumong isipin na
unti- unti silang nawawalan ng interes at pagkukusa upang lakbayin ang mundo ng panitikan.

Ano ba ang nararapat gawin?
Upang maging epektibo ang pagtuturo ng panitikan sa loob ng klasrum, dapat ang guro
ay handa at may pusong laan sa pagtuturo nito. Kailangang ihawa ng guro ang mga mag-aaral sa
titik ng panitik at bukas siya sa maraming pagbabago. Higit na magiging buhay ang klase kung
naiuugnay ang pagtuturo nito sa kanilang mga sarili at karanasan sa buhay. Mas makabuluhan
ang pagtalaky sa akda kung ang pagtuturo ay alinsunod sa tunay na kalikasan at galaw ng
panitikan at hindi ng ano pa man.
Ilan sa mahahalagang akda na naging tatak at pagkakakilanlan na natin bilang mga
Pilipino ay ang dalawang nobela ni Dr. Jose P. Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, at
ang walang kamatayang Florante at Laura ni Francisco Balagtas Baltazar. Ang tatlong ito ay
itinuturing ng mga obra dahil sa taglay nitong tema/ nilalaman na buhay na buhay sa paglipas
ng panahon. Ang mga akdang ito ay bunga ng dugo at pawis ng mga may-akda na maaari nating
maihanay sa ilang klasikong obra sa buong mundo. Bilang pagpapahalaga sa kagandahan ng
mga obra maestrang ito ay isinanib ito sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 upang
ituro bilang isang akdang pampanitikan. Sa pangunguna ng guro, sinusuri ang mga akda gamit
ang angkop na pananaw at pamamaraan.





KALIGIRANG KASAYSAYAN
Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo


Upang higit na maunawaan ang pagsusuri sa akda, narito ang kanilang kanya- kanyang
kaligirang pangkasaysayan.
FLORANTE AT LAURA
Florante at Laura ni Francisco Baltasar (na kilala din bilang Balagtas) ay isang obra-
maestra sa panitikang Pilipino. Daglat lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat
binigyan ito ng aktuwal at buong pamagat na:
Pinagdaanang bhay ni Florante at ni Laura sa kaharing Albanya

Gresya Taglog.
Isa itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido


(corridos) sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella, isang paring
Rekolekto

at pilologo

KASAYSAYAN
Ayon sa kay Epifanio de los Santos (isang historian), nalimbag ang unang edisyon ng
Florante at Laura noong 1838. May 50 taong gulang na si Francisco Baltasar ng panahong
iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang Kung Sino ang Kumatha ng Florante ni dalubhasang
sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at
ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.

UNANG PAGLIMBAG
Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles,
subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbag lamang ang mga
kopya ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz ayon kay Epifanio
de los Santos) na yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10
centavo bawat isa. Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang
nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa tinatawag na Koleksiyong
Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad
na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875.




Nalilimbag ang pamagat ng bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay.
PINAGDAANANG BUHAY NI FLORANTE AT LAURA, SA CAHARIANG ALBANIA.
QUINUHA SA MADLANG CUADRO HISTORICO O PINTURANG NAGSASABI SA MANGA
NANGYAYARI NANG UNANG PANAHON SA IMPERIO NANG GRECIA.
at tinula nang isang matouain sa versong tagalog.

PAGLALARAWAN
Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng Quezonaria, at ang
nagsasalaysay ay mismong si Florante, habang nakikinig naman ang muslim na si Aladdin. Batay
ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante mula sa sariling karanasan at kasawian
ni Francisco Baltasar, sapagkat nakulong ang huli dahil sa bintang ni Mariano Kapule (kaagaw ni
Selya) at kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o MAR - ay napakasal kay Mariano
Kapule o Nano Kapule, na isang karibal sa pag-ibig. Isinulat ni Baltasar ang Florante habang nasa
piitan.
ANG AKDA AT ANG MGA BAYANI
Sinasabi na nagdala ng kopya ng Florante at Laura si Jos Rizal noong kapanahunan ng
kaniyang mga paglalakbay sa Europa. Samantalang pinaniniwalaan na sumipi si Apolinario
Mabini naman sa kopyang nalimbag noong 1870 o 1853 para malalang ang isang kopya ng
Florante at Laura na nasa sarili niyang sulat-kamay. Ginawa ito ni Mabini, habang nasa Guam
noong 1901, ayon sa mungkahi ng isang kapitan ng hukbong-katihan ng Estados Unidos. Walang
pahintulot na makabalik pa sa Pilipinas si Mabini noong panahong ginawa ito ni Mabini.
May ginawang mga pagbabagong may kaugnayan sa ortograpiya si Mabini sa kaniyang
isinagawang kopya, ayon na nga sa mungkahi ni Jose Rizal. Isang kopyang holograpo isang
kopyang kalarawan ng orihinal na nasa sulat kamay ni Mabini ang ipinagbili sa pamahalaan ng
mga kaanak ni Mabini. Unang nalimbag ang 700 kopya ng gawang-kamay na ito ni Mabini
noong 1964, sa ilalim ng pamamahala ng The National Heroes Commission ng Pilipinas, bilang
parangal kina Francisco Baltasar at Apolinario Mabini. Muling naglimbag ng 1,000 kopya ang
komisyon noong 1972.








NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO

NOLI ME TANGERE


EL FILIBUSTERISMO


Mula sa salitang Latin na
nangangahulugang Huwag mo Akong
Salingin , hinango sa Bibliya , sa
ebanghelyo ni San Juan 20: 13-17.

Sinimulang isulat sa Madrid , Spain noong
1884 , ipinagpatuloy sa Paris , France at
natapos sa Berlin , Germany nooong
Pebrero 1887.

Inihandog sa Inang Bayan

Ang kasaysayang nakapaloob sa aklat na
Uncle Toms Cabin ni Hariet Beecher
Stowe , na naglalahad ng mga paghihirap
ng mga aliping Negro sa kalupitan ng mga
Amerikanong puti ang nagbigay ng ideya
sa ating bayani. Nakita ni Rizal ang
pagkakatulad nito sa kaapihang dinaranas
ng mga Pilipino sa ilalim ng pamamalakad
ng mga Kastila.


Nobelang Panlipunan

Nalimbag sa tulong ni Dr.Maximo Viola .
Ipinalimbag sa Imprenta Lette sa Berlin ,
Germany noong Marso 1887. Bilang
pasasalamat , ibinigay niya kay Dr.Viola
ang orihinal na manuskrito at ang plumang
ginamit niya sa pagsulat ng nobelang ito.



Mula sa salitang Filibusterismo na
nangangahulugang taong kalaban ng mga
prayle o ng Relihiyong Katoliko Romano.


Sinimulang isulat noong 1890 sa London ,
England at natapos sa Brussels , Belgium
noong 1891.


Inihahandog kina GomBurZa

Naniniwala si Rizal na biktima lamang ng
kasakiman at kawalang katarungan ang
tatlong paring martir na sina Padre
Mariano Gomez , Padre Jose Burgoz at
Padre Jacinto Zamora. Pinabintangan ang
mga ito , kasama ang isang Sarhento
Lamadrid , na namuno sa Pag-aalsa sa
Cavite noong Enero 1872 at nahatulan ng
bitay sa pamamagitan ng garote noong
Pebrero nang taon ding iyon.

Nobelang Panlipunan

Sinimulang ilimbag sa isang palimbagan sa
Ghent , Belgium noong Mayo
1891.Kinapos ng pera si Rizal kayat
nahinto ang pagpapalimbag nito .Sa
tulong ni Valentin Ventura ,naipagpatuloy
ang paglilimbag at natapos noong
Setyembre 1891.



PAGKAKABUHOL- BUHOL NG TATLONG OBRA MAESTRA
Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo



