You are on page 1of 2

2 DALAGITA DINAGIT SA SIMBANG GABI

Ni Tina Mendoza
Pinag-iingat ng Manila Police District (MPD) ang mga menor de edad, partikular na ang mga nagsi-simbang gabi na
maging matalino at huwag agad sasama sa mga hindi kilala na
sa una ay kakaibiganin sila ngunit masama pala ang tunay na
pakay.
Ibinabala ito ng pulisya kasunod ng pagkakaaresto sa isang
American national na inireklamo ng dalawang dalagita na
minolestiya umano ng suspek kahapon ng madaling-araw sa
Sta. Mesa, Maynila.
Kinilala ng Women and Children’s Concern Division ng MPD
ang suspek na kinasuhan ng child abuse na si Glen Odom, 48,
may-asawa, call center manager ng ICTG na matatagpuan sa
PBCOM Building, 9th floor Ayala Avenue corner Dela Costa
St., Makati at residente ng No. 41 Melon St., Valle Verde
Subdivision, Pasig City.
Nabuko umano ang modus operandi ng suspek nang maaresto
ito dahil sa paglabag sa batas trapiko.
Batay sa report, dakong alas-3:45 ng madaling-araw habang
nagpapatrulya sina PO3 Lyndon Casavay at PO1 Raul de Claro
ay napansin nila ang kulay itim na Nissan X-Trail na may
plakang ZMY 692 na humaharurot sa bilis at lumabag sa traffic
light sa Claro M. Recto Avenue, malapit sa kanto ng Legarda
St., patungong Magsaysay Boulevard sa Sta. Mesa.
Nagduda ang dalawang pulis kaya’t sinundan nila ang
sasakyan. Pero sa kabila ng umano ng kanilang pagbubusina sa
naturang sasakyan at paggamit ng sirena ay hindi ito pansin ng driver hanggang sa makorner nila ang Corda St.,
malapit sa kanto ng Cortiver St. sa San Juan City.
Nang walang maipakitang lisensiya ang suspek ay inaresto ito subalit habang iniinspeksyon ang kanyang sasakyan ay
tumambad sa mga pulis ang dalawang dalagita na edad 13 at 14-anyos.
Sa salaysay ng dalawang dalagita, pinilit umano silang pinasakay ng suspek sa sasakyan nito sa Batangas St. sa
Blumentritt, Maynila.
Habang nasa loob ng sasakyan, pinakitaan umano sila ng ari ng suspek at pilit silang pinaghuhubad. Nang tumanggi
ang mga biktima sa pinagagawa sa kanila ay pinaharurot ng suspek ang kanyang sasakyan at sa kabila ng
pagsusumamo ng mga biktima na ibaba sila ay hindi pumayag si Odom.
Sa presinto, inamin ng mga magulang ng dalawang dalagita na nagpaalam ang kanilang mga anak para mag-simbang
gabi.
Sa interogasyon, itinanggi ng suspek na minolestiya niya ang dalawang dalagita. Aniya, gusto lamang niyang tulungan
ang mga ito na makauwi sa kanilang bahay sa San Juan dahil wala umanong pamasahe at pinakiusapan siya matapos
lapitan ng dalawang dalagita.
Itinanggi din ng suspek na tumatakas siya sa mga awtoridad. Aniya, hindi niya alam na siya ang hinahabol ng mga
pulis dahil wala naman siyang alam na ginawang masama kaya’t hindi siya huminto.
“I did not notice the traffic light and also the police car. I thought they are chasing someone not me,” paliwanag ng
suspek.
Pinayuhan naman ni MPD director Chief Supt. Rodolfo Magtibay ang mga magulang na kung maaari ay samahan ang
kanilang mga anak sa simbang gabi upang makasiguro na ligtas na makakauwi ang mga ito sa kanilang bahay.

