You are on page 1of 37

KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG

PAMBANSANG BAYANI
A. Pagsilang
1. Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861
sa Calamba, Laguna
2. Bininyagan sa simbahan ng Calamba
noong Hunyo 22, 1861.
3. Padre Rufino Collantes - paring
nagbinyag kay Rizal
4. Padre Pedro Casanas - nagsilbing
ninong ni Rizal
A. Magulang
1. Francisco Mercado
1. Ipinanganak noong Mayo 11, 1818
2. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio
ng San San Jose
3. Lumipat ng Calamba upang maging
kasama sa Haciendang Dominicano sa
Calmba.
4. Namatay noong Enero 5, 1898.
2. Teodora Alonzo
1. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa
Maynila
2. Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa
3. Mayroong interes sa literatura at mahusay
sa wikang Espanyol.
4. Namatay noong Agosto 16, 1911
A. Magkakapatid na Rizal
1.
Saturnina
2.
Paciano
3.
Narcisa
4.
Olympia
5.
Lucia
6.
Maria
7.
Jose
8.
Concepcion
9.
Josefa
10.
Trinidad

11.
Soledad
A. Mga Ninuno
1. Ninuno sa Ama
1. Domingo Lamco (Mercado) napangasawa
si Ines de la Rosa naging anak si
2. Francisca Mercado at napangasawa si
Cerila Bernacha naging anak si
3. Juan Mercado at napangasawa si Cerila
Alejandro at naging anak si
4. Francisco Mercado at napangasawa
si Teodora Alonzo at naging anak si
5. Jose Rizal
2. Ninuno sa Ina
1. Eugenio Ursua napangasawa
si Benigna at naging anak nila si
2. Regina na naging asawa ni Manuel de
Quintos at naging anak nila si
3. Brigida na napangasawa ni Lorezo Alberto
Alonzo at naging anak nila si
4. Teodora Alonzo na napangasiwa
ni Francisco Mercado at naging anak nila
si
5. Jose Rizal
A. Pamilyang Rizal
1. Ang Kabuhayan ng Pamilya
1. Ang pamilya ay kabilang sa pangkat
na principalia at isa sa mga kinikilalang
pamilya sa Calamba.
2. Ang ama ay nangungupahan sa lupain na
pag-aari ng hacienda ng mga Dominicano
sa Calamba at tinataya na ang kaniyang
lupang sinasaka ay umaabot ng 600 na
hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng
palay mais at tubo.
3. Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng
hayop ay isa sa kanilang mga
hanapbuhay.
4.

Ang ina ni Rizal ay mayroong isang


tindahan sa ilalim ng kanilang bahay,

gilingan ng trigo para maging harina, at


gawaan ng hamon.
5.

Ang pamilya ay isa sa mga unang


nakapagpagawa ng bahay na bato sa
Calamba.

6.

Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na


isang karangyaan sa panahong iyon.

7.

Mayroon silang isang aklatan sa bahay


na naglalaman ng 1,000 aklat.

8.

Naipadala ng mga Rizal ang kanilang


mga anak sa Maynila para mag-aral.

B. Ang Tahanan ng mga Rizal


1.

Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa


bato at matitigas na kahoy at ito ay
nakatayo na malapit sa simbahan ng
Calamba.

2.

Ang paligid ng kabahayan ay


natataniman ng mga punong atis,
balimbing, chico, macopa, papaya,
santol, tampoy, at iba pa.

3.

Ang bakuran ng bahay ay naging


alagaan ng mga manok at pabo.

KABANATA 2 KABATAAN SA
CALAMBA
1. Mga Ala-ala ng Kamusmusan
1. Panonood ng mga ibon.
2. Araw-araw na pagdadasal sa oras
ng angelus.
3. Pagkukuwento ng kaniyang yaya ukol sa
asuwang, nuno, at tikbalang.

4. Ang una niyang kalungkutan ay ang


pagkamatay ng kaniyang nakababatang
kapatid na si Concha.
5. Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa
pagdadasal ng pamilya.
6. Pagpunta sa Antipolo noong Hunyo 6,
1868. Ito ang kaniyang unang pagtawid sa
Lawa ng Laguna. Pagkatapos ng pagpunta
sa Antipolo ay nagtungo sila ng kaniyang
tatay sa Maynila.
7. Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento
ng kaniyang ina ukol sa gamo-gamo.
2. Mga Talento sa Panahon ng
Kamusmusan
1. Inayos niya at binigyan ng bagong guhit
ang bandera ng simbahan.
2. Paggagawa ng imahen mula sa putik
(clay).
3. Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang
tulang Sa Aking mga Kabata na
nagbibigay ng pagpapahalaga sa kaniyang
sariling wika.
4. Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang
drama na nakaukol sa kapistahan ng
Calamba at ang nasabing gawa ni Rizal ay
binili sa kaniya ng gobernadorcillo ng
Paete, Laguna.
1. Mga Inpluwensiya Kay Rizal
1. Namana
1.
Mula sa mga ninunong
Malayo ay namana niya ang pagmamahal
sa kalayaan, paghahangad sa
paglalakbay, at katapangan.
2.
Mula sa kaniyang mga
ninunong Tsino ay namana niya ang
pagiging seryoso, katipiran, katiyagaan, at
pagmamahal sa mga bata.

3.

4.
5.

2.
1.
2.

3.
4.

5.
1.
2.
3.

Mula sa kaniyang mga


ninunong Espanyol ay namana niya
kapinuhan sa pagkilos at kanipisan sa
insulto.
Mula sa kaniyang ama ay
namana niya ang pagtitiyaga sa trabaho,
paggalang sa sarili, at malayang pag-iisip.
Mula sa kaniyang ina ay
namana niya pagpapakasakit sa sarili at
pagnanais sa sining at panitikan.
Kapaligiran
Ang kapaligiran ng Calamba
ay nagsilbing kaniyang pang-enganyo sa
pagmamahal sa sining at literatura.
Ang kaniyang kapatid na si
Paciano ay nagturo sa kaniyang kaisipan
ukol sa pagmamahal sa kalayaan at
katarungan.
Mula sa kaniyang mga
kapatid na babae ay natutunan niya ang
paggalang sa mga kababaihan.
Ang pakikinig niya sa mga
kuwento ng kaniyang yaya ay nagbigay sa
kaniyang interes sa mga kuwentong bayan
at mga alamat.
Mula sa kaniyang tatlong
mga kapatid ay nainpluwensiyahan siya
ng mga sumusunod:
Jose Alberto
Alonzo ay natutunan niya ang
pagmamahal sa sining.
Manuel Alonzo
ay natutunan niya ang kahalagahan ng
pagpapalakas ng katawan.
Gregorio Alonzo
ay natutunan niya ang ang malabis na
pagkahilig sa pagbabasa.