Ayon kina Cooper at Purves (1973) na binanggit ni Badayos sa kanyang aklat na
Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/ sa Filipino Mga Teorya, Simulain, at Istratehiya,
may walong pamamaraan o prosesong ginagamit ang mga mag- aaral sa pagbabasa/ pag- aaral
ng panitikan: 1) paglalarawan; 2) pagtatangi; 3) pag-uugnay; 4) pagsusuri; 5) paglalahat; 6)
pagpapahalaga; 7) pagtataya; at 8) paglikha.
Sa ikalimang proseso, ang paglalahat, magagawang mailapat ng mag- aaral ang kanyang
natutunan buhat sa akda sa pagbabasa ng iba pang akda. Katulad rin ito ng paglalapat ng mga
kasanayang natutuhan sa panitikang Filipino sa pag- aaral ng panitikang Ingles, maging itoy
tula, maikling kwento, sanaysay o nobela.
Kung titingnan sa literal at paimbabaw na pagpapakahulugan, ang tatlong obra na ito
ay nagkakatulad sa kaparaanang ito ay isinulat upang ipahayag ang pagnanais ng mga
Pilipino noon na makamit ang kalayaan. Ito ay panunuligsa sa pamahalaang Kastila sa paraan
ng panulat. Masasabing ang Florante at Laura ay hindi gaanong litaw ang paghihimagsik sa mga
dayuhan subalit kung susuriin ng mabuti ay makikitang itinago ni Balagtas sa mga simbolismo
ang paraan niya ng panunuligsa sa pamahalaan. Ang dunong na ito ni Balagtas ang naging susi
upang maiparating niya ang kanyang mga hinaing sa taong bayan. Samantalang ang dalawang
nobela ni Rizal ay lantad na lantad ang panunuligsa sa pamahalaan, sa mga namumuno, at sa
mga prayle na gahaman sa kapangyarihan. Dito niya idinaan (panulat) ang kanyang mga hinaing
at ninanais na pagbabago sa pamahalaan. Namatay man siyang hindi nasisilayan ang
pagbubukang- liwayway ng liwanag sa silangan ay malaki naman ang naitulong ng kanyang
dalawang nobela upang magising ang diwang- makabansa ng mga Pilipino.
Hitik din ang tatlong obra na ito hindi lamang sa mga kagandahang asal at
pagpapahalaga kundi maging sa iba pang aspekto katulad ng:
Katiwalian sa Pamamahala
Suliranin Tungkol sa Edukasyon
Pagpapahalaga sa Wikang Pilipino/ Filipino
Pagmamalabis sa Kapangyarihan
Tiwaling Kaugalian ng mga Pilipino
Pagmamahal ng Anak sa Magulang
Pagpapahalaga sa Taong Iniibig


ANG PAGSUSURI SA TATLONG OBRA MAESTRA
Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo



1. KATIWALIAN SA PAMAMAHALA
Ang unang pagkakatulad ng tatlong akda ay masasalamin sa katiwalian sa pamahalaan
ng mga namumuno nito. Kunin natin ang bahaging ito ng Florante at Laura,
14.
Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
kaliluhay siyang nangyayaring hari,
kagalingat bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng dusat pighati.

Hindi mapasusubalian na sa saknong na ito ay inihatid ni Balagtas ang kanyang unang
himagsik laban sa Kastila. Inihalintulad niya ang mga katiwalian at pagmamalabis ng
kapangyarihan na nagaganap sa Kaharian ng Albanya sa nangyayari noon sa bansang Pilipinas.
Kapansin pansin din na hindi siya (Balagtas) tuwirang bumanggit ng tao sa saknong upang
maiwasan na rin ang pang- uusig ng mga nasa kapangyarihan.

Samantalang sa Noli Me Tangere, sinabi ni Elias ang ganito,

Kung walang liwanag ay walang landas.
At kapag walang pagbabaka ay wala ring kalayaan.
- Elias (Kabanata 50, Ang Angkan ni Elias)

Nangangahulugan lamang na ninanais na ni Elias na makaalpas sa bulok na sistema at
mapangbalatkayong pamamahala ng mga Kastila. Nais niyang sa tulong ng kapwa Pilipino ay
maipaglaban nila ang kung anong para sa kanila. Ang pagkakaisa ayon sa kanya ang magiging
lakas upang mabuwag ang tanikalang nakagapos sa kanila.

Halos ganito din ang sinabi sa El Filibusterismo ni Simoun kay Basilio,

Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan lalo pat kung nag-uudyok ng paniniil.Walang man-
aalipin kung walang napaaalipin. Katulad mo rin ako noon ngunit tingnan ninyo ang aking sinapit.
Ililigpit ka rin sa sandaling maaari ka ng iligpit. Hindi nila hahayaang umunlad ka sapagkat ikaw ay
kanilang kinatatakutan at kinamumuhian.
-Simoun kay Basilio, ( Kabanata 7. Si Simoun )


Kung patuloy tayong magpapaalipin at magtiis sa mga kasamaang ginagawa ng mga
Kastila ay patuloy itong mangyayari at hindi sila mangingiming gawin ulit ito. Walang halaga ang
pagtitiis habang nagtatamo ng karunungan sapagkat hindi pahihintulutan kailanman ng mga
dayuhan na may umunlad na mga Indiyo.


