You are on page 1of 17

MGA SISTEMANG PANG-

EKONOMIYA
Ang sistemang pang-ekonomiya ay
sumasaklaw sa mga estruktura,
institusyon at mekanismo na batayan sa
pagsasagawa ng mga gawaing
pamproduksyon upang sagutin ang mga
pangunahing katanungang pang-
ekonomiya. Walang perpektong sistema na
angkop sa isang bansa, kaya ito ay
maaaring baguhin ayon sa
pangangailangan ng ekonomiya.
COMMAND NA EKONOMIYA
Ang estado ang
nagpapasiya sa mga
gawaing pang-ekonomiya.
KOMUNISMO
Ang teorya ukol sa komunismo ay unang binalangkas nina Karl
Marx at Friedrich Engels sa mga aklat na Communist
Manifesto at Das Kapital.
Ito ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang estado
ang nagmamay-ari at kumokontrol sa yaman ng bansa at
produksyon.
Ang pagsagot sa mga suliraning pang-ekonomiya ay naaayon sa
planong pangkabuhayan ng pamahalaan na isinasagawa ng
isang central planning board.
Naniwala si Marx na magbubunga ang tunggalian ng uri (class
conflict) ng isang lipunang walang uri (classless society) at
pagbibigay ng kapangyarihan sa mga manggagawa na tinawag
niyang proletariat.
Si Karl Marx ay tinawag na Ama ng Komunismo.
Ang kaisipan ng Komunismo ay lumawak.
Ito ay ipinatupad ni Vladimir Ilich Lenin, na kilala sa pangalan na
Nikolai Lenin sa Russia noong 1917.
Sa Tsina, and Komunismo ay pinalaganap noong 1949 sa pamumuno ni
Mao Zedong o Mao Tse-Tung.
Walang bansa ang nakarating sa full communism. Ang sistemang ito ay
unti-unti nang naglalaho sanhi ng paghahanagad ng mga tao ng
kalayaan sa produksyon.
Ang pagbagsak ng USSR at ang pagtatag ng Russian Federation ay
tinitingnan na palatandaan ng paghina ng Komunismo sa Russia.
Ipinatupad ng mga bansa na kabilang sa Commonwealth of
Independent States (CIS) ang isang sistemang pang-ekonomiya na
lubusang nagbibigay sa kanila ng kalayaan sa pagdedesisyon at
pagpili ng mga produkto na kanilang kailangan sa pamumuhay.
MARKET NA EKONOMIYA
Sa sistemang ito, ang
pagdedesisyon sa pagsagot
sa mga suliraning ano, paano,
at para kanino ang gagawin ay
isinasagawa ng indibidwal at
pribadong sektor.
KAPITALISMO
Ang kapitalismo ang pangunahing sistemang pang-
ekonomiya sa Europa at Estados Unidos mula 1800.
Ito ay ipinanganak nang bumagsak ang dalawang
sistemang pang-ekonomiya na umiral sa Europa, ang
Pyudalismo at Merkantilismo.
Sa kalagitnaan ng ika-17 na siglo ay binigyan pansin ang
ideya ni Adam Smith na isinulat niya sa aklat na An
Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of
Nations ukol sa papel na gagampanan ng pamahalaan
sa pamamahala ng ekonomiya.
Si Adam Smith ay tinawag na Ama ng Makabagong
Ekonomiks.
Ang kapitalismo ay isang sistemang pang
ekonomiya na ang pagmamay-ari ng
yaman at produksiyon ay nasa kamay ng
mga indibidwal at pribadong sektor. Ang
pribadong pagmamay-ari at layuning
tumubo ay laganap sa sistemang ito. Ang
sino mang indibidwal ay may kalayaan na
magnegosyo na di-labag sa batas,
magtakda ng presyo, at lumikha ng
ninanais na produkto.
Sa doktrina ng Laissez Faire ni Adam Smith,
sinasabing ang pamahalaan ay di dapat
makialam sa pagpapaunlad at pagpapatakbo ng
mga indibidwal sa mga industriya at negosyo.
Pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang
pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng
bansa. Isinulat niya na ang hangaring tumubo at
kompetisyon ang nagpapasigla sa ekonomiya. Ito
ang umiral sa sistemang kapitalismo na kilala rin
sa tawag na free enterprise system.
Ang pangunahing motibo ng lahat ng indibidwal na
pumasok sa pagnenegosyo sa sistemang ito ay
tumubo. Binibigyang pansin ang mga produktong
mabili tulad ng consumer goods na tinangkilik
ng tao kaysa sa produktong kailangan ng
industriya o capital goods.
Maraming bansa ang patuloy na tumatangkilik ng
sistemang kapitalismo. Ang ilan sa mga ito ay
Estados Unidos, Hapon, Pilipinas, Alemanya,
Canada, France, Singapore, South Korea,
Greece at Italy.
SOSYALISMO
Isang sistemang pang-ekonomiya na
msasabing pinaghalong ekonomiya dahil sa
pag-iral ng command at market na
ekonomiya.
Ito ay kung saan ang estado ang humahawak
at kumokontrol sa mga pangunahing
industriya at ang mga mamamayan ay
pinapayagan na magmay-ari ng maliit na
negosyo na maaaring pakialaman ng
estado.
Ang pagmamay-ari ng yaman sa kolektibong
paraan ay ginagawa sa sistemang ito. Hangarin
nito ang pagkakapantay ng mga tao sa lipunan.
Ang estado ang nagdedesisyon kung anong
produkto ang makakabuti sa mga mamamayan.
Ang pagkakaroon ng welfare state ay daan
upang ang mga pangangailangan ng lahat ng tao
ay maibigay ng pamahalaan. Ang lahat ng tao ay
binibigyan at tumatanggap ng pare-parehong
benepisyo.
Basehan Komunismo Kapitalismo Sosyolismo
Pagdedesisyo
n sa
produksiyon
Estado Indibidwal Estado/Indibid
wal
Pagmamay-
ari ng yaman
Estado Indibidwal/Pri
bado
Kolektibo
Pakinabang Pagkakapant
ay-pantay ng
tao
Tumubo Pagkakapant
ay-pantay ng
tao
Pagpepresyo
ng produkto
Plano Pamilihan Plano/Pamilih
an
Sistemang
Pang -
ekonomiya
Ano ang
gagawin?
Paano
gagawin?
Para kanino
ang gagawin?
Tradisyonal Ayon sa
kinagawian,
tradisyon, at
gampanin
Naaayon sa
tradisyon at
kinagawian
Nakasentro sa
tradisyon ng
pamilya at mga
tribu
Command Pinagpapasiyah
an ng estado
Ayon sa Estado Ayon sa Estado
Market Pinagpapasyaha
n ng indibidwal
ayon sa
merkado
Ayon sa
indibidwal
Ayon sa
Indibidwal

You might also like