6.

Padre Leoncio Lopez ay


natutunan niya ang pagmamahal sa
makaiskolar at pilsopikal na pag-iisip.
KABANATA 3 - ANG PAG-AARAL SA
CALAMBA AT BIAN

1. Mga Unang Guro ni Rizal


1.
Doa Teodora Alonzo - ang
unang guro ni Rizal
2.
Mestro Celestino
3.
Lucas Padua
4.
Leon Monroy
2.

Pagpunta sa Bian

1.

Hunyo 1869 - si Rizal ay


umalis ng Calamba para magtungo sa
Bian para mag-aral.

2.

Sinamahan siya ng
kaniyang kapatid na si Paciano.

3.

Justiniano Aquino Cruz ang naging guro ni Rizal sa Bian.

3.

Mga Naging Gawain sa Pag-aaaral

1.

Sa unang pagkikita niya sa


kaniyang guro ay sinabi niya ang
kaniyang kakauntian ng kaalaman sa
Espanyol at Latin.

2.

Sinabi ni Rizal na ang


kaniyang guro ay may kahusayan sa
balarilang Espanyol na sinulat nina
Nebrija at Gainza.

3.

Nakaaway ni Rizal si Pedro


na anak ng kaniyang guro.

4.

Nagkaroon din siya ng away


sa mga bata sa Bian isa na rito si Andres
Salandanan na tumalo sa kaniya.

5.

Nag-aral si Rizal ng
pagpipinta kay Matandang Juancho na
dito ay nakasama ng kaniyang
kaeskuwelang si Jose Guevarra.

6.

Sa pagsapit ng ilang buwan


si Rizal ay nanguna sa kaniyang mga
kaeskuwela sa mga Espanyol, Latin at iba
pang mga aralin.

7.

Sa kabila ng kahusayan ni
Rizal sa pag-aaral, siya ay napapalo ng
kaniyang maestro halos araw-araw
dahilan sa mga sumbong laban sa kaniya
ng kaniyang mga kamag-aral.

8.

Nilisan ni Rizal ang pagaaral sa Bian noong Disyembre 1870


pagkatapos ng halos isa at kalahating
taon.

9.

Nilisan ni Rizal ang Bian


sakay ng Barkong Talim na naghatid sa
kaniya sa Calamba.

4. Ang Gomburza
1.

Sa kaniyang pag-uwi sa
Calamba ay nabalitaan niya ang Pag-aalsa
sa Cavite at ang pagbitay sa tatlong paring
martir na sina Jose Burgos, Mariano
Gomez, at Jacinto Zamora.

2.

Ang kaniyang kapatid na si


Paciano ay naging malapit na mag-aaral ni
Padre JoseBurgos.

3.

Si Paciano sa maraming
pagkakataon ay naibahagi kay Rizal ang
mag ideya at pilosopiya ni Jose Burgos.

5. Kawalan ng Katarungan sa Kaniyang Ina


1.
Pagkatapos ng kamatayan
ng Gomburza, ang ina ni Rizal ay
pinagbintangan na nagbabalak na lasunin

ang asawa ng kaniyang kapatid (Jose


Alberto) .
2.

Ang mga kaaway ng


pamilyang Rizal at ang hipag ng kaniyang
ina ay nagkipagsabawatan upang
maisangkot ang ina sa nasabing bintang
na paglason.

3.

Pagkatapos na madakip ni
Donya Teodora, ito ay pinaglakad mula
Calamba hanggangSanta Cruz, Laguna na
ang layo ay 50 kilometro.

4.

Ang ina ni Rizal ay nakulong


sa loob ng dalawa at kalahating taon.

KABANATA 4 PAG-AARAL SA ATENEO


1.

Ang Pagpasok ni Rizal sa Ateneo

1.

June 20, 1872 sinamahan


si Rizal ni Paciano para magpunta sa
Maynila. Kumuha ng pagsusulit sa mga
aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at
Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran.
Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa
Maynila para dumalo ng kapistahan sa
kaniyang pagbabalik sa Maynila ay
nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na
pumasok sa Ateneo.

2.

Hindi tinanggap si Rizal sa


Ateneo dahilan sa siya

1.

huli na sa
patalaan

2.

maliit para sa
kaniyang edad

3.

Sa unang pagkakataon ay
ginamit ni Jose ang kaniyang apelyidong
Rizal imbes na Mercado.

4.

Manuel Xerex Burgos ang


pamangkin ni Jose Burgos na tumulong
upang makapasok si Rizal sa Ateneo.

5.

Nanirahan siya sa isang


paupahang bahay na pag-aari ni Seora
Titay sa Daang Caraballo, na nasa labas
ng Intramuros.

2.

Sistema ng Edukasyong Heswita

1.

Mas adbanse ang


edukasyong ipinagkakaloob ng mga
Jesuita kumpara sa mga kolehiyo noong
sa Pilipinas.

2.

Ang layunin ng edukasyon


ng mga Jesuita ay ang hubugin ang mga
mag-aaral sa mga aral ng Katolisismo,
kaalaman sa sining at agham. Ang isang
matalinong Katoliko mula sa pananaw ng
mga Jesuita ay magiging mabuting
tagapagtanggol ng simbahan. Ang
pangunahing pilosopiya ng Ateneo ay Ad
Majorem Dei Gloriam Para sa Higit na
Kadakilaan ng Diyos.

3.

Hinati ang klase sa


dalawang pangkat

1.

Imperyong Romano
katawagan sa mga internos o mga magaaral na nakatira sa loob ng bakuran ng
Ateneo.

2.

Imperyong Cartago
katawagan sa mga externos o mga magaaral na nakatira sa loob ng bakuran ng
Ateneo.

1.

Unang Taon sa Ateneo (1872-73)

1.

Padre Jose Bech S.J. ang


guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa
Ateneo.

2.

Nagsimula siyang nasa


mababang ranggo sa imperyong Cartago
ngunit sa paglipat ng mga linggo ay
nagawang makapanguna sa kaniyang mga
kamag-aral.

