You are on page 1of 6

MISS KO NA

ANG DATI

ni Carlo Palmes, may akda ng

Buod ng Prologue ng Exes’ Club

[http://carlopalmes.blogspot.com/]

[http://isnaberongdeterminado.blogspot.com/]
Hay, heto ako ngayon at nagsusulat ng isang
madamdaming tula. Sanay na ako sa ganito. Insomniac na ako,
siguro dahil sa siesta na dulot sa akin ng bakasyon. Hatinggabi
na, at ako na lamang ang tanging gising sa bahay namin.
Pinipilit kong makatulog ngunit sa tuwing ipipikit ko ang aking
mga mata ay bigla na lamang mamamanhid sa lamig ang aking
mga paa. At bigla na lamang nagfa-flashback ang mga nangyari
sa akin noon. Pati 'yung mga alaalang gusto kong kalimutan at
mga alaalang pampasikip lamang ng utak ko biglang nag-e-enter
frame. Ewan ko ba.

Ako si PJ, isang freshman college student. Sinusubukang


maging masipag ngunit laging inuuto ng tukso. Laging
pinahihiya ng tadhana. Laging kinukutya ng mundo. Masayahin
ako, ngunit dahil nawala na ang kaligayahan ko ay hanggang
ngiting plastik na lang ako. Mapaglaro sa akin ang tadhana.

“Ang taong hindi makapag-move on" ang bansag ko sa


sarili ko. Kasi ba nama'y simula noong nawala ang kaligayahan
ko'y hindi na raw ako nakikitang tunay na masaya ng mga
kaibigan ko. Sabi pa nga sa akin noong isa, "Nakapag-move on
na ang lahat, ikaw na lang ang hindi." Pati siguro sa pang-araw-
araw na buhay swak na swak sa akin ang bansag na iyon. Lalo
na kung may napanood akong nakakatawa. Hanggang
commercial gap humahalakhak ako. Ng sobra.
Oo, hindi makapag-move on. Halos magta-tatlong taon na
mula nang maghiwalay kami ni Raven ay hindi pa rin ako
tuluyang nakakawala sa nangyari. Miss ko na ang dati. Hay.
Hanga nga ako sa mga kaibigan kong parang nangungulekta
lang ng nobya, 'yun bang bukas matapos niyong maghiwalay ay
may kapalit ka na. Hindi ako ganoon. Sa ngayon ay hindi ko
nababali ang pagka-stick to one ko. Ngunit mukhang napasobra
yata. Ewan ko ba, parang ang laki kasi ng nawala sa akin mula
nang mangyari iyon. Parang buong buhay ko, nawala sa isang
iglap.

Nitong mga nakaraang araw ay gising ako sa hatinggabi. At


nitong mga nakaraang araw ay pumapasok sa isipan ko si
Raven. Kapag natapos na ang pagsasabi sa sarili ng, "sana kami
na lang talaga habambuhay," o, "sana mahal pa niya ako," saka
pa lamang ako makakatulog ng matiwasay. Hindi ko alam kung
bakit kahit na matindi ang paghanga ko kay Lucy na isang
kaklase ngayong kolehiyo ay si Raven pa rin ang naiisip ko. Ang
masama pa, tuwing ako lamang sa bahay ay naiisip kong dalawa
lang kami ni Raven sa bahay, masayang nag-uusap. Parang
tuwing walang pasok at nagkikita kami sa malayo para hindi
makahalata ang mga magulang. Binabagabag ako ng mga
masasaya naming alaala, at sa tuwing naiisip ko ang mga iyon
ay mas lalo lamang akong naguguluhan.

High school ako noon nang maging kaklase ko siya. Wala


lang iyon noong una, ngunit aaminin kong crush ko na siya first
day of school pa lang. Gusto ko siyang makilala ngunit hindi ko
magawang alisin sa akin ang pagiging torpe ko. Oo, torpe ako--
hanggang ngayon. Hanggang sa makilala ko siya sa
pamamagitan ng isang quiz sa intermediate pad. Nagkataon
kasing siya ang nag-check ng papel ko. Simula noon naiinis ako
kapag may quiz dahil hindi siya ang nakakapag-check ng papel
ko at hindi ako ang nakakapag-check ng papel niya. Mabuti na
lamang at gumagawa ng paraan si Lord.
Naging kabarkada ko ang katabi niya sa upuan. Siya ang
naging dahilan kung bakit nakuha ko ang cellphone number
niya. Isa iyon sa mga itinuturing kong pinakamatapang kong
pagtatangka. Dahil torpe, 'yung seatmate niyang iyon ang
nagsilbi na ring tulay upang magkatuluyan kaming dalawa.
Sobrang saya ko noon. Bilang sukli ay ako naman ang naging
tulay sa pagmamabutihan ng aming tulay at ng kanyang gusto.

