You are on page 1of 5

ESKINITA NG DIYABLO

Ni Alvin Madan
Naghasik ng lagim at nagmistulang impiyerno ang isang kalye sa Caloocan City makaraang
maghatid ng malas ang isang diumano’y kilalang adik at astigin na tinaguriang ‘Diablo’ na
walang pakundangang nanaksak at tumodas sa isang naglalakad at papauwing kelot kahapon.
Bunsod ng pananaksak ay naglulupasay sa kalsada hanggang sa malagutan ng hininga habang
naliligo sa sariling dugo ang biktimang si Jesus Rostia, 38, ng Bukid Area, Tala matapos
undayan ng kaliwa’t kanang saksak sa katawan ng isang alyas ‘Diablo’, nasa hustong gulang at
walang tiyak na tirahan na hinahanting ngayon ng mga elemento ng Caloocan City Police.
Sa ulat ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Caloocan-PNP, alas-
siyete ng umaga nang maganap ang pananaksak sa kahabaan ng Bukid Area malapit sa bahay ng
biktima.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad diumano pauwi ng bahay ang lasing na biktima
nang madaanan ang suspek habang nakatambay na tila sabog sa ipinagbabawal na droga.
Nang magkalapit na ang dalawa ay bigla umanong bumunot ng patalim ang suspek at hinalihaw
ng saksak ang biktima na ‘di nagawang makailag o makapanlaban sa pagkakabigla kaya natadtad
ng saksak at humandusay na lamang.
Natigilan lamang ang suspek sa pagkadyot nang matanaw na dumarami ang tao sa lugar kaya
nagmadali itong kumaripas ng takbo upang pumuga at iniwan ang biktima na agad ding namatay
sa dami ng saksak.
Kaugnay nito, patuloy pa rin inaalam ng mga pulis ang motibo ng suspek upang patayin ang
biktima.
DAYAAN SA 2010 IPINIPINTA NA
Nina Bernard Taguinod at Nonnie Ferriol

Mistulang lumilinaw ang pinangangambahan ng marami na magkakaroon pa rin ng malawakang


dayaan sa 2010 presidential elections dahil 70% lamang sa buong bansa ang mayroong signal ng
mga telecommunication companies kung saan sasandal ang Smartmatic para sa transmission ng
resulta ng halalan.
Sa isang forum kahapon, ibinunyag ni House oversight committee chairman Danilo Suarez na
irerekomenda ng mga ito na 70% lamang ang isailalim sa poll automation dahil 30% sa bansa
ang walang signal ng Globe, Smart at Sun cellular.
Ayon kay Suarez, mismong ang National Telecommunication Commission (NTC) ang
nagkumpirma sa kanila na 30% sa mga lugar sa bansa ang walang signal ng mga telcos.
Dahil dito, irerekomenda umano ng Kamara na 30% sa bansa ang magkakaroon ng manu-
manong sistema ng bilangan dahil hindi umano mapagkakatiwalaan ang rekomendasyon ng
Smartmatic na gagamit ang mga ito ng satellite sa mga lugar na walang signal ang mga telcos sa
pagpapadala ng resulta ng halalan.
“Why don’t we go into more approachable and pragmatic solution which is manual system in
areas that have no signal,” ani Suarez na aminadong ang 30% sa mga lugar sa Pilipinas na
walang telcos signal ay maaaring makapaghalal ng Pangulo ng bansa.
Agad namang nabahala ang ilang kongresista dahil posibleng maganap ang pinangangambahang
dayaan sa halalan sa 30% na lugar sa Pilipinas na walang signal ang mga telcos.
“If that is the case, baka diyan magkakadayaan,” pahayag ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson kaya
dapat umanong paghandaan na lamang ang manu-manong halalan at huwag ipilit ang poll
automation kung hindi naman kakayanin.
Ipinaliwanag ni Joson na hindi nakakapagtataka na nagkakagulo ngayon sa poll automation lalo
na ang kabiguan ng Smartmatic na ideliber ang kanilang mga makina dahil kulang sa oras ang
Commission on Elections (Comelec) sa paghahanda.
“Sinasabi ko noon pa na magkakaroon ng problema sa implementasyon ng poll automation dahil
kulang ng oras. Sana huwag gamitin ang kapalpakan ng Comelec at Smartmatic na dahilan para
sa NoEl (No election),” ani Joson.
Sa panig naman ni AnakMindanao party-list Rep. Mujiv Hataman, sakaling hybrid system o
piling lugar lamang ang gagamitan ng bagong teknolohiya sa pagbibilang ng boto ay ipinakiusap
nito na huwag isama ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa manu-manong
sistema.
Samantala, inakusahan kahapon ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang Comelec na mistulang
kinokontrol ang mga gustong magparehistrong bagong botante dahil sa patuloy na pagkontra sa
kautusan ng Korte Suprema na palawigin hanggang Enero 9, 2010 ang voter’s registration.
“Bakit ba galit na galit ang Comelec na magrehistro ng mga bagong botante? Dahil alam ng
administrasyong Arroyo na hinding-hindi boboto sa kanya at sa tiket niya ang kalakhan ng
publiko?” pahayag ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.
Ito’y matapos sabihin ni Comelec legal chief Ferdinand Rafanan, na hindi na kailangan pa ng
extension ng voter’s registration dahil umabot na at sumobra pa ang komisyon sa target numbers
ng mga rehistradong botante.
Lady judge na sa kaso vs Ampatuan
(Noel Abuel/Juliet de Loza/Bernard Taguinod)