3.

Napanalunan niya ang


kaniyang unang gantimpala sa kaniyang
pag-aaral isang larawang pangrelihiyon.

4.

Upang mapagbuti ni Rizal


ang kaniyang kaalaman sa wikang
Esanyol siya ay nagpaturo ng aralin
sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng
kaniyang pamamahinga sa tanghali.

5.

Sa kalagitnaan ng taon si
Rizal ay hindi nagbuti sa kaniyang pagaaral upang mapanatili ang kaniyang
pangunguna sa klase ito ay dahilan sa
kaniyang sama ng loob sa hindi
makatwirang puna ng guro sa kaniya.

6.

Sa bakasyon ng 1873, si
Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa
nasa bilangguan ang kaniyang ina. Lihim
na pumunta sa Santa Cruz para dalawin
ang kaniyang ina at kinuwentuhan niya
ang ina ukol sa kaniyang pag-aaral sa
Ateneo.

2.

Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74)

1.

Walang masyadong
mahalagang pangyayari kay Rizal sa
Ateneo sa taong ito.

2.

Hindi nagpakita ng
pangunguna sa pag-aral si Rizal dahilan

sa sama ng loob dailan sa hindi


magandang puna ng guro sa kaniya
3.

Dumating sa Ateneo ang


ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral
sa Bian.

4.

Hinulaan ni Rizal ang


nalalapit na paglaya ng kaniyang ina.

5.

Nagsimula si Rizal ng
kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan
sa mga aklat na ito ay ang mga
sumusunod:

1.

Count of Monte
Cristo na sinulat ni Alexander Dumas.

2.

Universal
History na sinulat ni Cesar Cantu na
pinilit niyang ipabili sa kaniyang ama.

3.

Travels in
the Philippines na isinulat ni Dr. Feodor
Jagor.

3.

Ikatlong Taon sa Ateneo (1875-76)

1.

Nagbalik si Rizal sa Ateneo


para sa kaniyang Ikatlong Taon.

2.

Dumating ang kaniyang ina


at ipinaalam kaniyang paglaya kay Rizal.

3.

Hindi rin kinakitahan ng


pangunguna si Rizal sa klase.

4.

Natalo siya ng mga kamagaral na Espanyol sa wikang Espanyol


dahilan sa mas mahusay ang mga ito sa
sa tamang pagbigkas.

4.

Ika-apat na Taon sa Ateneo (1876-77)

1.

Sa taong ito ay nakilala ni


Jose Rizal si Padre Francisco de Paula
Sanchez S.J. Ang nasabing pari ang

humikayat kay Rizal para mag-aral na


mabuti, lalo na sa pagsulat ng mgatula.
2.

Sinabi ni Rizal na si Padre


Francisco de Paula Sanchez ay isang
modelo ng katuwiran at pagsisikap para
sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral.

3.

Dahilan dito ay nagbalik


ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at natapos
ang taon ng pag-aaral na mayroong
limang medalya.

5.

Huling Taon sa Ateneo (1876-77)

1.

Naging ganap ang sigla ni


Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.

2.

Nagtapos si Rizal sa Ateneo


noong Marso 23, 1877 at natamo sa
paaralan ang Bachiller en Artes.

6.
1.
1.

Mga Naging Ibang Gawain sa Ateneo


Mga Samahan na
Kinasapian ni Rizal
Kalihim
ng Marian Congregation

2.

Kasapi
ng Academy of Spanish Language

3.

Kasapi
ng Academy of natural Sciences

2.

Nag-aral siya pagguhit kay


Agustin Saez na kilalang mahusay na
pintor na Espanyol.

3.

Nag-aral siya ng paglililok


kay Romualdo de Jesus.

4.

Nag-aral din siya ng eskrima


at gymnastics.

5.

Padre Jose Villaclara nagsabi kay Rizal na tigilan na ang


pagsulat ng tula.

7.
1.

8.

Likhang Lilok
Imahen ng Birheng Maria
na ipagkakaloob sana ni Rizal kay Padre
Lleonart.
Unang Pag-ibig ni Rizal

1.

Segunda Katigbak ang


babaeng unang minahal ni Rizal.

2.

Mariano Katigbak kapatid


ni Segunda at kaibigan ni Rizal.

3.

La Concordia ang paaralan


na pinapasukan ni Segunda Katigbak.

4.

Manuel Luz ang lalaking


takdang mapangasawa ni Segunda.

KABANATA 5 PAG-AARAL NG MEDISINA


SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
(1877-82)
1.

Sa pagtatapos ni Rizal sa Ateneo ay


naghanda siya para sa pag-aaral sa
unibersidad.

2.

Ang planong pagpasok ni Rizal sa


unibersidad ay tinutulan ng kaniyang ina
dahilan sa pagkakaroon nito ng maraming
kaalaman ay nanganganib ang buhay ni
Rizal.

3.

Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina si


Rizal ay isinama ni Paciano sa Maynila
para mag-aral.

4.

Noong Abril 1877 nagpatala para magaral si Rizal sa Unibersidad ng Santo


Tomas.

5.

Ang una niyang kursong kinuha ay


Pilosopia Y Letra bunga ng mga
sumsusunod na dahilan:

1.

Ito ang gusto ng kaniyang ama

2.

Wala pa siyang tiyak na kursong gusto

6.

Padre Pablo Ramon SJ ang hiningan ni


Rizal ng payo ukol sa kaniyang dapat na
maging kurso sa UST.

7.

Sa unang semestre ng taong 1877-78 si


Rizal din ay nag-aral sa kursong perito
agrimensor sa Ateneo.

8.

Sa ikalawang Semestre ng nasabing


taon ay natanggap ni Rizal ang sulat ni
Padre Pablo Ramon SJ na nagpapayo sa
kaniya na kumuha ng Medisina. Kinuha
ni Rizal ang kurso dahilan sa kaniyang
pagnanais na magamot ang kaniyang ina.

9.

Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga


sumusunod na babae:

1.

Binibining L. isang babae na taga


Calamba na laging dinadalaw ni Rizal sa
gabi sa panahon ng bakasyon na umuwi
siya mula Maynila na bigo kay Segunda
Katigbak.

2.

Leonora Valenzuela kapitbahay ng


inuupahang bahay ni Rizal. Kaniya itong
pinadadalhan ng sulat sa pamamagitan
ng hindi nakikitang tinta.

