You are on page 1of 2

24 PA HINAHANAP SA CAVITE SEA MISHAP

Ulat ng AP at AFP Wires


Sinuyod search-and-rescue teams ang karagatan ng Manila Bay sa 
kahapon ng mga pagbabaka-sakaling matagpuan ang 24 pang katao
na nawawala matapos magsalpukan sa gitna ng laot ang passenger
ferry na MV Catalyn B at bangkang pangisda na FV Anatalia sa
coastal town ng Maragondon, Cavite noong Huwebes ng madaling-
araw.
Tatlo-katao na ang ini-report na nasawi sa insidente ngunit
ipinahayag ni Philippine Coast Guard (PCG) Admiral Wilfredo
Tamayo na hindi sila nawawalan ng pag-asa na may makukuha
pang survivor.
Kinumpirma rin ni Tamayo na 33 pasahero ang nakaligtas. Sa
tatlong nasawi, kinilala ang isa sa pangalang Beverly Cabinillo, 24,
habang ang dalawa pa ay kinikilala pa lamang.
Samantala, ligtas naman lahat ng 22 crew ng FV Anatalia at hindi
rin lumubog ang naturang bangkang pangisda, ayon kay Melvin
Viola ng PCG Operation Center.
Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng pagbabanggaan ng
dalawang sasakyang pandagat bagama’t wala namang “weather
disturbance” sa lugar na pinangyarihan ng trahedya na nangyari
kung kailan ipinagdiriwang ng sambayanang Filipino ang
Kapaskuhan.
Kabilang si Henry Tria sa may 30 kamag-anak ng mga sakay ng
MV Catalyn B, na nagtungo sa tanggapan ng PCG. Dalawa ang kanyang kamag-anak na sakay ng nasabing barko,
kabilang ang dalawang pamangkin -- isang binatilyo at isang 7-anyos na babae.
“Ang sabi ko sa kanila sumakay ng mas malaking barko pero soldout na ang mga tiket kaya nagpasya silang sumakay
ng ferry dahil gusto na nilang makauwi ngayong Pasko,” ayon kay Tria.
Ayon kay PCG commander Luis Tuazon Jr., karamihan sa mga pasahero ay natutulog nang magsalpukan ang ferry at
bangkang pangisda kaya’t marami ang hindi na nakakuha ng kanilang life jackets.
Matatandaan na Disyembre 1987 nang lumubog din ang MV Doña Paz matapos makabanggaan ang isang fuel tanker.
Mahigit 4,341 katao ang nasawi sa nasabing trahedya sa gitna ng karagatan na itinuturing na “world’s worst peacetime
maritime disaster”. (With Juliet de Loza)

Naghihintay ng balita sa tanggapan ng Philippine Coast Guard headquarters ang


mga kamag-anak ng mga nawawala pa sa nangyaring trahedya sa karagatan ng
Cavite noong bisperas ng Pasko. (AP)

MASSACRE VICTIMS PINAAASA NI GLORIA


Ni Dindo Matining

Pinapaasa lamang umano ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pamilya ng mga biktima ng Maguindanao
massacre na seryosong mahahatulan ang mga suspek sa likod na naturang kalunus-lunos na krimen.
Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, isang pagpapakitang-tao lamang ang ginagawa ni
Pangulong Arroyo subalit ang katotohanan ay maaaring maabsuwelto pa ang mga suspek sa Maguindanao
massacre.
“Pakitang-tao and pogi points lang iyan ng Pangulong Arroyo,” pahayag ni Colmenares kahapon.
Sa pagsasampa umano ng kasong rebelyon laban sa pamilya Ampatuan, mga pangunahing suspek sa Maguindanao
massacre, isa na itong halimbawa ng pag-absuwelto sa kanila sa nasabing krimen.
“Doon pa lamang, lusot na ang mga Ampatuan dahil talaga namang napakahina ng kaso,” anang kongresista.
Kitang-kita rin umano ang ginawang paglaro ng gobyerno sa kasong isinampa sa mga Ampatuan tulad na lamang
nang hindi pagsagawa ng paraffin test sa mga bodyguards at mga civilian volunteers ng mga ito.
“I doubt it, at the rate the government is bungling the case. They haven’t for example, even conducted at least
paraffin test man lang sa mga bodyguards at CVO ni Ampatuan when they investigated them,” paliwanag pa ng
solon.
Hindi umano dapat paniwalaan ang mga pahayag ni Pangulong Arroyo dahil bigo din ito na mabigyan ng hustisya
ang mga nauna ng mga kaso ng extra-judicial killings kung saan ang mga hinihinalang suspek ay mga miyembro ng
militar.
“It doesn’t erase the fact that she failed to prosecute the rogue soldiers involved in the extra judicial killings in the
past. Hindi siya dapat paniwalaan,” anito.
Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Arroyo kay Defense Secretary Norberto Gonzales at Armed Forces chief of
staff Gen. Victor Ibrado na bigyan ng promosyon at medalya ang mga sundalong gumanap sa implementasyon ng
kanyang martial law.
Ang utos ng Pangulo ay inihayag nito sa piubliko noong Huwebes sa Camp Aguinaldo nang dumalo sa ika-74
anibersaryo ng AFP.
Sinabi ni Ibrado na kasalukuyan nang tinatasa ng promotion board ng AFP kung sinu-sino sa mga sundalo ang
tatanggap ng promosyon at medalya. (With JB Salarzon)

