Professional Documents
Culture Documents
Ni Juliet de Loza
Napariwara sa kamay ng Hapones na kinakasama ng kanyang kapatid ang isang dalagita na simula pa noong pitong
taong gulang ay ginagahasa na kapag nakakakuha ng pagkakataon ang
dayuhan sa tuwing isinasama ang biktima sa paglilibot sa iba’t ibang
bansa ng magka-live in.
Hindi na natiis ng 13-anyos na biktima ang pang-aabuso sa kanyang
katawan ng ‘hilaw na bayaw’ pinakahuli umano noong nakaraang linggo,
araw ng Miyerkules (Disyembre 15) kung kaya’t isinumbong na ito sa
kanyang ina.
Ipinaaresto at nakakulong na ngayon sa Integrated Jail ng Manila Police
District ang Hapones na kinilalang si Tokio Koichi, 57-anyos.
Sa kanyang salaysay, sinabi ng hindi na pinangalanang biktima na taong
2003 o pitong taong gulang pa lamang siya nang simulang halayin ng
Hapones.
Nangyari umano ang mga pang-aabuso sa kanya sa Thailand, Japan at
Hong Kong kapag nakakakuha ng pagkakataon ang suspek.
Huli umanong nangyari ang panghahalay sa dalagita sa isang hotel noong
Disyembre 15 matapos siyang painumin ng suspek ng gamot para sa sakit
ng ulo.
Makalipas ang ilang minuto pagkatapos inumin ang gamot, nakaramdam
na umano ng pagkahilo ang biktima at sinamantala naman iyon ng suspek
para gahasain ulit siya.
Pilit umano siyang hinuhubaran ng damit ng suspek at kahit nanlalaban ay walang nagawa kundi magpaubaya na
lamang.
Napilitan umano siyang magsumbong sa kanyang ina nang umuwi sila sa kanilang bahay sa Bulacan dahilan para
ipaaresto ang suspek na pansamantalang tumutuloy sa isang hotel.