3.

Leonor Rivera pinsan ni Rizal at anak


ng kaniyang inuupahang bahay. Sa
kanilang pagsusulatan ay ginagamit ni
Leonor ang pangalang Taimis.

10.
Si Rizal ay naging biktima ng
isang opisyal na Espanyol noong 1878. Si
Rizal ay pinalo ng sable sa likod ng
nasabing opisyal.
11.
Noong 1879, si Rizal ay
lumahok sa paligsahan ng Liceo ArtisticoLiterario. Sa nasabing paligsahan ay

nanalo ng unang gantimpala ang


kaniyang tulang sinulat na may pamagat
na A La Juventud Filipina.Ang paligsahan
ay para lamang sa mga Pilipino.
12.
Noong 1880, si Rizal ay
lumahok sa paligsahan ng Liceo ArtisticoLiterario ukol bilang pag-paparangal sa
ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de
Cervantes. Sa nasabing paligsahan ang
kaniyang ginawang akda na may pamagat
na El Consejo de los Dioses ay nanalo ng
unang gantimpla. Ang paligsahan ay
bukas sa mga Pilipino at Espanyol.
13.
Kampeon ng mga Estudyante
Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na
tinatagwag naCompaerismo sa layunin
na ipagtanggol ang kanilang sarili laban
sa mga pang-iinsulto ng kanilang mga
kamag-aral na Espanyol.
14.
Hindi naging masaya si Rizal
sa UST bunga ng mga sumusunod na
kadahilanan;
1.

Galit sa kaniya ang mga guro ng UST

2.

Minamaliit ang mga mag-aaral na


Pilipino ng mga Espanyol

3.

Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa


UST

KABANATA 6 PAGPUNTA SA ESPANYA


(1982-85)
A. Ang Pag-alis
1.

Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ikaapat na taon ng pag-aaral ng medisina sa

UST si Rizal ay nagbalak na tumungo ng


Espanya para dito magpatuloy ng pagaaral.
2.

Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal

1.

Paciano ang nagbalak ng pag-alis ni


Rizal para magtungo sa Europa.

2.

Antonio Rivera ang ama ni Leonor


Rivera na kumuha ng pasaporte ni Rizal
patungo ng Espanya.

3.

Jose Mercado ang ginamit na pangalan


ni Rizal sa kaniyang lihim na pag-alis
patungo sa Espanya.

3.

Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo


3, 1882 sakay ng barkong Salvadora.

4.

Donato Lecha ang kapitan ng barkong


Salvadora.

B. Singapore
1.

Mayo 8, 1882 narating ni Rizal


ang Singapore.

2.

Hotel de la Paz hotel na tinuluyan ni


Rizal sa Singapore.

3.

Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod:

1.

Harding Botaniko

2.

Distritong Pamilihan

3.

Templong Budista

4.

Estatwa ni Thomas Stanford Raffles


tagapagtatag ng Singapore.

4.

Nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng


barkong Djemnah.

B. Colombo
1.

Maraming ibat ibang lahi ang


nakasabay ni Rizal sa barko Djemnah at
binalak ni Rizal na magsalita ng Pranses
ngunit hindi siya naintidihan ng mga ito.

2.

Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay


masyadong malungkot ang lunsod.

3.

Nakarating siya sa Colombo at sinabi


niyang maganda ang lunsod kaysa
sa Singapore, Port Galle, at Maynila.

B. Suez Canal
1.

Suez Canal isang lagusang tubig na


nag-uugnay ng Red Sea
at Mediterrenean Sea.

2.

Ferdinand de Lesseps isang


diplomatikong Pranses na nagplano ng
pagtatayo ng Suez Canal.

3.

Nakarating si Rizal sa Port Said na


dulong bahagi ng Ehipto. Dito nakita ni
Rizal ang mga tao na nagsasalita ng ibat
ibang mga wika.

B. Naples at Merseilles
1.

Nagtungo ang barkong Djemnah sa


Europa at noong narating ni Rizal
ang Naples noong Hunyo 11, 1882.

2.

Kinabukasan ay narating niya ang


daungan ng Merselles at kaniyang binisita
ang Chateu dIfna siyang lugar na
binanggit ni Alexander Dumas sa
kaniyang nobelang Count of Monte Cristo.

B. Barcelona
1.

Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang


Merseilles aty narating
ang Barcelona sakay ng tren galing
Pransiya.

2.

Narating niya ang Barcelona noong


Hunyo 16, 1882.

3.

Hindi maganda ang unang impresyon ni


Rizal sa Barcelona dahilan siya ay

napatira sa hindi magandang bahagi ng


lunsod.
4.

Sa bandang huli ay nagbago ang


kaniyang pananaw sa Barcelona dahilan
sa nakita niya ang lunsod ay nagtataglay
ng kalayaan at liberalismo, ang mga tao
ay palakaibigan, at magagalang.

5.

Plaza de Catalua ang paboritong


kaininan ng mga mag-aaral na Pilipino
sa Barcelona at dito binigyan si Rizal ng
isang piging bilang pagbati sa kaniyang
pagdating.

B. Amor Patrio
1.

Amor Patrio ang unang akda ni Rizal


sa labas ng bansa. Dito rin ginamit ni
Rizal ang pangalan sa panulat na Laong
Laan.

2.

Diariong Tagalog isang mapangahas


na pahayagan sa Maynila na naglathala
ng kaniyang mga artikulo.

3.

Basilio Teodoro ang patnugot ng


Diariong Tagalog.

4.

Marcelo H. Del Pilar ang nagsalin


ng Amor Patrio mula sa wikang Espanyol
sa wikang Tagalog.

5.

Iba pang mga artikulong ipinadala ni


Rizal sa Diariong Tagalog

1.

Los Viajes

2.

Revista del Madrid

B. Paglipat sa Madrid
1.

Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang


balita ukol sa epidemya ng kolera sa
Pilipinas.

2.

Nakatanggap siya ng sulat mula kay


Jose Cecilio na nagbabalita ng malungkot

na kalagayan ni Leonor buhat ng siya ay


umalis.
3.

Pinayuhan ni Paciano si Rizal na


lumipat ng Madrid.

B. Buhay sa Madrid
1.

Nagpatala si Rizal sa Universidad


Central de Madrid sa mga kursong:

1.

Medisina

2.

Pilosopiya at Pagsulat

2.