Iyan ang Pinoy

Muling pinatotohanan ng pinakahuling survey ang pagkamatatag ng sambayanang Filipino sa


kabila ng malawakang kahirapan. Ito ay base sa resulta ng survey ng Social Weather Station kung saan
sa bawat tatlo sa limang Pinoy o katumbas ng 64% ng buong populasyon ng bansa ang umasang
magiging masaya ang kanilang Pasko.
Ang naging katanungan sa survey ay ‘masasabi ba ninyo na ang Pasko ninyo ngayong taon ay
magiging masaya, malungkot, hindi masaya at hindi rin malungkot?’ Pinakamababang bilang ng mga
Pinoy o katumbas ng 50% ang nagsabing masaya ngayong Pasko ay mula sa Metro Manila habang 62%
sa Luzon, 68% sa Visayas at 71% sa Mindanao. Bagama’t hindi malaking porsiyento ang lumabas na
masaya sa Pasko, pinatunayan pa rin ng resulta ng survey ang tunay na puso ng bawat Filipino at ito ay
ang pagbibigay konsiderasyon sa bawat sitwasyon o pagpapanatili ng kasiyahan anumang problema
ang dumating sa buhay na isa sa napakahalagang aspeto para manatiling matatag ang bawat isa.
Kumbaga, kahit anong pagsubok ang humagupit sa ating bansa, naroon pa rin ang ating pag-asang
magiging masaya ang Pasko o anumang okasyon. Sana ay mapanatili nating mga Filipino ang ganitong
pananaw sa buhay upang kahit anupamang pagsubok ang dumating ay mananaig ang kasiyahan sa
ating mga puso at manaig ang pagmamahalan sa bawat isa.

Makakabangon din tayo


Avelino Razon
Pasko na namang muli at ang lahat ay nagdiriwang. Panahon na naman upang isantabi ang ating mga problema
dahil ang araw na ito ay kapanganakan ng Dakilang Mananakop na si Hesus. Mula Maynila hanggang saan mang
sulok ng Pilipinas, karamihan sa ating mga kababayan ang pipiliting malimutan, kahit saglit lamang, ang alaala ng
mga pagsubok na ating hinarap sa taong 2009. Tayo ay magsasaya muna gaya ng nakagawian sa tuwing sasapit
ang Pasko.
At habang tayo’y nagdiriwang, sana’y lalo pang tumibay ang ating paniniwalang may pag-asa pa. Gaano man
katindi ang mga kalamidad at kaguluhang naganap sa ating bansa, may magandang bukas pang darating. May pag-
asa pa, dahil laging nariyan ang Diyos, ang dahilan kung bakit mayroon tayong PASKO.
Sa tulong ng DIYOS, malalapagsan natin ang mga pagsubok na nararanasan sa taong malapit ng magtapos.
Bumagsak man ang pandaigdigang ekonomiya, hinagupit man tayo ng mga bagyong Ondoy at Pepeng, nagkaroon
man ng Maguindanao massacre, saglit mang napasailalim sa martial law ang nasabing probinsya, nagbabadya
mang pumutok ang Bulkang Mayon, sinalakay man ng rebeldeng NPA ang police station sa San Narciso, Quezon
kamakailan lamang... MAKAKABANGON PA RIN TAYONG MGA PILIPINO. Magpapatuloy tayo basta’t
laging nasa ating puso ang pag-asang dulot ng Kapaskuhan.
Isipin din natin na ang diwa ng Pasko ay may kinalaman sa pagkakaroon ng makahulugang PAGBABAGO sa
ating bayan. Alalahanin natin na si Hesu Kristo mismo ay simbolo ng makabuluhang PAGBABAGO sa
sandaigdigan. Iniba Niya ang sistemang umiiral noon sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga konsepto ng
PAGMAMAHAL at KAPAYAPAAN. Minahal Niya ang lahat... mayaman man o mahirap, mabuti man o
masama. Ipinakita din Niya ang kahalagahan ng KAPAYAPAAN sa harap ng walang-saysay na karahasan.
Kaya’t lagi nating isapuso ang mga konsepto na pinalaganap ng Dakilang Mananakop. Ang mga ito ang
magpapatibay ng pag-asang may magandang pagbabagong darating. Huwag tayong bibitiw sa pangarap na
matamo ang kapayapaang magbibigay daan sa kaunlarang inaasam nating lahat. Bagama’t pansamantala ang
TIGIL PUTUKAN na pinaiiral ngayon sa mga lugar na may insureksyon, patuloy tayong umasa na itutuloy at
magtatagumpay ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP/NPA/NDF.
Ang hinihiling lang ng marami sa atin ay ang paggalang ng dalawang panig sa ipinapatupad ng Christmas truce sa
mga naturang lugar. Ang pagsalakay ng mga rebeldeng NPA noong Disyembre 20 sa police station ng San
Narciso, Quezon ay hindi na dapat maulit. Dapat ding pag-ibayuhin ng pulisya at militar ang kanilang pagbabantay
hindi lamang sa kani-kanilang mga kampo at istasyon, kundi sa buong komunidad alang-alang sa kaligtasan ng
kanilang mga nasasakupan.
Kapayapaan rin ang ating inaasam para sa ilang bahagi ng Mindanao kung saan nagkukuta ang mga secessionist
groups tulad ng MILF/MNLF/Abu Sayyaf Group. At wala na rin sanang pangalawang Maguindanao massacre na
may kinalaman sa away pulitika ng dalawang maimpluwensyang angkan.
Marami pang ibang bagay tayong inaasam para sa ating bayan. Nariyan ang pag-angat ng ekonomiya, ang pagsupil
ng krimen sa malalaking siyudad tulad ng Maynila at ang pagkakaroon ng epektibo at matuwid na pamamalakad
ng pamahalaan. Naniniwala akong matutupad din ang pangarap na ito kung tayo ay patuloy na aasa at magkakaisa.
Iyan ang tunay at makabuluhang pagbabago na angkop na angkop sa diwa ng Pasko.

You might also like