2. SULIRANIN TUNGKOL SA EDUKASYON
Edukasyon ang sinasabing susi na magpapalaya sa tao, subalit paano kung sa pagtamo
mo ng edukasyon na ito ay may mga taong handang hadlangan at hilahin ka pababa? Makakaya
mo bang ipaglaban kung ano ang sa tingin mong tama kahit na alam mong hindi katig sa iyo ang
mga namamahala? Pansinin ang suliraning panlipunan na ito sa dalawang nobela ni Rizal.
Nawawalan sila ng interes sa pag aaral dahil
kulang sila sa panghihikayat mula sa kanilang mga
magulang. At kung may mga bata namang may
interes sa pag- aaral ay nagiging sagabal naman sa
kanila ang kahirapan. Isa pay kailangang iwasto
at maisaayos ang pagtuturo. Nakasanayan ng mga
bata ang magsaulo sa halip na unawaing mabuti
ang pinag- aaralan.
Guro kay Ibarra ( Kabanata 19. Ang Suliranin ng
Guro)


Umalis si Placido Penitente sa kanyang klase na
masamang- masama ang loob at nahihilam sa luha
ang kanyang mga mata. Ang kanyang pangalan ay
bagay sa kanya, hanggat siyay nakapagpipigil,
subalit kapag siyay pinag- init, ay wala nang
makapipigil ng kanyang bangis kundi kamatayan.
Ang mga pagkutya at pang- iinsulto sa kanya
araw- araw ay dumudurog sa kanyang puso at
nagpapatindi ng kanyang galit. Nangingitngit siya
sa mga sutsot ng kanyang mga kaklase, sa mga
pakutyang salita ng guro, at ang mga salitang
tindahan ay mga hagupit sa kanya.
(Kabanata 19. Ang Mitsa)
Ang guro sa San Diego at si Placido Penitente ay labis na naghangad ng dagdag na
karunungan upang mapabuti di lamang ang kanilang sarili kundi maging ang ibang Pilipino.
Subalit dahil na din sa mga problema at pagmamalupit ng iilan ay unti- unti itong nawawala sa
kanilang sistema.
Ang dalawa ay parehong may dunong at pagpapahalaga sa edukasyon ngunit dahil sa
pansariling interes ng iilan at upang huwag maging maalam ang mga Pilipino ay gagawa at
gagawa sila ng paraan upang patuloy tayong malugmok sa kawalan. Nakakalungkot isipin na
nawawalan ng opsyon ang mga Pilipino noon na makapag- aral dahil mas uunahin nga naman
nila ang tawag ng kanilang tiyan kaysa tawag ng karunungan. Samantalang si Placido ay simbolo
ng mga kabataan ngayon na may talinong maipamamalas subalit dahil sa pambubuyo ng kapwa
mag- aaral at ng guro mismo ay nawawalan ng interes upang ipagpatuloy ang nasimulan.