Isang babaeng may paninindigan at walang takot sa paghawak ng kaso ang napiling humawak sa
kasong 25 counts of multiple murder laban kay Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan, Jr. kaugnay
sa Maguindanao massacre.
Ito ay matapos na isagawa kahapon ang muling pag-raffle sa kaso makaraang umatras ang unang
huwes na si Quezon City RTC Branch 84 Judge Luisito Cortez na hawakan ang kaso dahil
umano sa dami ng kasong hawak at kaligtasan ng kanyang pamilya.
Nauna rito, pinulong ni Supreme Court (SC) Chief Justice Reynato Puno ang mga huwes ng
QCRTC matapos ang pag-inhibit ni Cortez.
Nabatid na matapos ang re-raffle ay nakipagkita si P/CSupt. Jefferson Soriano, hepe ng National
Task Force for Investigation of the Maguindanao Massacre, kay Judge Jocelyn Reyes at sinabi
nito na wala siya anumang pangamba sa paghawak ng kaso.
Sinabi pa ni Soriano na tumanggi si Judge Reyes sa alok na bigyan siya ng security ng Philippine
National Police (PNP) subalit nakahanda naman ang pulisya na magbigay ng security kay Reyes
at staff nito sakaling manghingi ito sa kanila sa mga darating na panahon.
Magsasagawa rin ng ocular inspection si Reyes at ibang kinatawan ng QCRTC sa Camp Crame
kung saan isasagawa ang paglilitis kay Ampatuan.
Subalit ikinukunsidera ng PNP ang ibang trial site kabilang ang Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa,
Laguna kung saan isinagawa ang paglilitis kay Moro National Liberation Front leader Nur
Misuari.
Mas mabilis at mas reliable naman umano ang mga babaeng hukom, ayon kay Gabriela party-list
Rep. Luzviminda Ilagan dahil bukod sa mabilis at epektibo matapang din umano ang mga ito
kaya hindi ito magdadalawang isip na hawakan ang kontrobersiyal na kaso.
Pinayuhan naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon si Judge Reyes na huwag manahimik sa
anumang pananakot at pressure na matatanggap nito sa paghawak sa kaso ng mga Ampatuan
kaugnay ng Maguindanao massacre.
OFWs mamartsa sa Mendiola
(Aries Cano)
Kaalinsabay ng paggunita ng ika-9 na taong pagdiriwang ng International Migrants Day ngayon,
daan-daang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang
magmamartsa patungong Mendiola upang iprotesta ang gobyernong Arroyo sa kabiguan nitong
mabigyang proteksyon ang karapatan at kapakanan ng mga migranteng Pilipino at kanilang mga
pamilya.
Lalahok din sa protesta ang mga pamilya ng mga istranded at inabusong OFWs upang hilingin sa
gobyerno na mapauwi ang kanilang mga kaanak bago mag-Pasko.
Sa pagsugod sa Mendiola, bibitbitin ng mga OFWs ang iba’t ibang placards na nakasulat sa iba’t
bang lengguwahe upang ipakita ang pagkakaisa ng mga Pinoy sa ibayong dagat laban sa labor
export program na itinutulak ng gobyernong Arroyo.
Para ipakita ang matinding galit sa gobyerno, babatuhin ng paint bombs ng mga demonstrador na
OFWs ang higanteng larawan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at mga kasapakat nitong
opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Overseas Employment Agency
(POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil sa patuloy na
pagwawalang-bahala sa mga OFWs na sinasabing mga bagong bayani ng henerasyon subalit
walang natatamong proteksyon at benepisyo mula sa gobyerno.

