You are on page 1of 4

Dagupan city national high school

Department of education
Region I
S.Y.2009-2010

Babasahing
pambahay
bilang
pang-apat
Isinagawa ni: John Mark F.
Salayug

Ginawa Para Kay: Ms. Zenaida


Navarro
IV-dependability-7

Pamagat ng kwento: ibong adarna


(Ang Makapangyarihang Ibon ng Piedras Platas)
May akda ng kwento: manuel conde,vecente salombites
Saan naganap ang kwento:
Mga tauhan sa kwento;

Ibong Adarna - Ang makapangyarihang ibon ng punong Piedras Platas na


naninirahan sa Bundok Tabor

Don ''Juan' - Isa sa mga Prinsipe ng Kahariang Berbanya, bunsong anak ni Haring
Fernando

Donya Maria - Ang Prinsesa ng Kahariang Kristal, anak ni Haring Salermo

Haring Fernando - Ang Hari ng Kahariang Berbanya, ama nina Don Pedro,
Don Diego at Don Juan

Don Pedro - Isa sa mga Prinsipe ng Kahariang Berbanya, panganay na anak ni


Haring Fernando

Don Diego - Isa sa mga Prinsipe ng Kahariang Berbanya, pangalawang anak ni


Haring Fernando

Haring Salermo - Ang Hari ng Kahariang Kristal, ama ni Donya Maria Blanca

Donya Juana - Isa sa mga Prinsesa ng Kaharian sa Balon, kapatid ni Donya


Leonora

Reyna Valeriana - Ang Reyna ng Kahariang Berbanya, ina nina Don Pedro, Don
Diego at Don Juan

Ang Ermitanyo - Matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga tumulong


kay Don Juan

Ermitanyong Uugod-ugod - Ang tumulong kay Don Juan na mapanumbalik ang


dati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego

'Dalawang Ermitanyo - Mga tumulong kay Don Juan na makarating sa Kahariang


Kristal
Donya '' at Donya '' - Ang dalawang kapatid ni Donya Maria Blanca

Arsobispo '' - Ang Humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora

Lobo '' - Ang Gumamot kay Don Juan sa Kaharian sa Balon, alaga ni Donya
Leonora

Ang Higante '' - Bihag niya si Donya Juana

Ang Serpyente '' - Malaking ahas na may pitong ulo, bihag niya si Donya
Leonora

Ang boud ng ibong adarna:

Noo'y may isang kahariang tinatawag na Berbanya. Ito'y pinamumunuan ni Haring Fernando at
Reyna Valeriana kasama ng kanilang tatlong anak na sina Don Pedro, ang panganay, Don Diego, ang pangalawa at
Don Juan, ang bunso na pawang mga prinsipe ng nasabing kaharian [6].

Isang gabi'y nanaginip si Haring Fernando. Napanaginipan niyang may nagtapon daw kay Don Juan sa isang malalim
na balon. Nang magising ang hari, siya'y nagsimulang maratay sa karamdaman. Ipinayo ng mga manggagamot na ang
tanging awit lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok Tabor ang siyang makapagpapagaling sa sakit ng hari
[6]
.

Unang nagtangka si Don Pedro ngunit siya'y nabigo. Nang marating niya ang Piedras Platas, ang punong tinitirhan ng
Ibong Adarna ay nahimbing siya sa awitin ng naturang ibon. Di sinasadyang naiputan siya ng ibon at siya'y nanigas at
naging bato. Sunod na nagtangka si Don Diego ngunit sinapit din niya ang nangyari kay Don Pedro. Noon na tumulak
sa paglalakbay si Don Juan na siya na lamang tanging pag-asa ng Kahariang Berbanya [6].

Sinapit ni Don Juan ang landas patungong Bundok Tabor. Nasalubong niya sa daan ang isang Matandang Leproso na
nagpayo sa kanya na mag-ingat sa nakakahalinang ganda ng punong Piedras Platas. Iniwasan nga niya ang pagtigil sa
nasabing puno at natanaw niya ang isang bahay kung saan may matandang Ermitanyong nakatira. Ito ang tumulong sa
kanya upang makuha ang Ibong Adarna at mapabalik sa dati mula sa pagiging bato sina Don Pedro at Don Diego [6].

Kapwa tinahak ng tatlong prinsipe ang daan pabalik ngunit gumawa ng lalang sina Don Pedro at Don Diego. Silang
dalawa'y kapwa bumalik sa Kahariang Berbanya at iniwan si Don Juan na nakalupasay sa gitna ng daan bunga ng
tinamong bugbog. May naparaang isang Matandang Ermitanyo at ito ang gumamot kay Don Juan. Samantalang sa
Kahariang Berbanya ay hindi napaawit nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna. Siya namang pagdating ni
Don Juan na noo'y nanumbalik na ang dating lakas. Noon umawit ang Ibong Adarna at isinalaysay ang kataksilang
ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Nawala ang sakit ni Haring Fernando at iniutos na parusahan and
dalawang nagkasala. Sa pakiusap naman ni Don Juan ay pinatawad ng hari ang dalawa [6].

