You are on page 1of 2

NEW YEAR BIG BANG NG MAYON!

Ni NOEL ABUEL

Kung hindi magbabago ng ‘mood’ ang bulkang Mayon sa


ipinapakita nitong mga aktibidad sa nakalipas na 24-oras, posib-
leng mangyari ang pinangangambahang ‘big bang’ nito
dalawang linggo mula ngayon o eksakto sa unang araw ng
Bagong Taon.

Kahapon ay itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology


and Seismology (Phivolcs) sa alert level 4 ang babala sa
naturang bulkan matapos na magpakita ng pagtaas ng aktibidad.

Ayon kay July Sabit, resident volcanologist ng Phivolcs,


nakapagtala ang mga ito ng malalakas na paglindol sa Santa
Misericordia village sa bayan ng Santo Domingo.

Sa pinakahuling monitoring ng Phivolcs, nakapagtala ng 463


paglindol sa loob lamang ng 12-oras na senyales na posible
anumang araw ay tuluyan nang sumabog ang bulkan.

Kasabay nito ay posible ring palawigin ng Phivolcs mula sa 8


km patungong 10 km ang danger zone na itinakda ng ahensya.

“Alert Level 4 means a ‘hazardous eruption’ is imminent.


Persistent tremors and many low frequency earthquakes, and a sustained increase or abrupt decrease in sulfur dioxide
emission levels,” ayon sa Phivolcs.

Nabatid sa pinakahuling monitoring ng Phivolcs, nakapagtala na ng pinakamataas na sulfur dioxide emission ang
bulkan na umabot sa 7,034 tonelada sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, ito na ang pinakamataas na bilang ng ibinugang SO2 ng naturang bulkan simula ng muli itong
magpakita ng abnormalidad.

“A total of two hundred twenty two (222) volcanic quakes and tremors was recorded by the seismic network. One (1)
of these events was an explosion type earthquake that produced a dirty white to grayish ash column that reached a
maximum height of about 500m above the summit before drifting southwest.

Harmonic tremors were continuously recorded by the seismic instruments,” ayon pa sa bulletin ng Phivolcs.

Nabatid na patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang asupreng ibinubuga nito pati na rin ang mga tremors, pag-intensify
ng crater glow sa gabi ay mga indikasyon na sasabog na ang naturang bulkan.

Nasa apat na kilometro na rin ang inaabot ng lava flow mula sa bunganga na dumadaan sa Bonga Gully.

Ito ang dahilan ng mga pagdaloy rin ng secondary pyroclastic materials at biglaang pagkakaroon ng ash puff na
lubhang nakakaapekto sa mga bayan ng C

Pacquiao-Mayweather sa MGM Grand na

Sa MGM Grand Arena sa Las Vegas gaganapin ang megabout nina pound-for-pound king Manny Pacquiao at Floyd
Mayweather Jr. sa March 13.

“It’s the MGM. It’s definite,” ayon sa source, iniulat


ng website na Fanhouse.com.

Ang MGM ay mas pinili keysa sa Dallas Cowboys’


Stadium, na ang may-ari na si Jerry Jones, ay nag-
alok pa ng $25 million para maging host ng nasabing
super fight.

May paniniwala ang Top Rank Promotions at Golden


Boy Promotions na maaari pang malampasan ng offer
ng MGM ang alok ni Jones.

Ang pagkakapili sa MGM Grand, na ang deal


specifications ay hindi pa malinaw, ay dahil sa
pagiging pamilyar nina Pacquiao at Mayweather sa
Las Vegas at ang mga tagumpay nila rito.

Nakaplano na ang news conferences sa Enero 6, kasunod ang sa Los Angeles sa Enero 8.

Kapwa may kasunduan na sa prinsipyo sina Pacquiao (50-3-2, 38 knockouts) at Mayweather (40-0, 25 KOs) kahit hindi
pa pirmado ang kontrata na nagsasaad ng 50-50 deal, timbang na 147-pound limit, eight-ounce gloves, at ang Olympic-
style random drug test na hiniling ng kampo ni Mayweather.

1M dagdag na botante, walang balota

(Jun Tadios/Juliet de Loza)

Isang milyong first-time voters ang inaasahan


ng Commission on Elections (Comelec) na
dadagsa sa limang araw na special ‘registration’
sa buong bansa simula ngayong Lunes
hanggang Miyerkules (Disyembre 21, 22, 23) at
sa Disyembre 28 at 29.

Gayunpaman, tila wala ring silbi ang


pagpaparehistro dahil wala ring kasiguruhang
makaboto matapos na ibunyag ng komisyon na
hindi na sila magpapaimprenta sa National
Printing Office (NPO) ng dagdag na balota para
sa kanila.

Aminado si Comelec spokesman James Jimenez


na dagdag-pasanin sa kanilang masikip na
schedule ang utos ng Korte Suprema, subalit
wala umano silang karapatan para suwayin ito lalo pa’t hindi naman napagbigyan ang kanilang apela.