Nagsikap na Matutunan ang mga


sumusunod:

1.

Pagpipinta at Paglilok sa Academy of


Fine Arts of San Fernando

2.

Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall


of Arms of Sanz y Carbonell

3.

Nag-aral ng mga wikang:

1.

Pranses

2.

Aleman

3.

English

3.

Namamasyal sa mga galerya ng sining at


mga museo

4.

Nagbasa ng maraming mga aklat

5.

Naging matipid si Rizal sa kaniyang


pagastos

6.

Ang tanging sugal na tinayaan ni Rizal


ay ang lotto

7.

Nagpapalipas ng mga libreng oras sa


bahay ng mga Paterno

B. Pag-ibig kay Consuel Ortiga y Perez


1.

Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na


makabisita sa bahay ni Seor Pablo Ortiga
y Rey na dating alcalde ng Maynila sa

panahon ng panunungkulan ni
Gobernador Heneral Polavieja.
2.

Consuelo ang anak na dalaga ni Don


Pablo na umibig kay Rizal.

3.

Pinadalhan ni Rizal ng isang tula ang


dalaga na may pamagat na A La Seorita
C. O. Y P.

4.

Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa


dalaga dahilan sa:

a.
b.

Tapat siya kay Leonor


Ang kaniyang kaibigang si Eduardo de
Lete ay nanliligaw sa dalaga

B. Si Rizal Bilang Mason


1.

Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga


kilalang liberal ng Espanya na ang mga ito
ay kabilang sa samahan ng mga Mason.

2.

Masonerya isang pandaigdig na


kapatiran ng mga taong may malayang
kaisipan.

3.

Sumali si Rizal sa nasabing samahan


upang mahingi ang tulong ng mga ito sa
kaniyang paglaban sa mga prayle sa
Pilipinas.

4.

Logia de Acacia ang balangay ng


Masoneya na inaniban ni Rizal.

B. Paghihirap sa Paris
1.

Nagkaroon ng paghihirap si Rizal


sa Madrid dahilan sa hindi naging
maganda ang ani sa kanilang lupa.
Dahilan dito ay hindi nakarating ang
sustento ni Rizal sa Madrid.

2.

Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal


para may maipadala lamang kay Rizal.

3.

Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa


kaniyang aralin sa Griego na hindi man
lamang nag-aalmusal at nananghalian.

B. Pagpugay kina Luna at Hidalgo


1.
1.
2.

Nagkaroon ng pagpupugay ang mga


Pilipino dahilan sa pagkapanalo nina :
Juan Luna sa Spolarium
Felix Resurecion Hidalgo sa Virgines
Christianas Expuesta al Populacho.

B. Pagtatapos sa Pag-aaral
1. Natapos ni Rizal noong 1885 ang
kaniyang kurso sa Medisina at Pilosopiya

KABANATA 7 - RIZAL SA PARIS


HANGGANG BERLIN
I.

Sa Paris (1885-86)

1.

Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na


magpakadalubhasa sa optalmolohiya o
paggamot sa mata.

2.

Bago nagtungo sa Paris pansamantalang


tumigil si Rizal sa bahay ni Maximo Viola
na nag-aaral ng medisina sa Barcelo.

3.

Sa Barcelona kaniyang nakilala


si Eusebio Carominas ang patnugot ng
pahayagang La Publicidad .

4.

Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal


sa Paris at naglingkod bilang
katulong ni Dr. Loius de Weckert na
pangunahing optalmolohista ng Pransiya.
Nanatili dito si Rizal mula Nobyembre
1885 hanggang Pebrero 1886.

5.

Sa labas ng kaniyang oras sa klinika ni


Dr. Weckert ay kanyang kaibigan
partikular na dito ang pamilyang Pardo de
Tavera.
I.

1.

Heidelberg

Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa


Paris si Rizal ay nagtungo ng Alemanya
para sa
pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa
optalmolohiya.

2.

Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang


makasaysayang lunsod ng Heidelberg na
kilala sa kanyang unibersidad.
Naninirahan siya sa isang boarding
house na tinitirhan ng mga mag-aaral ng
abogasya.

3.

Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod


bilang katulong sa klinika ni Dr. Otto
Becker, isang kilalang doktor ng
optalmolohiya sa Alemanya.

4.

A Las Flores de Heidelberg - ang tulang


sinulat ni Rizal sa kagandahan ng mga
bulaklak ngHeidelberg.

5.

Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ng


selebrasyon ng Ikalimang Daan Taon ng
Pagkakatatag ng Heidelberg.
I.

Wilhelmsfeld

1.

Wilhelmsfeld - isang bayang


bakasyunan sa Alemanya kung saan si
Rizal ay tumigil ng tatlong buwan.

2.

Karl Ullmer- pastor protestante na


tinigilan ni Rizal habang siya ay
nagbabakasyon sa Wilhelmsfeld.

3.

Napamahal kay Rizal ang pamilya ni


Pastor Ullmer at ito ay kaniyang
ipinadama niya sa pamamagitan ng

pagsulat sa anak nito na si Friedrich


Ullmer na nagpapasalamat sa kabutihan
ng nasabing pamilya.
I.

Unang Sulat kay Blumentritt

1.

Hulyo 31, 1886 - petsa ng unang sulat


ni Rizal na ipinadal;a niya kay
Blumentritt.

2.

Ferdinand Blumentritt - isang propesor


sa Ateneo ng Leitmeritz, Austria na
interisado sa pag-aaral ng mga diyalekta
ng Pilipinas.

3.

Aritmetika - pamagat ng aklat na nakasulat sa


wikang Espanyol at Tagalog na ipinadala ni Rizal
kay Blumentritt upang magamit niyang batayan sa
pag-aaral ng wikang Tagalog.
I.

Leipsig at Dresden

1.

Leipsig - isang lunsod sa Alemanya na


kaniyang binisita upang dumalo ng aralin
saKasaysayan at Sikolohiya.

2.

Dito ay kanyang naging kaibigan


si Friedrich Ratzel na kilalang
mananalaysay at si Dr. Hans Mever na
isang kilalang antropologo.

3.

Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans


Christian Andersen.

4.

Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na


ito at dito ay kaniyang nakilala si Dr.
Adolph Meverang direktor ng Museo ng
Antropolohiya at Etnolohiya.
I.
Pagtanggap kay Rizal sa
Kalipunang Siyentipiko sa Berlin

1.

Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod


na ito dahilan sa pagkakroon nito ng
siyentipikong kapaligiran at malaya sa
pagtatangi ng lahi.

2.

Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal


ang nasabing manlalakbay na sumulat ng
isang akalt tungkol sa Pilipinas.

3.

Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang


antropolohistang Aleman na nakilala ni
Rizal sa Berlin.

4.

Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong


Alemanya na nakilala ni Rizal sa Berlin.

5.

Dr. Karl Ernest Schweigger- isang


kilalang optalmolohista ng Berlin at dito si
Rizal ay naglingkod sa klinika.

6.

Dr. Rudolf Virchow - kanyang


inimbitahan si Rizal na magsalita sa isang
pagpupulong ngEthnographic
Society ng Berlin.

7.

Tagalog Verskunt - ang pamagat ng


papel panayam na binasa ni Rizal sa
isinagawang pagpupulong ng Ethnographic
Society ng Berlin.
I.

1.

Buhay ni Rizal sa Berlin

Mga dahilan ni Rizal sa Pagtigil sa Berlin

a.

Palawakin ang kaalaman sa


optalmolohiya

b.

Palawakin ang kaalaman sa agham at


wika

c.

Magmasid sa kalagayang pulitikal at


kabuhayan ng Alemanya

d.

Makilahok sa mga kilalang siyentipikong


Aleman

e.
1.

Ipalimbag ang Noli Me Tangere


Obserbasyon sa Mga Kababaihang
Aleman

a.

Seryosa

b.

Matiyaga

c.

Edukada

d.

palakaibiganin

1.

Paghihirap sa Berlin

a.

Walang dumating na padalang pera


mula sa Calamba

b.

Kumakain lamang ng isang beses sa


isang araw

c.
d.

Naglalaba ng kaniyang sariling damit


Naghihinala siya sa pagkakaroon ng
sintomas ng sakit na tuberkulosis

KABANATA 8 - PAGPAPALIMBAG
NG NOLI ME TANGERE
I.

Ang Ideya at Pagsulat ng Noli

1.

Uncle Tom's Cabin - isang nobela na


sinulat ni Harriet Beecher Stowe na
tumatalakay sa buhay ng mga aliping itim
sa Amerika.

2.

Enero 2, 1884 - petsa ng pagtitipon


kung saan pinanukala ni Rizal sa grupo
ng mga Pilipino na magsulat sila ng isang
nobelang ukol sa kalagayan ng Pilipinas.

3.

Paghahati ng Pagsulat ng Noli Me


Tangere

a.

1/2 sa Espanya

b.

1/4 sa Pransya

c.

1/4 sa Alemanya

1.

Wilhelmsfeld - dito tinapos ni Rizal ang mga


huling kabanata ng Noli Me Tangere.

2.

Maximo Viola - ang nagsilbing


tagapagligtas ng Noli Me Tangere sa
pamamagitan ng pagpapahiram niya kay
Rizal ng halagang P300 upang magamit sa
pagpapalimbag ng nasabing nobela.

3.

Pebrero 21, 1887 - petsang natapos


ang Noli Me Tangere at inihanda para sa
pagpapalimbag.

4.

Berlin Buchdruckrei-ActionGesselschaft - ang palimbagan na


tumanggap upang ilaathala ang Noli Me
Tangere sa halagang P300 sa daming
2,000 kopya.

5.

Marso 21, 1887 - lumabas ng


palimbagan ang nobelang Noli Me Tangere.

6.

Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng


kopya ng Noli

a.

Ferdinand Blumentritt

b.

Dr. Antonio Ma. Regidor

c.

Graciano Lopez-Jaena

d.

Mariano Ponce

e.

Felix Resurrecion- Hidalgo

1.

Kinuha ni Rizal ang pamagat ng Noli Me


Tangere mula sa ebanghelyo ni San Juan.

2.

Inihandog ni Rizal ang Noli Me


Tangere sa inang bayan.

3.

Elias at Salome - ang isang kabanata na


inalis ni Rizal sa Noli Me Tangere upang
makatipid siya sa presyo ng
pagpapalimbag ng nobela.

KABANATA 9 - PAGLALAKBAY SA
EUROPA KASAMA NI VIOLA
I.
1.

Ang Paglalakbay

Mayo 11, 1887 - nagsimula ang


paglalakbay nina Rizal at Viola sa Europa.

A. Dresden
1.

Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay


napataon sa Eksposisyon ng mga
Bulaklak.

2.

Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa


Museo ng Sining.

3.

Prometheus Bound - isang obra


maestrang pinta na labis na hinangaan ni
Rizal sa Dresden.

4.

Dr. Jagor - nagpayo kay Rizal na


padalhan muna ngg telegrama si
Blumentritt bago siya pumunta ng
Leitmeritz.

A. Leitmeritz
1.

Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa


Leitmeritz at dito siya ay sinalubong ni
Prof. Ferdinand Blumentritt sa istasyon ng
tren dala ang larawan na
pagkakakilalanan kay Rizal.

2.

Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at


Blumentritt habang bumibisita sa
Leitmeritz.

3.

Nakilala ni Rizal ang pamilya ni


Blumentritt

a.

Rosa ang asawa ni Blumentritt

b.

Dolores - anak

c.

Conrad - anak

d.

Fritz - anak

1.

Burgomaster - ipinakilala ni Blumentritt


si Rizal at kaniyang hinangaan ang
katalinuhan ni Rizal sa madaling
pagkatuto ng wikang Aleman.

2.

Dr. Carlos Czepelak - isa sa mga


kilalang siyentipiko ng Europa nma
nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.

3.

Robert Klutschak - isang bantog na


naturalista na nakilala ni Rizal sa
Leitmeritz.

A. Prague
1.

Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na


ito noong Mayo 17 -19, 1887.

2.

Dr. Willkom - ang professor ng natural


history ng Unibersidad ng Prague na
dinalaw ni Rizal sa lunsod dala ang sulat
ng pagpapakilala ni Blumentritt.

3.

Binisita ni Rizal at Viola ang libingan


ni Copernicus - ang dakilang astronomo
sa kasaysayan ng sangkatauhan.

4.

Binisita din nila ang kuweba na


nagsilbing bilangguan ni San Juan
Nepomuceno pati na ang tulay na
pinaghulugan nito.

