Mga Estruktura at Daan at Ang Pag intindi sa Pamamagitan ng Wikang Ingles
Sa mundong tinitirahan nating lahat maraming tayong makakitang mga nakaimbag na
simbolo kahit saan tayo tumingin o mapadpad man sa mundo. Itong mga ito ay nagaganap gamit ng mga simbolo at wika na kadalasang ang wikang ginagamit mito ay nasa salitang ingles. Ginagamit ang salitang ingles dahil ito ay ang unibersal na wika na halos lahat ng tao ay makakaintindi nito. Kung titingnan naman natin ang mga estruktura, ito ay nakatutulong lalo na sa mga malalaking daanan ng syudad katulad ng mga signages na nagbibigay impormasyon o kaalaman para sa mga tao. Batay sa nabasa ko tungkol sa mga signages galing sa Wikipedia, ang layunin ng signages ay nagsilbing komunikasyon at pagbibigay impormasyon para sa mga tao. Meron naman din mga ibang estruktura na nagbibigay aliw at mga pang komersyal din katulad ng mga billboard, karatula at iba pa. talagang maganda din ang pagkagawa nito dahil napakalalaki at napaka malinaw ng mga impormasyon na pinapahatid nito. Kahit na pupunta tayo sa mga magagarang bansa at titingnan ang mga malalaking estruktura at mga signages mayroon talaga tayong makikitang ingles sa mga bagay na ito. Pinapakita lang na talaga ang ingles na ang pang unibersal natin na wika. Isipin niyo naman kung wala tayong mga signages sa ibat ibang lugar. Pano natin malalaman kung saan na tayo? Paano natin malalaman ang mga bagay-bagay at ito din ay nagsisilbing mga babala para sa ating kaligtasan.
Pagbuo ng lagom at kongklusyon
Lagom Sa nabasa kong tekstong sinasabi na kahit saan man tayo pupunta sa sulok ng mundo ay meron talaga tayong makikita na mga signages at kadalasan nakaimbag ito sa salitang ingles. Ito ay dahil ang salitang ingles ay nagsilbing unibersal na wika dahil halos lahat ng tayo ay nakakaintindi na ngayon ng ingles. Ang signages naman ay nagbibigay impormasyon sa mga tao at nagsisilbing gabay para magbigay ng kaalaman sa atin babala man o pang komersyal lang man. Sinasabi din na magaganda talaga ang pagkagawa sa mga estruktura ng mga billboard at karatula para mas madaling Makita ito ng mga tao at magbigyan pansin ang mga simbolo na naka ambag dito. At importante talaga na meron ang mga estruktura na ito dahil kung wala ito kulang ang mga impormasyon na kailangan nating malaman. Kongklusyon Nagaganap na sa panahon natin na ang ingles ay unibersal. Napaka importante din ng mga estruktura na ito dahil ito ay naghahatid impormasyon sa mga taong kailangan magbigyan kaalaman nito. Talagang magandang ideya na naka ambag ito sa ingles para maintindihan ng mga ibang lahi na nasa ibang bansa at magbigyan sila ng kaalaman para matulungan sila mas makaintindi sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid. At kahit mga maliliit lamang ito na estruktura napakalaki naman ng tulong na naidudulot nito sa ating paligid at sa mga taong nakapaloob ditto.
Pagsusuri kung valid o hindi ang mga ideya
Valid Ginagamit ang salitang ingles dahil ito ay ang unibersal na wika na halos lahat ng tao ay makakaintindi nito. -