You are on page 1of 1

PAGPUPURI SA PANGINOON SA BUONG BUHAY

Awit 34:1-9
Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon: Ang pagpuri sa Kaniya ay laging sasa aking bibig.
Ang aking kaluluwa ay magmamapuri sa Panginoon; maririnig ng maamo at masasayahan.
Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon, at tayoy mangagbunyi na magkakasama ng Kaniyang
pangalan.
Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, at iniligtas niya ako sa lagat ng aking mga
katakutan.
Silay nagsitingin sa Kaniya, at nangaliwanagan: at ang kanilang mukha ay hindi malilito kalian man.
Itong abang taoy dumaing, at dininig siya ng Panginoon. At iniligtas siya sa lahat niyang mga
kabagabagan.
Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangangatakot sa kaniya, at
ipinagsasanggalang sila.
Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti: mapalad ang tao na
nanganganlong sa kaniya.
Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya: sapagkat walang kakulangan sa kanila na
nangatatakot sa kaniya.

You might also like