Ang Ibong Adarna ay inalagaan sa loob ng palasyo ng tatlong magkakapatid ngunit muling gumawa ng lalang sina Don
Pedro at Don Diego. Pinakawalan nila ang ibon sa hawla nito nang minsang mahimbing si Don Juan na noo'y siyang
nakatoka sa pagbabantay bunga ng pagkakapuyat niya noong mga nakaraang gabi. Nang maratnan ni Don Juan na wala
na ang Ibong Adarna, naglayas siya sa kaharian upang hanapin ang ibon. Nalaman ni Haring Fernando ang nangyari at
iniutos kina Don Pedro at Don Diego na hanapin si Don Juan. Natagpuan nga ng dalawa si Don Juan at sumumpa ang
tatlo na sila'y maglalagalag na lamang sa kagubatan ng Armenia [7].

Sa kanilang paglalagalag ay nakatuklas sila ng balon na kung saan sa ilalim nito ay may kaharian. Tanging si Don Juan
ang nakapasok sa kaharian sa balon samantalang matiyaga namang naghintay sa taas sina Don Pedro at Don Diego.
Natagpuan ni Don Juan si Donya Juana na noo'y bihag ng isang higante. Nang mailigtas si Donya Juana buhat sa kuko
ng higante ay iniligtas naman ni Don Juan si Donya Leonora, ang kapatid nito na bihag ng isang serpyenteng may
pitong ulo. Nagawa ni Don Juan na matalo ang serpyente at silang dalawa ni Donya Leonora ay naging magkasintahan
[7]
.

Muling umakyat si Don Juan kasama na ang dalawang donya palabas ng balon. Ngunit may naiwanang singsing si
Donya Leonora kaya't kinailangan muli ni Don Juan na bumalik pababa. Nang siya'y malapit ng makaahon ay gumawa
na naman ng lalang sina Don Pedro at Don Diego. Kanilang pinutol ang lubid na siyang kinakapitan ni Don Juan.
Bumagsak si Don Juan at siya'y nagtamo ng matinding sugat samantalang sapilitan namang isinama ng dalawang
prinsipe and dalawang donya patungong Berbanya. Ikinasal sina Don Diego at Donya Juana ngunit nanaghoy si Donya
Leonora sa pagkakahiwalay nila ni Don Juan [7].

Samantalang isang lobo na alaga ni Donya Leonora ang gumamot kay Don Juan. Tinulungan siya nitong makaahon sa
balon. Noon muli niyang nakita ang Ibong Adarna na nagpayo sa kanya na limutin na si Donya Leonora sapagkat
makakakilala siya ng bagong mamahalin sa Kahariang Kristal. Kapagkadaka'y nalimot nga niya si Donya Leonora at
nagsimulang maglakbay patungong Kahariang Kristal. Tinulungan siya ng dalawang ermitanyong nasalubong niya sa
daan at siya'y pinasakay sa ibong tinatawag na Olikornyon, isang malaking agila patungong Kahariang Kristal [7].
Nakikilala niya si Donya Maria Blanca, kapatid nina Donya Isabel at Donya Juana at anak ni Haring Salermo. Hiningi
ni Don Juan kay Haring Salermo ang kamay ni Donya Maria Blanca na noo'y naging magkasintahan na subalit kung
magagawa nito ang mga pagsubok na iaatas sa kanya ng hari [8].

Pitong pagsubok ang pinagdaanan ni Don Juan at ito'y pawang matagumpay. Subalit napag-alaman ni Donya Maria
Blanca na ibig ipapatay o di kaya'y ipatapon sa Inglatera ng kanyang ama si Don Juan. Nagkaroon ng labu-labo at
nagtanan ang dalawang magkasintahan subalit isinumpa ni Haring Salermo na malilimot ni Don Juan si Donya Maria
Blanca pagdating nila sa Kahariang Berbanya [9].

Nangyari nga ang sumpa ni Haring Salermo kaya't si Don Juan ay itinakdang ipakasal kay Donya Leonora. Nagalit si
Donya Maria Blanca at sa araw ng kasalan ay dumating itong bihis ang isang magarang kasuotan. Sa pamamagitan ng
mahika ni Donya Maria Blanca ay naalala ni Don Juan kung sino ang tunay niyang iniibig at hiniling na niyang silang
dalawa ni Maria Blanca ay ipakasal. Mariing tumutol si Donya Leonora at nagkaroon ng ilang pagpapaliwanag at
pagtatalo. Isinangguni sa arsobispo ng Berbanya ang naturang usapin at iminungkahi nitong dapat pakasal si Don Juan
kay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at pinabaha ang buong palasyo sa tulong ng kanyang mahika. Si
Don Juan na ang nagpasiya. Ibig niyang makasal sila ni Donya Maria Blanca at sina Donya Leonora at Don Pedro
naman. Natuloy nga ang kasalan at hinirang ni Haring Fernando na bagong hari at reyna ng Kahariang Berbanya sina
Don Juan at Donya Maja Blanca. Tumutol ang huli sapagkat babalik daw sila sa Kahariang Kristal kaya't nauwi ang
trono kina Don Pedro at Donya Leonora. Sina Don Juan at Donya Maria Blanca ay bumalik nga sa Kahariang Kristal at
silang dalawa ang namuno roon. Iyon na ang hudyat ng pagtatapos ng Ibong Adarna [9].

Ang kasaysayan ng ibon adarna:

Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng


Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas. Ito'y tulad din ng
Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa sa Europa. Sa pananakop ng mga Kastila, ang
Ibong Adarna ay nakarating sa Mehiko at di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Kung
titingnan, ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung sino
talaga ang totoong umakda nito. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido,
ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari

You might also like