A. Vienna
1.

Binisita ni Rizal sa lunsod na ito


si Norfenfals na isa sa mga
pinakadakilang nobelista ng Europa
noong panahong iyon. Sa dakong huli
hinangaan din niya si Rizal sa
katalinuhang taglay nito.

2.

Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina


Rizal at Viola sa Vienna.

A. Pagbaybay sa Ilog Danube

1.

Danube - isa sa mga malalaking ilog ng


Europa. Nagsakay sina Rizal at Viola ng
bangka upang makita ang kagandahan ng
ilog at ng kanyang mga pangpang.

2.

Dito napansin ni Viola sa unang


pagkakataon ang kakaibang gamit ng mga
tagarito na papel na napkin sa kanilang
pagkain.

A. Lintz tungo sa Rheinfall


1.

Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang


lunsod at panandaliang namasyal upang
malasahan ang Munich beer na bantog sa
buong Alemanya.

2.

Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw


nina Rizal at Viola ang museo na
nagtataglay ng mga kagamitang
pangpahirapna ginamit sa panahon ng
Ingkisisyon at ang pagawaan ng manyika
na pinakamalaking industriya ng lunsod.

3.

Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang


katedral ng lunsod na kilala bilang
pinakamalaki at pinakamataas at
pinanhik ang tore nito.

4.

Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na


ito na kanyang sinabing "pinakamaganda
sa buong Europa."

A. Switzerland
1. Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito
ang pinakamaganda sa buong Europa.
2. Mga wikang sinasalita ng mga tagaSwitzerland
a.

Aleman

b.

Pranses

c.

Italyan

1.

Dito niya natanggap ang isang telegrama


ukol sa isinasagawang Eksposisyon
sa Madrid na ang ipinapakita sa Pilipinas
ay ang mga tribo ng Igorot na suot na
bahag at mga makalumang kagamitan ay
pinagtatawanan ng mga taga- Madrid.

2.

Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang


ika-26 na taong kaarawan at kanyang
pinakain si Viola ng isang masaganang
pagkain.

3.

Dito sa lunsod ng Geneva naghiwalay


sina Rizal at Viola. Si Rizal para
ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa
Italya at si Viola naman para magbalik
sa Barcelona.

A. Italya
1.

Mga lunsod ng Italya na binisita ni Rizal

a.

Turin

b.

Milan

c.

Venice

d.

Florence

e.

Rome

1.

Roma - nakarating si Rizal sa "lunsod ng


mga Caesar" noong Hunyo 27, 1887.
Hinangaan ni Rizal ng labis ang
karangyaan ng nasabing lunsod.

2.

Mga kahanga-hangang tanawin na


binisita ni Rizal sa Roma

a.

Capitolium

b.

Bato ng Tarpeian

c.

Palatinum

d.

Forum Romanum

e.

Ampiteatro

f.

Simbahan ng Santa Maria Magigiore

1.

Vaticano - ang lunsod na sentro ng


Katolisismo sa mundo at dinalaw ito ni
Rizal noong Hunyo 29, 1887. Kanyang
nakita ang Basilica de San Pedro - ang
pinakamalaking simbahan sa mundo.

KABANATA 10 ANG UNANG


PAGBABALIK
A. Desisyon na magbalik sa Pilipinas
1.

Mga Tumangging magbalik si Rizal sa


Pilipinas

a.

Paciano Rizal

b.

Silvestre Ubaldo

c.

Jose Cecilio

1.

Mga Dahilan ng Pagbabalik

a.

Tistisin ang mata ng kanyang ina

b.

Paglingkuran ang kanyang mga


kababayan

c.

Makita ang epekto ng kanayng nobelang


Noli

d.

Itanong kung bakit hindi na nasulat si


Leonor Rivera

1.

Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal


sa kaniyang ama ukol sa kanyang
pagbabalik sa Pilipinas.

A. Pagbabalik Patungo ng Maynila


1.

Hulyo 3 ,1887 - lumulan si Rizal sa


barkong Diemnah ang barkong kanyang
sinakyan noong siya ay magtungo ng
Europa limang taon na ang nakakaraan.

2.

Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal


sa Saigon at sumakay ng
barkong Haipong.

3.

Agosto 5, 1887 - nakarating


ang Haipong sa Maynila.

4.

Napansin ni Rizal na sa limang taon


niyang pagkakahiwalay sa bansa ay halos
walang nagababago sa kaayusan at
kaanyuan ng lunsod ng Maynila.

A. Pagbabalik sa Calamba
1.

Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si


Rizal sa Calamba.

2.

Paciano - hindi niya hiniwalayan si Rizal


sa mga unang araw ng pagbabalik nito sa
Calamba dahilan sa kanyang pag-aalala
sa kaligtasan ng kanyang nakababatang
kapatid.

3.

Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa


Calamba upang maka-paglingkod sioya
bilang manggagamot.

4.

Ang kanyang unang naging pasyente ay


ang kanyang ina, nguni't hindi niya ito
inoperahan sa dahilang ang katarata nito
ay hindi pa noon hinog.

5.

Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng


mga taga -Calamba at naging bantog sa
Calamba at mga karatig bayan at dinayo
ng mga tao ang kanyang klinika.

6.

Kumita si Rizal ng P900 sa unang


buwan ng kanyang paggagamot at sa
buwan ng Pebrero 1888 ang halaga ay
umabot ng P5,000.

7.

Nagtayo si Rizal ng isang gymnasium sa


Calamba upang mailigtas ang kanyang
mga kababayan sa bisyong tulad ng sugal
at sabong.

8.

Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera


dahilan sa pagtutol ng kanyang mga
magulang na dalawin ang dalaga. Ang

mga magulang ni Leonor Rivera ay ayaw


na makatuluyan ng kanilang anak na si
Rizal.
A. Ang Kaguluhang Bunga ng Noli Me
Tangere
1.

Nilapitan ng mga prayle ang gobernador


heneral at naghahatid ng mga sumbong
na laban sa nobelang Noli Me Tangere.

2.

Emilio Terrero - ang gobernador heneral


na nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin
ng nobelangNoli Me Tangere at kanyang
hinigian si Rizal ng isang kopya ng
nasabing nobela. Walang kopyang
maibigay si Rizal dahilan sa naubos na
ang kanyang mga dala.

3.

Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang


mga dating guro na sina Padre Federico
Faura,Francisco Paula Sanchez, at Jose
Bech upang hingin niya ang kopya ng Noli
Me Tangere na kanyang ibinigay sa
Ateneo, ayaw ibigay ng mga pareng
Jesuita ang kanilang mga kopya.