LP bantay-sarado na sa susunod na surveys


(BTaguinod/BJadulco)

Ngayon pa lamang bantay-sarado na ng Liberal Party (LP) ang susunod na presidential survey dahil sa takot na
maagaw sa kanilang manok na si Sen.
Benigno “Noynoy” Aquino ang pangunguna
habang papalapit ang eleksyon.
Sa panayam ng TONITE kay LP spokesman
Rep. Erin Tañada, sinabi nitong
napakakrusyal ng mga susunod na survey
pagpasok ng Enero dahil dito malalaman kung
sino sa mga presidentiables ang malaki ang
pag-asang magmana ng trono ni Pangulong
Gloria Macapagal-Arroyo.
“Krusyal ang January survey. Doon natin
malalaman kung sino ang may pag-asang
makaakyat sa Malacañang,” ani Tañada.
Ayon sa kongresista, bagama’t nangunguna pa
rin si Aquino sa Pulse Asia survey at maging sa Makati Business Club (MBC), makakahinga lamang sila nang
maluwag kapag ito pa rin ang nanguna sa mga surveys sa Enero.
“We are hoping na si Noynoy pa rin ang mangunguna. Kapag nangyari ‘yan, we can say that we had a big chance
talaga,” paliwanag ni Tañada.
Isa namang LP stalwart na ayaw magpabanggit ng pangalan ang umamin na bagama’t nangunguna pa rin si Aquino sa
mga survey, hindi nila naiwasang mangamba sa pagbaba ng puntos nito kumpara sa mga survey na ginawa pagkatapos
nitong magdeklara ng pagtakbo sa panguluhan.
Sa latest SWS survey na may 2,100 respondents, nakakuha lamang si Noynoy ng 46% kumpara sa dati nitong 47%.
Bagama’t nangunguna pa rin si Aquino, kung ikukumpara sa November 4-8 survey ng SWS, bumagsak ito ng isang
puntos dahil nakakuha ito noon ng 47 percent.
Pareho namang umangat ang mga mahigpit nitong katunggali na sina Sen. Manny Villar ng Nacionalista Party (NP) at
dating Pangulong Joseph Estrada na may 20 percent at 12 percent lamang nitong nakaraang buwan, ayon sa
pagkakasunod habang si administration candidate Gilbert Teodoro ay nakakuha naman ng 5 percent mula sa dating 3
percent noong Nobyembre.
“Masamang pangitain ito para sa aming partido (LP) at kay Noynoy mismo. Habang papalapit ang eleksyon, lalo
namang bumababa ang kanyang rating sa mga survey. Paano na lang kung tomodo na sa kampanya at advertisements
ang kanyang mga kalaban?” ayon pa sa source.

Ulo gugulong sa Ampatuan arsenal Ni Rose Miranda


Nagbanta kahapon ang Malacañang na may mga ulong gugulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at
Department of National Defense (DND) dahil sa
government firearms at ammunitions na nadiskubreng
nasa pag-aari ng pamilya Ampatuan.
Sinabi ni Presidential Spokesman on Economic Affairs
Gary Olivar na ipatutupad ni Pangulong Arroyo ang
“heads will roll policy” sa isinasagawang internal
investigation ng DND sa nasabing bagay at titiyakin na
may mga military officials na mananagot sa oras na
mapatunayang naging tulay ang mga ito sa pagkakaloob
ng government firearms at ammunitions sa mga
Ampatuan sa Maguindanao.
“The President has never implemented any other policy
other than “heads will roll” if it deserves to roll and
especially for this particular crime involved. So you
know, this has always been a policy and this will definitely be a policy especially in this particular investigation,” ani
Olivar.
Kaugnay nito, sinabi naman ni AFP chief Gen. Victor Ibrado na isang board of inquiry na ang binuo ng AFP para
tumutok sa posibleng pagbebenta ng armas at bala pati na warheads gayundin ng mga police at military trucks na pag-
aari ng gobyerno sa Ampatuan clan.
“Nagbuo na kami ng board of inquiry sa general headquarters level para tingnang maigi ang mga resulta ng mga
isinagawang imbestigasyon. Ito ay para malaman natin kung kanino naisyu ang mga baril pati na mga bala na
narekober. Gusto rin nating magkaroon ng kalinawan kung paano ang mga ito napunta sa kamay ng mga Ampatuan,”
ani AFP chief Gen. Victor Ibrado.
Halimbawa aniya ay kung paano napunta sa mga Ampatuan ang 57mm recoilless riffle samantalang ang serial number
nito ay nakaisyu sa 901st Brigade na nasa Bicol.
“Nandiyan (ang recoilless riffle) sa opisina ko ngayon. Ewan ko kung paano nila nakuha ‘yung serial number,” ang
pagtataka ni Ibrado.
Dahil dito, malaki ang hinala ni Ibrado na ang mga nasamsam na mga baril mula sa mga Ampatuan ay “tampered”.
“Meron ding M-16, GPMG machinegun, tapos nu’ng pina-check namin ‘yung serial number sa inventory, the serial
number belongs to an M-16 rifle which is in the possession of one soldier,” ani Ibrado.
“Kung sakaling ang hawak ng sundalo ang tampered ay malaking problema niya ‘yan. He has to explain bakit tampered
yung hawak n’yang baril tapos original ‘yung narekober sa Maguindanao,” dagdag ni Ibrado.
Samantala, nanawagan si senatorial bet Atty. Gwendolyn Pimentel na pakantahin ang tinaguriang ‘child assassin’ ng
mga Ampatuan.
nasa kostudya ng pulisya ang isang batang Muslim na Kasalukuyang sinanay diumano ng mga Ampatuan sa mahabang
panahon upang pumatay ng mga kalaban sa pulitika.
Ayon kay Pimentel, anak ni senate minority leader Aquilino “Nene” Pimentel Jr., kailangang mabigyan ng katarungan
ang mga pamilya at biktima ng self-confessed hit man ng mga Ampatuans.
“I believe that our law enforcement and justice authorities should conduct a deeper investigation into the string of
murders allegedly committed by this man and find out the truth behind his claim that he only carried out the orders of
the Ampatuans,” ani Pimentel. (With Rey Marfil)
Mayon binalot ng ashfall
(AFP)

