You are on page 1of 2

TITLE: KAPAG AKO NAPIKON SA YO, BAHALA KA SA BUHAY MO (KANSBKB)

Introduction
Bakit ba ang taong kinaiinisan mo ang mas naiisip mo kaysa sa crush mo?
Chapter I
Sa wakas college na ko. Feeling ko kasi pag college cool lang eh. Yeah, aint it fun?! Napakalawak talaga
ng lugar na to tapos magkakamukha ang mga buildings, siyempre ito ang main campus ng Weinstein
University, ang pinakasikat na university sa Southeast Asia. Kanina pa ko paikot-ikot. Parang nasa St.
Petersburg nga lang ako, eh. Oh, eto na yata yung gym na hinahanap ko. May parking lot sa basement.
Grabe, ganito na ba talaga pag college na? May kanya-kanyang sasakyan at kung manamit parang aattend ng international convention sa Cape Town. May mangilan-ngilan lang namang may sariling driver
at butler. Naaalala ko tuloy yung scene sa company ni Papa nung huling punta ko sa Moscow, bata
palang naman ako noon.
Haist! Ang dami-dami ko nang naiisip. College is Fun, Fun, Fun, Jane! Pilit kong isinusuksok sa kaibuturan
ng utak ko kasi naman, sa totoo lang, mata-tae na ko sa kaba. Wala akong kakilala tapos nakapangliliit
ng sarili yang mga nakikita ko ngayon. Oo, geek ako, pero yun lang yon! Eh geek naman lahat ang
nandidito eh, di nga lang halata. Ginawa kong school days ang weekends ko for the past 2 years para
mapaghandaang mabuti ang WUCET. Sobrang wish granted talaga to dahil dito nag-aral ang pito sa mga
naging presidente ng bansa, limang Nobel Peace Prize awardees, at lahat na yata ng nasa Forbes
Billionaire List dito rin nag-aral! Siyempre, dahil dito rin nag-aral at nagkakilala ang mga magulang ko.
Sayang nga lang, divorced na sila at may kanya-kanya nang pamilya, kaya ako na si Ms. Independent.
Pero tanggap ko rin naman, matagal na. Sa tanda kong to, naiintindihan ko na silang pareho. Wala
naman silang pinakitang pagkukulang sa kin eh. Ramdam na ramdam ko pa rin ang unconditional love
nila sa kin.
Ayy petchay! Gulat na gulat na sambit ko ng may kumatok sa windshield ko at nagsisigaw, Maam,
maam okay lang po ba kayo?! Kanina pa pala ako nakatingin sa kawalan. Tinignan ko yung side mirror,
naku po! sabay tampal sa noo ko at dali-daling umabante na para mag-park. Natraffic tuloy dahil sa
katangahan ko. Naman oh!
Pumunta na ko sa may entrance at pinakita ang ticket ko kung saan nakalagay ang section, row at seat
number ko. After nang security check sa mga gamit ko, agad na kong pumasok sa gym at. . .at. . .at.
Napanganga na lang ako sa nakikita ko. School Gym ba to o ang Madison Square Garden?! Ngayon ko
lang din na-realize na hindi lang pala freshmen ang nandirito ngayon, kundi lahat-lahat ng estudyante sa
lahat ng campuses ng WU sa buong bansa. Naka-hang yung mga banners sa tapat ng section ng seats,
parang sa Harry Potter nga ang dating. Pagtingin ko sa taas ko, nakatapat ang banner ng Department of
Health Sciences. Napapaluha na ko sa nakikita ko. Pinaghirapan kong abutin ang pangarap kong to.
Thank you so much Papa God. Miss, miss, miss may kumakaway na kamay sa harap ng mukha ko at
pinitik ang noo ko ng malakas. Aray! Bastos ka! hinawakan ko ang noo kong may bukol na yata at
sinamaan ko siya ng tingin. Miss, respeto naman, invocation na oh tinignan ko rin ang paligid at lahat

pala ng tao ay nakatayo na at taimtim, habang ako nakaupo pa. Buti na lang lights off, ang init na ng
mukha ko, Aish!, huwag niya sana akong mamukhaan. Bago pa matapos ang invocation, naglakad na siya
papuntang entablado. Shocks! Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ko na lang ang nganga ko ng dalawa
kong kamay. . . .Mr. Kian Ezekiel Huntington Guevarra, Student Council President.

You might also like