Ibig sabihin, mananalangin na lamang umano ang Comelec na hindi magamit lahat ang iiimprentang balota (base sa
rekord 80% voters turnout) na para may magamit ang tinatayang isang milyong pahabol na botante.

Kaugnay ng kauna-unahang poll automation sa bansa, sinabi ni Gus Lagman, isang IT (information technology) expert,
ang walang gatol na nagsabing 80% hindi matutuloy ang automated elections sa Mayo 2010 bunga na rin ng kabiguan
ng Smartmatic na mai-deliver sa takdang oras ang mga counting machines.
“Kailangan ang 80,000 makina at isi-set pa nila iyon. Kailangan mai-set nila ang 8,000 makina kada araw,” kung nais
umanong makahabol sa schedule ng Comelec, ani Lagman sa pulong balitaan kahapon sa Dapitan.

183 OFWs na sabit sa droga, kulong sa China

(Armida Rico)

Inanunsyo kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na aabot sa 183 Pinoy workers na kinabibilangan ng mga
kababaihan ang kasalukuyang nakakulong ngayon sa China dahil sa kasong illegal drug trafficking.

Base sa inilabas na ulat ng Philippine ambassador sa China na si Sonia Cataumbre Brady, aabot sa 48 Pinoy ang
kabilang sa nasentensyahan ng parusang kamatayan matapos na mahuli ng Chinese authorities sa pagbebenta ng ipi-
nagbabawal na gamot sa naturang bansa.

Karamihan sa mga naarestong Pinoy workers ay nagsilbing “drug courier” ng isang sindikatong nagbibigay ng libreng
air ticket at pocket money sa mga Pinoy na papayag na magsilbing “drug dealer” ng mga narcotic drugs sa ilang bansa
sa Asya tulad ng Thailand, Malaysia, Macau, Nepal, Laos at Vietnam.

2,000 pasahero stranded sa loob ng tunnel


(Armida Rico/AFP)

Umaabot sa 2,000 mga pasahero ang na-stranded matapos na mag-shutdown ang tunnel sa English Channel sa London.

Lumalabas sa report na apat na trains ng Eurostar ang na-trap sa tunnel dahil sa umano’y masamang panahon.

Ang ibang pasahero umano ay inilikas, habang ang iba ay nanatili ng isang gabi sa loob ng tunnel.

Inihayag ni John Keefe ng Eurotunnel, na kakaiba umano ang nangyaring insidente dahil sa sabay-sabay na nag-
shutdown ang apat na tren dahil sa masamang panahon.

Nabatid na ang mga tren ay mula umano sa Brussels, Belgium at Paris, France.

Ayon naman sa operator ng tunnel, ang napakalamig na panahon ang naging dahilan ng pagkasira ng linya ng kuryente.

ACES SILAT SA TIGERS


(Vladi Eduarte)

May maagang pamasko ang Coca-Cola.

Naglaro na parang walang bukas ang Tigers kagabi para pulutanin ang league-leading
Alaska Aces, sa pamamagitan ng 105-92 paninilat sa unang laro sa Araneta Coliseum.

Matapos tuldukan ang eight-game losing skid via 106-94 victory laban sa Burger
King noong Linggo sa Big Dome din, sa unang pagkakataon ngayong 2009-10 KFC-
PBA Philippine Cup ay nakatikim din ng back-to-back wins ang hukbo ni coach Bo
Perasol.

Dahil sa nabingwit na malaking isda, nakaiwas sa maagang pagkakasibak ang Tigers


dahil sa pagsagpang sa pangatlong W sa kabuuang 14 na laro at biglang nasa pang-
siyam na puwesto na, iniwan sa ilalim ang Barako Bull (2-11).

Ang 10th placer pagkatapos ng double-round classification phase ay maagang


magbabakasyon, ang nasa 6th-9th spots ay sasabak sa wildcard para samahan ang 3rd-
4th sa quarterfinals.

Natuldukan ang five-game winning run at natikman ang pangalawang talo lang,
nanatili pa ring nasa tuktok ng standings ang Aces sa 11-2 win-loss card. Ang nasa 1st
Naghahanap ng mapapasahan at 2nd spots pagkatapos ng classification phase ay agad aabante sa semis.
si Mac Macapagal ng Coca-
Cola Tigers nang
Binomba ni Mark Macapagal ang 11 sa kanyang 10 points sa first quarter kaya
pagtulungang depensahan nina
maagang nakapagpundar ng 29-16 lead ang Tigers pagkatapos ng unang 12-minuto,
Sonny Thoss, Tony dela Cruz
na pinalawig pa sa 55-34 sa break.
at LA Tenorio ng Alaska Aces
sa tagpong ito sa PBA
Bahagyang nakapaglunsad ng atake ang Alaska sa final period pero kinapos na sa
Philippine Cup sa Big Dome
oras.
kahapon. (John Paulino)
Nagsumite ng double-double si Asi Taulava (18 points, 12 rebounds) na may six assists pa, at may 18 markers, nine
boards si Dennis Espino para sa Tigers, nakakuha ng 49-puntos na kontribusyon mula sa reserves kumpara sa 32 lang
ng Aces.

You might also like