Barako Bull vs Burger King; Rain or Shine kontra SMB


(Ramil Cruz)

STANDINGS
TEAMS W L
Alaska 11 1
San Miguel 10 3
Purefoods 8 5
Ginebra 8 5
Talk ‘N Text 8 5
Sta. Lucia 7 5
Burger King 4 9
Rain or Shine 3 9
Barako Bull 2 10
Coca-Cola 2 11
Mga laro ngayon:
(Big Dome)
5:00 p.m. – Barako Bull vs Burger King
7:30 p.m. – Rain or Shine vs San Miguel
Aasinta ang San Miguel Beer at Burger King ng ika-11 at panlimang panalo kontra sa mga
dehadong karibal ngayon sa 2009-2010 Kentucky Fried Chicken-Philippine Basketball
Association Philippine Cup second round eliminations sa Big Dome sa Quezon City.
Susubukang ulitin ng may 10-3 win-loss slate na SMB na duplikahin ang November 4 93-77 win
sa nasa eight place, may 3-9 na Rain or Shine sa alas-7:30 ng gabi.
Uulitin ng running-seventh, may 4-9 na BK ang 102-86 victory sa Barako Bull Energy Drink
nu’ng Nob. 20 sa alas-singko ng hapong rematch din ng dalawa.
Galing pa ang Beermen sa 87-80 win sa Purefoods Tender Juicy Hotdogs sa nakalipas lang na
Linggo upang makabalik mula sa pagkalagot ng siyam na pananalasa matapos ang 122-116
overtime loss sa lider na Alaska Milk (11-1), kumpara sa Elasto Painters na nasa kambal na taob.
Nasa magkasunod mang talo ang Whoppers, nasa mahabang 8-game losing streak naman ang
Energy Boosters. Huling natisod ang magha-humburger sa Coca-Cola, 106-94, at ang inuming
pampalakas ng enerhiya ay sa Giants, 70-66, noong Disyembre 9.
Kung nag-iiwasang malagak sa ika-10 o kulelat na magbabaklas sa kanilang makaabante sa
susunod na yugto ng torneo ang Barako, Burger at RoS, kalakip sa hangarin ng SanMig na
kapitan ang segundo na tulad sa primera tapos ng 18 laro sa eliminasyon ay awtomatikong
sasampa na agad sa Final Four.
Ang tersero hanggang panlima naman ay sasakay na sa quarterfinals at ang sixth hanggang ninth
placer ay babagtas pa sa mapanganib na wildcard phase.
Lakers muling binuhat ni Kobe
MILWAUKEE (AP) – Sa nalalabing limang segundo sa overtime period, isang pamilyar na
eksena ang tumambad -- hawak ni Kobe Bryant ang bola, humanap ng tiyempo, at kahit may
nakaharang sa kanyang harapan, binitiwan ang bola, swak, ubos ang oras, panalo ang Los
Angeles Lakers, 107-106, kontra Milwaukee Bucks.
Sa overtime ay kinamada ni Bryant ang huling pitong puntos ng Lakers.
Sumablay pa ang tira ni Bryant, ibinagsak ang 27 sa kanyang 39 points sa second half at
overtime, sa buzzer na nagpanalo na sana sa kanila sa regulation.
Naiba ang pulso ni Bryant mula nang mabalian ng daliri, kaya pina-praktis niya ang hawak sa
bola pero naiba ang bitaw sa unang pukol ng potential game-winning shot sa regulation.
Sa ikalawang pagtatangka sa halos pareho ring spot na pinagmintisan niya sa regulation,
inatrasan ni Bryant ang depensa ni Charlie Bell, isinalpak ang jumper at itinaas ang mga kamay
para simulan ang selebrasyon.
“I had a really good look on that first one and wanted to go right back to the same spot and get
the same look,” aniya.
Umayuda ng 26 points at career-high 22 rebounds si Pau Gasol para sa Lakers (20-4), sa
pagsungkit sa pang-13 panalo sa huling 14 na laro ay inakbayan ang Boston sa NBA best record.
Sa 3 ni Michael Redd at 15-footer ni Luke Ridnour ay lumamang ang Milwaukee 106-100 sa
OT. Nagbuslo ng jumper si Bryant na sinundan ng three-point play nang sagasaan si Andrew
Bogut tungo sa 106-105 may 48 seconds pa.
Clutch 3s ni LeBron nagsalba sa Cavs
Bumitaw ng dalawang krusyal na 3-pointer si LeBron James sa fourth quarter para tumapos ng
36 points at giyahan ang Cleveland Cavaliers sa 108-101 panalo laban sa Philadelphia 76ers.
Nagpasok din ng back-to-back shots si Mo Williams sa fourth na nagbigay sa Cavaliers ng lead
na hindi na nila binitawan at umayuda ng 12 points.
Si Allen Iverson, tinanggalan ng fluid sa kaliwang tuhod bago ang game, ay nag-ambag ng 16
kasama si Thaddeus Young na pang-ayuda sa 26 points ni Andre Iguodala para sa Sixers.
“We Want A.I.!” sigaw ng crowd habang nakaupo sa bench si Iverson at umaatake ang Sixers sa
fourth. Lumayo ang Philadelphia, 94-90, sa 3-pointer ni Iguodala 5:50 pa, pero dalawang
magkasunod na tres ang ibinaon ni James para itabla ang iskor, 96-96, bago pinasahan si
Williams na rumesponde ng long jumper tungo sa 98-96 Cavs lead.
Sablay ang 3 ni Iguodala bago humaginit ulit ang 3-pointer ni Williams, 101-96.

You might also like