You are on page 1of 3

Jinkee Pacquiao on Krista Ranillo: "Magiging masaya ba

siya kung makasira siya ng isang pamilya?"

Jinky Pacquaio Krista Ranillo


"Madami pa siyang makikilalang iba na single, di ba? Bakit kailangan pang sa isang may asawa?
Si Manny may mga anak, masaya ang family namin, mahirap yung nasisira yung family... Dapat
tulungan na lang na buo ang family, maging masaya sila para sa amin," says Jinkee Pacquiao
about Krista Ranillo, who is being linked to her husband, Manny Pacquiao.
Pagkatapos itanggi ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang nababalitang relasyon
diumano nila ng sexy actress na si Krista Ranillo at paghingi ng paumanhin sa pamilya nito, tila
iba naman ang mensaheng nais iparating ng misis ng boksingero na si Jinkee Pacquiao.
Nauna nang sinabi ni Manny na "matalik na magkaibigan" lamang sila ni Krista. Nagbigay na
rin ng mga pahayag ang pamilya at manager ng sexy actress at sinabing walang katotohanan ang
mga isyung naglalabasan tungkol kina Manny at Krista.
Pero sa exclusive interview ni Jiggy Manicad ng GMA News kay Jinkee, hindi man direktang
sinagot ni Jinkee ang isyu kina Manny at Krista, isang makahulugang mensahe naman ang
ipinarating niya sa sexy actress.
"Bata pa siya. Madami pa siyang gustong gawin sa buhay niya. May future pa siya. So, isipin
niya kung magiging masaya ba siya kung makiki-join siya sa isang tao na may family. Magiging
masaya ba siya kung makasira siya ng isang pamilya?

"Madami pa siyang makikilalang iba na single, di ba? Bakit kailangan pang sa isang may asawa?
Si Manny may mga anak, masaya ang family namin, mahirap yung nasisira yung family... Dapat
tulungan na lang na buo ang family, maging masaya sila para sa amin," kalmadong pahayag ni
Jinkee.
Pero hindi inilihim ni Jinkee na labis siyang nasasaktan sa mga lumalabas na balita tungkol sa
kanyang mister at sa sexy actress.
"Nasasaktan ako na yung pinag-uusapan yung aming pamilya, di ba? Kasi dapat hindi pinag-
uusapan ang aming private life, kasi may mga anak ako," paliwanag niya.
Sa naunang panayam sa kanya ni Mo Twister sa Showbiz Central noong Linggo, November 22,
ay inamin ni Jinkee na ang kasalukuyang isyu na ito ang pinakamalaking pagsubok sa pagsasama
nila ni Manny.
Pero hindi raw basta-basta susuko si Jinkee dahil handa siyang protektahan at ipaglaban ang
kanyang pamilya.
"Ipaglalaban ko hangga't kaya ko," sabi ng maybahay ni Manny. "Mahirap 'yong magtayo ng
isang pamilya na binuo namin, tapos basta-basta mawawala. Tapos sa isang intriga lang or sa
isang pagsubok lang, bibitaw ka. Nung mula umpisa hanggang sa ngayon na ten years kaming
nagsama [ni Manny], mahirap na balewalain ang lahat."
Tinanong din si Jinkee kung gaano niya kamahal si Manny at ang kanilang mga anak?
"Siyempre buong buhay ko, parang nasa kanilang lahat," sagot niya. "Hindi ako perfect wife,
hindi ako perfect mother, pero ginagampanan ko yung tungkulin ko bilang asawa. Kaya ako
nandito, kaya ako nabubuhay para sa mga anak ko, para sa asawa ko."
Inamin ni Jinkee na mahirap ang maging misis ng isang Manny Pacquiao—na kinikilala sa
buong mundo bilang isa kundi man pinakamagaling na boksingero ngayon—dahil para raw nasa
ilalim ng magnifying glass ang kanilang buhay.
"Mahirap din na masaya... Yung private life, parang open sa mga tao. Pero ito yung ibinigay ng
Diyos na role namin dito. Kailangan naming tanggapin." Pero nasasanay na rin daw siya sa
atensiyong ibinibigay sa kanilang publiko.
Pagdating naman sa boxing career ni Manny, sinabi ni Jinkee na ang mister pa rin niya ang
masusunod dito. Pero kung siya raw ang tatanungin ay mas gusto na niyang tumigil si Manny sa
pagboboksing. "Naaawa ako sa kanya, natatakot ako kasi buhay yung nakataya diyan, e," sabi ni
Jinkee.
Pero mukhang matatagalan pa ang pagreretiro ni Manny dahil marami ang humihiling na labanan
niya ang American boxer na si Floyd Mayweather, Jr. Si Mayweather ang dating may hawak ng
titulong pound-for-pound king, na hawak na ngayon ni Manny. Kung magkakasundo ang
dalawang kampo ay malamang na maganap ang laban nila sa susunod na taon.
Pagdating naman sa apat nilang mga anak ni Manny, ito ang asam ni Jinkee: "Sana maging
successful sila in the future, kung anuman ang gusto nilang gawin. Maging God-fearing sila,
maging masunurin, ganun."
Kung aalukin naman daw siya ng TV show, mas gusto ni Jinkee ang may kinalaman sa
pagpapaganda. Naging beauty consultant daw kasi noon si Jinkee, na ngayon ay endorser na ng
Belo Medical Group.
Sa huli, nagbigay ng mensahe si Jinkee para sa kanyang asawa.
"Manny, nandito lang ako palagi sa likod mo no matter what," sambit niya.

Source: Erwin Santiago - Pep.ph

You might also like