3. PAGPAPAHALAGA SA WIKANG PILIPINO/ FILIPINO
Ang Wika ay Nakapagbubuklod ng Bansa
Isa ito sa mahiwagang kapangyarihan ng wika, kaya nitong pagbuklurin at gawing iisa
ang tao sa isang bansa. Malaki ang naiambag ng wikang Filipino tungo sa identidad ng ating
bansa. Ito ay masasabi nating yaman sapagkat kung wala ito ay paano pa tayo
magkakaunawaan. Ang pag- asam na matuto ng ibang wika ay nakakatulong din kahit papaano
para sa ating sarili subalit hangal ang isang tao kung tuluyan niyang lilimutan ang kanyang
sariling wika. Ganito ang naging pahayag ni Simoun kay Basilio sa kanilang pag- uusap,
Ang wikang Kastila ay hindi magiging karaniwang wika dito kailanman, sapagkat ang mga laman ng pag-
iisip at tibukin ng puso nito ay walang katimbang na salita sa wikang iyan at ang bawat bayan ay may kani-
kaniyang sarili. Ang isat- isa sa inyo, ay nakalilimot, na samantalang ang isang bayan ay nag- iingat ng
kanyang wika, ay taglay niya ang kanyang kalayaan katulad din naman ng pagtataglay ng tao ng kanyang
pagsasarili.
- Simoun kay Basilio
(Kabanata 7. Si Simoun)
Sa puntong ito ay makikita kung papano pahalagahan ni Simoun ang wika. Ayon sa
kanya, ito ay pagkakakilanlan ng isang bansa. Kapag nilimot at napabayaan ang wikang ito ay
para mo na ring nilimot ang pagiging isang Pilipino. At kapag nilimot mo ang pagiging isang
Pilipino ay para mo na ring ipinagpawalang bahala ang sariling kalayaan mo.
Samantalang si Pilosopo Tasyo na dakilang pilosopo ay naghangad na baling araw ang
kanyang mga panulat na nasusulat sa wikang Tagalog ay mabasa ng mga susunod pang salinlahi
upang kahit papaano ay masabi ng henerasyon sa ngayon na hindi pala tuluyang natulog ang
diwang makabansa ng ating mga ninuno. Lubos niyang itinataas ang kalidad ng ating wika
sapagkat ayon sa kanya ay higit itong mabuti kahit na alinmang wika sa daigdig. Nakakalungkot
lamang isipin na ang pagpapahalaga niyang ito ay hindi nararamdaman ng ibang Pilipino
sapagkat masyadong sinasamba ang wikang Kastila ng mga panahon na yaon.
Sa panahon ngayon na mababasa ang aking mga isinusulat, tiyak na hindi ito pahahalagahan at susunugin
pa ito. Ngunit ang susunod na salinlahiy higit na matatalino at kung itoy kanilang mababasa ay sasabihin
nilang hindi pala lahat ay natutulog sa panahon ng kanilang mga ninuno.
- Pilosopo Tasyo kay Ibarra
(Kabanata 25. Sa Tahanan ng Pantas)
Sa kasalukayan, higit na maunlad ang wika natin dahi na din sa mga programang inilahad
ng pamahalaan. Ang pagtuturo ng Mother Tongue bilang isang sabjek sa paaralan ay patunay na
lumalakas ang tinig ng wikang Filipino.


4. PAGMAMALABIS SA KAPANGYARIHAN
Ang pagmamalabis ng pinuno sa kapangyarihan ay nagdudulot ng parusang
pagpapahirap at pasakit sa buong sambayanan. Pansinin ang saknong ng Florante at Laura sa
ibaba,

341.
Mahigit kang aba sa mapagpunuan
ng hangal na puno at masamang asal,
sapagkat ang haring may hangad sa yaman,
ay mariing hampas ng langit sa bayan.






Ang pagiging gahaman ni Konde
Adolfo sa trono ang nagbunsod upang ang
kaharian ng Albanya ay maghirap.
Kailanman ay walang mabuting maidudulot
ang ugaling ito sapagkat ang pagkuha mo ng
hindi sa iyo ay isang mortal na kasalanan. Sa
ngayon maaring nasisisyahan ka pa sa
gawaing ito, subalit unti-unti mo ng maiisip
ang kasamaan ng bagay na ito kapag unti-
unti na rin itong kinukuha sa iyo.

Ganito naman sinabi ni Isagani kay Padre Fernandez ang kanyang mga hinaing sa
pamahalaang Kastila.

Kayo, ngunit ang inyong mga kasamahan- pinapatay nila ang aming sigla at sigasig sa pag-aaral.
Hinahadlangan nila ang aming pagkatuto. Itinuturo nila ay ang karunungang lipas na, kasalungat ng
pagsulong. Ang mga prayle ay tulad ng mga nakatanggap ng subasta ng pamahalaan sa pagpapakain
ng mga bilanggo. Mga pagkaing panis ang kanilang ibinibigay upang huwag lumusog ang mga
bilanggo at maghangad na lumaya sa piitan. Sa gayon nga naman ay patuloy silang kikita.
-Isagani kay Padre Fernandez
Kabanata 27. Ang Prayle at ang Pilipino


Ang mga Kastila, kasama na ang mga korporasyon ng mga prayle, ay hinahadlangan tayo
sa ating pagkatuto at pagbabago tungo sa ating ikakabuti. Ang pagtaas ng ating pamumuhay ay
labis nilang kinakatakutan sapagkat maaari itong magbunsod upang makawala tayo sa kanilang
pang- aalipin. Ang lahat ng makabubuti para sa mga Pilipino noon ay labis nilang hinahadlangan
sapagkat nais lamang nila na sila ang makinabang sa atin.







