You are on page 1of 2

Cristine Reyes to Dennis Trillo: "Sana naman minsan makuha mong ipagtanggol ako kahit wala na tayo.

"

"Kilala ko kasi si Dennis, e. Mas pinipili niya na tahimik na lang palagi.


Ayaw niya ng issues. Ngayon kasi, maawa ka naman, nada-drag yung
name ko na mukhang naghahabol sa iyo palagi. Hindi ko alam kung
bakit kahit minsan hindi mo man lang ako ipinagtanggol. Di ba, nag-
usap na nga tayo? Nagkita nga tayo one time. Tapos para clear na,
maging okay na tayo, maging friends. Eto na naman, may issue na
naman, tapos nananahimik ka na naman. So, lumalabas na naman na
ano, binubulabog ko kung sino man yung nililigawan mo ngayon," says
Cristine Reyes about ex-boyfriend Dennis Trillo, who is
Nauna nang naisulat dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang
pag-amin ni Cristine Reyes na totoong nagpadala siya ng hate message
sa text against kay Heart Evangelista. Ito ay kaugnay ng pagkaka-link
ni Heart sa ex-boyfriend ni Cristine na si Dennis Trillo. At matapos
paliwanagan ng ilang kaibigang press ay nalinawan din si Cristine na
wala namang intensiyong mang-away ni Heart. Lumalabas na may
nananadya lang manira sa kanilang dalawa.
THE BREAKUP. Last Sunday, December 20, sa live guesting ni
Cristine sa The Buzz para sa promo ng 2009 Metro Manila Film Festival entry niya with Vic Sotto na Ang Darling
Kong Aswang, muling nagsalita si Cristine tungkol sa isyung ito sa panayam sa kanya ng host na si Kris Aquino.
"Wala na. Hindi na po kami," kaagad na sagot ni Cristine sa unang tanong ni Kris kung sila pa rin ba ni Dennis
hanggang ngayon.
Ayon kay Cristine, June of this year lang daw sila tuluyang nag-break ni Dennis. Pero May pa lang daw ay
nagkakalabuan na sila. Itinago raw nila ang kanilang relasyon dahil na rin sa utos ng ilang tao.
"Kasi siyempre, yun po ang utos nila, e, huwag akong umamin. Hindi lang naman sa side niya, pati rin sa side ko. Kasi
siyempre, pareho kaming merong career. So, parang hindi siya makakatulong sa career namin kung sasabihin namin na
magkarelasyon kami," paliwanag niya.
Tuluyan daw silang naghiwalay dahil sa maraming isyu sa pagitan nilang dalawa. Mahirap daw i-handle ang isang
relasyon kung maraming bagay na pumipigil. Sa kanilang halos dalawang taon na relasyon, masasabi ni Cristine na si
Dennis ang kanyang first serious love. Naging maligaya naman daw siya sa piling ng Kapuso heartthrob.
JEALOUSY. Nagsimula raw gumulo ang relasyon ng dalawa dahil sa pagseselos ni Dennis sa mga leading men ni
Cristine sa mga soap nitong ginawa sa ABS-CBN, gaya ni Jericho Rosales sa Kahit Isang Saglit, Jason Abalos sa Eva
Fonda, at Joross Gamboa sa Eva Fonda rin at Your Song.
Ayon kay Cristine, nagseselos daw si Dennis lalo na sa mga matitinding kissing scenes niya sa nabanggit na mga aktor
na pawang nagsisimula sa letter J ang pangalan. Tanging si Jake Cuenca lang, na nakasama ni Cristine sa Precious
Hearts Romances Presents Bud Brothers at ngayon sa My Cheating Heart, ang hindi pinagselosan ni Dennis dahil
magkaibigan daw ang dalawa.
Sino naman sa mga babaeng na-link kay Dennis ang pinagselosan niya?
"Siyempre si ano, si Carlene [Aguilar, kung kanino may anak si Dennis]," tugon ni Cristine. "Kasi siyempre
pinupuntahan niya lagi yun sa bahay palagi para dalawin yung baby nila, e. Si Carlene talaga yung pinakapinagselosan
ko, sobra."
Pero kaagad bumawi si Cristine sa pagsasabing magkaibigan na sila ni Carlene ngayon.
"Pero friends na kami ni Carlene ha. Magka-BBM [Blackberry Message] pa nga kami, e," banggit niya.
Happy rin daw siya para kay Carlene, lalo na't meron na itong ibang boyfriend ngayon.
"Oo. Masaya ako sobra, happy ako for her. Minsan nag-status ako. Nag-BBM siya sa akin, like kunwari lalabas ako,
sasabihin niya, 'Oy, sino ang date mo?' Ganun."
THE HATE MESSAGE. Sumunod naman nilang pinag-usapan ang tungkol sa kontrobersiyal na hate message sa text
na ipinadala ni Cristine kay Rufa Mae Quinto at finorward naman ng huli kay Heart.
Pero bago pa pala ang hate message na ito ay inamin din ni Cristine na nagseselos siya at nagiging uncomfortable
kapag napapanood niya si Dennis at Heart na magkasama tuwing Linggo sa musical-variety show ng GMA-7 na SOP.
"Kasi siyempre, lagi siyang nasa variety show pag Linggo dun sa kabila. Tapos live sila, lagi silang nagkaka-spiels,"
sabi ni Cristine.
Nakakapanood daw siya ng SOP dahil wala siyang pasok pag Linggo. Gusto nga rin niya kasing i-monitor si Dennis.
"Kasi wala po akong work every Sunday. Tapos bilang nandito na ako sa Kapamilya na, hindi ko na alam kung anong
nangyayari doon [GMA-7]. Napapanood ko lang sila sa TV. So, yun, nung time na yun, siyempre girlfriend niya ako.
Siyempre nagseselos ako pag merong mga babaeng dumidikit sa kanya, akbay nang akbay, nagpapa-sweet, ganun.
Nagseselos ako. Siya [Heart] lang naman sa lahat ng host ang ganun kay Dennis that time," pag-amin ni Cristine.
Tanong ni Kris, "Hindi mo ba inisip na binabawian ka nga dahil at that time may soap ka with Jericho?"

You might also like