You are on page 1of 1

ABSTRAK

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy ang dahilan ng


pagtangkilik sa salitang balbal at epekto nito sa kasanayang pagsasalita ng mga mag-aaral
na nasa ikatlong antas ng tersarya. Dahil dito, sinikap na sagutin ng kasalukuyang mga
mananaliksik ang mga sumusunod na tiyak na katanungan: (1) Ano-ano ang propayl ng
mga tagatugon ayon sa : edad, kasarian, buwanang sahod ng mgamagulang at
relihiyon.(2) Ano-ano ang mga karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral ayon sa:
Salitang balbal at Gay lingo.(3) Paano ang pagtangkilik ng mga mag-aaral sa salitang
balbal ayon sa: napapanahong paggamit, lipunang kinabibilangan at impluwensya ng
mass media.(4) Paano nakakaapekto ang salitang balbal sa kasanayang pagsasalita. (5)
May makabuluhang epekto ba ang pagtangkilik ng mga mag-aaral sa salitang balbal sa
kasanayang pagsasalita ng mga mag-aral? (6) May mahalagang Pagkakaiba ba ang
pagtangkilik ng mga mag-aaral sa gay lingo ayon sa propayl ng mga tagatugon?
Ang pamamaraang gagamitin sa pananaliksik na ito ay Descriptive Normative
Survey o palarawan na pamamaraang nakabatay sa pamantayan na kung saan ang
talatanungan ang nagsisilbing pangunahin at pinakamahalagang instrumento sa
pangangalap at paglilikom ng mga kinakailangang datos. Ang mga respondente ay
kinabibilangan ng mga mag-aaral ng kolehiyong edukasyon ng Ramon Magsaysay
Technological University (RMTU) na nasa iktlong taon na taon. Ang mga respondent ay
kinabibilangan ng isang daan at limampu (150) mag-aaral.

iv

You might also like