5. TIWALING KAUGALIAN NG MGA PILIPINO
Ganito ipinakita ni Rizal sa kanyang dalawang nobela ang mga tiwaling kaugalian ng mga
Pilipino.
(Liham ni Donya Victorina kay Linares)
Mahal kong pinsan,
Sa loob ng tatlong araw, kailangang
malaman ko kung kayo ay magtuos ng alperes at
naglaban. Kapag natapos na ang taning na ito at
hindi mo pa siya nakakalaban ay, ipababatid ko
kay kapitan Tiyago na ikaw ay di naging kalihim,
hindi mo nabibiro si Canovas at hindi nakakasama
ni Heneral Martinez sa anumang kasayahan.
Ibubunyag ko rin ang iyong lihim kay Clarita
(Maria) at hindi rin kita bibigyan ng salapi. Lahat
ng magustuhan mo ay ibibigay ko basta kalabanin
mo lamang ang alperes. Ako ay hindi tatanggap ng
anumang paumanhin o dahilan.
Ang pinsan mong nagmamahal sa
iyo ng buong puso,

VICTORINA DE LOS REYES ESPADANA
Sampaloc, Lunes ika-7 ng gabi

Ngunit habang ang mga Indiyo
ay walang sapat na lakas ng loob na
ipahayag ang kanyang mga karapatan sa
pamamagitan ipaglaban ang kanyang
karapatan sa pamamagitan ng
pagpapasakit at ng sariling dugo;
hanggang ikinahihiya niya ang kaniyang
sarili, hindi tumututol sa pamamaslang, sa
mahahalay na gawain, nakikiamot sa
nasasamsam, at labis-labis ang pagiging
makasarili- bakit bibigyan ng paglaya? Sa
piling ng Espana o hiwalay rito, hindi
silamagbabago at marahil ay lalo pang
sasama.Ano ang kailangan ng pagsasarili
kung ang alipin ngayon ay siya namang
maniniil bukas
- Simoun kay Padre Florentino
(Kabanata 39. Ang Katapusan )


Nais iparating ni Rizal sa El Filibusterismo na kung nais talaga nating mga Pilipino na
lumaya sa pagkakaalipin, dapat na handa tayong magsakripisyo ng buhay. Magkaroon muna
dapat tayo ng mataas na pagtingin sa ating mga sarili at sa ating kapwa. Dapat hindi tayo sunod
ng sunod sa bawat naisin ng pamahalaang Kastila, matuto tayo paminsan- minsan na
sumalungat sa kanila. Higit sa lahat, huwag palaging sariling interes ang iniisip, makakabuti kung
titingnan kung ano ang makakabuti sa lahat.
Samantalang ang pagbabanta ni Donya Victorina kay Alfonso Linares ay isa sa masamang
ugali ng mga Pilipino. Ang pagbabanta niyang ito masunod lamang ang kanyang nais ay isang uri
ng panggigipit sa kalayaan ng isang tao. Hanggang ngayon ay taglay pa din natin ang negatibong
kaugalian na ito na kung saan inilalagay natin sa alanganing sitwasyon ang isang tao upang ang
ating kagustuhan ang mangyari. Hanggang ang tao na ito na naframe- up ang siyang
magbabayad ng pagkakasala na hindi naman niya ninais na magawa.




Ganito din ipinahayag ni Balagtas sa saknong sa ibaba ang paglaban niya sa tiwaling
kaugalian ng mga Pilipino,
246.
Kung ang isalubong sa iyong pagdating
ay masayang mukhat may pakitang giliw,
lalong pag-ingatat kaaway na lihim
siyang isaisip na kakabakahin.

Ipinapakahulugan na mag- ingat sa taong nagpapakita ng labis na kabutihan sapagkat
maaaring may iniisip na masamang balak o baka may lihim na inggit ang taong yaon.
6. PAGMAMAHAL NG ANAK SA MAGULANG
Isa sa ugaling atin naman na maipagmamalaki ay ang pagmamahal natin sa ating mga
magulang. Ipinakita ito ni Balagtas sa saknong na,
63.
Alin pa ang hirap na di na sa akin
ulila sa amat sa inang nag- angkin,
walang kaibigat nilimot ng giliw,
may kamatayan pang di ko daramdamin