Masaya ang mga unang yugto ng aming pag-iibigan. Kung


tutuusin sobrang saya. Wala na akong ibang iniisip noon;
naniniwala kasi akong magiging fulfilled ka sa buhay mo kung
magmamahal ka. 'Di bale nang bumagsak, 'wag lang puso ang
pumisak. Natutuwa ako kasi walang pumipigil sa aming dalawa.
Kahit medyo nangangapa pa ako noon sa buhay-may-nobya ay
sinusubukan kong iparamdam kay Raven na iniibig ko siya ng
tunay. At sa tingin ko naman ay naipaparamdam ko nga iyon.
Na nasusuklian niya naman.

Ako na siguro ang pinakamasayang tao nang maging kami.


Naging maayos ang takbo ng lahat. Tanging kaligayahan ko lang
noon ay ang makarinig ng "I love you" sa araw-araw. Kaya
sobrang saya ko noon.

Ngunit tulad ng mga napapanood sa TV ay mayroon ring


mga hindi magagandang pangyayari na humadlang sa pag-
iibigan naming dalawa. Sa mga programa kasi sa paarala'y lagi
akong ipinapares kay Tuesday, isang kaklase at ex. Hindi ko
naisip na dahil sa napapadalas naming pagsasama ni Tuesday ay
nagseselos na pala ang Raven ko. Mabuti na lang, nagkaayos
kami dahil ipinaalam ko sa kanyang siya lang ang iniibig ko at
lahat ng mga nangyari noon ay hindi na maibabalik.
Magpa-Pasko at Bagong Taon iyon nang kinailangan kong
magbakasyon sa probinsya upang makapiling ang mga kamag-
anak. Malayo ako sa piling ni Raven. Hindi ko alam ang mga
nangyayari sa Maynila. Gabi-gabi akong nababagabag sa
pagtulog, na baka may ibang kinakasama si Raven. Pinapawi
naman niya ang mga agam-agam kong iyon sa pagtawag niya sa
akin bago ako matulog.

Nang malapit na akong umuwi pabalik ay lalong napurnada


ang pagkikita namin dahil sa kinailangan kong magpahinga.
Nagkamali kasi ako ng pagkakabagsak matapos maglaro ng
basketball. Tapos nagkasakit pa ang lolo ko kaya't kinailangan
ko siyang bantayan.

Ilang araw pa ang lumipas ay saka naman pumanaw ang


kababata kong naging kuya ko na rin. Noong mga panahong
iyon ko rin nabalitaang may iba nang kinatatagpo si Raven.
Dahil sa matinding depresyon sa mga kalunus-lunos na
pangyayari, hindi na ako nagsayang ng oras at nakipagkalas ako
sa kanya nang makabalik ako ng Maynila.

Hindi ko man lamang siya pinapaliwanag. Noong una ay


nainis ako sa kanya ngunit sa mga sumunod na araw ay sa sarili
ko naman ako nainis dahil sa paggawa ng desisyong hindi ko
man lamang pinag-isipan. Na patuloy kong pinagsisisihan.

Dumating ang mga panahong may nakilala akong babaeng


sa tingin ko ay mamahalin ko. Ngunit hindi ko tinuloy ang
panliligaw sa kanya hindi dahil sa natotorpe ako kundi dahil
ayaw ko siyang masaktan kasi mahal ko pa si Raven. Tapos may
dumating pang isa, nasobrahan naman yata sa pagiging prangka
at nalaman ko pang umiibig sa akin. Tinanggap ko, ngunit hindi
ko pa rin ipinagpatuloy kahit na matindi ang kanyang panunukso
at matindi ang kagustuhan kong ipakita kay Raven na kaya kong
mamhay nang wala siya. Dahil hindi ko naman siya gusto.

Hanggang sa makagradweyt kami ng high school ay hindi


ko na siya nakakausap. Inaamin kong may pagtingin pa rin ako
sa kanya ngunit hanggang tingin lamang ako. Hindi ko pa rin
maialis sa sarili ang pagkatorpe.

Ngayon, bumabalik na naman ang pagnanais kong


makapiling muli sa Raven. Ngunit hindi ko alam kung ganoon
din ba ang nararamdaman niya o kung ano pa man. Sabi ko
kanina na ang lahat ng mga nangyari ay hindi na maibabalik.
Ngayon, naniniwala akong hindi lahat. Naniniwala akong may
panahon pa. May pag-asa pa. Kung sakali mang mabigo ako rito
ay pasasalamatan ko si Raven dahil sa lahat ng nagawa niya sa
buhay ko. Marami akong natutunan, ngayon gusto ko sanang
gamitin ang lahat ng iyon. Kung naririnig lang niya ang sigaw
ng puso ko. Raven.

Miss ko na ang dati, at ayoko nang mawala iyon kung


bibigyan ako ng isa pang pagkakataon.

--cip
Manila. 30-Oct-2009. 2:13 a.m.

You might also like