Nagbuga nang nagbuga ng makakapal na ashfall ang Mayon


Volcano kahapon dahilan para lalong mabahala ang mga
awtoridad sa napipintong major eruption ng pinaka-aktibong
bulkan at mangamba sa kaligtasan ng mga naninirahan sa
lalawigan ng Albay sanhi ng abo na maaaring magdulot ng
panganib sa kalusugan.
Mahigit 45,000 evacuees ang nagsisiksikan ngayon sa mga
evacuation center at doon na sasalubungin ang Kapaskuhan
matapos silang ilikas dahil sa napipintong pagsabog ng
Mayon.
Kahapon ay nagbuga ng makapal na ashfall ang bulkan kung
kaya’t maraming mga naninirahan sa lalawigan ang
makikitang nakasuot ng face mask para hindi makalanghap
ng abo na delikado sa kalusugan.
May mga residente nang nagrereklamo dahil sa pananakit ng
kanilang mga mata sanhi ng ashfall na kumakapit din sa
balat ng tao.
“It’s not very thick, just a few millimetres of ash, but that is the most dangerous part because it is very fine ash,” ayon
kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum.
Nagbabala ang mga health officials na posibleng magkaroon ng respiratory problems o skin disease mula sa ashfall at
maaaring maapektuhan nito ang mga evacuees.
Nananatiling nasa alert level 4 ang Mayon Volcano na ibig sabihin ay posibleng magkaroon ng major eruption
anumang araw.
Dahil sa pagtaas ng alert level, inilikas ng mga awtoridad ang mahigit 9,440 pamilya o 45,336-katao, mula sa 8-
kilometer danger zone.
Ngunit sinabi ni Albay Gov. Joey Salceda na mayroon pang tinatayang 500-katao na nasa loob pa ng danger zone
dahil atubili ang ibang magsasaka na iwanan ang kanilang lugar.
Ayon kay Salceda, ginagawa na nila lahat ng paraan upang mailikas ang mga naroroon pa sa mapanganib na lugar
bagama’t atubili rin sila na gumamit ng puwersa para mapilit ang mga ito na magsilikas na.
Sa huling pagsabog ng Mayon volcano noong 2006, nagbuga ito ng lava at mga abo sa loob ng dalawang buwan.
Walang namatay sa pagsabog ngunit makalipas ang tatlong buwan, isang malakas na bagyo ang humagupit sa
lalawigan at rumagasa ang mga volcanic ash at debris na naipon sa dalisdis ng Bulkang Mayon.
Mahigit 1,000-katao ang namatay sa pagragasa ng volcanic ash at debris mula sa Mayon Volcano.

Namigay ang mga sundalong nakasuot ng Santa Claus hats ng mga laruan sa mga batang
pansamantalang nanunuluyan ngayon sa evacuation centers dahil sa nakaambang pagsabog ng Mayon
volcano sa lalawigan ng Albay. (AP)

You might also like