Nanaisin pa ni Florante na mamatay kaysa maging ulilang lubos sa magulang, mga
kaibigan at sa iniibig. Ang pag- iisa ay katumbas ng habambuhay na pighati at pagdurusa.
Ang magkasintahang Huli at Basilio ay labis- labis din ang pagmamahal sa kani- kanilang
magulang. Makikita ito sa mga pahayag sa ibaba,
(Noli Me Tangere)
Basta, nanay, sunduin nyo na po si Crispin bukas
sa kura at kunin ninyo ang sahod ko. Pakisabing
hindi na kami magiging sakristan. Magpapastol na
lamang ako at magsasaka. Magiging malaya tayo
at madadalas tayong magkakasalo sa pagkain.
Mainam ang ganoong buhay, hindi ba nanay?
- Basilio sa kanyang inang si Sisa
(Kabanata 17. Basilio)



(El Filibusterismo)
Naging malaking suliranin kay Huli at Tandang
Selo ang salaping hinihingi ng tulisan. Si Huli ay
taimtim na nagdasal sa mga imahen at hinihiling
na magmilagro upang dagdagan ang kanyang pera
na dadalawang daang piso. Subalit ito ay hindi
nangyari, kayat ipinagbili ni Huli ang kanyang
mga alahas, maliban sa agnos na ipinagkaloob sa
kanya ni Basilio.
- (Kabanata 4. Kabesang Tales)

Si Basilio at huli ay parehong responsableng anak. Nais nila na sila na lamang ang
magdusa huwag lamang ang kanilang magulang. Ninais ni Basilio namakapamuhay ng


mapayapa kasama ang kanyang ina at kapatid. Nais niya iotng proteksiyunan sa kahit na
kaninuman. Gagawin niya nag lahat mapagaan lamang ang kanilang buhay at maibigay sa
kanyang ina ang kaalwanan ng buhay. Gayundin naman si Huli, gagawin niya ang lahat ng
paraan upang matubos lamang ang buhay ni Kabesang Tales na kinuha ng mga tulisan. Hindi
siya nawawalan ng pag- asa na makakalikom siya ng sapat na perang pantubos sa kanyang ama.
Ultimong magpaalipin at magsakripisyo ay kanyang walang agam- agam na gagawin dahil labis
niyang minamahal at pinapahalagahan ang kanyang pamilya.

7. PAGPAPAHALAGA SA TAONG INIIBIG
Ang pag- ibig ay makapangyarihan
Narito ang dalawang mukha ng pag- ibig na inihatid ni Balagtas at Rizal,
80.
O, pagsintang labis ng kapangyarihan,
sampung mag- aamay iyong nasasaklaw!
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang







Sa bangkay ng aking ina ay nangako akong
paliligayahin kita anuman ang aking maging
kapalaran. Nagpunta ako dito para tuparin ang
pangakong iyon bagamat ikaw ay hindi tumupad
sa ating sumpaan. Palalayain na kita.

- Crisostomo Ibarra kay Maria Clara
(Kabanata 60. Ang Kasal ni Maria Clara)


Ang unang mukha ng pag- ibig ay ang pag- ibig ni Florante kay Laura. Kahit na naglilo sa
kanya si Laura ay siya pa rin ang nasa isip nito ng mga oras na siya ay nagsurusa. Ayon sa
kanyang mga panaghoy, labis na makapangyarihan ang pag-ibig. Sa oras na ito ay maramdaman
ninuman, handa itong ipaglaban hanggang kamatayan. Umiiral ang pagkakapantay- pantay sa
larangan ng pag- ibig.

Ang ikalawang mukha ay ang pag- ibig ni Ibarra kay Maria Clara. Wagas ang pag- ibig ng
binata sa dalaga na nakuha pa nitong mangako sa puntod ng kanyang ina na anot anuman ang
mangyayari ay hindi niya ito iiwan. Kahit na tumalikod si Maria Clara sa kanilang sumpaan at
magpapakasal sa ibang lalaki, ay ito pa rin ang nasa puso ng binata. Handa niyang pakawalan,
handa niyang isakripisyo ang kanyang kaligayahan para lamang mapabuti ang babaeng sinisinta.




SANGGUNIAN
Badayos, Paquito B. 2008. Metodolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ng/sa Filipino mga
teorya, simulain at istratehiya. Ikalawang Edisyon. Malabon City: Mutya Publishing
House, Inc.
Villafuerte, Patrocinio & Bernales, Rolando. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga teorya
at praktika. Valenzuela City: Mutya Publishing Inc.
Salazar, Angel E. 1978. Ang Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal. Quezon City: JMC Press, Inc.
http://tl.wikipedia.org/wiki/Florante_at_Laura

You might also like