You are on page 1of 1

KAKAMBAL PINAPASKO NG KAMATAYAN

Ni Romeo Braceros
Mistulang nawalan ng saysay ang katagang pagmamahal ang dapat manaig sa araw ng Pasko nang walang awang
pagsasaksakin hanggang sa paslangin ng isang kelot ang kakambal nito
sa Pañalum River, Barangay Pañalum, Paquibato District, Davao City.
Sa ulat ng Paquibato Police Station, kinilala ang biktima na si Ricky
Arcejo habang ang walang awang suspek na pumaslang sa mismong
kakambal ay nakilalang si Garry Arejo, kapwa nasa hustong gulang.
Nabatid na alas-kuwatro ng hapon nitong Disyembre 21 nang mangyari
ang malagim na trahedya sa pagitan ng magkakambal sa mismong
bahay ng pamilya.
Una umanong nag-away ang magkakambal sa hindi pa mabatid na
dahilan na humantong sa mainitang pagtatalo.
Para makaiwas sa mas matinding gulo ay tinangka umanong umalis ng
biktima, subalit naging makulit ang suspek at binuntutan ang kakambal
hanggang sa taniman ng sunud-sunod na saksak.
Dahil sa dami ng tama ng saksak na tinamo ay napuruhan ang biktima
at agad na binawian ng buhay.
Matapos ang pananaksak ay agad na tumakas ang suspek subalit
makalipas ang ilang sandali at malamang ay dahil sa sundot ng
konsensiya ay kusang-loob itong sumuko sa mga awtoridad at
panagutan ang ginawang krimen.
Sa kasalukuyan ay inihahanda na ng pulisya ang kasong kiminal laban
sa suspek na nakapiit sa detention cell ng Paquibato Police.

CONVICTION O PARDON?
Ni Dindo Matining
Ito ang pagdududa at katanungan ng mga kongresista kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos na kanyang
ipahayag na gusto nitong magkaroon ng conviction sa
Maguindanao massacre bago magtapos ang kanyang termino sa
June 2010.
“Baka pardon, hindi conviction,” pahayag ni Nueva Ecija
Rep. Edno Joson bilang reaksyon sa pahayag ni Pangulong
Arroyo kahapon.
Ayon kay Joson, hindi dapat mag-isyu ng ganitong uri ng
pahayag si Pangulong Arroyo dahil parang pre-judgment na ito
sa kahihinatnan ng kaso ng mga Ampatuan.
“Pre-judgment ‘yong ganoong statement. Hindi dapat. Let the
law take its course without fear or favor. It depends on the
trust rating of GMA in the surveys,” saad pa nito.
May duda rin si Anakpawis party-list Rep. Joel Maglunsod na
iimpluwensiyahan ng Malacañang ang proseso ng kaso kaya
malamang, aniya, na absuwelto ang mga Ampatuan dahil sa
mahinang kasong isinampa laban sa kanila.
At malamang din, aniya pa, na damay na rin sa pag-absuwelto ang kasong murder na kinakaharap ni Datu Unsay
Mayor Andal Ampatuan Jr., ang itinuturong nanguna sa Maguindanao massacre.
“May duda ako na absuwelto sa kaso ang mga Ampatuan dahil rebelyon lang ang kaso nila, mahina. Ganoon din sa
murder case ni Ampatuan Jr. Tutulungan nila ‘yan,” dagdag pa ni Maglunsod.
Samantala, sinisilip ng pamahalaan ang ilang military at police detachment upang pansamantalang maging detention
center ng mga Ampatuans na isinasangkot sa Maguindanao massacre.
Ibinunyag ni Executive Secretary Eduardo Ermita na isa sa mga military facilities na ikinukunsidera ay ang Fort Sto.
Domingo sa Sta. Rosa, Laguna na siyang naging detention center nina dating Pangulong Joseph Estrada, Senador
Jinggoy Estrada at dating ARMM Governor Nur Misuari.
Maliban dito, sinabi ni Ermita na ikinukonsidera rin ang Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at ang tanggapan ng second
division sa Tanay, Rizal.
Ayon sa kalihim, isa sa mga ikokonsidera sa pagpili ng detention center ay ang seguridad ng apektadong komunidad at
mga akusado at ang pagtanggap dito ng sangkot na local government.
Kaugnay pa ito, hinahanap pa rin ng mga sundalo ang lokasyon ng pinagbaunan ng umano’y mahigit pang 2,000 na
iba’t ibang klase ng malalakas na armas ng mga Ampatuan.
Ayon kay Lt. Col. Benedict Arevalo, commander ng 29th Infantry Battalion, ginagalugad na ng mga sundalo ang mga
tinukoy na lugar sa Barangay Salman sa bayan ng Ampatuan kung saan posibleng ibinaon ang mga baril na ginamit sa
masaker kasama na ang iba pang armas ng mga Ampatuan.
“Ginagalugad na ang mga sites kung saan nakabaon umano ang mga baril,” ani Arevalo.
Sinabi rin ni Arevalo na ikinasa na nila ang pagpasok sa mga lugar na pinagtataguan ng mga Civilian Volunteer
Organizations (CVOs) na umaktong private army ng mga Ampatuan.
“Una, papasukin natin ng mahinahon ang mga CVOs ni Ampatuan na maaaring sumapi na sa Moro Islamic Liberation
Front,” ani Arevalo. (With RMiranda/JB Salarzon)

Miriam ginaya si Angelina Jolie

(Rey Marfil)

Isang araw makaraang ibunyag ang death threat na natatanggap, mistulang ‘Angelina Jolie’ sa
pelikulang ‘Mr. and Mrs. Smith’ si Sen. Miriam Defensor-Santiago matapos mag-armas upang
protektahan ang sarili sa mga kalaban.
Sa panayam ng dzXL radio, kinumpirma ni Santiago ang pag-aarmas at mismong asawang si
Presidential adviser Narciso “Jun” Santiago Jr., ang bumili ng baril ng senadora bilang
Christmas gift.
Isang “HK” hand gun o Heckler and Koch model ng calibre .45 ang iniregalo ni Mr. Santiago
sa lady solon matapos makatanggap ng dalawang magkahiwalay na death threats ang
mambabatas.
“Binigyan ako ng asawa ko ng mas mabigat na baril. It’s an HK,” ani Santiago sa radio interview patungkol sa regalo
ng kanyang mister.
Noong nakaraang Lunes, ibinunyag ni Santiago na isang gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang
mastermind at nasa likod ng mga pananakot na kanyang natitikman maging sa disqualification case na kinakaharap sa
Commission on Elections (Comelec).
Isang tawag sa telepono ang natanggap ni Santiago sa kanyang bahay sa Quezon City nakaraang Disyembre 21 kung
saan pinag-iingat ito at sinundan ng isa pang tawag-pagbabanta na nasagot ng kanyang staff.
kinakaharap, Ang death threat at disqualification case na kanyang
ayon kay Santiago, ay bahagi ng ‘dirty works’ ng PR group na inarkila ng hindi pinangalanang notorious cabinet
member ni Mrs. Arroyo bilang resbak sa kanyang mga ginagawang pagbubunyag sa mga kabulastugan at katiwalian ng
opisyal.

You might also like