You are on page 1of 1

 

Claudine Barretto cuts her ties with ABS-CBN, moves to GMA-7

By Noel Orsal & Erwin Santiago

After staying with ABS-CBN for 17 years, actress


Claudine Barretto signed an exclusive two-year contract
with GMA-7 today, November 25.

Isa nang Kapuso ang aktres na si Claudine Barretto!

 Matagal na ang usap-usapan tungkol sa paglipat


diumano ni Claudine sa GMA-7, pero ngayon lang ito
nagkaroon ng katotohanan nang pumirma ng two-year
contract ang aktres sa Kapuso network. Naganap ang
contract-signing kaninang hapon, November 25, sa GMA
Network Center.

 Kasamang dumating ni Claudine sa tanggapan ng GMA-


7 ang kanyang mga magulang. Present naman sa contract
signing ang top executives ng Kapuso network na sina
Atty. Felipe Gozon (CEO and President), Mr. Jimmy
Duavit (COO and Vice President), Anette Gozon
Abrogar (GMA Films President), at Wilma Galvante
(SVP for Entertainment TV).

 Ayon kay Claudine, naging mabilis daw ang pangyayari


kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA-7.

 Kuwento niya, "Everything was really, really fast, itong pangyayaring 'to. Hindi kami talaga prepared. Like yesterday,
sinabi, 'Okay, we'll sign na today.'"

 Ano naman ang pakiramdam niya na isa na siyang Kapuso?

 "Parang naninibago, pero I think nangunguna sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement. At the same
time, excited talaga ako dahil magaganda yung mga nakahilerang projects for me," sabi ni Claudine.

 Masaya rin daw si Claudine dahil magkakaroon na siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mister na si
Raymart Santiago, na napapanood sa Darna.

 Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para sa GMA News, hindi naging mahaba ang negosasyon para sa paglipat ni Claudine
sa Kapuso network. Nagsimula raw ang lahat sa paggawa ng pelikula ng aktres sa Viva Films.

 "Claudine has a movie with Viva, and then they offered us [GMA Films] to co-produce it. So, sabi namin, 'Wow,
dream come true to have a movie with Claudine!' We never thought that we could do a movie with Claudine," lahad ng
GMA Films president na si Ms. Anette.

 Ang pagiging Kapuso ang ikalawang pinakamalaking hakbang na ginawa ni Claudine sa career niya ngayong taon.
Una ay ang pagpirma niya ng two-picture contract sa Viva Films noong October 8. 

GOODBYE ABS-CBN. Marami ang nagulat sa desisyong ito ni Claudine dahil 17 years ang inilagi niya sa ABS-
CBN. Sa katunayan, isa si Claudine sa itinuturing na pinakasikat at pinakamalaking female stars ng Kapamilya
network.

 Noong nakaraang concert ng Star Magic sa Araneta Coliseum noong November 13 ay nandun pa Claudine. Sila ni
Piolo Pascual ang naging finale ng show.

 Pero may bulung-bulungan din na matagal-tagal na raw hindi maayos ang relasyon ni Claudine sa ABS-CBN,
partikular na sa talent arm nitong Star Magic. Noong nakaraang taon pa ang huling teleserye na ginawa ni Claudine sa
ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, at mukhang nainip na ang aktres sa susunod niyang proyekto. Bagamat nagkaroon
siya ng special guest appearance sa May Bukas Pa ngayong taon.

 Nagsimula ang showbiz career ni Claudine bilang teen star noong 1992 sa pamamagitan ng youth-oriented TV show
ng ABS-CBN na Ang TV at sa sitcom na Home Along Da Riles. Bagama't ang mga una niyang pelikula ay mula sa
Seiko Films, naging exclusive contract star siya ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

 Ilan sa mga pelikulang nagawa niya sa Star Cinema ay ang mga sumusunod: Home Along Da Riles The Movie Part 1
(1993), May Minamahal (1994), Oki Doki Doc The Movie (1995), Radio Romance (1996), Pare Ko (1996), Mangarap
Ka (1996), Madrasta (1996), Calvento Files (1997), Flames The Movie (1997), Dahil Mahal Na Mahal Kita (1998),
Mula Sa Puso The Movie (1999), Anak (2000), Got 2 Believe (2002), Kailangan Kita (2002), Milan (2004), Nasaan Ka
Man (2005), at Dubai (2005).

 Ang huling pelikulang ginawa ni Claudine ay ang Sukob noong 2006, kung saan nakasama niya si Kris Aquino.

 Pero higit na kinilala si Claudine sa pagganap niya sa mga ginawa niyang teleserye sa ABS-CBN. Ang ilan sa mga ito
ay ang mga sumusunod: Mula Sa Puso (1997), Saan Ka Man Naroroon (1999), Sa Dulo ng Walang Hanggan (2001),
Marina (2004), Ikaw ang Lahat Sa Akin (2005), Walang Kapalit (2007), Maligno (2008), at ang pinakahuli ay ang Iisa
Pa Lamang noong nakaraang taon.

 Sa paglipat ni Claudine sa GMA-7, hindi na matutuloy ang planong pagsasama nila sa teleserye ng kapatid niyang si
Gretchen Barretto sa ABS-CBN.

You might also like