4.

Pedro Payo - ang arsobispo ng Maynila


na kalaban ng mga Pilipino at nagpadala
ng kopya ng Noli Me Tangere sa rektor ng
Unibersidad ng Santo Tomas upang pagaralan ang nobela.

5.

Gregorio Echavarria - ang rektor ng UST


at katulong ng lupon ng mga guro ng
unibersidad na gumawa ng pag-aaral sa
nobelang Noli Me Tangere.

6.

Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga


guro ng UST ng rekomendasyon na ang
Noli Me Tangere ay heretikal, subersibo, at
laban sa kaayusang pampubliko.

7.

Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng


lupon ng mga guro ng UST dahilan sa
alam niyang kalaban ni Rizal ang mga
Dominikano at ipinadala ang kopya ng
Noli Me Tangere sa Permanenteng Lupon
ng Sensura na binubuo ng mga pari at
mga taong hindi alagad ng simbahan.

8.

Padre Salvador Font - ang pinuno ng


Lupon sa Sensura na nag-ulat na ang Noli
Me Tangere
ay subersibo at kontra sa simbahan at
pamahalaan. Kanyang iminungkahi ang
pagbabawal
ng pag-aangkat, paggawa at pagbibili ng
mapanirang nobela.

A. Mga Kaaway ng Noli Me Tangere


1. Padre Jose Rodriguez - prayle ng
Guadalupe na naglabas ng walong polyeto
na bumabatikos sa Noli Me Tangere. Ang
mga polyetong isinulat niya ay ipinagbibili
sa mga nagsisimba.
2. Mga Senador ng Espanya na
bumabatikos sa Noli Me Tangere.
Jose Salamanca
Luis M. de Pando
Fernando Vida
3.

Vicente Barrantes - kanyang binatikos


ang Noli Me Tangere sa kanyang
inilathalang artikulo sa pahayagang La
Espana Moderna.

A. Mga Tagapagtanggol ng Noli Me Tangere


1.

Marcelo H. del Pilar

2.

Antonio Ma. Regidor

3.

Graciano Lopez Jaena

4.

Mariano Ponce

5.

Segismundo Moret - isang Espanyol na


dating Ministro ng hari ng Espanya at
tagapagtanggol ng Noli Me Tangere.

6.

Miguel Morayta - propesor ng


kasaysayan sa Unibersidad Central de
Madrid.

7.
8.

Ferdinand Blumentritt
Padre Vicente Garcia - isang iskolar na
paring Pilipino na gumawa ng isang
polyeto na ginamitan niya ng pangalang
panulat na Desiderio Magalang at
kanyang sinagot ang mga akusasyon ni
Padre Jose Rodriguez laban sa Noli Me
Tangere at sa may akda nito.

A. Ang Pakikipagkaibigan kay Jose Taviel


de Andrade
1.

Jose Taviel de Andrade - isang tenyente


ng hukbong Espanyol na inatasan ni
Gobernador Heneral Terrero upang
magsilbing tagabantay ni Rizal laban sa
mga lihim niyang kaaway.

2.

Dahilan sa kapwa mga kabataan,


edukado, at may kultura naging ganap na
magkaibigan sina Rizal at Andrade .

3.

Nakasama ni Rizal si Andrade sa


pamamasyal, iskrimahan, at pagbaril.

A. Suliranin Agraryo sa Calamba


1.

Naimpluwensiyahan si Gobernador
Heneral Terrero ng kanyang nabasa
sa Noli Me Tangere at nagpasimula ng
imbestigasyon sa mga hacienda na pagaari ng mga prayle upang maituwid ang
mga pagmamalabis na nagaganap dito.

2.

Tumulong si Rizal sa kanyang mga


kababayan sa Calamba sa pagkuha ng

mahahalagang datos ukol sa suliraning


agraryo sa kanyang bayan.
3.

Lumabas sa pag-aaral na ginawa ni


Rizal ang mga sumusunod:

a.

ang hacienda ng mga paring


Dominikano ay sumasakop sa buong
bayan ng Calamba.

b.

Ang tubo ng mga paring Dominikano ay


patuloy na tumataas dahilan sa walang
taros na pagpapalaki ng binabayarang
upa sa lupa.

c.

Ang hacienda ay hindi man lamang


nagkakaloob ng anumang tulong
pinansiyal para sa mga pagdiriwang ng
mga kapistahan, sa edukasyon ng mga
kabataan, at pagpapabuti ng agrikultura.

d.

Ang mga kasama na siyang nahirapan


ng labis sa paggawa sa hacienda ay
pinapaalis na lamang mula sa lupa sa
dahilan lamang sa mga mababaw na
kadahilanan.

e.

Sinisingil ng mataas na tubo ang mga


kasama sa hacienda at kung hindi
nakapagbabayad ay kinukumpiska ng
mga tagapangasiwa ng hacienda ang mga
hayop, kagamitan, o maging ang bahay ng
mga kasama.

A. Pag-alis sa Calamba
1.

Dahilan sa Noli Me Tangere at


pakikialam ni Rizal sa suliraning agraryo
sa hacienda sa Calamba, si Rizal ay labis
na kinamuhian ng mga prayleng
Dominikano.

2.

Pinilit ng mga prayle ang Gobernador


Heneral Terrero na iligpit si Rizal sa
pamamagitan ng pagpaptapon sa kanya

ngunit ang gobernador heneral ay hindi


sumunod sa kagustuhan ng mga prayle.
3.

Nakatanggap ng mga pagbabanta sa


buhay ni Rizal ang kanyang mga
magulang at pinaki-usapan siya ng
kanyang mga kamag-anakan pati na ni
Tenyente Jose Taviel de Andrade na
umalis na muna ng Pilipinas.

4.

Pinatawag si Rizal ni Gobernador


Heneral Terrero at pinayuhan siya na
umalis ng Pilipinas para sa kabutihan ng
una.

5.

Napilitang umalis si Rizal sa Pilipinas


bunga ng dalawang pangunahing
kadahilanan.

6.

Napapasanganib na rin ang buhay ng


kanyang mga magulang, kapatid at mga
kaibigan.

7.

Mas higit siyang makalalaban para sa


kapakanan ng byan kung siya ay
magsusulat na malaya sa ibang bansa.

You might also like